bc

BEFORE SUNSET (KASAY SERIES)

book_age16+
8
FOLLOW
1K
READ
others
independent
student
drama
bxg
bold
female lead
male lead
realistic earth
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Peach Coraline ng hindi kumpleto ang pamilya. Mula pagkabata hanggang sa pagdalaga ay nasa puder siya ng kanyang ama. At silang dalawa nalang ang tanging pwedeng magtulungan sa lahat.

Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay doon niya naisip na walang tunay na Pag-ibig. Dahil ang pagmamahal na hinahanap ay nagsisimula sa pamilya, pero iyon ang pinag-kait sakanya ng kapalaran.

Isang araw, pagkatapos ng exams ay naisipan niyang magbakasyon sa Kasay. Ngunit hindi niya alam na may 'Pag-ibig' pa lang sasalubong sakanya na matagal ng naghihintay.

chap-preview
Free preview
BEFORE SUNSET
"IF YOU don't want to stay with me, then stay for our daughter! You know how she would feel if she found this out." I heard my dad's voice inside his office. He begged mom not to leave. "I can't Sebastian! Ayokong magpanggap sa anak natin dahil para ko na ring niloloko ang sarili ko at sakanya! Kaya mas maigi nalang na umalis ako dito. This happens for a reason, and you know that." tutol ni mama na nagpabigat sa aking dibdib. "Akala ko ba okay na tayo? " tanong ni dad sa mahina at basag na boses. I never heard that kind of voice of him. Kilala ko siya na lalaking hindi magpapatinag sa kahit anong emosyon. Na isa kang mahinang nilalang kapag nagpakita ka ng kahit konting kahinaan. I knew him as hard as rock, but this time he's not. Unti-unti kong yinuko ang aking ulo, nakatingin ako sa sahig habang nakasandal ang likod ko sa dingding sa tabi ng pinto sa labas ng office ni daddy. Hindi ko maintindihan bakit kami iiwan ni mama. Naging mabuti naman akong anak, wala akong maalala na sumuway ako sa kahit anong inuutos niya. Napaka-responsable naman ni daddy at nagbibigay lagi ng atensyon sa amin. Kaya anong mali sa akin? Kay daddy? Sa pamilya namin? Bakit siya aalis? Saan kami nagkulang para iwan kami ng ganoon lang? "Akala ko din na okay ang lahat. Pero kahit anong gawin ko hindi talaga mag wowork out 'to...Sebastian, I'm not happy anymore..." those last words was almost a whisper and I can still hear it clearly. My eyes quickly watered, I tried to blink to stop my tears from falling. But it was too late. Some tears escaped from my eyes. Parang dinadaganan ng mabigat na bagay ang aking dibdib. Ramdam ko rin ang pagbara ng lalamunan ko kaya hirap akong lumunok. Kinuyom ko ang mga kamay ko atsaka inipit ang nanginginig kong bibig para sa nagbabadyang huni ng pag-iyak. Inangat ko ang aking ulo, saglit kong narinig ang sobrang nakakabinging katahimikan. Pagkatapos ay mabilis kong pinalis ang natuyo kong luha. Naging malamig ang tingin ko na halos hindi na mabasa ang ekspresyon sa aking mukha. Hindi nagtagal narinig ko ang tunog ng takong ng sapatos ni mama na papalabas ng office ni daddy. Bumukas ang naka-awang na pinto at tinahak ni mama ang hagdan pababa ng aming bahay. Sa ilang hakbang ay naramdaman ata niya ang presensya ko roon kaya nalingon siya sa kanyang likod at nakita ako. Nagkatitigan kami ni mama. Halong lungkot, sakit, panghihina at awa ang nakita ko sa mga namumula niyang mata. Pero lahat ng iyon ay ang binalik ko ay malamig, galit, at pagkamuhi na titig sa kanya. Nakuha pa talaga niyang maiyak? Anong iniiyakan niya? Diba dapat masaya na siya? Masaya na siyang iiwan kami. Masaya na siyang aalis sa amin. Anong drama 'yan? Mukha bang nasa pelikula para umastang best actress siya? Gusto ko siyang sigawan, isumpa, o kaya saktan pero hindi ko nagawa. Lahat ng hinanakit na 'yon ay idinaan ko sa pagkuyom ng kamay hanggang sa maramdaman ko ang mga kuko kong bumabaon doon. Naging makasarili siya, at ang iniisip niya lang ay ang sarili niya. May parte sa akin na pigilan si mama, na kung pupwede lumuhod ako sa harapan niya para lang hindi kami iwan. Pero mas malaki sa parte ng kalooban ko ang galit at pagkamuhi sakanya. Kung tititigan kong maigi ang mga mata ni mama, parang nangungusap ito. Para bang doon ipinaparating ang mga gusto niyang sabihin sa akin. Hindi nagtagal ay umiwas na ng tingin si mama. Nagpatuloy siyang bumaba ng hagdan, hanggang sa marinig ko ang main door namin na magsara. She left us... No explanations... No excuses... No goodbye... Just. Like. That. Narinig ko ang sumunod na yabag galing kay daddy. Lumabas siya ng office niya at tumigil mismo sa pinto. Laking gulat niya ng malingon sa akin dahil sa inaakalang natutulog na ako ngayon sa kwarto ko. Umiba agad ang ekspresyon ng kanyang mukha, gaya ng madalas kong nakikita sakanya; kalmado ngunit strikto ang itsura. "Bakit ka pa gising Peach? Gabi na. Tara, ihatid na kita sa kwarto mo." aniya sa strikto at seryosong tono. Sa inaksyon ni daddy, parang walang nangyari. Hindi ko manlang makita o maramdaman na apektado siya sa pag-alis ni mama. Hinawakan niya ang balikat ko para igiya sana ako sa aking kwarto. "Saan pupunta si mama?" tanong ko kaya natigil si dad at dinungaw ako. Nakita ko ang pagtaas ng dibdib ni dad para huminga ng malalim. Hindi niya tinanggal ang tingin sa akin. Hanggang sa iluhod niya ang isa niyang tuhod para pantayan ako saka hinawakan ang magkabila kong braso. "Hindi ko alam." mahinang sagot ni daddy. Tinitigan niya akong maigi, at sa mga mata palang niya kitang-kita ko na kahit hindi man niya alam kung saan pupunta si mama ay may gusto siyang sabihin sa akin na hindi kayang sabihin. Sinubukan kong pigilin ang sarili kong magpakita ng anong emosyon na mapapansin ni daddy. Dahil kahit sa kanya ay galit ako. Galit ako kasi hindi manlang niya pinigilan si mama na umalis. Naging makasarili din siya dahil hindi niya ako inisip o ang pamilya namin. Wala siyang ginawang paraan para hindi kami magka-watak. Pinilit kong magpaka-inosente kahit na gusto na ng damdamin kong sumabog. "Babalik ba si mama?" tanong ko ulit na alam kong walang kasiguraduhan kung babalik pa siya. Suminghal si daddy, nagbaba muna siya ng tingin bago ibinalik ang tingin sa akin. "Hindi ko rin alam." mas lalong naging kalmado ang tinig niya. Nagkatitigan kami ni daddy napansin niya ang mga mata kong basa sa iyak. "Umiyak ka ba?" tanong ni daddy, medyo nag-aalala ang kanyang tinig. Pinunasan niya ang mga iyon gamit ang dalawang hinlalaki nito. "Nanaginip ako ng masama, kaya naiyak ako." pagsisinungaling ko. Bigla ulit may parang tumubong bukol sa aking lalamunan. Nagsisimula na namang manginig ang bibig ko sa magbabadyang pag-iyak. Luckily, mabilis ko ding napigilan at kumalma. Bahagya akong napahanga sa sarili ko dahil nakakayanan kong kontrolin ang aking emosyon ngayon. Alam ko sa ganitong edad ko ay malamang kanina pa ako humahagulgol sa iyak. Hindi rin ako naturuan na magsinungaling sa kanila o kahit na sino man. Pero dito natuto akong magsinungaling ngayon. Ang totoo niyan, para talaga akong nananaginip ng gising. Isang masamang panaginip na para ng bangungot sakin. Na hindi ko talaga aakalaing, mangyayari 'to sa amin. Inilagay ni daddy ang mga takas kong buhok sa magkabila kong tainga. "Gusto mo samahan kita sa kwarto mo?" pampagaan niya ng aking loob. Tumango ako kaagad. "Basahan mo po ako ng libro." hiling ko sakanya. Ilang segundo din bago siya tumango sa gusto ko. Binuhat niya na'ko para ipunta sa kwarto ko. Pagpasok sa loob ay agad niya 'kong hiniga sa kama saka kinumutan. Pumunta siya sa tapat ng paanan ng aking kama na kung saan naroon nakalagay ang mga storybooks ko. Kumuha siya ng tatlong libro na naka-hilera sa bedtime stories. Pumunta siya sa gilid ng aking kama at sinimulang basahan ako. Hindi pa lang umaabot sa gitna ang kwento ay unti-unti ng dumalaw ang aking antok. Tumagilid ako ng higa, sinubukan kong mag-angat ng tingin kay daddy para tignan siya na abala sa pagbabasa ng storya sakin. As I look at him, no tears were falling from his eyes. Like what happened recently was just a tiny problem to him. Why he didn't cry? Why he didn't stop mom from leaving? Why did he let our family be broken? Why is he so heartless? Sana pag gising ko, hindi ito nangyari na sana normal ang lahat. Na sana maging kumpleto ulit ang aming pamilya. "MAGANDA ba talaga doon?" tanong ni Connie sakin habang hinihintay akong matapos na ligpitin ang mga gamit sa mesa ko. "Uh-huh." inangat ko ang tingin ko sakanya. "Baka ayaw mo ng umuwi kapag nagstay ka doon." ngisi ko at binalik ulit ang tingin para izipper ang shoulder bag ko at sinabit na sa aking balikat. Ngumuso si Connie parang nagdadalawang isip na sumama sa akin. Umirap ako sakanya. "Alam mo Connie٫ hindi kita pinipilit na sumama sakin." diretsahan kong sabi. Dahil tapos na ang exam namin ay bakasyon na. Kaya sinuggest ko sakanya kung gusto niyang sumama sa akin sa resthouse namin sa Kasay. Wala ang mga pinsan kong si Sofia at Tasia sa Kasay٫ kaya ang bestfriend kong si Connie ang sinusubukan kong inaaya na pumasyal doon. Alam kong hindi siya mahilig sa mga ganoong scenery dahil more on chill sa disco bar or swimming pools ang tipo niya. Kaya kahit alam ko na ang magiging sagot niya e sinubukan ko pa din siyang ayahin sa Kasay para maiba naman. Napakamot si Connie sa ulo٫ alam ko na ang sagot niya roon. "Eeh. Sorry Lyn. Ang boring kasi kung sa dagat lang tayo. Tapos wala pang ibang mapasyalan doon. Tapos maliit 'yong mall." reklamo niya. Hindi ko ulit maiwasang umirap. Ke-arte talaga. "Bahala ka. Ni hindi mo palang nasusubukan, umaayaw ka na. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo talaga." sabi ko ng palabas na kami ng classroom. Niyakap niya agad ang braso ko habang naglalakad na kami sa hallway. "Sorry na." nanunuyong sabi sakin ng ihilig ang ulo sa balikat ko. "Tsaka alam mo namang uuwi din ang mga magulang ko next week at pupunta kami sa Batangas." Ngumiwi ako saka sinulyapan si Connie. Hindi naman ako humihingi ng maraming paliwanag eh. Sapat na iyong una niyang sinabi kanina. Kahit kailan rin 'to eh. Bumuntonghininga ako at nagpatuloy kaming naglakad. Hindi ko na siya kinumbinsi pa na sumama. Tsaka lang kumalas si Connie sa braso ko ng makarating na kami sa canteen. Pagpasok ko roon nakita ko sa hindi kalayuan ng kinatatayuan ko ang bulto ng aking pinsan٫ si Tasia. Umismid ako bigla ng makita kong sobrang yupi ang mukha sa pagkabusangot. Ano na naman kaya prinoproblema non? Nakita din ata ni Connie ang pinsan ko٫ kaya hindi na niya ako tinanong kung saan ako didiretso. Sumunod lang din sa aking direksyon. Ipinatong ko ang bag ko sa lamesahan at ganoon din si Connie. Umupo kaming dalawa sa tapat ni Tasia, four seaters 'yon 'tsaka nagsimulang hulaan ang itsura niya. Nakapangalumbaba siya at nakatingin sa ibang direksyon. Pinilit kong hanapin ang mga nag-aalab niyang mata, at sa wakas lumipat na rin ang tingin niya sakin. Tumaas ang mga kilay ko ng masalo ko ang tingin niya. Grabe ang galit at irita sa mga mata ni Tasia. "Anong nangyari? Bakit ka nakasimangot at halos sumpain mo na ang mundo sa itsura mo." panimula ko. Sumenyas sa akin si Connie na bibili lang ng aming meryenda. Tumango ako at binalik ang atensyon sa pinsan ko. Inirapan niya ako sabay bagsak sa kamay na nakapangalumbaba. "Pinapunta sina dad at mom sa principal's office. Hanggang ngayon nandoon pa rin sila kausap ang president ng school pati na ang principal." simangot niyang sagot. Kumunot naman ang noo ko. "Oh? Sino na naman ba ang naka-away mo at bakit ka na guidance?" tanong ko. Mas lalo siyang nairita saka dumaing sa inis. Para bang may naalala sa tinanong ko. "I'm going to Kasay." naiinis niyang imporma na ikinabigla ko. Tumaas ang kilay ko, i'm a bit happy kasi hindi na'ko nag-iisa. "Really? Sakto pupunta din ako doon. Sabay sabay na tayo pumunta." aya ko. "At doon ako mag-aaral ng last year of high school." mababa at mapait ang pagkakasabi ni Tasia. Mas lalo akong nabigla. Nagkibit balikat ako. "It's okay, well atleast doon ka lang mag-aaral. Kaysa naman ipatigil ka ng daddy mo na mag-aral at ipakasal agad-" hinampas niya ang dalawang kamay niya sa mesa namin. Halos mapatalon ang balikat ko sa gulat. "It's. Not. Okay, Peach." madiin ang bawat salitang kanyang sinabi. Sumandal siya sa upuan sabay halukipkip. "I don't want to stay there. Definitely not there." mataray niyang tugon sabay mabagal na pag-irap iyong bang dinadamdam ang pag-ikot ng mata niya. Tinitigan ko lang si Tasia na miserable ngayon. Parehas sila ni Connie, palibhasa laking Maynila kasi. Ayaw tumatapak ng probinsya. Pero maalala ko noon pumunta na siya sa Kasay, bata pa kami non. Pero hindi rin sila nagtagal dahil marami siyang nakaka-away roon. Palaban kasi si Tasia, lalo na kung alam niyang nasa tama siya. Mataray at may pagka-suplada man ang ugali niya, kung gugustuhin mong kilalanin siya ay meron din naman siyang mabuting katauhan. Nakita na namin iyon ni Connie, kaya hindi namin siya hinuhusgahan agad. Lumagpas ang tingin ni Tasia sa akin kaya naman sinundan ko kung nasaan siya tumingin. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko sa pintuan sa labas ng canteen sina Tito Armando kasama si Tita Amanda. Madilim ang mukha ni tito, samantalang si tita eh kalmado. Kumaway ako sa kanilang dalawa at ganoon din sila sa akin. Padarang na tumayo si Tasia kaya nabaling ako sakanya. Kinuha niya ang cream prada handbag niya at naiinis na pumunta sa kanila. Sinundan ko pa ng tingin si Tasia, naunang lumabas si tito at sumunod naman si tita. Huling lumabas si Tasia, hindi na niya ako nilingunan pa para magpaalam. Mukhang masama ang pakiradam ko para kay Tasia. "Oh, nasaan si Tasia? Binilhan ko rin siya ng meryenda eh." tanong ni Connie ng makabalik siya bitbit ang isang silver tray na may tatlong fresh juice at corndogs na meryenda. Bumaling ako sa kanya ng may pag aalalang mukha. "Umalis na siya. Dumating na mga magulang niya para sunduin siya." malungkot kong tugon. Nagkibit ng balikat si Connie saka inilapag ang tray na may fresh juice at corndogs na binili. Wala na kaming napag-usapan pagkatapos non. Tahimik na kasi akong kumakain at ayaw ni Connie na iinterupt ako sa ganoong momentum ko. Ewan ko ba bakit nanahimik ako pagkaalis ng pinsan ko. HALFDAY ang exam namin noong araw na 'yon. Hindi pa ata umaabot ng alas dose ng pauwiin na kami ng aming guro. Nagpasya na kami ni Connie na maghiwalay na pagkatapos non dahil mag-hahanda pa ako ng mga gamit na kakailanganin ko papuntang Kasay sa susunod na linggo. Sa sobrang excited kong mag-impake dalawang malalaking maleta ang nahanda ko. Baka hindi lang isa o dalawang linggo ang pamamalagi ko sa Kasay. Baka nga hanggang sa nalalapit na pasukan ay mananatili ako doon. Nagdagdag pa ako ng isang maliit na maleta na pagla-lagyanan ko ng mga susuoting party attires sa nalalapit na family reunion na gaganapin sa Resort nina Tasia. Lahat ng mga Del Arfuentes family ang dadalo sa reunion kaya hindi ito simpleng okasyon lang. At ito'y paghahandaan. Ang tagal rin noong huli akong pumunta sa rest house namin. Pinakahuling punta namin doon eh noong kumpleto pa kaming pamilya. Magmula kasi ng umalis si mama hindi na naulit ang pag-pasyal namin roon. Siguro dahil maaalala lang ni daddy iyong mga masasayang ala-ala kasama si mama. Na kahit ako rin siguro ay hindi maiiwasang maka-ramdam ng lungkot kung magbalik man ako sa lugar na 'yon. Inupuan ko ang huling maleta ko at pilit na zini-zipper 'yon para magkasya ang mga damit na nasa loob. Halos maluwa na kasi ng bagahe ko ang laman nito pero pinipilit ko pa rin pagkasyahin kasi ayoko ng mag-bawas pa ng gamit. Narinig kong may kumatok sa aking pintuan. Bumaling ako roon at makitang si daddy 'yon. "Mukhang napa-aga ang pag-impake ah." nakangiting wika ni dad ng pumasok siya sa kwarto ko. Pumunta siya sa pwesto ko saka lumuhod sa harapan ko. Alam ko na ang gagawin niya kaya itinaas ko ang mga paa ko at nag-indian sit sa ibabaw ng maleta. Walang kahirap-hirap niyang isinara 'yon, pagkatapos non ay tumingin siya sakin. "Si Rico ang maghahatid sa'yo sa Kasay." sabi ni dad na ikinakunot ng noo ko. Medyo nagulat ako ng sinabi niya 'yon. "Hindi ka sasama?" nagtataka kong tanong. Inipit ni dad ang mga labi nito saka huminga ng pagka-lalim. "Hindi eh. May mga urgent meetings ako, tsaka may mga a-attendan akong business occasions at kailangan kong dumalo." tugon niya na hindi ko naman pinaniwalaan. Nalungkot ako, pero mas nangibabaw ang matabang kong ekspresyon sa mukha ng sabihin ni dad 'yon. Bumaba ang tingin ko sa aking mga daliring naglalaro saka ginalaw-galaw ang panga ko. Alam kong may mas malalim siyang rason bakit ayaw niyang sumama sa akin sa Kasay. Dahil iyon kay mama. At masasabi ko ngang hindi pa nakaka-move on si dad sakanya. Hindi naman ako mang-mang para hindi mag-isip ng ganoon. Kasi kahit ako rin eh si mama talaga ang unang maaalala ko kung bumalik man ako roon. "Was it about mom also?" tanong ko sa mapait na boses saka ko inangat ang tingin sa mga mata ni dad. Suminghap lang si daddy. Hindi niya ako sinagot sa simpleng tanong. Hindi na'ko nagpumilit pa sakanya, at ayokong humantong kami sa dramahan. Tinitigan ako ni dad ng matagal, pinagmasdan niya ang buo kong mukha. Sa titig nito'y parang may naaalala. Hinaplos niya ang ulo ko saka sinuklay ang aking buhok gamit ang mga daliri nito at ipinunta iyon sa aking likod. "Enjoy your vacation, Peach." wika ni dad sa banayad na boses. Malungkot akong tumango. Alam kong gustong-gusto na ni dad pumunta ng Kasay, pero hindi pwede. Hindi pwede dahil hindi pa siya humihilom sa nakaraan. At hindi ko rin naman siya masisisi doon. Nagpaalam si dad at umalis kaagad pagkatapos ng aming pag-uusap. Ewan ko ba, bakit bigla akong na blangko at natulala ng ilang minuto. Parang may sumagi sa isip ko pero hindi nag function. Nang maramdam kong bumalik ako sa ulirat ay pinilig ko ang aking ulo saka mahinang umiling. Marahas akong napabuntong hininga tsaka tumayo para iabala ulit ang sarili sa pag-aayos ng iba ko pang mga gamit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook