CHAPTER 1

1660 Words
BEATRIX May kausap ang dalagang si Beatrix na mga bagong staff ng hotel sa loob ng opisina niya. May pinahabilin siya sa mga ito, kung ano ang dapat gawin ngayong araw na ito. Bawat isa sa kanila ay may itinalagang trabaho. Binigay niya ang detalye kung ano ang mga kailangan, at hindi kailangang gawin. "Lahat ng mga kasamahan ninyo sa paglilinis ng mga kwarto ay kailangan ninyong siguraduhing malinis lahat ang nasa loob. Panatilihin ang kalinisan sa buong gusali para maganda ang impression ng ating mga bisita, at customer dito sa hotel, at maganda ang feedback sa atin." Seryosong nakatitig siya sa mga staff ng hotel. "Ilang ulit ko nang sinabi sa inyo, na dapat maging magalang kayo sa lahat. Pahabain ninyo ang pasensya dahil may makakasalamuha tayong mga guest na iba't-ibang ugali." Seryosong tiningnan niya ang bawat isa sa kanila. " Opo, ma'am. Nasisiguro po namin na malinis lahat ang buong paligid, " nakangiting tugon sa kanya ng housekeeping manager, at maging magalang sa mga guest natin." Napangiti siya sa sinabi nito. Alam niyang magalang, at mahaba ang mga pasensya ng mga tauhan ng hotel. Bago nila pinapasok ang mga bagong hired na staff ay dumaan sila sa isang buwang training bago nila ito pinapasok sa field. Ang pinakaimportante sa kanila ay magalang, magaling sa time management, marunong rumespeto sa kapwa, matulungin, at mahaba ang pasensya. Hindi nila kontrolado ang oras o ang problemang darating kapag magkaaberya ay agad nilang solusyonan para hindi abala sa kanilang guest. Hindi nila maiiwasan talaga na may mga guest na hindi maintindihan ang ugali. Kahit na inis na inis ka na, at gusto mong bulyawan, pero hindi pwede. Be nice to their guest, at ipakita sa kanila ang magandang intensyon para babalik, at babalik sila rito. "Ang mga banyo na recheck ninyo na ba? " tanong niya rito. Buong kompiyansang tumango ito sa kanya. "Kapag may problema ay kaagad ninyong tawagin ang incharge. Naintindihan ninyo ba ako?" "Okay na po, ma'am. Pati loob ng banyo, at lahat ng kagamitan sa loob ay nalinis na namin." Tumango siya rito habang nilapag ang hawak niyang papeles. Kailangan na niyang ipasa ang mga papeles sa HR Department. Kaagad siyang tumingin sa Hotel Maintenance Engineer. "Wala bang problema sa bawat kwarto o ibang bahagi ng gusali? " "Wala na po, ma'am. Sinisiguro po namin na maayos ang mga equipments, at double check po namin ang iba pang kagamitan para walang problema." Napangiti siya sa sagot ng isa sa staff ng hotel, at tumango siya rito. "Sige, pwede na kayong bumalik sa inyong trabaho para maaga kayong makapagpahinga." Nagpaalam na ang mga itong umalis na, at pumunta na sa kani-kanilang trabaho. Siya naman ay tinuloy ang pagbabasa at recheck ang papeles para dalhin sa Human Resource Department. " MA'AM B-BEATRIX! " Napaangat ang kanyang tingin nang marinig niya ang hinihingal na si Criselda habang sapo nito ang dibdib. "Bakit hinihingal ka riyan? May naghahabol ba sa'yo?" takang tanong niya rito. Napakunot ang noo niya nang makita niya ang itsura nito na para bang ilang milyang tumakbo sa mukha ng kaharap. "Ma'am, may problema po, may galit pong guest sa Presidential Suite Room 4, at pinapunta po kayo roon," paliwanag nito habang pinakalma ang sarili. Kumunot ang noo niya. Kasasabi o kakatanong lang niya kanina kung may problema ba sa mga kwarto o naayos ba nila ang dapat ayusin, ang sagot naman ng mga staff ay wala. Ano itong natanggap niyang reklamo? "Bakit may nasira ba o may hindi nagustuhan sa silid?" nagtatakang tanong niya sa kaharap. Imposible talagang may nasira. Bago nila pina-check in ang mga guest, sinisiguro nilang walang problema ang bawat kwarto. "Meron po, ma'am. Ang nakapagtataka lang ay double check naman po lahat ang mga kagamitan doon. Bago pinacheck-in si Mr. Schrute, " paliwanag nito sa kanya. Halatang naguguluhan din ito sa nangyayari. "Kung wala, ano na naman ang nasira roon?" "Hindi ko rin po alam, ma'am, " kumibit-balikat nitong sabi. Napabuntong-hininga na lang siya sa sinabi nito. "Sige, pupuntahan ko na ngayon para maresolba ang problema." Tumayo siya, at iniwan ang papeles na dapat sana'y matapos niya ngayon. Kaagad siyang lumabas sa kanyang opisina, at nagtungo siya sa elevator. Pinindot ang 38th floor, kung saan ang palapag ng presidential suite. Every seconds of waiting ay hindi siya makapaghintay na makita ang problemang sinasabi ng guest. When the elevator tinged ay agad siyang lumabas, at nagtungo sa pang-apat na numero ng kwarto. Pumunta na siya sa kung saan ang nagreklamong guest nila. Nang nasa harapan siya sa Room 4 ay akmang pipindutin na sana niya ang doorbell ng silid nang makita niyang nakabukas ito kaya pumasok na siya sa loob. Nasa pintuan pa lang siya ay narinig na niya na may sumisigaw galing sa kung saan. Hinanap niya kung saan niya narinig ang boses na iyon. Pagliko niya sa kanan kung saan ang sala ay nakita niya ang nagpupuyos na galit ng lalaki. Pinagalitan ng guest ang mga staff niya. Napailing siya. Umaga pa lang ay ito na ang bumungad sa kanila. May panibagong guest na naman ang nag-hysterical, kung magalit parang wala sa harapan nito ang kausap. " Papuntahin ninyo ang manager dito sa suite ko. Gusto ko siya ang humarap sa akin,” mariin nitong pagkakasabi. Nakita niya na namumugto ang ugat nito sa leeg parang kulang na lang sasakmalin nito ang kausap. Napabuntong-hininga, at napailing na lang siya. May mga tao talagang idinaan sa init ng ulo. Puwede namang mahinahon ang pakikipag-usap. Hindi iyong pasigaw. "Good Morning, sir," nakangiting bati niya rito. "What's happening here?" she directly asked when she entered the room. She saw a drop-dead good-looking man, and a Greek god in front of her who yelled to her co-worker. The man was 6 ft., and 2 inches tall. Nahiya naman siya sa height nito. " Who the hell are you!? " He looked at her intently. " Sir, I am Bea- " pinutol nito ang sasabihin niya. Bahagyang napaawang ang kanyang bibig dahil sa bastos ng kaharap. Hindi man lang siya pinatapos magsalita. " I'm not asking your name! " "Sir, you asked me who the hell am I? Sir, kaunting respeto lang po. Pwedeng patapusin ninyo muna ako, bago ka magsalita? " Ang boses niya ay hindi pasigaw kung 'di mariin ang pagkakasabi niya. Lumaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya na para bang hindi makapaniwala sa narinig. Anong akala nitong lalaking ito, tatahimik na lang siya at hindi sumagot? Puwes hindi niya ito uurungan. Buwisit na guest 'to. "I am Beatrix, the manager of this hotel, " mariin na sabi niya. "Could you just explain it to me? Why are you yelling at my coworkers? Pwede ka namang mahinahon magsalita, sir. Hindi na kailangan na pa bulyaw. Kung gusto ninyong respetuhin kayo dapat marunong ka ring rumespeto." Kumunot ang noo niya nang makitang wala itong kareaksyon sa sinabi niya. "Sir? " Winawagayway niya ang kamay sa harapan nito dahil natulala na lang ito bigla. Napakurap ito, at biglang ngumisi na parang tanga sa harapan niya. "You know what, Ms. Beatrix, am I right? " Tumango siya, at lumapit ito sa kanya. "Sir, could you please tell me what's going on here?" malumanay niyang tanong bago siya umatras, at bumaling sa katrabaho niya. " Jason, and Claire, you may proceed to your next duties ako ng bahala rito.” Tumango ang mga ito, at tumalikod na rin para lumabas ng silid. Sila na lang dalawa ng lalaki ngayon. Bumaling siya sa kaharap niya na kung saan ang laki ng ngisi ngayon. "Sir, I have asked you, but you didn't respond. I'll ask you again, what's going on here?" Hindi ito sumagot sa kanya. Pinagmasdan lang ng guest ang buong katawan niya, at nilalaro-laro ang labi nito. Napataas ang kilay niya sa klase ng pagtitig nito sa kanyang katawan. Halatang may pagnanasa talaga ang mokong na ito. Pinipigilan lang niya na hindi bulyawan ang kaharap dahil ayaw niyang humantong na aabot sa itaas ang problema. "Sir," untag niya rito. "Bingi ka ba? Bakit hindi ninyo ako naririnig? " Umiiling ito, at patuloy pa rin sa kakalaro sa pang-ibabang labi. "Sir, if you don't mind me asking, are you a p*****t?" Wala siyang pakialam kung na-offend ito sa tanong niya. Kasi sa kinikilos nito ay sobrang manyak. "Oh, wait!" Tinaas nito ang dalawang kamay, at tinuro nito ang sarili. "Miss, are you referring to me?" "Tinatanong pa ba iyan, kung sino ang kausap ko rito?" Tinaasan niya ito ng kilay, at aliw na aliw naman itong nakatitig sa kanya."Sir, if you don't have a problem in our suite, I have a lot of responsibilities. May I go now?" she spoke with complete disregard for the fact that she sounded harsh. He smirked, and stared at her as if she was already naked. He seemed to be able to see past her layers of clothing. "I have a problem with my suite, Miss Beatrix.” Unti-unti itong lumapit sa kanya. Kada salita ay aabanti ito, at siya naman ay aatras. Please allow me to remind you, sir, that everything in this suite has been checked, and there is no issue. Ano po ba ang irereklamo ninyo dito sa loob ng suite na ito?" Nakakawalang gana itong lalaking nasa harapan niya. Ang sarap sakmalin ang pagmumukha nito. "I have a complaint, which is why you are here to fix the issue," seryosong sambit nito. "Ano?" Nakakaubos ng pasensya ang taong ito. " You are my problem, " diretsang sabi nito sa kanya. Napaawang ang kanyang bibig sa kanyang narinig. "Ano bang problema ng lalaking ito para papuntahin siya rito? " tanong ng kanyang isip. "Kung wala kayong magawa sa buhay, ako po meron. Pwede na po ba akong umalis? Kung wala kayong sasabihin, at walang patutunguhan ang pag-uusapang ito ay lalabas na po ako." Tumalikod na siya, at dire-diretsong lumabas sa silid nito,at padabog na sinara ang pintuan. Buwisit! Nakakasira ng ganda ang lalaking manyak na iyon. Gwapo nga manyak naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD