CHAPTER 2

2032 Words
BEATRIX KRING! Nagmamadaling lumabas ng banyo si Beatrix. Nakatapis lang siya ng tuwalya sa katawan dahil kagagaling lang niyang maligo. Naglakad siya patungo sa kama para kunin ang cellphone na tumutunog. Akmang kukunin na sana niya iyon nang bigla na lang tumigil kung sino ang tumawag sa kanya kaya kumibit-balikat na lang siya. Tatalikuran na sana niya ng tumunog ulit iyon kaya dinampot niya, at sinagot ang tawag ng kanyang ina. "Hello, Ma?" bungad niya sa kabilang linya na may malaking ngiti sa mga labi. [Hello, anak? Kumusta ka na?] malambing na bati nito sa kabilang linya. Tinapat niya muna ang phone sa tainga niya, at inipit sa balikat bago niya ito sinagot. "I'm okay, Ma. Kayo riyan?" tugon niya rito. Habang nag-uusap sila ay nagbibihis din siya ng damit. [Okay lang kami, dear. So, how's your work?] "Better than good, Mama. Kaya lang may asungot kaming guest na nakakaubos ng pasensya. Ang sarap sakalin, Ma," sumbong niya rito. Close kasi sila, at bini-baby pa siya ng mga ito kahit ang tandang-tanda niya na. May dalawa siyang kapatid na lalaki sina Kuya Vince, at Kuya Nate. Siya ang bunso sa magkakapatid. [Anak, masama iyan. Saan na ang sinasabi mong habaan ang pasensya? Ikaw din naman pala ang sumuway,] natatawang sabi nito kaya napasimangot siya. "Ah, Mama… alam ninyo naman ang ikli ng pasensya ko sa mga taong hindi alam kung paano rumespeto sa kapwa," pangangatuwiran niya sa kanyang ina. Patapos na siyang magbihis, at kaagad siyang umupo sa harap ng salamin. Naglagay siya ng kaunting make up para presentable siyang tingnan. [Anak, alam ko naman iyan. The guest is always right, ] malumanay na pagkakasabi nito sa kanya. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "How sure are you, Ma? Guest is always right? Kadalasan pa nga sila ang may ginawang mali. Ginawa naman po namin ang lahat para maging komportable silang tumuloy sa aming hotel. Ang ayaw ko kasi na sinayang lang ang oras ko, at pati ang mga staff namin ay inaagrabyado. Hindi na po iyan tama. Nakakaasar!" nakasimangot niyang sabi, at tumayo na para lumabas ng silid. Kinuha niya muna ang pouch sa kama, at lumabas na. Bumaba na siya, at naglakad patungong kusina. [Anak, pagpasensyahan mo na. Hindi naman kasi natin sila mapipilit na maging maganda ang pag-uugali nila. May mga tao talagang hindi mo maintindihan sa kung anong aspeto. Sa kaliit na bagay pinapalaki pa. Maiba ang pag-uusapan dear, gwapo ba iyang guest ninyo? Baka siya ang maging mapangasawa mo.] Napaismid siya sa klase ng pananalita nito. Ayan na naman ang ina niya, magsisimula na naman siyang ipagtulakan dahil malapit na raw siyang maging gurang. Diba ang galing ng nanay niya? Ipagtulakan talaga siya. Nag-uusap kasi sila noon, tungkol sa napangasawa nito si Papa. Dapat daw maging katulad ni Papa. Maganda ang ugali, maalaga, responsableng ama, at higit sa lahat ay mahal na mahal sila. Pinaramdam ng kanyang ama kung gaano sila kaimportante sa buhay nito. Kung paano naging makulay ang buhay ng Nanay niya nang dumating ang ama niya. Sana nga makahanap siya na katulad ng ama niya. Hindi naman siya nagmamadaling maghanap ng katulad ni Papa. Sa kanya lang ay maghihintay siya sa tamang panahon na ibigay sa kanya ang karapat-dapat na lalaki. [Anak, sagutin mo ang tanong ko, gwapo ba siya?] She rolled her eyes. Hindi talaga siya titigilan ng ina niya sa kakatanong kung gwapo ba o hindi. Napailing na lang siya sa tanong nito. Oo, gwapo nga. Pero, hindi niya sinagot dahil alam niyang aasarin na naman siya ng kanyang ina. "Hindi." [Weeh? Hindi nga? Sure ka ba riyan anak?]" Nahihimigan niya ang boses na nang-aalaska na naman. "Oo, gwapo, Mama. Hindi ka talaga titigil sa kakaasar sa akin 'no?" nakangiwing sagot niya, pero ang sa kabilang linya kung makatili ay kulang na lang lalabas ang dumi sa tainga niya. Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa kusina. Muntik na siyang mabangga sa pintuan kung hindi siya tumingin. Padabog siyang umupo sa upuan nang marinig niyang tumawa ito. Halatang naaliw ito sa kakaasar sa kanya. Ang galing talaga. Ginawa pa siyang taga aliw ng Mama niya. "Mama, tumigil ka nga. Sige Ma, bye. Kakain na ako. " Humahalakhak lang ito habang siya lalo siyang napasimangot. Siya talaga ang palaging pang-aliw dito, pero masaya rin naman siya na nakausap niya ang kanyang ina, at napatawa ito nang dahil sa kanya. "Oh, Hija, nakasimangot ka na naman. Tingnan mo, ang ganda nang umaga o," natatawang bungad ni Manang, at tinuro ang bintana. Kitang-kita niyang maaliwalas ang sikat ng araw. Hindi niya naman ramdam ang sikat ng araw kung bad trip siya ngayon. "Hay, naku Manang, si Mama kasi nang-aasar na naman," reklamo niya rito kay Manang. Si Manang Coring, matagal ng nagtatrabaho sa kanya kaya close nga sila ni Mama. Minsan bumibisita ang kanyang mga magulang dito para kamustahin siya. "Hindi ka na nasanay sa Mama mo, naglalambing lang iyon," natatawang saad nito habang tinapik nito ang kanyang pisngi. Napanguso na lang siya, at walang nagawa kundi napahinga na lang ng malalim. "Sige na Hija, kumain ka na riyan. Mahuli ka pa sa trabaho mo niyan." Nakita niyang nakahanda ang almusal sa mesa. Hindi niya kasi napansin dahil sa kakamaktol niya. Tumayo na siya at kumuha ng plato, at kubyertos. "Ikaw, Manang, wala ka bang balak kumain ng agahan?" Baling niya rito, at umupo na sa upuan. "Hindi na, hija, tapos na ako," tanggi nito sa kanya. Tango na lang ang sinagot niya dahil nagsimula na siyang kumain. Kanina pa siya nagugutom dahil sa kinausap siya ng kanyang ina. "Sige, doon muna ako sa sala.” Tumango lang siya dahil puno pa ang bibig niya ng pagkain. Mga ilang minutong kumain ng agahan ay kaagad niyang nilinisan ang pinagkainan niya bago siya lumabas ng kusina. "Manang, papasok na ako," paalam niya kay Manang Coring. Napansin niya na hindi nito narinig ang kanyang sinabi kaya dumiretso na siya palabas ng bahay. Alam naman niya kapag nagsimula na itong manood ay ayaw magpadisturbo sa pinanonood nito. Ganoon si Manang Coring, paghaharap sa television walang pakialam sa paligid nito. Hinayaan na lang niya kung saan ito masaya. Pinaandar niya na ang kotse, at sumakay na patungo sa kanyang tinatrabahuan. ***** STEVEN "Dude, nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" reklamong tanong ng kaibigan niya. Hindi niya ito pinansin dahil abala siya sa kanyang ginagawa. Nakatuon kasi ang atensyon sa kanyang binabasa. "DUDE!" rinig niyang sigaw ng kanyang kaibigan. "HUH?" walang ganang napatitig siya rito. Nakita niya na nakabusangot ang pagmumukha ni Marc. Imbes na pansinin ang kaibigan ay pinagpatuloy lang niya ang pagbabasa. "Nakikinig ka ba?" Hindi siya sumagot dahil hindi naman talaga siya nakikinig. Wala nga siyang alam kung ano ang pinagsasabi nito kanina. Bumuntong-hininga ito, at inilagay ang mga papeles sa mesa. "Kanina pa kita napapansin dahil natulala ka na lang diyan. Nagsasalita ako rito, pero hindi ka naman nakikinig sa mga pinagsasabi ko tungkol sa proposal ko sa'yo," nayayamot na sabi ni Marc sa kanya. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo, at tumingin siya rito. "Dude, paano ako makikinig sa'yo kung iyong isipan ko ay lumilipad sa kung saan." Napatanga, at nagtatakang tumingin ito sa kanya. Napailing na lang ito at nadismaya sa rason niya. "Lumilipad ba ang isip? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ah.” Napakamot ito sa ulo. "Tingnan mo ito. Hindi makaintindi kung ano ang sinasabi ko," maktol niya rito. "Klaruhin mo nga ang mga sinasabi mo.” "Sabi ko, may gumugulo sa isip ko ngayon, Marc.” Napailing siya. "Mali, hindi sa isang bagay kung 'di sa isang tao.” Naguguluhan na siya ngayon. Hindi niya malaman kung bakit nagpapagulo sa kanyang isipan ang imahe ng dalaga. Una pa lang niyang nakita ang dalaga na nagtatrabaho bilang isang Manager ng hotel ay natamaan agad siya rito. Tamang magkagusto sa isang beses mo lang nakita? Baka nga infatuation lang itong nararamdaman niya. Naalala niya kung saan niya unang nakita si Beatrix. Kakapasok pa lang niya sa hotel kung saan nakaharap siya sa front desk. Dumaan sa gilid nila ang dalaga, at naagaw nito ang atensyon niya. Hindi niya namalayan na matagal na pala siyang nakatitig dito kaya tinawag ang kanyang atensyon ng isang front desk. "Sir? " Napabaling ang atensyon niya sa kaharap para tanungin ito. "Who is she? " Nagtataka ito sa tanong niya kaya tinuro niya kung saan dumaan iyong babae. "Sino po ang tinutukoy po ninyo? " "Iyong babaeng dumaan dito kanina," paliwanag niya. Gusto niyang malaman kung sino ito. Hindi niya malaman ang kanyang sarili, kung bakit niya gusto niyang makilala iyong babaeng dumaan kanina. Umaaliwalas ang mukha nito nang maintindihan ang kanyang tanong. "Si Miss Beatrix po, Manager ng hotel. " Tumango siya, at ngumiti nang marinig niya ang pangalan ng dalaga. "Beatrix… " bulong niya sa kawalan. Napailing siya nang maalala niya ang dalaga. Apat na araw na niyang hindi ito nakikita. Napabuntong-hininga na lang siya, at tumingin sa kaibigan. "Iyan ang klaruhin mo. Hindi 'yong sarili mo lang ang nakakaintindi. Tungkol ba iyan sa babae?" tanong nito habang may hinahanap na papeles sa mesa. "Oo, babae." Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil ito ang unang beses na natamaan talaga siya ng husto. Parang ginayuma siya ng dalaga. Hindi niya malaman kung bakit, at kung anong rason. Bakit siya nagkaganito? "Iyan ba ang problema mo? 'Di maghanap ka riyan. Maraming naghahabol at lumalapit sa'yo," baliwalang sabi ni Marcello sa kanya. Iyong tono ng boses ng kaibigan ay parang hindi big deal dito ang tungkol sa natamaan siya sa isang dalaga. Tiningnan niya ito. Abala ang mga mata nitong naghahanap ng papeles sa mesa. "Nandito ka lang pala.” May kinuha itong black folder, at binuksan iyon. "Hindi, Marcello. She's different from any woman I've known before. I think she's the one for me," seryosong pag-amin niya sa kanyang kaibigan. Mayroon pa siyang gustong makuha sa dalaga, at iyon ay ang kunin lahat ng atensyon nito. Kunot ang noong napatitig ito sa kanya. Ang mga mata nito'y kuryuso sa sasabihin niya. "Anong iba siya sa ibang babaeng nakilala mo? Lahat naman kasi sa'yo pareho lang. Wala naman magkaiba," kunot-noong sabi nito na halatang naguguluhan sa sinasabi niya. "Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko, Marcello. Alam mo, pagkakita ko pa lang sa kanya ay pumipintig ng mabilis ang puso ko," paliwanag niya sa kaibigan sa totoong nararamdaman niya. Inilagay ang palad niya sa kaliwang dibdib na para bang sigurado na siya sa kanyang naramdaman para sa dalaga. "Oh, tapos love, at first sight kaagad? Sus, Dude, libog lang iyan.” Tumayo ito, at bitbit ang lahat ng papeles na nakakalat sa mesa. May binigay ito sa kanyang papeles kaya tinanggap niya ito. Binasa niya ang nakasulat kung saan makakatulong sa kanyang negosyo. "Steven, iyan ang proposal ko.” tumango siya rito, at pinagpatuloy niyang binasa ang nakasulat sa papeles.Tell me if you disagree or agree. So I can change the plan." Marcello, your ideas are amazing and on-point. This will become popular in this nation. This is fine and I'm ready to sign the agreement. I will absolutely contribute to your new project. I'll give you 500 billion, and I believe in you." He handed him a bank cheque that he had already signed. Marcello, a friend of his, grinned widely as if he had just won the lottery. Marcello is one of his true, and loyal friend. Hindi siya sisiraan, traydurin o kalabanin sa kung anong bagay. Ito ang matalik niyang kaibigan noon pang Senior High pa sila. He's one of his buddies na tutulungan siya sa kahit anong paraan. He will never give up on anything and won't quit till his passion is fulfilled na alam nitong may pag-asa, but he's different from him. He also shrugged his shoulders. "Thank you so much, buddy. Don't worry about this project; I'll make sure it's a huge success in our country or even all of Asia. I have to go right now since I have a prior engagement." Tumango lang siya sa sinabi nito, at lumabas kaagad ito sa opisina niya. Bumuntong-hininga siya, at napatingala sa kisame. "Miss Beatrix Santino, you are an interesting woman and challenging to me." He smiled mischievously at that thought.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD