BEATRIX POV Napatigil siya sa paglalagay ng ulam sa mangkok, nang marinig niyang tumunog ang telepono sa sala. Lumapit muna siya sa mesa at kinuha ang bimpo para punasan ang kamay niya. Kaagad siyang lumabas sa kusina at naglakad patungo sa sala. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kaba. Para kasing may hindi magandang mangyayari. Sino namang tatawag sa kanya? Napatingin siya sa orasan at nakita niyang mag-aalas-sais pa ng umaga. Ang aga namang tumawag sa kanya. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganitong oras? Imposible naman ang mga Kuya at mga magulang niya dahil tulog pa ang mga ito. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya kinuha ang telepono at sinagot iyon. "Hello?" [Hija, si Tita Emilia mo ito,] "Ikaw pala iyan Tita, napatawag kayo?" takang

