BEATRIX POV Hindi kumatok si Beatrix sa pintuan ng opisina ni Steven Schrute. Walang-babalang pumasok siya sa loob ng opisina nito. Walang kangiti-ngiting humarap siya kay Steven, na nakangisi lang sa kanya ngayon. Ang sarap ipamukha sa lalaking ito, na wala itong karapatan sa anak niya. Noon pa lang, ito na mismo ang tumaboy sa sarili nitong kadugo. Ang sarap lang talagang magmura sa harapan nito. Kung wala siyang kailangan sa lalaki, hindi talaga siya pupunta rito. "What are you doing here, Ms. Santino?" nakangising tanong nito sa kanya. "Don't you acquire manners to knock before you come in?" mapanuyang saad ng kaharap. "Alam mo kung ano ang pakay ko, Mr.Schrute and I do know what manners mean. Kaya huwag mo akong pagsabihan ng ga

