Krystal's POV "So! Anong balak n'yo?" tanong ni Kim nang sabihin namin sa kanila ung nangyari nitong nakaraang araw. May bigla kasing tumawag kay Theo na bahay ampunan at may batang iniwan doon na sa kanya hinabilin pero hindi n'ya sigurado kung aampunin n'ya. Sabi naman namin ni Harold kung ayaw n'ya kami na lang ang aampon, wala namang masama. Bata iyon at mahalagang buhay, okay lang naman sa amin ni Harold na mag ampon muna habang hindi pa kami binibiyayaan. Baka dahil sa batang ito, makita na handa na kaming magulang. "Ewan ko kay Theo e, sabi namin kung hindi n'ya kukunin, kami na lang ang aampon.. gwapo pa naman ng bata! Blue eyes!" saad ko tapos ngumuso. Napatingin kaming lahat sa pinto nang pumasok sila Nicole. Katulad nitong nakaraan, malayo pa din ang agwat nila sa isa't is

