bc

You're Still The One (Greatest Memories #2)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
BE
family
love after marriage
friends to lovers
playboy
neighbor
drama
sweet
bxg
bold
city
office/work place
enimies to lovers
secrets
addiction
actor
civilian
like
intro-logo
Blurb

Sa ilalim ng Hamman Entertainment, isang bagong generation ng idols ang sabay-sabay na pinagsama sa iisang mundo ng stage, training, at spotlight. Sa gitna ng lahat, si Andreann “Andrea” Smith Dalton, anak ng dalawang sikat na artista, muling humarap sa buhay na hindi lang tungkol sa fame—kundi sa mga damdaming unti-unting gumugulo sa kanya habang lumalaki siya sa industriya.Kasama niya ang mga childhood friends, bagong trainees, at ang P-pop girl group na unti-unting nagiging pamilya—at minsan, unti-unting nagiging kompetisyon. Sa bawat rehearsal at performance, may mga tahimik na tingin, hindi sinasadyang closeness, at mga damdaming mahirap iwasan.Muling bumalik sa eksena si Jin Woo, ang taong matagal nang parte ng kanyang nakaraan. Sa simula, simpleng reunion lang ang lahat—casual talks, awkward moments, at konting ngiti. Pero habang tumatagal, mas nagiging komplikado ang bawat pagkikita, lalo na kapag ang nakaraan at kasalukuyan ay hindi na kayang paghiwalayin.Sa loob ng girl group project, may pressure, inggit, at unti-unting pagbitak ng trust sa pagitan ng magkakaibigan. May mga araw na puno ng saya, pero mas madalas ang bigat at katahimikan na hindi nila masabi sa camera.Habang lumalakas sila sa industriya, mas lumalalim din ang personal na laban—sa pagitan ng friendship at rivalry, career at feelings, at ng mga desisyong hindi madaling piliin.At sa dulo, isang tanong ang natitira: kapag lahat ng alaala bumalik at lahat ng tao nagbago na—may matitira pa bang “tayo”?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Photo Leak / Public Reaction Chaos
Nagulat ako nang mag-viral sa social media ang picture na magkasama kaming dalawa. Hindi ko maintindihan kung ano ang motibo ng nag-post nito. Kuha ang picture noong kasama ko ang magulang ko sa show at dinalaw ako ni Jin dahil nagkataon na malapit din doon ang location ng show niya. Halos lahat ng reporter gustong makausap ako kahit ilang beses na akong umiwas. Ayokong magpa-interview sa kahit sino dahil naiirita na ako sa kanila, pero hindi sila tumitigil. Saan ba nanggaling ang picture na kumakalat sa social media? Nasa loob ako ng dressing room ni mommy at doon nagtago dahil sunod-sunod ang media at reporters na gustong magtanong tungkol sa viral picture. Tinawagan pa ng handler-manager ko ang director ng taping namin ngayon para sabihing huwag muna akong palabasin. Huminga na lang ako nang malalim. Ayokong magpaapekto sa mga kumakalat na issue tungkol sa amin ni Jin. Okay naman ang relasyon namin at kung may namamagitan man—secret pa rin talaga. "Sila na ba? Congrats, Andrea at Jin!" Iyon ang isa sa mga comments na nakita ko. May ibang natuwa sa post pero mas marami ang hindi nagustuhan ang pagkalat ng picture naming dalawa. 'Sisirain lang niya ang magandang career ni Jin!' 'Hindi naman sila bagay sa totoo lang.' 'Sikat lang siya dahil famous ang magulang niya. Hindi siya katulad ng parents niya na talented talaga.' 'Shadow lang siya ng magulang niya.' 'Magaling naman siya, hayaan nating maging masaya sila.' 'Sisirain lang niya ang career ni Jin. Kung hindi siya anak nina Drei at Alenah hindi 'yan sisikat!' 'Mas bagay sila ng babaeng nakasama niya noon sa MV.' 'Sikat lang dahil anak ng famous. Walang talent!' 'Ang pangit niya pa kumanta, like mother like daughter.' "Putragis ka! Wala na ito sa katinuan!" bulalas ng personal assistant namin ni mommy habang may pinapakitang comment mula sa isang netizen. Tumaas ang kilay ni mommy pagkatapos mabasa ang comment na tinuturo nito. Bigla ring tumunog ang cellphone ko kaya mabilis iyong hinablot ni mommy. "Mom, sino ba ang may gawa nito?" tanong ko habang nakatingin sa kumakalat naming picture ni Jin. "Mga taong hindi natutuwa sa career mo at sa relasyon ninyo ni Jin, anak. Maraming ganyang fans, akala mo pag-aari nila tayo para pakialaman ang buhay natin," sagot ni mommy. Natahimik naman ako. Nasa hallway na kami ngayon papunta sa taping set. "Hayaan mo lang 'yan. Pero ang hindi ko nagustuhan ay 'yong mga salitang akala mo kilala ka nila," dagdag ni mommy habang halatang naiinis pa rin. "Pwede natin silang kasuhan ng cyberbullying, Alenah. Hindi na nakakatuwa 'to. Normal naman magkaroon ng jowa ang mga sikat, grabe sila!" singit ng handler-manager namin ni mommy habang nakatingin din sa comments sa social media. "Kakausapin ko ang mga abogado ko at ipapahanap ko ang mga nagsasabi niyan. Nakakainis! Akala mo kung sino sila, kilala ba nila ang anak ko?" galit na sabi ni mommy. Hindi namin kasama si daddy dahil busy rin ito sa trabaho. Sinabihan ako ni mommy na huwag muna gumamit ng social media habang hindi pa humuhupa ang issue tungkol sa viral picture. Huminga na lang ako at tumingin kay mommy. "Nakakahiya kay Jin, mommy. Nanahimik 'yong tao tapos makakaladkad ang pangalan niya dahil sa picture," buntong-hininga kong sabi habang nakasunod sa amin ang apat na bodyguard kasama ang glam team namin. "Kukuha tayo ng ebidensya at kakasuhan natin ang mga nangba-bash at nagha-hate sa'yo. Anak, huwag ka muna kaya pumasok sa school?" tanong ni mommy nang huminto kami sa tapat ng van. Pagkaupo naming dalawa sa loob, may tinawagan agad siya. Ako naman ay napatingin sa notification ng cellphone ko nang mag-text si Jin. 'Aamin na ako sa presscon sa tunay kong nararamdaman sa'yo, Andeng.' Napangiti ako nang bahagya. Tawag niya sa akin iyon, pinaikling Andreann at Andrea. Mabilis akong nag-reply habang abala si mommy sa kausap niya sa phone. 'Huwag muna, Jin.' 'Ayaw mo ba?' 'Hindi ko ayaw pero mas lalong mag-iingay ang mga 'yan.' Napabuntong-hininga ako nang makabasa ulit ng comment. 'Walang originality.' Mabilis ding nag-reply si Jin. 'Ayokong tinatago ang feelings ko sa'yo sa publiko kahit sabihin nilang kailangan i-private natin ito para hindi sirain ng mapanghusgang mata ng fans.' 'Wala pang tayo, Jin...' 'Alam ko. Ayoko lang na ako pa ang maging dahilan para masira ang pangalan mo, Andeng. Mula pagkabata gumawa ka ng pangalan na hindi ka nagiging shadow ng magulang mo.' Napangiti ako nang bahagya. 'Thank you, Jin. Ikaw ang bahala. Sasabihin ko kina daddy at mommy ang plano mo.' Sumandal ako sa upuan ng van at tumingin sa labas. Bata pa lang ako, artista na ako. Seven years old ako nang magsimulang pumasok sa showbiz. Hindi naman ako pinilit ng parents ko. Isinama lang nila ako noon sa taping at parang may kakaibang saya akong naramdaman sa pag-arte. Mahal ko ang ginagawa ko. Pero minsan nakakapagod ding patunayan sa mga tao na hindi lang ako anak ng sikat. 'Ang kapal ng mukha! Hindi sila bagay ni Jin.' May nabasa pa akong comment. 'Hindi na lang kayo maging masaya.' "Anak?" tawag ni mommy kaya lumingon ako. Hinawakan niya ang pisngi ko. "Malalampasan mo rin 'to, anak. Kagaya namin noon, dumaan din kami sa ganito pero hindi kasing lala ngayon," sabi niya. Tumango na lang ako. Naiintindihan ko naman. Hindi mawawala ang batikos ng mga taong hindi alam ang buong katotohanan. Mas naniniwala pa nga ang karamihan sa fake news kaysa sa totoong balita. Hindi ko na alam kung ano pa ang kailangan kong patunayan para tumigil sila. Sinabi ko kay mommy ang plano ni Jin. "Ang tapang niya," sagot niya. Bigla naman akong nag-blush kaya inasar agad nila ako. "Kailan mo ba sasagutin si Jin, Andrea?" tanong ng handler-manager ko. Busy naman ang isa pa naming manager sa pakikipag-usap sa staff. "Hindi pa ako handa, tita. Pero alam nina mommy, daddy at Allen na nahuhulog na ako kay Jin, right mom?" sabi ko. "Nasa tamang edad na siya. Hindi namin siya pinagbabawalan magka-jowa. Normal lang magkaroon ng crush at boyfriend," pahayag ni mommy. Pagdating namin sa location set, bumaba na kami ng van. Nandoon na halos lahat ng staff at cast. "Wala pa si dad, mom. Nasaan kaya siya?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa tent. Napansin ko rin ang tinginan ng ilang staff at cast members ng teleserye. "Tatawagan ko. Wait mo ako rito, anak," sabi ni mommy bago ako iwan kasama ang glam team. Habang inaayusan ako ng make-up artist, sinabi nitong nakasilip ang assistant director sa tent kaya napalingon ako. Sumenyas ako na lumapit siya. "Bakit, ate?" tanong ko. "Ito ang script mo, Andrea. Think positive ka ah? Huwag ka magpaapekto sa bashers at haters. Kilala ka namin mula pagkabata. Kahit lumaki man ang career mo, humble ka pa rin. Normal lang na dumaan ka sa ligawan stage," sabi niya habang inaabot ang script. Ngumiti na lang ako nang bahagya. "Ikaw, ate, may pasampal bang eksena o sapok sa mukha?" biro ko. Natawa na lang kami pareho. Masaya akong kasama ang production team na ito kaya kampante ako sa project na kasama ang parents ko. Lumabas ako ng tent at nadatnan si mommy na papasok. "Mom, what happened?" nag-aalala kong tanong nang makita ang expression niya. "Nothing, anak. Tinatawag ka ni direk. Magpapaayos na rin ako, magsisimula na kayong mag-tape," sagot niya bago ako lampasan. Nagtaka naman ang glam team sa itsura ni mommy. Nginuso ko siya sa handler-manager namin pero umiling lang ito sa akin. Maya-maya, narinig ko ang pangalan ko. Kaya huminga ako nang malalim at tuluyan nang lumapit sa set.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
726.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
962.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
348.9K
bc

Not just, the Beta

read
343.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook