12

1990 Words

MAINGAT na inilapag ni Kila ang isang makapal na sobre sa mesa sa kusina. Inalis niya ang singsing na suot niya at inilagay sa ibabaw ng sobre. Pilit niyang pinigilan ang pagdaloy ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Nakapagdesisyon na siya. Pinili na niyang umalis at sumama kay Xander. Bago pa man siya panghinaan ng loob ay isinukbit na niya sa balikat ang kanyang bag at walang ingay na umalis ng bahay. Hindi na niya sisilipin sa silid sina Tatay Berting at Nanay Perla bago siya umalis. Baka kasi magbago ang isip niya at manatili siya roon. Sana ay hindi gaanong masaktan ang mga ito sa gagawin niya. Sana ay dumating ang araw na mapatawad at maintindihan siya ng mga ito. Hindi pa rin niya alam kung tama ba itong gagawin niya o hindi. Ngunit sa ngayon ay iyon lang ang magagawa ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD