11

2631 Words

“I WAS about to call you,” ani Xander pagkaupong-pagkaupo niya sa tapat ni Gabriella. Tinawagan siya nito kanina at pinapunta sa restaurant na iyon. Dapat talaga ay tatawagan niya ito upang makipagkita. Naunahan lang siya nito. He couldn’t contain his excitement. Alam niyang nahahalata na ni Gabriella ang mood niya. Nasa bulsa niya ang engagement ring na ibibigay niya para dito. Ilang oras na lang ay magbabago na ang buhay nilang dalawa. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Xander,” anito sa pormal at malamig na tinig. Nagsalubong ang mga kilay niya. Sa sobrang excitement niya, hindi kaagad niya napuna na may kakaiba rito. Masyado itong pormal at malamig. Noon lang ito naging ganoon ka-distant sa kanya. Inilabas niya ang singsing sa bulsa niya. Bago nito sabihin sa kanya ang dahilan ku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD