Chapter 1
"Para sayo", Nakayuko akong itinaas ang kamay ko na may hawak na isang box ng cookies, pinaghirapan kong binake ito kagabi para may maibigay ko lang sa kanya. But i feel so disappointed ng tinabig niya lang ang kamay ko kaya bumagsak yun sa semento, parang gusto kong umiyak dahil tinapakan pa niya mismo ang box na may laman na cookies, Akmang pupulutin ko na sana, saka niya ako nilagpasan.
"Get out of my way if you don't like to get hirt". pagbabanta niya bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa department nila. pero hindi ko pinansin ang galit niyang boses sa halip natawag ang pansin ko kung gaanong buong buo ang boses nito. lalaking lalaki sa aking pandinig, boses pa oang siguradong kikiligin ka na.
"I love you Cyrus Mondragon! masama ba na mahalin ka"? sigaw ko na mas nakatawag pansin ng ibang studyante, maging siya ay marahas na napalingon sa akin na may matalim na tingin.
Iyon na lang ang aking paraan para mapansin nia ako at hindi niya ako balewalain. Nilapitan niya ako at dinuro
"You__". Hindi nito tinapos ang kanyang sinabi, napahilamos siya sa kanyang mukha sabay tingin sa akin ng matalim.
"Ang daming taong pag titripan mo ako pa talaga ang napili mo"!
"baka magsisi ka at hindi mo kaya ang magiging kapalit ng kapahangasan mo." Ramdam ko ang gigil nito habang nagsasalita.
Napangiti pa ako dahil hinawakan niya ako sa balikat naramdaman ko na parang may kuryente na dumaloy sa aking katawan na nagmumula sa kanyang palad, pero napangiwi ako ng higpitan niya ang pagkakahawak dito habang nakatingala ako sa tangkad niya sa tangkad ba naman niya at ako ay nasa 5flat lang.
Umalis ka na at wag kang magpapakita sa akin, dahil hindi lang iyan ang aabutin ." saka niya ako padarag na binitawan, nawalan ako ng balanse para mapaupo ako sa semento.
Napasinmagot na lang ako.
Maluha luha akong tumayo dahil masakit ang balakang ko dahil sa pagkabagsak ko; napapahiyang tumingi ako sa paligid karamihan sa kanila ay sa akin nakatingin.
Hindi ko naisip na ganito siya kabayulente. dahil sa aking pagtatapat ko,
kasalanan ko ba na minahal ko saya. hindi naman diba, kelangan ko ng lakas ng loob at hindi dapat ako magpapatalo at hinding hindi ako susuko. Ipapakita ko na talagang mahal ko siya kahit na ipagtabuyan niya pa ako, ipaparamdam ko sa kabya na hibdi ako naglalaro o nantitrip. mahabang saad ko sa isip ko.
"mmm", tikom ang bibig ko na hibdi ko alam ang sasabihin.
"Babalikan kita love, hindi ako susuko". Malakas na saad ko sa kanya, mabilis kong pinulot ang isang box ng cookies at tinapon na lang sa basurahan. dahil tumilapon ito kanina nagkandaduro durog na din ito dahil sa tinapakan niya ito naglakad ako papunta sa room namin. Alam kong sa ginawa kong iskandalo kanina ay kakalat yun sa buong campus ng iskwelahang ito.
"But i don't care because I'm really love him. bulong ko sa sarili.
"Oyyy, Shamara! anong kagagahang ginawa mo na naman kanina" Salubong na tanong nito sa akin ni kelsey ng makarating ako sa room namin.
"Ang aga aga gumawa ka na naman ng kalokohan" dagdag nito na sinabayan ng pagsiko nito sa tagiliran ko.
"Aray, naman! Ang alin ba? pag maang maangan ko at balewalang kong balik tanong ko dito. na kahit alam ko kung ano ang tinutukoy nito.
"Anong alin? Alam mo ba na kumalat online sa buong campus yung ginawa mong pagtatapat kay cyrus mondragon kanina
"Grabe ka best! ang lakas naman ng loob na," kung ako yan jusko magtatago na lang ako sa saya ng lola ko. kikay na kikay na sabi nito sa kanya, kaya naman tinawanan ko na lang ito sa sinabi niya. Isa siya sa mga kaibigan ko at kasama lagi sa kalokohan na maiisip pag dating kay cyrus. Pero yung ginawa ko kanina... hindi ko talaga siya sinabihan, kaya nagulat talaga siya ng mapag alaman niya.
Ang gwapo kasi niya best! kinikilig kong sabi sa kanya!
"Alam mo ba yung pakiramdam na kapag tinitingnan ka ng mga mata niya ay parang matutunaw ang puso mo." nakakalaglag panty talaga best! pakiramdam ko nga kanina parang nasa heaven ako." kinikilig kong saad sa kay kelsey.
Pinagsalikop ko pa ang palad ko at inilagay ko sa baba ko habang nakatungkod ang siko ko sa lamesa .
" Gagi ka, Tigilan mo nga yang kalokohan mo!
"Grabe ka best,! nag viral agad ang ginawa mo Isang mondragon at nag mamay ari ng school na ito ang napili mong pagdiskitahan."
"Best, I don't care, kung anong sabihin nila atlis nasabi ko sa lalaking mahal ko ang aking saloobin."
"Ayy, Naku beste itigil mo na yang kalokohan mo, naku ako ang mapapraning sayo kung ano ano ang naiisipan mong gawin para mapansi ka lang ng Cyrus na yan". kontra nito sa akin kahit kinikilig din naman siya sa kagwapuhan ng cyrus ko. Marami pa kaming kalokohang oinausapan ng araw na yun Hanggang sa nag umpisa ba ang klase namin.
Siya nga pala, ako nga pala si shamara mae mendez at isa akong pinalad na mabiyayaan ng schoolar ng mga Mondragon.
Mabilis naman lumipas ang oras hanggang sa matapos ang subject namin sa umaga at nang sumapit ang tanghalian ay mabilis akong nagpaalam kay kelsey na mauna na ako dahil balak kong pumunta sa kabilang building. binabagtas ko na ang papunta sa department ni cyrus ng mamataan ko siya, kaya walang pag alinlangan na patakbo akong lumapit sa kanya na kahit may mga kasama ito. wala akong pakialam.
"Cyrus! tawag ko dito saka inabot ko sa kanya ang dala kong sandwich na binili ko pa sa canteen. pero di niya ako pinansin at nilagpasan lang ako nito.
"Cyrus!! gagawin ko ang lahat para mapansin at magustuhan mo lang ako" wika ko dito na kahit para na akong timang na naghahabol dito. napalingon naman ito sa gawi ko at humarap siya sa akin na may seryosong mukha at di mo makikitaan ng anumang emosyon sa mga mata nito.
Napalunok ako ng lapitan niya ako, napatingala ako sa kanya dahil sa matangkad siya tinitigan lang niya ako at hindi ko alam kung ano ang nasa isip nito.
Nilapit niya ang kanyang mukha niya sa mukha ko.
"My god anong balak niya, balak niya ba akong halikan? kinikilig ako sa aking naiisip.
kusang pumikit ang mata ko at inaantay na dumampi sa labi ko ang labi nito, naghintay ako ng ilang segundo ay wala pa rin akong maramdaman kaya nagmulat ako ng aking mga mata at bumungad sa akin ang nakakalokong ngisi nito sa akin.
" Don't think so much, you f*****g slutty girl. at ito na ang huling makikita kita, dahil sa susunod hindi na ako magsasalita sayo." Wika nito na agad naman akong tinulak.
"Pero gusto kita cyrus" hindi ako titigil" hindi kita susukuan hanggang sa dumating ang araw na matutunan mo rin akong mahalin!" Mahabang wika ko sa kanya na tatalikod na sana para umalis.
"You__" hindi ko na siya hinayaang matapos sa kanyang pagsasalita ng maisipan kong lumapit sa kanya at agad akong tumingkayad at hinila ang kwelyo ng polo niya sabay halik sa mapulang labi nito. parehong nakadilat ang aming mga mata at kitang kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata dahil sa ginawa kong panghahalik sa dito.
Ng Makabawi siya sa gulat ay agad siyang lumayo at marahas niya akong tinulak sabay pahid sa kanyang labi na nahalikan ko.
"You b***h__"
"Pano ba yan ikaw ang first kiss ko kaya mula Ngayon tayo na Cyrus, boyfriend na kita" nakangiti kong sabi sa kanya na lalong nagpatalim ng tingin sa akin, pero hindi ko yun pinansin.
"Oh, ayan para sayo, kainin mo na yan alam ko wala ka pang tanghalian saka pede ba love wag kang magpapaguton okay," inabot ko sa kanya ang sandwich.
"I love you, my love" hindi pa man siya nakakasagot ay mabilis na hinalikan ko siya ulit sa kanyang pisngi sabay kumaripas ako ng takbo na palayo sa kanya na may malaking ngiti.
Narinig ko pang nagtawanan ang mga kaibigan niya. at ang malutong na pagnumura niya sa mga ito.