Kinabukasan.....
"Pa,
meron ka
bang babaeng napapansin dito sa Wisconsin na grey ang buhok?" tanong ko
"Madaming babaeng gray ang buhok dito kendrick" sagot nya habang may tinitignan sa microscope.
"Hindi pa eh, iba
yung
pagkaabo
ng buhok
nya, ang
kintab tapos for sure pag hinawakan mo yun
sobrang lambot
at madulas" sagot ko habang nagdedescribe.
"San mo
nakita yung babaeng yan na sinasabi mo?" tanong
nya
"Dun sa may resthouse,
nakaupo sya dun sa may malaking batuhan
kagabi" sagot ko
"Baka
daan lang yun"
sagot
nya
ulit, hindi eh. Yung
itsura nya
kagabi pakiramdam
ko
parang
---- ang hirap ipaliwanag
eh, pero hindi mawala
sa isipan
ko
yung
tinig
ng
boses nya, paulit
ulit
ko
naririnig
kahit nakapikit ako, parang gusto ko ulit ulitin pakinggan, para bang na kakaadik yung tinig nya.
"Baka nga ho" sagot ko na lang. Kinagabihan,
habang
nag
reresearch ulit
ako dito sa may balcony
ng resthouse namin,
pakiramdam
ko
may nanonood
sakin,
agad
ko
naman binaling yung
mata ko
dun sa batuhan
kung
san ko
nakita
yung babae kagabi,
napatingin naman ako sa orasan ng laptop ko, mag aalastres na ulit. Tumingala naman ako
at
tumingin sa buwan saka
pumikit,
malinaw na malinaw ko pa din nakikinig
sa isipan ko yung boses nya,
malinaw na malinaw ko pa din
nakikita mukha nya habang
nakapikit
ako. Kinabukasan-- habang itinotour ko sarili ko dito sa seaside ng Wisconsin. May nakita akong butas di kalayuan, kaya agad ako pumunta, mukha syang kweba kaya agad ko pinasok. Hindi pa naman ako nakakalayo dun sa entrance nitong kwebang pinasukan ko, may isa na naman akong butas na nakita, kinapa kapa ko naman yung bulsa ng pantalon ko, napakamot na lang ako sa ulo nung hindi ko nakapa cellphone ko, gusto ko sana picturan dahil sobrang ganda dito sa loob, makikita mo yung blue sky pag tumingala ka dahil may malaking butas kapag tumingala. Nilinga linga ko yung buong paligid netong kweba, sobrang tahimik, wala ka maririnig kundi patak ng mga tubig, pinasok ko naman yung isa pang butas na nakita ko, napangiti na lang ako ng makita ko kung gaano kaganda dito sa loob. Makalipas ang ilang minuto na patayo tayo at pag mamasid masid, paalis na sana ako
nung
may narinig na
naman akong
isang
boses
ng
babae
na sa tansya
ako ay andun
lang sa
may likod ng malaking bato dito sa sa kweba, dahan dahan naman ako lumapit at sumilip. Napanganga na lang ulit ako nung makita
ko yung babaeng
nakita ko kagabi na nakanta habang namumulot ng seashells. Kinakanta nya yung musika na kinakanta nya din kagabi.
authors pov (try to search IU - Above the time on youtube, yun yung kinakanta ni Azaria dito sa kwento)
Hindi ko na nagawa pang umalis,
muli akong
namangha sa ganda at
boses nya sa
ikalawang
pagkakataon
na to. Hindi ko
maipaliwanag nararamdaman ko habang pinapanood
ko
sya,
ang lambing ng
boses nya,
sobrang nakakagaan
sa pakiramdam
na akala mo
ay wala
kang problema na dinadala
sa
buhay
kapag
narinig mo sya
kumanta,
tagos na
tagos sa puso mo yung boses nya, napatigil naman sya sa pagkanta nung nakita nya ako, tapos nanlalaki yung mata nya habang nakatingin sakin, kaya agad ako lumabas dito sa pinagtataguan kong bato.
"Wait
wait
wait,
hindi ako masamang tao, alam kong aalis ka
na naman" sabi ko sa
kanya
tapos sya
naman nakatingin
na nakatingin
lang sakin.
"Gusto ko
lang malaman pangalan mo" sabi ko
"Azaria" malambing na boses sagot nya sakin kaya napangiti
ako
"May
damit
ka
na, nung
nakita kita kagabi wala
ka
damit" pabiro kong sabi sa
kanya
kaso
sya nakatingin lang
sakin, ni
hindi
man lang
sya nangiti.
"By the way
i'm Kendrick, bakasyon ako
dito, dun ako natuloy sa resthouse" nakangiti kong sabi
sa kanya "Marunong ka ba magsalita?" tanong ko ulit kasi nakatulala lang sya sakin.
"San ka nakatira?" tanong ko ulit, tumuro naman sya dun sa kabilang isla na natatanaw dito sa pwesto namin.
"Huh? Di ba wala nakakapunta dun? Ang lalakas ng alon dun, hindi kaya puntahan ng bangka, speed boat or kahit nga siguro cruise ship hindi makakatawid dun dahil sa lakas ng alon" sagot ko sa kanya, never pang may nakapunta dun, dati sinubukan na nila papa pero hindi na sila tumuloy dahil akala mong tsunami yung mga alon dun.
"Pano ka nakatawid dito? May tinutuluyan ka ba dito?" tanong ko sa kanya, umiling naman sya sakin, napakamot naman ulit ako sa ulo ko. Akala mong nakikipag usap ako sa bato, umiling naman sya ulit sakin.
"Huh? Eh san ka natulog kagabi? San galing yan damit mo?" tanong ko.
"Sa Caribean" mahinhin nyang sagot habang nakaturo dun sa kabilang isla.
"Caribean?" tanong ko
"Caribean ang tawag sa isla na yun" sagot nya ulit, sobrang hinhin at malambing ng boses nya, kaya yung feeling na mapapangiti ka na lang sa kanya.
"Sige ganito, wala ng bangka ang babyahe ngayon patawid dun, sakin ka na muna tumuloy" suggest ko sa kanya, agad naman sya tumango, sobrang dali nya kausap.
"Ano gagawin mo dyan sa mga shells?" tanong ko ulit.
"Ibibigay kay Ezra" sagot nya
"Sinong Ezra?" agad ko ding tanong
"Sya yung nagpalaki sakin" sagot nya ulit.
"Ah mama mo?" tanong ko, agad naman sya umiling.
"Tita?" tanong ko ulit, umiling din naman ulit sya sakin
"Katulong!" tuwa ko pang sabi pero umiling ulit sya.
"Eh ano?" confuse ko ng tanong sa kanya.
"Sabi ni Ezra wag ko daw sasabihin kung ano sya" sagot nya sakin kaya napakamot na naman ako sa ulo.
"Oh sige, ganito pumunta na tayo dun sa resthouse ko, kumain ka na ba?" tanong ko, umiling ulit sya sakin, kaya agad ako lumapit sa kanya para sana akayin sya kaso.
"Sabi ni Ezra, wag daw ako hahawak kahit na kaninong lalaki" medyo takot nyang sabi
"Naintindihan ko si Ezra, pero hindi ako katulad ng mga lalaki na yun, mabait ako" nakangiti kong sabi sa kanya
"Sabi ni Ezra lahat daw ng lalaki mag kakapareho" sagot nya, mukhang nasaktan ng sobra yung Ezra na sinasabi nya ah.
"Hindi lahat ng lalaki magkakapareho, iba ako sa kanila" sagot ko naman.
"Totoo?" tanong nya sakin, nakangiting tumango naman ako sa kanya.
"Tara na?" tanong at akit ko habang inaabot ko sa kanya kamay ko, agad naman nya binigay sakin kamay nya, nagulat na lang ako sa sobrang lambot ng palad nya na akala mong parang bulak sa sobrang lambot.
"Ano sabon mo sa kamay?" tanong ko habang pinipisil pisil palad nya.
"Ano yung sabon?" tanong nya sakin kaya napatingin ako sa kanya
"Hindi mo alam yung sabon?" tanong ko, umiling naman sya sakin