"May
ibat ibang uri ng sabon,
may powder, may bar, may liquid, alin dun ang gamit
mo?"
tanong
ko
"Liquid?" confuse nya pang sagot
"Yung totoo?
Tao ka ba? Bakit hindi mo
alam kung ano
ang
sabon, lahat ng
tao
alam kung
ano yan" confuse ko ding
sabi sa
kanya,
ngumiti naman sya
sakin
kaya
automatic
napangiti din ako, sobrang ganda nya kapag nakangiti, napakurap kurap na lang ako habang nakatitig sa kanya.
"Tao ako" nakangiti nyang sagot sakin kaya napatango tango ako.
"Well malamang" sagot ko na lang, ano ba kasing klaseng tanong
yang pinagtatatanong mo sa
kanya Kendrick.
"Sige
na
tara
na"
sabi ko,
tapos inakay ko
na yung kamay nya, napatigil naman sya ng
paglalakad nung lulusong
na sana
kami sa tubig.
"Bakit?" tanong ko agad sa kanya
"Bilin ni Ezra, wag
ako lulusong
sa tubig dagat kapag may
kasama ako" sagot
nya sakin
"Huh?
Ang weird naman ni Ezra ha" sagot ko, kumurap kurap
lang sya sakin.
"Okay sige, papasanin
nalang kita" sabi ko, tapos medyo niluhod
ko yung kabilang
tuhod ko.
Inaantay ko naman bumaba sya sakin pero
hindi sya nababa, kaya lumingon ako.
"Ano gagawin
ko?" tanong nya,
kaya napatayo ulit ako sabay kamot sa ulo.
"Seriously????
Hindi ka marunong bumaba?
Ano
ba
tinuturo sa
inyo dun sa caribean at
wala
kayong
kaalam alam tungkol
sa
mga
ganito?" kamot ulo
kong
tanong
sa kanya, inosenteng nakatitig lang
sya
sakin.
"Sige ganito, pag lumuhod ako
dyan, ganito
gagawin
mo"
paliwanag ko, tapos
pumunta ako sa may likuran nya at
itinuro
yung gagawin
nya, napatigil
na lang ako
nung
naamoy
ko yung buhok
nya,
sobrang bango, walang
kasingbango, ngayon ko lang naamoy
yung
ganitong uri
ng kabanguhan,
tapos sobrang
lambot ng buhok
nya.
"Ano shampoo
mo?" tanong ko ulit.
"Ano
yung shampoo?" tanong nya din kaya napakunot ako ng noo.
"Huh????? Kulang na lang isipin ko isda ka
eh" sagot
ko sa
kanya, ngumiti
naman
ulit
sya sakin, sa tuwing nangiti
sya
gumagaan pakiramdam
ko,
sobrang
nakakatagos sa puso
yung
pag
ngiti
nya.
"Ituturo
ko
mamaya
sayo sa bahay, tara na muna"
sagot
ko
na
lang, tapos
pumunta
na ulit ako
sa
may harapan
nya at
niluhod
yung
kaliwang tuhod
ko, agad
naman
sya
bumaba sakin gaya ng turo
ko kanina, pag katayo ko nagulat na lang ulit ako dahil akala mong bulak lang yung dala ko dahil sobrang gaan nya.
"Kumakain
ka
pa ba?
Ang
gaan mo" tanong
ko
sa kanya,
ramdam
ko naman na
tumango sya.
Well,
so glad naman at alam nya
yung
salitang kumain. Pag kadating namin
sa resthouse, ibinaba ko naman sya
dun sa kama
ko,
yes pasan ko sya hanggang resthouse,
ni
hindi man lang ako nakaramdam
ng pagod, akala
mo nga na wala
ako buhat
eh.
"So, ano gusto mo kainin?" tanong ko
"Seaweeds" sagot nya sakin kaya napatawa pa ako
"Huh??? Seaweeds? Yan lang ba kinakain mo kaya sobrang gaan mo?" tanong
ko, tumango
naman sya sakin.
"Huh????
Yung
totoo?" tanong ko ulit, tumango naman
ulit sya sakin.
"Kawawa ka namang bata ka, sige ipagluluto
kita" nakangiti kong
sabi sa kanya.
"Nakain ka ba ng seafoods?"
tanong ko,
agad naman sya umiling sakin.
"Allergy?" tanong ko
"Ano yung allergy?" tanong nya din.
"Arrghhh!
Oo
na, hindi na
lang
ako mag tatanong
sayo,
gulay na
lang iluluto ko"
sagot ko,
ngumiti
naman ulit sya sakin kaya
napahawak
ako sa dibdib ko, ang
hirap
irefuse
ng
ngiti nya,
talagang mapapasagot
ka
na lang ng ngiti sa kanya. Pagkatapos
ko naman
magluto, sinundo ko na sya sa kwarto ko. Habang
nakain,
hindi ko maalis mata ko sa kanya, hawak nya
lang yung kutsara at tinititigan.
"Wag mo
sabihin na
hindi ka marunong
gumamit nyan?"
tanong
ko, tumingin naman sya sakin at umiling.
"Huh??????? Ano
bang klaseng nilalang
ka at wala kang kaalam alam?"
tanong
ko
sa kanya habang nakahawak sa
noo.
"Ganito, gayahin mo ako"
sagot ko sa kanya, tapos lahat
ng
kilos
ko ginagaya
nya,
pagkasubo nya, napatingin naman ulit sya
sakin.
"Anong klaseng seaweed
to?" gulat nyang tanong
kaya hindi ko alam kung
ngingiti
ba
ako sa kanya
o ano.
"Ang weird mo talaga, mushroom yan hindi seaweed" sagot ko sa kanya.
"Masarap" sagot nya din
sakin
"Syempre ako
nagluto eh" pagmamayabang ko
naman, nakaka tatlong subo pa
lang sya ng--
"Salamat, nabusog
ako" sabi nya kaya napakunot
ako ng noo.
"Huh??? Tatlong
subo pa lang nakakain
mo
ah"
taka
kong tanong sa kanya, hindi na ako
magtataka kung bakit
sobrang
gaan nya.
"Madami na ako nakain, salamat" sabi nya ulit sabay ngiti.
"Oh sige
na, sige
na, wag
ka lagi ngingiti sakin, hindi ko mapigilan din ngumiti"
reklamo ko
sa
kanya
"So paano
ka uuwi dun sa caribean?" tanong ko habang nakain ako.
"Bukas, lalangoy
ako" sagot nya, halos malunok ko naman yung kutsarang
gamit
ko sa
pagkain.
"Nagbibiro
ka
ba? Kita mo
yung malalakas na
alon
kanina? Walang makakaligtas sa alon na yun!"
"Sa ilalim ako dadaan" sagot nya sakin kaya
napakunot ako ng
noo.
"Ilalim???"
Tanong
ko, ngumiti lang sya sakin at hindi sinagot tanong ko
"Oo
na,
sige
na,
siguro
dito ka
na lang
muna
sakin habang
hindi nakalma
ang
alon dun sa
inyo, pag kalmado
na, ako
pa maghahatid
sayo" sabi
ko sa kanya,
kaso
nakangiti
lang sya sakin.
"May
mga damit dyan
yung kapatid kong babae
na
hindi na ginagamit, yun
na
lang
muna suotin
mo" sabi ko tapos
tumango tango
sya
sakin
"About sa kwarto,
usually
salo
kami ng kapatid
ko sa kama,
pero
kung nailang
ka
sa sahig na
lang ako tutulog
ikaw sa kama" suggest
ko.
"Kama?" tanong
nya, kaya napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Sige, tuturuan kita ng mga bagay na hindi mo alam" nakangiti kong sabi sa kanya.
Pagkatapos
namin
kumain,
naghilamos na ako
sa
banyo,
pagkalabas
ko, nakita
ko
syang
nakaupo sa harap
ng piano
ko habang
nakahawak
sa mga keys
at
nakapikit,
nakatapos
na ako't lahat
magbihis, andun pa
din
sya sa may piano,
nakaupo at nakapikit.
"Azaria" tawag ko
sa kanya
kaso akala
mong
hindi nya
ako
narinig, tatawagin ko na sana
sya ulit kaso ibubuka ko palang
bibig ko,
iminulat na
nya
yung mata
nya sabay
tingin sakin at
ngumiti.
"Alam ko na" sabi nya