"Ang alin?" confuse kong tanong
"Sa
mama mo itong piano" nakangiti nyang sagot
sakin kaya nanlaki mata ko dahil walang nakakaalam
na
kay mama yung piano na yun kundi
ako, kahit kapatid
ko
hindi
alam yun.
"Pano
mo
nalaman?" tanong
ko agad sa kanya, ngumiti naman ulit
sya sakin
saka
tumayo
at
umupo
dito sa may
katabi
ko, tapos
hinawakan
nya yung
mukha ko, kaya
napatingin
ako sa kanya, dahan
dahan nya naman ipinatong
yung
noo
nya
sa
noo ko, saka sya
pumikit,
hindi
ko naman mapigilan
hindi
tumingin
sa
kanya habang
nakapikit
sya, tapos napatingin
ako sa
labi
nya,
siguro gaya
ng
kamay
nya
sobrang
lambot din nito,
hahalikan
ko
na sana yung labi nya kaso bigla nyang iminulat yung mata nya, tapos dahan dahan nya inilayo mukha nya sa mukha ko sabay ngiti.
"Dahil mabait ka sakin tutulungan kita" nakangiti
nyang sabi kaya napakunot ako
ng noo.
"Tutulungan?" taka kong tanong
"Sa report mo
tungkol
sa
mga
sirena" nakangiti nya
pang sagot sakin
kaya nanlaki
mata
ko
dahil wala pa ako nababanggit sa
kanya
na tungkol dun.
"Umamin ka
nga? Tao ka ba???" medyo kabado ko ng tanong sa kanya.
"Tao ako" nakangiti nyang sagot ulit sakin.
"Pano mo nalaman
na may
report akong
tungkol
sa mga sirena?" confuse ko
ulit
na
tanong,
ngumiti lang sya
sakin.
"Oh
sige
na, oo na, basta tulungan mo ako" sagot ko na lang.
Makalipas
ang
ilang oras, habang naglalaro ako ng
celphone ko, bigla syang tumugtog
gamit yung
piano
ni mama...
(kindly look for IU's Song Lullaby, ito yung kinanta ni Azaria)
Kaya napatigil ako sa paglalaro at pinanood sya..
Napapangiti naman ako
sa
kanya habang pinapanood syang
kumanta, yung para bang
oras
na marinig mo boses
nya,
mawawala
lahat
ng pasanin
mo
sa buhay.
Napapalakpak naman ako
pag katapos nya kumanta, sa
tuwing naririnig ko boses nya gumagaan pakiramdam ko.
"Hilig mo talaga kumanta ano?" tanong ko sa
kanya.
Lumapit naman sya sakin at ipinatong yung
noo nya
ulit sa
noo
ko.
"Sweet
goodnight~" mahina nyang kanta, hanggang sa nandilim
na lang paningin
ko.
Pag kagising
ko
kinabukasan nung gabing
bigla
na
lang
ako
nakatulog, nasa tabi ko
si
Azaria, nakangiti habang
pinapanood ako.
Lumipas ang ilang araw,
hindi
ko
alam
pero pag kasama
ko
sya
sobrang
gaan
ng pakiramdam
ko,
wala
syang
ginagawa kundi kumanta ano mang oras, pakiramdam ko sa sarili ko pag hindi ko sya naririnig kumanta mababaliw ako, sa ilang araw naming pagsasama, nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya, ang hirap ipaliwanag pero pag nakikita ko sya sobrang sumasaya ako. Ang alam ko lang ngayon, parang hindi ko kakayanin na mapalayo sa kanya.
Habang
nakaupo at nanonood ng mga alon, hinawakan
ko
naman
yung kamay nya.
"Azaria,
pakiramdam ko
may hindi
ka sinasabi
sakin"
"Pag sinabi
ko
ba
sayo lalayuan mo ako? Matatakot
ka
ba
sakin?" malungkot nyang
tanong kaya tumingin ako sa
kanya.
"Bakit naman kita
lalayuan?
Bakit naman
ako
matatakot
sayo,
kahit
ano ka pa man andito
lang
ako,
hindi
ako lalayo sayo"
nakangiti kong sabi sa kanya,
pakiramdam ko
kasi talaga hindi sya normal na tao. Iba talaga ang nasasagap ng presensya ko sa kanya.