Bigla naman sya
ulit
nag
humming, habang
nakatingin sa
mga alon, kaya napantingin
na lang din ako, napapakunot
ako
ng
noo dahil sa bawat
pag
humming
nya
kumakalma yung mga alon,
bigla
naman
ako kinabahan,
ngayon
lang nag sink-in sa utak ko yung sinabi nya sakin, maya maya pa yung mga malalaking alon kanina, unti unti ng nawala.
"Di
ba
nangako
ako sayo
na tutulungan kita
sa report mo" nakangiti nyang
sabi
sakin, tapos bigla ko naalala,
oo ngapala
nawala sa isipan ko
yun, sobrang
saya ko
kasi nitong
mga
nakaraang araw,
gaya nga
ng
sinasabi ko pag kasama ko sya nawawala
mga problema ko
sa buhay, nawala
sa isip kong
mag rereport
nga pala ako
next week, napahawak na
lang
ako
sa batok
ko at--
"Nawala sa isipan ko yung tungkol sa bagay na
yan ah"
sabi ko, ngumiti naman sya sakin.
"Tara" sabi nya
sabay abot ng kamay nya sakin.
"Saan?" agad kong
tanong
"Tutulungan kita" nakangiti nyang sabi kaya ngumiti na din ako sabay abot ng kamay ko
sa
kanya.
Pagdating
namin
sa resthouse, habang kinukuha ko yung
white folder sa
bag, andun naman sya
sa may balcony, nakatayo habang
nakapikit.
"Ano inisip
mo?" tanong ko sa kanya, dahan
dahan naman nya
iminulat yung
mata nya
sabay
tingin sakin at ngumiti.
"Malalaman mo din" nakangiti nyang
sagot sakin.
"Alam
mo na weweirdohan
ako sayo" sagot ko sa kanya.
"Ano mga tanong na
andyan? Itanong mo lang sakin" sabi nya habang dahan dahan naupo sa upuan na nasa kaharap ko, kaya
umupo na din ako sa katabi
nya,
kinuha
ko
naman
yung ballpen
at notebook
ko para isulat yung
mga
sasabihin nya.
"Ok, first question, hanggang ilang taon nabubuhay ang
isang sirena at paano namamatay?" tanong
ko.
"Nabubuhay
ng
hanggang
500 years ang isang sirena, kung
paano namamatay ang
isang lamang dagat ganun din
ang
mga
sirena,
lumulubog kami sa pinaka ilalim
na parte ng
dagat
at
kakainin ng
iba't
ibang
uri
ng isda o
mga lamang
dagat hanggang sa
maubos" sagot nya, napanganga naman ako.
"Kami???????" medyo gulat kong tanong sa kanya, tumingin naman sya sakin at ngumiti.
"Wag mo sabihin sirena
ka?" tanong ko din agad sa kanya
"Maniniwala ka
ba pag
sinabi ko na oo?" nakangiti nyang sagot sakin.
"Hindi" sagot ko.
"Wala naman talagang
mga ganyang nilalang, saka
sa
loob ng madaming panahon,
ni isa walang naka pagpatunay
na nag
eexist
talaga ang mga
sirena" dagdag ko.
"May
gusto ako
aminin at ipakita sayo, pero bago yun , sasagutin ko
muna lahat
ng
katanungan na
nakasulat dyan
sa papel mo" sabi
nya.
"Okay sige,
next question, paano nabubuntis at nanganganak ang isang sirena?" tanong ko
"Sabi
ni
Ezra,
kung
paano mag mating ang
mga isda
ganun din ang mga
sirena,
kung
paano nanganganak ang mga isda
ganun
din
ang
sirena, pero
kapag
umibig ang
isang sirena habang
nasa
lupa
at
nasa
anyong mortal,
kung paano mag talik ang mga mortal ganun din ang mangyayari, ang kaibahan lang habang nag dadalang tao ang mga
sirena
nasa kailaliman
sila ng dagat at kapag dumating na ang
takdang
araw ng
panganganak
nila, saka
sila
aahon sa
lupa
para
magsilang"
paliwanag nya, napapanganga
na
lang
ako
sa mga sinasagot nya.
"San mo nakuha yang
mga
ganyang sagot? Google
nga hindi
alam yan
eh" tanong
ko sa kanya
"Ano
yung google?" Tanong
nya
din sakin,
kaya
napakamot
ako sa
ulo, wala ngapala syang alam
sa
mga ganun,
mas
lalo naman
nalakas ang tibok
ng puso
ko.
Pano
nga
kaya kung
hindi talaga sya tao?
"Nevermind, next question" sabi ko na lang
"May iba't ibang uri
ba ng
sirena? Kung
meron ilan
ang kabuuang
uri?" tanong ko,
ngumiti naman sya sakin.
"Saka ko
sasagutin yan kapag naipakita
ko na yung
bagay na
gusto ko ipakita
sayo"
nakangiti nyang
sabi, mas
lalo naman
ako
na cucurious
kung ano
yung
bagay
na
gusto
nya
ipakita sakin.
"Okay sige,
ito muna,
may iniinom bang potion
ang isang
sirena
para mag kapaa?
Kung
meron
ano?"
tanong ko, ngumiti
naman sya
ulit at
nag buntong hininga.
"Walang ininom na
potion ang isang sirena
para
mag kapaa,
oras
na gustuhin
nila
umahon
sa
dagat, magiging
paa
yung mga buntot
nila" sagot nya, kaya napakunot
ako
ng noo ko