Chapter 05: Angel and Villain

1175 Words
Scarlet's POV "Ma, sige na kasi, ibalik mo na!" Kagabi ko pa pinapakiusapan si mama na ibalik ang phone ko. Kinuha niya kasi iyon bilang kaparusahan sa mga bagsak na grado. "Hindi! Isang buwan kang walang gadgets at walang gala, Scarlet!" pagmamatigas niya at ipinagpatuloy ang paghati ng rekados para sa uulamin namin mamaya. Napanguso ako at napapadyak dahil sa sobrang inis. "Ma, naman! Kung kailan bakasyon na, saka mo kukunin 'yon! Nakakainis ka!" "Mas nakakainis kang bata ka! Lumayas ka nga rito!" singhal niya pabalik. Padabog kong tinungo ang living room. Naroon sila Ate Serenity at Kyrous. Nakaupo si ate samantalang nakahiga si Kyrous sa lap nito habang may nilalarong online game sa phone. "Ate, kausapin mo nga si mama. Wala na akong magawa rito sa bahay," naiiyak na pakiusap ko sa kapatid. Napaupo naman sa couch si Kyrous at napatingin sa akin. "Ayan ang napapala mo, Scarlet! 'Di bale, mamaya pupunta kaming Mall ni Kyrous. Gusto mong isama ka namin?" alok niya dahilan para umurong ang luha ko. "O sige!" mabilis na sagot ko at napatingin sa katabi niya nang magsalita ito. "Do you want to use my phone?" Kyrous asked and handed me his iPhone. "Love, ano ba? Grounded si Scaflet! Bawal!" giit ni ate sa boyfriend. Inilapag ni Kyrous ang phone sa ibabaw ng center table at niyakap ang bewang ni ate. "Hayaan mo na, love. Nakakaawa kasi ang kapatid mo," pagpupumilit niya rito. Kaagad akong napangiti nang tumango si ate. "Isang oras lang," sagot niya sa akin. "Tatlo na, ate!" hirit ko, nagbabakasaling pumayag siya. "Isang oras o isusumbong kita kay mama?" Napanguso ako at mabilis na kinuha ang phone ni Kyrous. Kaparehas no'n ang model na iniregalo nila sa akin ni ate. Kulay itim nga lang at puti ang sa akin. "Your time starts now, Scarlet. Give me my phone when it's over," Kyrous reminded me before they started became sweet in front of me. I rolled my eyes and went to my room. I checked Kyrous's photos and scan every albums he has, ignoring those sweet photos with my sister. "Ang gwapo mo talaga!" puri ko habang iniisa-isa ang litrato niya. Iyon lang ang nagawa ko sa isang oras dahil hindi nakakasawa ang pagmumukha niya. "Ano ba naman 'yang suot mo, Scarlet? Halatang napakalandi mo r'yan!" bulyaw ni mama nang makita akong lumabas ng kwarto. Bumaba ang tingin ko sa suot kong red spagetti strap crop top at denim shorts. "Ma, maganda naman, e! Sexy naman ako," pagdadahilan ko at nakuha pang magpose na parang model. Ang kaso, kinurot ni mama ang lantad a hita at tiyan ko. "Magpapalit ka o 'di kita papayagang sumama sa kapatid mo?" Pinanlakihan niya pa ako ng mga mata. "Magpapalit na," labag sa kaloobang sagot ko at bumalik sa kwarto. Hindi ko talaga sinunod si mama. Pinatungan ko lang ang damit ko ng denim jecket at ibinutones ang bandang ibaba upang matakpan ang tiyan ko. "Tara na, ate! Excited na 'ko," anyaya ko sa kapatid na ngayon ay nakasuot ng puting sleeveless dress na hanggang itaas ng tuhod. Si Kyrous naman ay nakaputing longslevees na nakatupi hanggang sa siko niya at black pants. Pasimpleng dumaan ang mga mata ko sa gitnang bahagi ng katawan ni Kyrous. Natuyo ang lalamunan ko nang makita ang umbok dito. Nakatuck-in kasi siya kaya malayang nakikita ang parteng iyon. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at sumakay sa likod ng kotse ni Kyrous. Si ate kasi ang katabi niya sa harap. Hinubad ko ang denim jacket ko nang maramdaman ang init sa katawan. "Scarlet, naka-crop top ka na naman? Hindi ba't kinausap ka na ni mama na 'wag nang magsuot ng gan'yan? Bata ka pa!" puna ni ate. Umirap lang ako at tinignan ang tanawin sa labas mula sa tinted na salamin. "Ate, summer na kaya!" maarteng sagot ko at pinag-krus ang binti. "Ewan ko sa 'yo! Wala ka talagang pinapakinggan." Umiling si Ate Serenity nang gayahin ko lang ang sinabi niya. Tama siya. Lumaki akong 'di masunurin dahil tuwing sinusubukan kong maging mabait ay kinukumpara lang ako kay ate. Gusto ng mga taong nasa paligid ko na gayahin ko siya dahil matalino siya, mabait at matulungin sa kapwa. Pero kahit anong pilit kong gayahin si Ate Serenity ay hindi gumaganda ang tingin sa akin ng mga tao dahil ang pagkakakilala na nila sa akin ay maldita, maarte at masama. Magkaibang-magkaiba talaga kaming magkapatid. She's the angel and I'm the villain. Medyo nilamig ako nang makapasok kami sa Mall dahil sa malakas na aircon pero hindi ko pa rin isinuot ang jacket ko. Nanatili itong nakatali palibot sa bewang ko. "Ate, gusto ko nito! Ibili mo 'ko," utos ko sa kapatid nang makita ang pulang dress. Off-shoulder iyon at maikli. Simple lang ang disenyo kaya gusto kong bilhin. Mahilig kasi ako sa mga plain design lang. Sinuri iyon ni ate at mabilis na umiling. "Masyadong maikli, Scarlet," komento niya at tinalikuran ako. Hinila ko ang braso ni Ate Serenity pabalik sa dress na gusto ko. "Sige na, ate! Alam kong babagay naman sa akin 'to!" Napabuntong-hininga ang kapatid ko at napatingin kay Kyrous nang hawakan siya nito sa braso. "Let her buy everything she want, love. I'll pay for it." Napangiti ako ng malawak at agad na kinuha ang dress na napili sabay lagay sa cart na itinutulak ni Kyrous. "Ako ang magbabayad, love. Responsibilidad ko ang kapatid ko," pagmamatigas ng ate ko. "At responsibilidad din kita, love. Lahat ng bibilhin mo, ako ang magbabayad," sagot ni Kyrous at hinalikan niya si ate sa noo. Napanguso ako. Kita sa kanila na mahal nila ang isa't-isa. Dahil sa ingit ako at irita ay inunahan ko na sila. Hindi magandang nasa likod nila ako dahil nakikita ko ang lahat ng paghaharutan nila. "Love, this looks good on you! Take this one." "Talaga, love? Teka isusukat ko lang." "Nye nye nye!" iritableng bulong ko habang nakatingin sa kawalan. Ang pabebe ni ate! Nakakunot ang noo ko hanggang sa kumain kami ng meryenda. Panay kasi ang subuan at asaran ng dalawang kasama ko. Sumipsip ako sa milk tea na inorder at napatingin sa mga taong dumadaan. "Hi, miss!" Nag-angat ako ng tingin sa isang lalake na lumapit sa akin. Tumaas ang kilay ko at sinuri siya. Gwapo kahit na kayumanggi ang balat niya. At maganda ang fashion taste niya base sa suot. "Yes?" I asked using my friendly tone and smiled at him. He then smirked. "Can I know your f*******: name?" Mahina akong natawa. "f*******: name? Bakit? Wala kang load para kunin ang number ko at doon ako i-text?" pang-iinsulto ko rito. "Meron naman. Pero mas madali kasi sa f*******:," dahilan nito. Tumango ako. "Scarlet Agape. Follow me on my X too, @scarlet_agape and my Insta is @thesweetestscar," I added and smirked as he fastly typed something on his phone. "Thank you, Scarlet! By the way, you look gorgeous." I only smiled and nooded my head because of his compliment. "How old are you?" My eyes went to Kyrous as he asked the boy who I think is interested in me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD