Chapter 06: Papayag Kaya?

914 Words
"I'm nineteen, sir," he answered politely. Kyrous slowly nooded his head. Akala ko hanggang doon na lang pero nagtanong siya ulit. "Do you know how old is the girl you're hitting with?" That's when guy's atention shifted on me. Umayos pa ako ng upo at ngumiti sa kanya. "I think, she's eighteen." he proudly answered. "Back off, you're wrong." Kyrous rejected him. Sumilay ang ngisi sa labi ko at tinignan ang lalake. "Sorry. Fourteen pa lang po ako, kuya. At ayaw ko sa mga matatanda," sambit ko na ikinamula ng pisngi niya. Humalakhak ako nang mabilis itong bumalik sa pwesto nilang magbabarkada. Napailing na lang ako. Mga lalake talaga! "Mag-ingat ka sa mga gan'ong lalake, Scarlet. 'Wag kang magpapaligaw basta-basta," paalala ni Ate Serenity sa akin. "Alam ko, ate! Nakipaglaro lang ako. 'Di ko naman talaga papatulan 'yon. Saka, ayaw ko sa moreno, gusto ko sa mga tisoy," sagot ko at tinignan si Kyrous na hindi ko inasahang ipagtatabuyan ako sa mga lumalandi sa akin. "Salamat pala, Kyrous." "Gumalang ka nga, Scarlet. Mas matanda siya sa 'yo!" puna ni ate kaya humalakhak ako. "Salamat, Kuya Kyrous!" matamis na sambit ko at tinitigan si ate. "Ayos ba, 'te?" "Napakapilyo mo talaga!" Humalakhak na rin siya. "Ilang taon ka na ba, Kuya Kyrous?" pagbaling ko sa katabi niya. "I'm twenty," seryosong sagot niya. "Twenty? May gan'on pa lang CEO? Akala ko puro matatanda lang," komento ko habang naka-kunot ang noo. "Yeah, most of CEOs are adult. But, because of my parent's will, they trained me at my young age. Guess how old I am when I started training for our bussiness," he challenged. Nanliit ang mga mata ko at pinagmasdan ang gwapong mukha niya. "Hmm, eighteen?" panghuhula ko. "Nah. I'm thirteen that time." "Seryoso? E 'di ang pangit ng teenage life mo? Hindi ka nag-enjoy!" "Of course not!" He chuckled. "I enjoyed it and still enjoying my life." He then looks at my sister who has the same age as him. "With Serenity," He added and kisses her cheek that made me feel so... jealous. "Kuya Kyrous, pwede kong bilhin 'to?" tanong ko sa kanya at ipinakita ang puting sapatos na nakita. Sikat ang brand na iyon at mahal kaya sulitin ko na dapat ang paglibre ng boyfriend ni ate. "May gan'yan ka na, Scarlet, 'di ba?" singit ni ate. Napanguso naman ako para magpaawa. "Maliit na iyon sa akin, ate, e!" "Try it to know if it's same as your size. Then, add it here," Kyrous commanded that made me smile. Ang dali niyang kausap! Nagpa-assist ako sa isang saleslady na isuot sa paa ko ang sapatos. Nang maramdamang kasya ay inilagay ko agad iyon sa cart. "Kuya Kyrous, ito rin!" "Scarlet, mga kailangan lang ang dapat na binibili mo. Aanhin mo 'yan?" tutol ni Ate Serenity sa itinuro kong yoga mat. "Mag-e-excersice ako, ate! Sabi kasi ni Kuya Kyrous kailangan maganda ang katawan kapag flight attendant," paliwanag ko. "Ang payat mo na, Scarlet! Ano pang babawasan mo sa katawan mo?" "I agree to her, Scarlet. You're still young. Maybe you can work out when you're eighteen. So, we'll buy that next time." Dahil si Kyrous na ang nagbawal sa akin ay tumango na lang ako at hindi na nakipag-away. Baka bawiin niya pa ang lahat ng pinamili ko kapag nagmaldita ako ng sobra! "Ate, last na. Itong make up na lang!" pakiusap ko sa kapatid nang pumasok kami sa Watsons. Tinignan ni ate si Kyrous. Ngumiti lang si Kyrous at hinalikan ang noo ng kapatid ko. "Hayaan mo na, love. Malapit naman na tayong bumalik ng Maynila kaya ibigay na natin lahat ng gusto ni Scarlet." Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Kyrous. "Aalis na kayo agad?" mahinang tanong ko. Nang maisip iyon ay parang naubos agad ang lakas at gana sa katawan ko. "Next week pa naman, Scarlet." ani Ate Serenity pero nanatili akong nakanguso. "Ang bilis naman! Matapos niyo pala akong pasayahin, iiwan niyo na naman ako," nagtatampong reklamo ko. "Gan'on talaga. Para sa 'yo rin naman 'to e!" Inakbayan ako ni ate at inilapit sa kanya. "Sige na. Bumili ka na ng kahit anong gusto mo," pagpapagaan niya ng loob ko. "P'wede ko ba kayong bilhin? Gusto ko pa kayong makasama," sinserong sambit ko at niyakap siya. Ayaw ko na kasing mag-isa na naman sa bahay. Ilang buwan na naman ang hihintayin ko para makasama sila ulit! Hinaplos niya ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya. "Sure ka kami na lang? Ayaw mo ng make-up?" pang-aasar niya. "Gusto ko ang dalawa!" mabilis na sagot ko. "Oh, e 'di bumili ka na ng make up mo," aniya at tumawa. "Ayaw ko! Iiwan niyo naman ako kapag bumili ako." "Isasama ka namin," biglang sagot ni ate na ikinatigil namin ni Kyrous. Ayaw ba niya? Napansin niya sigurong tumingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin. Tumango siya ay ngumiti sa akin saglit. "I agree, it's their summer break, love. I think it's fine if we'll bring her with us." Tumango si ate at malawak ang ngiti nang tignan ako. "Kukumbinsihin ko si mama." "Talaga? Thank you, ate at kuya!" halos mapunit ang mga labi ko dahil sa malawak na ngiti bago sila niyakap. Humarap ako kay Kyrous nang maramdaman ang mahabang palad niya sa bewang ko. Isinandal ko ang mukha sa dibdib niya at pasimpleng sininghot ang mabangong panlalakeng amoy niya. Ang gwapo ng amoy! Nakakaakit! Gusto ko lalong sumama sa kanila! Pero, papayag kaya si mama?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD