Episode 13

2523 Words
CHAPTER 13 Aira Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Iisanlang kami ni silid ng boss ko. Sobrang kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung excitement ba ‘to o kaba. Basta ang alam ko lang, ito na yata ang pinakailang gabi ko sa tanang buhay ko dahil kasama ko si Sir Rick. Sa iisang kwarto. At oo, sa iisang kama. “Relax, Aira,” bulong ko sa sarili habang nasa loob ng banyo, nakatitig sa salamin. “Professional setting lang ‘to. Wala namang mangyayari. He’s not like that.” Huminga ako nang malalim at sinabunutan nang bahagya ang sarili. Pero bakit parang gusto kong maniwala na baka nga may mangyari sa aming dalawa? Napailing ako agad. “Ano ba!” Halos sabunutan ko ang sarili ko para hindi mag-isip ng kung ano-ano. Ano kaya ang lasa ng halik? Paanobkungvhalikan ako ni Sir Rick? My Gosh! Ano ba itong iniisip ko? Paglabas ko ng banyo, bumungad agad ang tanawin na hindi nakatulong sa pagkalma na sinusubukan kong buuin. Si Sir Rick, nakaupo sa sofa malapit sa bintana, nakatanggal na ang coat at necktie. Naka-white shirt lang siya, medyo nakasando sa ilalim, at may hawak na baso ng tubig habang nakatingin sa city lights. Para siyang eksenang pang-drama na may kasamang commercial ng pabango. “Done?” tanong niya, hindi man lang tumingin. Mababa at malamig ang boses pero ramdam ko ‘yong kabaitang pilit niyang itinatago. “O-opo,” sagot ko, pilit kong pinipigilan ang pagkautal. “Gamitin n’yo na po ‘yong banyo.” Tumayo siya, at habang naglalakad papunta sa pinto ng CR, naramdaman kong dumaan sa tabi ko ‘yong init ng katawan niya. Parang static na biglang kumapit sa balat ko. “Kung gusto mong gumamit ng comforter, nasa cabinet. I’ll take the couch.” “Ha? Hindi po. Masikip ‘yong sofa, Sir. Ako na lang po roon sa sofa," sabi ko sa kaniya. Marahil naiilang din siyang tumabi sa akin. “Masikip, oo. Pero mas ligtas para sa’yo.” Tumawa siya nang mahina, parang tinutukso lang ako pero halatang iniiwas din ang tingin. “Sir, huwag kayong magbiro nang ganyan. Hindi naman ako madaling matakot," sagot ko, pilit pinapatatag ang sarili. Pero sa totoo lang, parang matunaw na ako sa hiya. “Talaga? Kasi parang natatakot ka sa’kin," taas ang dalawa niyang kilay na sabi sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya titingnan. Totoo naman kasi. Hindi ako takot na parang may masamang gagawin siya, takot ako kasi baka may magbago sa’kin dahil sa kanya. “Hindi ako takot,” sagot ko sa wakas, sabay bitaw ng pilit na ngiti. “Na-aawkward lang.” Ngumiti siya, ‘yong tipong kalahati ng ngiti lang, pero sapat para mapatigil ako. “Good. At least honest ka.” Pagkasabi niya pumasok na siya sa banyo. Binlower ko na lang ang aking buhok. Gusto ko matuyo ito bago matulog. Sa ilang taon ko na nagta-trabaho, ngayon lang nangyari sa akin ito, na magustuhan ako ng boss ko. At ang masaklap pa, dito kami sa isang magarbong hotel at nasa isang silid lang. Pagkalipas ng kalahating oras lumabas siya mula sa banyo, amoy ko agad ‘yong shampoo at sabon ng hotel na parang bigla na lang nagbago ang temperatura ng buong kwarto. Nakalugay na ang buhok niya nang bahagya, may patak ng tubig pa sa gilid ng leeg. Pang-drama nga talaga. “Ready to sleep?” tanong niya habang pinupunasan ang buhok gamit ang tuwalya. “Ah—oo. Pero, baka mas okay kung hati tayo sa kama? Para lang hindi kayo mahirapan sa sofa.” Tinitigan niya ako, mahaba, parang sinusukat kung seryoso ba ako o inaasar ko lang siya. “Sure ka?” paninigurado niya. Bahagya akong napalunok ng aking laway. Ayaw ko naman mahirapan ang boss ko dahil malawak naman itong kama. “Sure po!" agad kong sagot. “Okay. Pero promise mo, walang takbuhan ‘pag napaginipan mo akong multo.” Napatawa ako. “Bakit ko naman po kayo mapapanaginipan?” “Malay ko. Baka kasi minsan, kahit sa panaginip, gusto mo pa rin akong asarin.” At doon ako natahimik. Kasi hindi na siya ngumiti pagkatapos noon. Tinitigan lang niya ako nang dire-diretso, parang may gustong sabihin pero hindi matuloy. Pagkatapos kong magsuklay, humiga ako sa kaliwang bahagi ng kama. Tahimik lang sa kwarto, pero ramdam ko pa rin ‘yong bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa. Hindi naman nakakailang na parang may atraso, pero may kakaibang alon ng tensyon—‘yong uri ng tahimik na kuryente na pareho naming gustong huwag pansinin, pero hindi rin namin maiwasan. Naririnig ko ang mahinang kaluskos niya sa gilid, ang langitngit ng kutson nang bahagya siyang gumalaw. Hindi ko kailangan tumingin para malaman na humiga na rin siya. Ramdam ko lang ‘yong bahagyang paggalaw ng hangin, ‘yong init na sumisingaw sa presensya niya kahit may pagitan pa kami. Pinikit ko ang mga mata ko, pilit na pinapakalma ang darili, pero totoo niyan, gising na gising ang isip ko. Ang hirap matulog kapag alam mong may katabi kang taong gusto mong kilalanin pero hindi mo alam kung dapat mo bang hayaan. Lumipas ang ilang minuto bago siya muling nagsalita. Tahimik lang kaming pareho, at ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng aircon at ang mga hininga namin. Akala ko tulog na siya, kaya halos mapatalon ako nang marinig kong bigla siyang bumulong. “Aira.” Nagmulat ako ng mata, nakatingin sa kisame. “Hmm?” mahina kong tugon, halos pabulong lang. May ilang segundong pagitan bago niya sinundan. “May experience ka na ba sa… s*x?” Parang may kumurot sa lalamunan ko. Ano raw? Muntik akong mabilaukan sa sariling laway. Napabangon ako ng bahagya, agad na tumagilid paharap sa kanya. “Ha?! Bakit mo naman naitanong ‘yan?” halos pabulong pero puno ng gulat kong tanong. Tahimik siya sandali, pero sa pagitan ng dilim at liwanag ng lampshade, nakita kong nakatingin lang siya sa kisame—seryoso, parang nag-iipon ng lakas ng loob bago sumagot. “Dahil girlfriend na kita,” sabi niya sa mababang boses na parang bulong, “at gusto ko lang malaman kung may karanasan na ang girlfriend ko.” Natigilan ako. Hindi ko alam kung matatawa, mahihiya, o maiinis. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang pinaghalo ang hiya at kaba. Girlfriend? Talaga bang girlfriend na niya ako? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Napapikit ako sandali, sinubukang ayusin ang sarili. Ano bang isasagot ko? Kung sabihin kong wala pa, baka pagtawanan niya ako, o isipin niyang masyado akong inosente. Pero kung sabihin kong meron na… baka isipin naman niya na… liberated ako? Huminga ako nang malalim, saka ko sinubukan ngumiti nang tipid kahit ramdam kong nanginginig ang labi ko. “Marami na akong experience sa s*x,” sabi ko, pilit na kalmado ang tono. “Pero hindi ako basta-basta nakikipag–sex sa kung sino lang.” Tahimik siya. Ni hindi ko marinig ang paghinga niya. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng aking puso, at ang mahinang ugong ng aircon na parang sinasadyang paigtingin ang katahimikan. Hanggang sa bigla kong naramdaman ang paggalaw ng kama. Bago ko pa maintindihan ang nangyayari, naramdaman ko ang bigat ng kamay niya sa paligid ko. Isang mainit, maingat na yakap, parang nag-aalangan, pero sabay na matatag. Parang isang sandaling hindi ko alam kung dapat ba akong umatras o huminga lang ng malalim at maramdaman iyon. Para akong nakuryente. Hindi dahil sa yakap mismo, kundi sa pakiramdam ng t***k ng puso niyang halos kasabay ng akin. “Mabuti,” mahina niyang bulong, halos pumasok sa balat ko. “At least, hindi na ako mahihirapan.” Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung paano ako hihinga. “A–anong ibig mong sabihin?” halos hindi lumalabas ang boses ko. Humigpit ng kaunti ang yakap niya, pero hindi mapang-angkin. Parang gustong ipadama lang ang init ng presensya niya. “Ibig kong sabihin,” marahan niyang sagot, “mahirao kapag virgin. Mahirap ipasok-" Napakagat ako sa labi. Lalo na ng putulin niya ang sasabihin niya. Ang init ng mukha ko. Kahit hindi ko siya nakikita nang buo, ramdam ko ang bawat paghinga niya, ang mahinang dampi ng hininga niya sa buhok ko. Ngunit bago pa ako tuluyang lamunin ng tensyon, nagawa kong magsalita. “Sir Rick…” “Hmm?” “Hindi pa ako handa ibigay ang sarili ko sa’yo.” Mababa at totoo ang boses ko. Isang pakiusap na sana, maintindihan niya. Dahil ang totoo wala akong experience sa s*x. Ilang segundo lang ang lumipas bago ko narinig ang mahinang buntong-hininga niya. Pagkatapos ay maramdaman ko ang bahagyang paglayo ng katawan niya, parang binigyan niya ako ng espasyo para huminga. “I know,” bulong niya. “At irerespeto ko ‘yon.” Nakahinga ako ng maluwag. May kung anong gaan sa dibdib ko, pero kasabay niyon ang kakaibang init na naiwan sa paligid. Para bang kahit lumayo siya, andoon pa rin ang bigat ng bisig niya na parang nakayakap pa rin sa akin. Akala ko tapos na ang usapan. Akala ko magpapatuloy na lang kaming dalawa sa tahimik na pagtulog na parang walang nangyari. Pero bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko, naramdaman ko ang marahang paglapit niya ulit. Dahan-dahan, halos walang ingay. Hanggang sa maramdaman kong ang mga daliri niya ay maingat na humaplos sa pisngi ko, parang humihingi ng pahintulot. “Aira…” mahina niyang sabi. “Good night.” At bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang mainit niyang labi na dumampi sa akin—magaan, mabilis, halos parang hininga lang. Pero sapat na para huminto ang mundo ko. Hindi iyon halik ng pagnanasa. Iyon ‘yong uri ng halik na parang tanong na kung papayag ako, baka iyon na ang simula ng lahat. Nanigas ako sandali, hindi dahil sa takot kundi dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Ang totoo, iyon ang unang beses na may humalik sa labi ko. At sa isang iglap, parang nawala lahat ng ingay sa paligid—ang aircon, ang relo, ang kaba. Ang natira lang ay ‘yong pakiramdam na parang nahulog ako sa isang tahimik na lambing na hindi ko alam kung dapat bang katakutan o yakapin. Nang maghiwalay ang labi namin, hindi siya nagsalita. Nakahinga lang siya nang malalim, saka muling humiga, paharap sa kisame. Ako naman, nanatiling nakatihaya, hawak pa rin ang dulo ng kumot, at pilit hinahanap ang t***k ng puso ko sa gitna ng katahimikan. “Good night, Sir Rick,” mahina kong sabi, halos hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Hindi siya sumagot. Pero sa tunog ng marahan niyang paghinga, alam kong gising pa rin siya—gaya ko. At sa gabing ‘yon, habang nakapikit ako, alam kong may nagbago sa nararamdaman ko. Mas lalo pa akong nahulog ka Sir Rick. Kinabukasan, nagising ako dahil may mainit at malambot na dumadampi sa ilong ko. Parang halik—mahina, magaan, at paulit-ulit. Napasinghap ako, dahan-dahang iminulat ang mga mata ko, at bumungad sa akin ang mukha ni Sir Rick. Nakahilig siya sa gilid ng kama, at may mapang-asar pero sobrang lambing na ngiti sa labi niya. “Good morning, sleepyhead,” bulong niya, halos paos pa ang boses, parang bagong gising din. Napakurap ako, biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “S-Sir Rick?” Napatawa siya nang mahina, ‘yong klaseng tawa na parang hinga lang pero ramdam mo sa buong katawan. “Sabi ko na nga ba magugulat ka. Pero teka lang,” Yumuko siya nang kaunti, malapit sa tenga ko. “Kapag tayong dalawa lang, huwag mo na akong tawaging Sir Rick, hmm?” Napakunot ang noo ko, nakatitig pa rin sa kaniya. “Ha? Eh, anong gusto mong itawag ko?” Ngumisi siya, ‘yong kindat na nakakapanlambot ng tuhod. “Honey.” “Ha?! Honey?!” halos mapasigaw ako, pero agad niyang tinakpan ang bibig ko gamit ang isang daliri. “Shh…” natawa siya nang mahina, saka bahagyang yumuko ulit, malapit sa mukha ko. “Kung gusto mo, puwedeng Rick lang. Pero kapag tayong dalawa, mas gusto kong Honey.” Ramdam kong nag-init ang pisngi ko. Para akong tinamaan ng kidlat habang nakatitig sa kaniya. “Ang corny mo,” bulong ko, pero hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko. “Corny? Eh ikaw naman ang cute kapag namumula,” sagot niya, sabay dampi ng labi niya sa noo ko, mabilis lang pero sapat para mawalan ako ng hininga. Napapikit ako sandali. Ang bango niya, ‘yong halimuyak ng sabon at kape na tila natural na sa kaniya. “Rick,” tawag ko mahina nang makabawi ako sa hiya. “Paano kung may makakita sa atin? Baka isipin ng mga empleyado—” Naputol ko ang sarili kong pangungusap nang mapansin kong seryoso na ang tingin niya. Tumabi siya sa akin sa kama, pero hindi na tulad kagabi na may pagitan pa. Nasa tabi ko na talaga siya ngayon, nakaupo, bahagyang nakasandal sa headboard. “Honey,” sabi niya nang marahan. “May gusto sana akong hilingin.” Napatingin ako sa kaniya. “Ano ‘yon?” Huminga siya nang malalim. “Kung maaari, huwag mo munang sabihin sa mga kasamahan natin sa opisina na tayo na.” Napaawang ang labi ko. “Bakit?” “Hindi dahil nahihiya ako, Aira,” agad niyang dagdag. “Kundi dahil may policy ang kumpanya — bawal ang romantic relationship sa pagitan ng empleyado at superior. Alam mo naman, baka may mga taong magsumbong, at ikaw ang maapektuhan.” Tahimik akong tumango. Totoo naman iyon. Masyadong delikado, lalo pa’t kilala si Sir Rick bilang istrikto at propesyonal sa kumpanya. “Pero…” ngumiti siya, sabay abot ng kamay ko. “Pangako, hindi ko itatago kung gaano kita kamahal. Sa labas lang ng opisina, ikaw at ako. Walang Sir, walang Miss Aira, walang pagitan.” Ramdam kong may kung anong kumislot sa dibdib ko. Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig pa, hinagod ng hinlalaki niya ang likod ng palad ko, at tila sa bawat haplos ay nagiging totoo ang lahat. “Hindi ko akalain na ganito kabilis,” mahina kong sabi, halos pabulong. “Na ano?” tanong niya, nag-aabang sa sagot ko. “Na maging tayo. At mahuhulog ako sa'yo,” amin ko, halos mahina kaysa sa hininga ko. Tinitigan niya ako nang matagal bago siya ngumiti ulit. ‘Yong ngiti niyang may bahid ng kapilyuhan pero puno ng init. “Good. Kasi ayaw ko ako lang ang nahuhulog.” At bago pa ako makasagot, marahan niyang hinalikan ulit ang ilong ko, saka ang pisngi. Hindi iyon gaya ng halik kagabi, mas magaan, mas totoo. Napatawa ako sa pagitan ng kabog ng dibdib ko. “Bawal na bawal ‘to, Rick.” “Alam ko,” bulong niya habang nakatitig pa rin sa akin. “Pero minsan, masarap sumuway kapag tama ang dahilan.” At sa sandaling ‘yon, habang nakatitig ako sa mga mata niya, wala na akong ibang naisip kundi kung gaano kalambot pakinggan sa tenga ko ang salitang Honey — lalo na kapag siya ang tumatawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD