CHAPTER 12 Aira Lumipas ang ilang oras ng biyahe, at habang natutulog ako, ramdam kong inilagay ni Sir Rick ang blanket sa ibabaw ko. Pagdilat ko nang bahagya, nakita ko siyang nakatingin lang sa bintana at seryoso ang mukha. Ang mga mata niya, parang may lalim na hindi ko maabot. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero may kakaibang init sa puso ko habang pinagmamasdan siya. Biglang lumingon siya sa akin. “You’re staring,” sabi niya, bahagyang nakangiti. “Ano? Hindi ah!” “Caught you,” sabi niya, sabay ngiti. “Okay lang. I like it when you look at me.” “Ang kapal mo,” sabi ko, sabay turo sa kanya. “Matulog ka na nga.” “Hindi ako makatulog. Baka pagising ko, ibang seatmate ko na,” sabi niya habang nakangiti. “Hindi mangyayari ‘yon,” sagot ko, sabay talikod. Pero hindi ko napigi

