CHAPTER 11
Aira
Dalawang araw na ang lumipas mula nang huli ko siyang makita.
Dalawang araw na parang isang linggo sa pakiramdam.
Simula nang umuwi ako mula rest house ni Sir Rick, noong gabing iyon, araw-araw akong pinapadahan nngg bulaklak ni Sir Rick. Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niya gusto niya ako aging girlfriend.
At tuwing makikita ko ‘yong bulaklak, hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa. Kasi sa totoo lang, kahit gusto kong magpaka-professional, hindi ko mapigilang kiligin. Pero siyempre, hindi ko naman pwedeng aminin ‘yon. Hindi pa rin ako nagbibigay ng sagot sa kanya, at gusto kong panindigan ‘yong desisyong huwag magmadali.
Kaso, iba yata ang paraan ng panliligaw ni Mr. Harris. Gusto niya yata mabilisan.
Maaga akong nagising ngayon.
Ang dami kong kailangang ayusing mga dokumento, passport, gamot, presentation slides, lahat. Pero kahit anong gawin kong distraction, parang may kaba akong hindi maalis.
Ngayon kasi ang alis namin papunta sa Middle East.
Habang nag-aayos ako ng buhok sa salamin, biglang may bumusina sa labas.
“Baka si James ‘yan, Anak” sabi ni Papa mula sa sala.
Tumango ako, pero nang sumilip ako sa bintana, halos mabitawan ko ang suklay ko.
Hindi si James, kundi si Sir Rick mismo.
At hindi basta-basta ang itsura niya.
Puting polo na may tupi sa manggas, dark jeans, at suot pa rin ang signature niyang relo. Pero higit sa lahat, ‘yong ngiti niya, ‘yong ngiting parang sanay siyang kontrolin ang mundo at alam niyang matatalo ka pag ngumiti siya ng ganon.
Lumabas ako at binuksan ang gate. Napakapit ako sa laylayan ng aking suot na damit.
“Good morning,” bati niya sa mababang tono, sabay abot ng bouquet ng tulips. “My future wife.”
Napasinghap ako.
Future- what?
“Ha?” halos mahulog sa kamay ko ‘yong folder kong hawak. “Anong—sir, ano 'yong tawag mo sa qkin?”
“Good morning, my future wife,” ulit niya, mas malumanay na, na parang wala lang.
“Future wife?!”
Tumikhim ako, pilit na nagbabalik ng composure. “Sir Rick, excuse me po, hindi pa nga kita sinasagot, tapos future wife na agad ang tawag mo sa’kin?”
Ngumiti siya, ‘yong tipid na ngiti na may bahid ng pang-aasar. “Dalawang araw na ang nakalipas, Aira. Wala kang text, wala kang tawag. At sa batas ng pag-ibig, silence means yes.”
Napatulala ako, halos hindi makapaniwala. “Ha? Batas ng ano?”
“Pag-ibig,” sagot niya, sabay kindat. “At saka ayaw ko nang hintayin pa ‘yong sagot mo. Sa ayaw mo’t sa gusto mo, tayo na.”
Napamulagat ako. “Grabe ka! Sinong nagsabing pwede kang magdesisyon para sa’kin?”
“E ‘di ako,” sagot niya agad. “Boss mo ako, ‘di ba?”
“Boss ka lang sa opisina!” sagot ko sa kaniya.
“Eh 'di, ngayon boss mo na rin sa puso mo.”
“Grabe! Ang kapal mo!” Hindi ko napigilan sabihin iyon sa boss ko. Paano kasi, nakakagulat siya.
“Salamat. Compliment ‘yan sa amin mga guwapo.”Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya.
Pero habang pinagmamasdan ko siya, hawak pa rin ‘yong bouquet ng tulips, parang imposible yatang hindi mapangiti kahit konti.
Ang sama.
Kasi kahit ilang beses kong sabihing ‘hindi ako kinikilig’, parang sinungaling ang puso ko.
“Good morning, Mr. Harris,” bati ni Papa nang lumabas siya sa pintuan.
Agad namang naglakad si Rick palapit, dala ‘yong mamahaling bote ng alak. “Good morning po, Mr. Salmonte. May dala po akong konting regalo. French red wine, 1987 vintage. Rare find po ‘yan.”
“Ah, naku, sobra namang magarbo, hijo,” sabi ni Papa, pero halatang natuwa rin. “Salamat ha. Ibang klase ka talagang manligaw.”
“Manliligaw?” halos mapatili ako. “Papa!”
Ngumisi lang si Rick, parang lalo pang ginanahan. “Hindi na po ako manliligaw, sir. Nakapagdesisyon na po ako. Sa dalawang araw na lumipaas, hindi na po ako mapakali, kaya… ako na lang po ang nagdeklara. Girlfriend ko na si Aira.”
Halos mabilaukan ako. “S-sir Rick!”
“Girlfriend na pala, ha?” natatawang tanong ni Papa. “Aba, bilis ng promotion mo, anak!”
“Pa! Wala pa nga akong sinasabi!”
Pero tumawa lang si Papa, ‘yong tawang parang nanunukso. “Ano ba ‘yan, Aira. Kung ako sa’yo, ‘wag mo nang patagalin. Gwapo, matalino, mayaman—eh kung ako ‘yan, matagal na akong sumagot.”
“Papa!” Napahawak ako sa noo ko. “Ang aga-aga, ganito agad usapan natin?”
Ngumiti si Rick, halatang enjoy na enjoy sa eksena. “Tama po kayo, sir. Minsan po kasi, kapag alam mong tama ‘yong tao, ‘wag mo nang hintayin pa.”
“Ah, ewan ko sa inyo!” maktol ko sa dalawa.
Pinigilan ko ang sarili kong hindi ngumiti, pero lalo lang siyang nakangiti sa’kin. ‘Yong tipong alam niyang nahuli na niya ako sa bitag ng biro niya.
Pumasok kami sa loob ng bahay.
"Umupo ka muna, Iho. Alam mo bang paborito kong wine ang brand na ‘to?” wika ni Papa sabay lapag niya ng wine sa bar counter niya.
Tumawa si Rick, ‘yong tipong confident pero may halong lambing. “Talaga po? Naku, mabuti na lang at tama ang napili ko. Sabi ko nga, baka pag nagustuhan niyo ‘yan, ako na po ang paboritong future son-in-law ninyo.”
Napasinghap ako. Ano daw?
“Future—future what?” tanong ni Papa, kunot-noo pero halatang aliw.
“Future son-in-law po,” sagot ni Rick na parang wala lang. “Kasi po, sa ayaw at gusto ni Aira, kami na.”
Halos mabulunan ako sa sarili kong hinga. “Hoy, excuse me! Hindi pa kita sinasagot!”
Umiling lang siya at ngumiti. “Hindi ko na kailangan ang sagot mo, Sweetheart."
“Sir Rick!” halos tili kong sabi habang pinapalo siya sa braso.
Napailing si Papa, tawa nang tawa. “Aba, mukhang seryoso ka sa anak ko, iho.”
“Seryosong-seryoso po,” sagot ni Rick, diretso ang tingin kay Papa, pero ramdam ko ang tingin niyang paminsan-minsang lumilihis sa’kin. “Gusto ko pong maging masaya siya. Kaya ngayong business trip namin sa Middle East, plano ko pong ipasyal siya sandali. Para naman marelax bago siya bumalik sa trabaho.”
Tumango si Papa, pero napailing na parang may naalala. “Eh, paano pala si James?”
Pareho kaming napatigil ni Rick. Ako, dahil nagulat. Siya… halatang napakunot ang noo.
“Si James, Tito?” tanong niya, malamig ang boses. Na para bang kilala niya si James kung makatanong siya kay Papa.
“Oo. Sabi kasi kagabi ni James, pupunta raw siya ngayon dito para alukin si Aira ng dinner. Hindi ko alam na aalis pala kayo ngayon."
Parang biglang nag-iba ang aura ni Rick. Hindi siya nagsasalita agad, pero halata sa pagkakahawak niya sa bulaklak na medyo mas humigpit. Uh-oh.
Ngumiti ako, awkward. “Ah, Papa, siguro hindi na—”
“Wala na pong dinner na magaganap, Tito,” putol ni Rick sa akin, diretsong tono pero may halong selos sa dulo. “Sayang naman kung pupunta pa siya rito, eh aalis na kami ni Aira. Hindi na siya available.”
Napatingin ako sa kanya. “Hindi ako—”
“Available,” ulit ni Rick, sabay tingin sa akin na parang sinasabi, don’t even try.
Napailing si Papa, halatang natatawa. “Aba, possessive, ah. Parang totoo nga yatang kayo na, ha.”
“Hindi pa po!” protesta ko, pero hindi ko na napigilang mapangiti.
“Tayo na nga,” dagdag ni Rick, sabay kindat.
“Grabe ‘to,” sabi ko, halos mapatago sa likod ng sofa.
“E ‘di ayos,” sabi ni Papa, sumandal sa upuan habang hawak-hawak ang wine. “Pero tandaan mo, Rick, lalaki ka. Dapat marunong kang manuyo nang maayos.”
Ngumiti si Rick, medyo yumuko bilang paggalang. “Opo, Tito. Sa totoo lang, nagsimula na po ako—mga bulaklak, wine, at sa susunod, engagement ring.”
Engagement ring daw?!
Napalunok ako, at napatingin kay Papa na ngayon ay malawak na ang ngiti. “Ganyan gusto ko sa lalaki, diretsuhan. Pero siguraduhin mong kaya mong panindigan ‘yang mga salita mo, Rick, ha?”
“Walang duda po,” sagot ni Rick.
Sandali silang natahimik, tapos biglang ngumisi si Papa at nagsabing, “O siya, ipasyal mo na ‘yang anak ko sa Middle East. Pero pagbalik ninyo-”
Tumaas ang kilay ko. “Pagbalik namin, ano po?”
Ngumiti si Papa nang pilyo. “Eh ‘di, bigyan mo na ako ng apo.”
“Papa!” halos mapasigaw ako, habang natatawa lang si Rick.
“Bakit, gusto mo rin naman ng baby, ‘di ba?” dagdag pa ni Papa, sabay tawa.
“Papa, please!” sabi ko, sobrang namula na ang pisngi ko.
Pero si Rick—aba, hindi man lang tumulong sa pagligtas sa hiya ko. Lalong lumapad ang ngiti. “Well, Tito… kung ‘yan po ang request ninyo-”
“Mr. Harris!” hinampas ko siya sa braso, pero natatawa na rin ako.
“Joke lang, joke lang,” sabi niya, pero hindi ko alam kung gaano kadami doon ang joke at gaano karami ang seryoso.
Humagalpak sa tawa si Papa, at halos sumakit ang tiyan ko sa hiya. Pero sa loob-loob ko, may kakaibang saya. Parang kahit anong asar o biro ni Rick, may init na dumadaloy sa dibdib ko.
Nang paalis na kami, hinatid kami ni Papa sa labas. “Ingat kayo. Aira, alagaan mo ang sarili mo. At ikaw, Rick!”
“Opo, Tito?” sagot ni Sir Rick kay Papa.
“Alagaan mo ang anak ko. Pero alalahanin mo, hindi pa kayo kasal, kaya hanggang holding hands lang muna.”
“Papa!”
Tumawa lang si Rick. “Opo, Tito. Holding hands lang… for now.”
Para akong matunaw sa hiya, pero hindi ko rin mapigilan na hindi kiligin.
Pagkasakay namin sa kotse, hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Rick. Ako naman, pakiramdam ko ay namula na yata ako hanggang tenga. Lalo na kapag naiisip ko ang sinabi ni Papa tungkol sa apo—apo talaga, Papa?!
Tahimik ako habang nakatingin sa labas ng bintana, pero naririnig ko si Rick na hum humming ng kung anong kanta. Lumingon siya saglit sa’kin at ngumiti. “You’re awfully quiet, my future wife.”
“Stop calling me that,” sabi ko, sabay iling.
“Why? Hindi ba’t totoo naman?”
“Hindi pa nga kita sinasagot!”
“Dalawang araw na ang nakalipas,” sagot niya, seryosong tono pero may ngiti sa gilid ng labi. “In business, silence means agreement. So… I consider that a yes.”
“Business? Excuse me, love life ‘to, hindi kontrata!”
Ngumisi siya. “Pareho lang ‘yan. Both require commitment.”
“Grabe ka talaga,” sabi ko, sabay tawa, pero sa loob-loob ko… bakit parang gusto ko yatang maniwala na totoo lahat ng sinasabi niya?
Pagdating namin sa airport ng Canada, halatang sanay na sanay si Rick sa ganitong lugar. Lahat ng galaw niya ay maayos, confident, parang laging nasa kontrol. Ako naman, nagmamadaling inaayos ang passport at ticket ko, habang siya ay relaxed lang—naka shades, naka dark suit, at may hawak pa ring bouquet ng bulaklak.
“Kanina pa ba ‘yan?” tanong ko, tinuturo ang mga bulaklak.
“Para sa’yo ulit,” sagot niya, sabay abot sa’kin. “Baka kasi isipin mong nalimutan ko ‘yong daily delivery ko.”
Hindi ko napigilang matawa. “Dalawang araw kang hindi nagparamdam, pero may bulaklak araw-araw. Anong klaseng lalaki ka?”
“‘Yong tipo ng lalaki na gusto mong hanapin kahit ayaw mong aminin,” sagot niya, sabay kindat.
Napatigil ako. Oh no. He’s doing it again.
“Mr. Harris, gusto mo bang ikaw na lang ang lumipad mag-isa?”
“Hindi pwede,” sagot niya agad. “Sino na ang kakapit sa kamay mo sa takeoff?”
Namula ako. “Hindi ako natatakot sa eroplano!”
“Sure ka?” tanong niya, malambing pero may tono ng hamon.
“Sure!”
“Okay,” sabi niya, nakangiti. “Pero pag sumigaw ka mamaya, I’ll take that as a confession of love.”
“Sir Rick!” Halos mapahampas ako sa kanya, pero natatawa rin ako.
Pagpasok namin sa boarding area, halos lahat ng tao napapatingin kay Rick. Hindi ko alam kung dahil sa tindig niya o dahil sa amoy ng cologne niyang nakakahilo sa bango. Ako naman, nakakapit lang sa shoulder bag ko, pilit na kalmado.
Paglapit namin sa gate, inabot niya sa akin ang boarding pass ko. “Business class tayo,” sabi niya, parang normal lang.
Napakurap ako. “Ano?!”
“Business class,” ulit niya. “You think I’ll let my girlfriend—” tumigil siya sandali, “—este, future wife—”
“Sir Rick!” nahihiya kong sawaynsa kaniya. Hindi ko alam sa tuwing tatawagin niya akong future wife, may kung anong gumagapang sa aking tiyan. Parang may mga lumilipad na mga paro-paro.
“Fine. You think I’ll let Aira Salmonte sit in economy?” aniya sabay ngiti sa akin.
“Eh ang mahal n’un!” reklamo ko
“Para sa’yo, hindi,” sagot niya, diretso, sabay ngiti.
At doon na naman ‘yong kabog ng dibdib ko—’yong parang roller coaster na hindi ko mapigilan.
Pag-upo namin, halos mapanganga ako sa loob. Malalawak ang seats, may libreng drinks, at bawat upuan ay parang mini-sofa. Habang inaayos ko ang seatbelt ko, napatingin ako kay Rick—relax lang, parang nasa sariling sala niya.
“First time?” tanong niya.
“Obvious ba?” taas ang kilay kong sagot sa kaniya.
“Medyo,” sagot niya, sabay abot ng juice sa’kin. “Here. Para ma-relax ka.”
“Salamat,” sabi ko, pero nang hawakan ko ‘yong baso, napansin kong nakatitig siya sa’kin.
“Bakit?” tanong ko, medyo nahiya.
“Wala,” sabi niya, bahagyang ngumiti. “You just look beautiful when you’re nervous.”
Parang biglang naging mainit ang paligid. “Sir?”
“Hmm?”
“Pwede bang huwag ka masyadong ganyan?” sabi ko, pilit na hindi tumitingin sa kanya habang nag-aayos ng seatbelt. Ramdam kong nanginginit ang pisngi ko kahit malamig ang aircon ng eroplano.
Lumingon si Rick sa akin, may ngiting bahagyang mapanukso sa labi. “Ganyan?” tanong niya, malalim ang boses, ‘yong parang may halong biro pero may lambing din.
Huminga ako nang malalim. “Oo. ‘Yong ganyan na parang…” Hindi ko alam kung paano tatapusin, lalo na nang magtama ang mga mata namin. Parang lahat ng salita biglang nawala sa isip ko. “parang sinasadya mong patibukin ‘yong puso ko,” mahina kong sabi, halos pabulong, sabay iwas ng tingin.
Sandaling natahimik si Rick. Ramdam ko ang paglapit niya, ‘yong bahagyang pagdikit ng balikat namin habang yumuko siya palapit. Narinig ko ang mababang tawa niya, tapos ay marahang bumulong malapit sa tenga ko, sapat para maramdaman ko ang init ng hininga niya sa balat ko.
“Then it’s working,” sabi niya, mabagal, halos pabulong, pero bawat salita ay may bigat at kilig.
Nanigas ako sa upuan, hindi alam kung lalayo o titingin sa kanya. Oh. My. God. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa kanya.
Halos gusto ko na lang pigilan ang paghinga ko. Bakit ba ang lakas magpakilig ng lalaking ito?
Nang magsimula nang gumulong ang eroplano, napakapit ako sa armrest. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil masyado kong iniisip ‘yong halimuyak ni Rick na ilang pulgada lang ang layo sa akin.
“Relax,” sabi niya, sabay hawak sa kamay ko.
“Hindi ako kinakabahan,” sabay bawi ko, pero hindi ko rin binitiwan.
Ngumiti siya, marahang pinisil ang kamay ko. “Then bakit nanginginig ‘yong kamay mo?”
“Wala, malamig lang!” sagot ko, mahina.
“Sure,” sabi niya, nakangiti pa rin. “Kung gusto mo, iinitin ko ‘yan.”
“Paano mo iinitin?” tanong ko, bago ko pa mapigilan.
Ngumiti siya, mabagal. “Gusto mong ipakita ko?”
“Rick!” sigaw ko, pero halos hindi ko mapigilang matawa.
“Relax. Holding hands lang ‘to, remember? Baka marinig tayo ni Tito Abraham sa panaginip.”
Napapailing na lang ako at natatawa. Ang buong akala ko noon napakasungit niya, pero hindi ko akalain na ganito pala siya ka sweet.