CHAPTER 10
Aira
“Hello, Aira? Si Noah ‘to.”
Napakurap ako nang marinig ang boses sa kabilang linya. Halos mapatigil ako sa pag-aayos ng mga dokumentong dapat kong dalhin sana sa opisina.
“Sir Noah? Good morning po. May kailangan po ba si Sir Rick?” tanong ko, medyo kabado. Madalang lang kasi akong tawagan ni Noah, ang assistant at matalik na kaibigan ni Sir Rick.
“Actually, oo. Pero bago ka pa pumasok, tawagan na raw kita,” sabi niya, kalmado ang tono. “Pinapaabot ni Mr. Harris na huwag ka munang pumasok sa opisina ng dalawang araw.”
Napakunot ang noo ko. “Ha? Bakit po? May problema ba?”
Mabilis akong napatingin sa relong nakasabit sa dingding. 7:10 a.m. pa lang, pero parang nagising bigla lahat ng selula ko sa katawan.
“No, no problem,” sagot ni Noah. “May mahalagang meeting lang si Sir Rick sa loob ng dalawang araw. Confidential daw. Pero sinabi rin niya na pagkatapos ng dalawang araw, gusto niyang maghanda ka. Pupunta raw kayong dalawa sa Middle East.”
“Middle East?” halos bulong ko, naguguluhan. “As in, Middle East—the Arab country?”
“Yes. May ipapatayo siyang bagong negosyo doon. Gusto niyang ikaw ang personal na kasama niya, bilang executive assistant.”
Tahimik ako sandali. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. “Dalawa lang kami?”
“Yes,” tugon ni Noah, may bahid ng ngiti sa boses. “Dalawa lang kayo. Kaya sabi niya, maghanda ka na sa mga travel documents, hotel booking, at lahat ng presentation materials. Ipapadala ko sa’yo mamaya ang mga papeles.”
“Ah, okay po. Salamat, Sir Noah,” mahina kong sabi, kahit hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o kiligin.
Pagkababa ko ng tawag, napatingin ako sa salamin. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Matutuwa ba ako? Kakabahan? O halo ng dalawa?
Bakit kailangan pa niyang sabihin kay Noah at hindi direkta sa akin? Iyon agad ang unang tanong na pumasok sa isip ko. Kung may gusto siyang ipagawa, hindi ba’t kaya naman niyang sabihin nang personal?
Huminga ako nang malalim. “Two days off, Aira,” bulong ko sa sarili. “Magpahinga ka na lang muna.”
Pero halata sa sarili kong hindi ako mapakali. Ang daming tanong na umiikot sa utak ko. Kaya imbes na magkulong sa bahay, nag-text ako kay Carla, ang matalik kong kaibigan mula pa college.
Need to talk. Libre kita ng milk tea, text ko.
Agad siyang nag-reply: On the way! Girl, spill the tea later!
Makalipas ang kalahating oras, nasa isang maliit at cozy na café na kami ni Carla—‘yong paborito naming tambayan tuwing gusto naming maglabas ng sama ng loob.
May fairy lights sa kisame, mellow ang tugtugin, at amoy ng kape at cinnamon rolls na parang niyayakap ang buong paligid.
“So…” sabi ni Carla, habang nilalaro ang straw ng milk tea niya. “Ano’ng urgent meeting of hearts na ‘to?”
Natawa ako. “Hindi naman meeting of hearts,” sagot ko, pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
“Aba, namumula agad. Spill it, Aira!”
Huminga ako nang malalim bago nagsimula. “Si Sir Rick.”
“Si CEO Hot Stuff?” agad niyang sabat, sabay tili nang mahina. “Anong meron kay Sir Rick? Na-fall ka na?”
“Hoy, hindi pa!” mabilis kong tanggi, pero napailing siya na parang hindi naniniwala. “Pero… niligawan niya ako.”
Halos mahulog si Carla sa upuan niya. “WHAT?! As in niligawan ka ni Mr. Harris?! Girl, are you kidding me right now?”
“Hindi! Totoo!” sagot ko, halos itago ang mukha ko sa baso ng iced coffee. “At gusto niya raw maging girlfriend ako. After two days.”
“TWO DAYS?!” Tumaas ang boses ni Carla, kaya napatingin sa amin ang mga nasa kabilang mesa.
“Keep it down!” sabi ko, pero natatawa rin ako.
“Grabe, Aira!” halos manginig ang boses niya sa kilig. “Iba ‘yong tama sa’yo ng CEO na ‘yon! Hindi ‘yan basta crush, girl. Parang—oh my gosh—seryoso siya!”
Napangiti ako, kahit ayaw kong umamin. “Hindi ko rin alam, Carla. Parang kinikilig ako, pero natatakot din.”
Tinitigan niya ako, medyo nagbago ang tono ng boses niya. “Natatakot? Bakit naman?”
Naglaro ang tingin ko sa tasa ko bago ako nagsalita. “Kasi noon, sa first love ko noong high school, ‘di ba sobrang nadala ako? Akala ko kami na talaga. Pero nalaman ko, may girlfriend pala siya sa kabilang section.”
Humigpit ang hawak ko sa baso. “Hanggang ngayon, parang ang hirap magtiwala ulit. Paano kung gano’n din si Sir Rick? Paano kung niloloko lang niya ako?”
Tahimik sandali si Carla bago siya ngumiti nang malambing. “Aira, hindi lahat ng lalaki pare-pareho. At hindi rin lahat ng mayaman ay manlalaro.”
Tumango siya. “Tsaka come on, si Rick Daryl Ynares Harris ‘yan. CEO ng YGT. Kita mo naman, hindi siya ‘yong tipong naglalaro lang. Kung gusto ka niyang ligawan, siguradong pinag-isipan niya ‘yan.”
Napabuntong-hininga ako. “Sana nga.”
“Tsaka girl,” sabay lapit niya ng konti at halos pabulong, “ano kaya sa pakiramdam, no? Ang maging girlfriend ng isang Rick Daryl?”
Napahagikhik ako. “Hindi ko nga alam. Siguro parang fairytale? At pupunta kami sa Middle East.”
“Fairytale with a twist,” sabat ni Carla. “Yong tipong ikaw si modern-day Cinderella, pero imbes na glass slipper, may business class ticket ka papuntang Middle East!”
Nagkatawanan kami pareho. Pero habang tumatawa ako, may kung anong kabog sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.
Kilig? Oo. Pero may halong kaba rin.
“Teka,” sabi ni Carla, habang sinisip-sip ang milk tea. “Nasaang stage na kayo? Nag-date na ba kayo?”
Umiling ako, sabay buntong-hininga. “Hindi naman. Wala pa kaming formal na date.”
“Ha? Ano ‘yon, basta na lang siya nanligaw?” tanong ni Carla, habang nanlaki ang mga mata.
“Eh kasi…” napabitaw ako ng mahina, parang nahihiya. “Kahapon, nang sunduin ako ni James—”
“Wait, si James? Yung gwapo at mayaman na manliligaw mo?” putol ni Carla, sabay tili ng mahina.
“Oo, siya nga,” sagot ko, nagkibit-balikat. “Dapat sabay kami mag-lunch ni James.”
“Tapos?” tanong ni Carla, halos nakasabit sa bawat salita ko.
Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang ngiti. “Hindi ko alam na sumunod si Sir Rick. Hinawakan niya ‘yong pulsuhan ko—”
“WHAT?!” halos mapasigaw ulit si Carla. “Hinawakan ka? As in hinawakan talaga?!”
“Oo, as in literal na hinila ako palayo kay James. Sabi pa niya—” saglit akong natigilan, ramdam ko pa rin ang bigat ng boses ni Sir Rick noong araw na ‘yon, “Ayaw daw niyang may ibang lalaki na sumusundo sa akin.”
Halos lumuwa ang mata ni Carla. “Girl! That’s so possessive, pero ang hot!”
“Carla!” reklamo ko, pero natawa rin ako.
“Totoo naman, Aira! I mean, come on. SiRick Daryl Harris, mismo ang nagsabi no’n? Kung ako ‘yan, baka nalusaw na ‘ko sa sahig!”
Umiling ako, pero ramdam kong namumula na ako. “Pagkatapos no’n, dinala niya ako sa isang restaurant. Hindi ko nga alam kung paano nangyari. Isang iglap lang, nasa kotse na niya ako. Tapos dinala niya ako sa restaurant. Pagkatapos naming kumain, binigyan niya ako ng bulaklak.”
“OMG. Girl, hindi na ‘yan simpleng ligaw, ha?” Kinikilig na sabi ni Carla.
“Hindi ko rin alam, Carla. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Kasi parang ang bilis lahat. At ‘yong mga tingin niya—”
“Yong mga tingin niya na parang kaya kang tunawin?” sabat ni Carla sabay tawa. “Girl, I swear, iba ‘yong tama ng CEO sa’yo. Hindi talaga ‘yan biro.”
Napahawak ako sa dibdib ko, parang naramdaman kong bumibilis na naman ang t***k ng puso ko. “Basta, hindi ko alam kung anong gagawin. Pero noong sinabi niyang ayaw niyang may ibang lalaki na sumusundo sa akin-”
Nagtagal sandali ang tingin ko sa mesa, bago ako muling ngumiti. “Hindi ko na maitago. Kinikilig ako.”
“Of course you are!” sigaw ni Carla. “Sino ba namang hindi kikiligin kung gano’n ka-protective, tapos may pa-flowers pa?! Girl, aminin mo na lang, nahuhulog ka na.”
Napatawa ako, pero hindi ako sumagot. Dahil kahit hindi ko sabihin, alam kong tama siya.
Pagkatapos naming kumain, naglakad kami palabas ng café habang ramdam ko pa rin ang kilig na pilit kong itinatanggi. Nagpaalam ako kay Carla, at habang nasa biyahe pauwi, paulit-ulit kong naiisip ang mukha ni Rick noong hinawakan niya ang kamay ko, ‘yong paraan ng pagkakatingin niya na parang ayaw niya akong pakawalan.
Pagdating ko sa bahay, napabuntong-hininga ako bago pumasok. Pero kahit anong pilit kong ibaling sa ibang bagay ang isip ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Dahil sa totoo lang, hindi ko na alam kung hanggang saan ko kayang itago ‘to.
***
Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ko alam kung dahil sa ugali kong laging alerto o dahil sanay na ako magising ng umaga. Pagbukas ko ng pinto ng kuwarto, napahinto ako.
Isang malaking bouquet ng white tulips at red roses ang bumungad sa akin. Nakalagay sa mamahaling glass vase, may kasamang box ng imported chocolates.
Sa gitna ng bouquet, may nakasabit na maliit na white card na may pirma kong kilala ko na kahit nakapikit ako.
“For my future girlfriend and wife —
I hope this smile stays with you today.
– Rick ❤️”
Napatakip ako ng bibig.
“Future girlfriend and wife?” ulit ko, halos pabulong.
Ramdam ko ang init na umaakyat sa pisngi ko, pati ang hindi mapigilang pagngiti.
Grabe. Anong pinaplano ng lalaking ‘yon?
“Aira?” tawag ni Daddy mula sa sala. “Anong nangyayari diyan?”
Mabilis kong itinago ang card sa likod ko bago bumaba, pero halata pa rin ang ngiti ko.
Pagdating ko sa sala, si Daddy ay nakaupo na sa sofa, nagbabasa ng diyaryo. Pero hindi ko naitago ang malaking bouquet sa kamay ko.
“Maaga pa pero may delivery na agad ng bulaklak para sa anak ko,” nakangiti niyang sabi. “At galing kay Mr. Harris, ha?”
“Dad naman!”
Hindi ko mapigilan ang tawa habang pinapagitna ko sa mesa ang vase.
“Chocolates pa talaga. May kasamang pa-sweet,” dagdag pa niya.
Kumibit ako ng balikat, pero ramdam kong nangingiti ako habang tinatanggal ang balot ng kape sa mesa. “Magkakape po tayo?”
Tumango si Daddy. “Sige. Ako na sa tinapay.”
Tahimik kaming nagkape sa veranda. Maaliwalas ang umaga—parang masyadong maganda para lang sa ordinaryong araw. Pero may gumugulo sa isip ko, at ramdam ni Daddy iyon.
“May iniisip ka, hija?” tanong niya, sabay higop ng kape.
“Hmm…” tiningnan ko ang tasa ko. “Si Sir Rick po. Ewan ko ba. Ang bilis ng mga nangyayari. Noong una, parang gusto lang niyang asarin ako. Pero ngayon, gusto na ako maging girlfriend.”
“Hindi mo alam kung matutuwa ka o matatakot?” tanong ni Daddy.
Napatingin ako sa kaniya. “Exactly. Parang gano’n nga, Dad.”
Ngumiti siya—‘yong tipid na ngiti na lagi niyang ibinibigay kapag sinusubok niyang totoo ba ang sinasabi ko.
“Alam mo, kahapon nag-usap kami ni Mr. Harris,” sabi niya.
“Sinabi niya rin kung ano ang layunin niya sa’yo.”
Napakunot-noo ako. “Layunin? Anong ibig mong sabihin?”
“Ang sabi niya, gusto ka niyang maging girlfriend. Hindi lang bilang boss and employee.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Si Sir Rick, talaga…”
Napailing ako, pero hindi ko rin mapigilang mapangiti. “Pati ba naman ‘yon, kinukuwento?”
“Wala namang masama kung totoo,” sabi ni Daddy, may halong tawa. “At sa tingin ko, hindi naman masamang lalaki si Rick. ‘Yong tingin ng lalaking alam kung ano ang gusto niya.”
Napayuko ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman—kilig o takot na baka mabigo na naman.
“Pero Dad…” mahina kong sabi. “Alam mo naman kung gaano ako nasaktan dati. Hindi ko alam kung kaya ko ulit.”
“Anak,” sabi niya, sabay abot ng kamay ko. “Walang kasiguraduhan sa pag-ibig. Pero kung may lalaki na kayang patunayan na seryoso siya, hindi lang sa salita kundi sa gawa—bakit hindi mo bigyan ng tsansa?”
Tahimik akong tumango.
Sa likod ng isip ko, biglang sumulpot ang mukha ni Rick—‘yong ngiti niyang parang laging alam kung anong epekto niya sa akin, ‘yong mga mata niyang may halong lihim na hindi ko maipaliwanag.
“At kung hindi siya totoo?” tanong ko.
“E ‘di, malalaman mo rin sa tamang oras,” sagot ni Daddy. “Pero sa ngayon, hayaan mong kiligin ka muna. Hindi naman masama ‘yon.”
Napatawa ako. “Dad naman!”
Natawa lang si Daddy sa akin.
Pagkatapos ng almusal, bumalik ako sa kuwarto. Naupo ako sa kama at pinagmasdan ulit ang bulaklak. Ang bango—parang bago pa lang pinitas.
Binasa ko ulit ang note:
“For my future girlfriend and wife — I hope this smile stays with you today. – Rick ❤️”
Napailing ako, pero ang ngiti ko hindi mabura.
“Future girlfriend and wife…”
Kung iba ang nagsabi niyan, baka natawa lang ako. Pero si Sir Rick kasi—may paraan siyang magsalita na parang lagi niyang sinasabi ang totoo, kahit alam kong may tinatago siyang dahilan.
Sinubukan kong isipin kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari.
Kasi sa totoo lang, sa bawat araw na lumilipas, mas nahihirapan akong paniwalaan na laro lang lahat ‘to para sa kanya.
Pero paano kung totoo nga?
Paano kung talagang gusto niyang ligawan ako—hindi dahil sa trabaho, hindi dahil sa nakaraan, kundi dahil ako ‘yong gusto niya?
Huminga ako nang malalim at pinikit ang mga mata.
Bukas, sabi ni Noah, kailangan kong maghanda para sa biyahe. Dalawa lang kami ni Rick. Middle East. Bagong negosyo. Bagong simula, siguro?
Ngunit sa ilalim ng lahat ng excitement, may kaunting kaba pa rin.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng dalawang araw na ‘yon… o kung saan ako dadalhin ng lalaking kay bilis baguhin ang mundo ko.
Pero isang bagay ang sigurado.
Sa ngayon, habang hawak ko ang card na may nakasulat na “my future girlfriend and wife,” hindi ko mapigilang ngumiti.
At sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, may bahagi sa akin na umaasang baka… baka nga, totoo ang mga salitang ‘yon.