CHAPTER 9 Rick Habang binabaybay ko ang kahabaan ng kalsada patungo sa bahay hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Aira. Sa labas, kumikislap ang mga ilaw ng siyudad, pero sa loob ko mas madilim pa sa gabi. Dalawang araw. Dalawang araw para mag-isip si Aira Salmonte kung gusto niya akong maging boyfriend. Pero sa ayaw at gusto niya magiging girlfriend ko siya. Iyon ang ipinangako ko sa aking sarili. Hindi ako titigil, hanggang hindi ko madurog si Abraham. Kung paano niya dinurog si Daddy, gano'n din ang gagawin ko sa kaniya. Napangisi ako habang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang gulat sa boses ni Aira kanina. ‘Yung halong kaba, hiya, at inosenteng pagtatanggol. Hindi niya alam na bawat reaksyon niya ay eksaktong inaasahan ko. Hindi totoo ang sinabi ko. Ni isa sa mga salitang

