Episode 8

2900 Words
CHAPTER 8 Aira Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat, ang sinabi ni Sir Rick kanina o ‘yung bilis ng t***k ng puso ko habang pinagmamasdan siyang tumatawid sa kalsada. Parang slow motion ang lahat. Ang mga ilaw ng mga dumadaang sasakyan, ang tunog ng hangin, pati ang sarili kong hininga, lahat naghalo sa eksenang ‘yon. Pagbalik niya, may bitbit na siyang bouquet ng puting lilies at pulang rosas. Halos malaglag ang panga ko. “Sir…” halos pabulong kong sabi, hindi makapaniwala. “Ano po ‘yan?” “Hindi mo ba nakikita?” tanong niya, walang emosyon, pero may bahagyang kurba ng ngiti sa gilid ng labi niya. “Bulaklak.” Napalunok ako, pilit na iniiwas ang tingin ko sa mga matang parang may gustong sabihin. “Alam ko namang bulaklak ‘yan, pero bakit po?” “Sabi ko naman sa’yo, seryoso ako," sabay abot niya sa akin ng bulaklak. "Dalawang araw dapat tayo na." Halos malaglag ang pang ko sa sinabi niya. Napatitig ako sa mga bulaklak. Ang bango. Ang ganda. At ang laki. Hindi ‘yong tipong bouquet na pwedeng itago sa bag—ito ‘yong klase na pang-proposal, ‘yong nilalagay sa ibabaw ng mesa ng bride habang may fireworks sa labas. “Sir, hindi naman po kailangan nito,” sabi ko, medyo kinakabahan habang pilit na itinutulak pabalik sa kaniya ang bouquet. Pero mabilis niyang tinapik ang kamay ko, bahagyang matigas pero hindi marahas. “Huwag mong ibalik.” “Bakit naman?” tanong ko, halos mahina ang boses. Tumitig siya sa akin, seryoso. “Kasi kapag hindi mo tinanggap ‘yan, parang sinasabi mong wala akong kwentang boss.” Napatigil ako. “Ha?!” “Hindi mo naman siguro gustong sabihing gano’n ako, ‘di ba?” aniya, bahagyang nakataas ang kilay. “Of course not!” mabilis kong depensa. “Hindi ko lang alam kung tama bang tanggapin ‘to. Baka isipin ng mga tao—” “Hindi nila kailangang isipin,” putol niya, sabay inilagay ang bouquet sa mga kamay ko. “Basta tanggapin mo.” Napatingin ako sa kanya, tapos sa mga bulaklak. Parang ako ‘yong nanalo sa raffle pero hindi sigurado kung paano tatanggapin ang premyo. “Sir…” mahina kong sabi. “Wala naman akong sinabi na gusto kong ligawan niyo ako.” “Hindi mo rin naman sinabi na ayaw mo.” Ngayon, ngumiti siya—‘yong tipong nakakaasar pero nakakakilig. “So habang iniisip mo pa ‘yong sagot mo, ako muna ‘tong magsasayang ng oras ko sa panliligaw.” At bago pa ako maka-react, tinalikuran niya ako, naglakad patungo sa kotse na parang walang nangyari. Naiwan ako sa sidewalk, hawak ang bulaklak na parang bomba. “Dalawang araw…” bulong ko, napaikot ko ang mga mata. “At ngayon may pa-bulaklak agad? Grabe ‘tong boss ko, parang nagmamadali magka-love life.” Pumwesto na siya kaagad sa harap ng manibela pagkatapos ay dumungaw sa bintana. "Ano, hindi ka sasakay?" Napabuntong-hininga ako nang malalim at humakbang patungo sa kotse niya. Sumakay ako at inilagay ko ang bulaklak sa likuran. Tahimik sa loob habang umaandar ang sasakyan. Ramdam ko ang mahinang ugong ng makina, at bawat segundo, parang lalo akong naiilang sa presensiya niya. Nakatingin siya sa kalsada, seryoso, pero ramdam kong aware siya sa bawat galaw ko. Para mawala ang kaba, nagkunwari akong kalmado. “Sir?” mahinahon kong sabi habang nakatingin sa bintana. “Nagmamadali ka bang magkaroon ng love life?” Bahagyang napalingon siya sa ‘kin, tapos ngumisi—‘yong tipong may halong pang-aasar at lalim. “Hindi naman ako nagmamadali,” sagot niya habang binabawi ulit ang tingin sa daan. “Pero parang kasalanan mo kung bakit bigla kong naisip na dapat pala, magmadali na ako.” Napakunot ang noo ko. “Ha? Ako? Anong konek ko ro’n?” “Eh kasi,” sabi niya, bahagyang umiling seryoso ang mukha. Hindi manlang nakangiti. “Ikaw ‘tong nagpapasundo sa ibang lalaki.” Napalingon ako sa kaniya, halos mapalakas ang boses. “Hindi ako nagpapasundo—” “Ah, hindi ba?” putol niya, sabay kindat. “Pero kung sakaling totoo, masisisi mo ba ako kung magmadali akong magkaroon ng love life, lalo na kung ikaw ‘yong gusto kong maging ‘love’ ko?” Parang tumigil ang mundo. Napatitig ako sa kaniya, pero mabilis kong ibinalik ang tingin sa bintana. Ramdam kong nag-init ang pisngi ko. “Sir, joke ba ‘yon?” sabi ko, pilit kong pinapatawa ang sarili kahit ang totoo, gusto kong sumigaw sa kaba. “Hmm.” Umiling siya. “Bakit? Nakakatawa ba?” Hindi ko alam kung anong isasagot. Lalo na nang marinig ko ang mahinang bunting hininga niya habang binabagtas namin ang kalsadang papunta sa opisina. “Ang tahimik mo bigla,” sabi niya pa, halos pabulong. “Nakakapanibago. Usually, lagi kang may reklamo.” Napangiwi ako. “Eh kasi baka ma-misinterpret mo na naman, Sir.” “Malay mo, gusto ko nga ‘yong ma-misinterpret kita,” mahinang sabi niya, halos parang hindi ko narinig kung hindi lang umikot ang dibdib ko sa bawat salita. Hindi na ako nakasagot. Sa labas, patuloy ang ulan, at sa loob ng kotse, tanging t***k lang ng puso ko ang naririnig ko. Pagdating namin sa opisina, tahimik lang siya. Wala na ‘yong mga ngiti o pa-cute kanina. Balik sa pagiging cold at composed si Sir Rick. Parang ibang tao ‘yong nasa restaurant kanina. Ako naman, hindi mapakali. Habang nagta-type ako, panay ang sulyap ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit? Siguro kasi… curious ako. O baka nag-e-expect? Pero wala. Tahimik lang siya. Nakatutok sa laptop, halatang abala sa binabasa. Lumipas ang isang oras. Dalawa. Tatlo. Wala man lang utos. Wala ring tawag ng pangalan ko. Para bang invisible ako. Napakunot noo ako. Ano ‘to, silent treatment? Hindi ba siya nagsabing nililigawan niya ako? Eh, bakit parang hindi niya na ako pinapansin? Hindi ko na natiis. Tumayo ako at maingat na kumatok sa pinto ng office niya. “Come in,” sabi niya, hindi tumitingin. Pumasok ako, hawak ang ballpen na kunwari’y may pakay. “Sir…” Umangat siya ng tingin. “Yes?” “Uh… gusto niyo po ba ng kape?” Tumigil siya sandali bago bahagyang tumango. “Gusto.” “Ano pong timpla?” tanong ko. “’Yong ginawa mo kahapon,” sagot niya agad. Napatitig ako sa kanya. Kahapon? Noong unang araw ko na halos sampung beses kong tinimpla bago niya nagustuhan? “Sigurado po kayo?” tanong ko, halos di makapaniwala. Ngumiti siya ng kaunti. “Tiwala ako sa’yo.” Ayun na naman. ‘Yong boses niyang mababa, kalmado, pero may halong kung anong init na hindi ko maipaliwanag. Habang nagtitimpla ako ng kape, paulit-ulit kong naaalala ‘yong mga sinabi niya kanina na may dalawang araw ako mag-isip para maging boyfriend siya. My God! Gusto ko tumili sa kilig. Pakiramdam ko para akong naka-jackpot. Ang gwapo ni Sir Rick, sinong babae ang hihindi sa kaniya? Unang beses ko pa lang nga siyang nakita halos malaglag na ang panty ko, lalo na kanina ng magpahayag siya na gusto niya ako maging girlfriend. Grabe. Sino bang hindi mawiwindang? Pagbalik ko sa opisina niya, maingat kong inilapag ang tasa sa mesa. “Eto na po.” Tahimik siyang sumimsim. Ilang segundo lang, tapos ngumiti siya. ‘Yong ngiting bihira kong makita. “Perfect.” Napatitig ako sa kanya. “Ha?” “It’s perfect,” ulit niya. “Hindi masyadong matapang, hindi rin matamis. Sakto lang.” Hindi ako nakapagsalita agad. Noong unang araw ko, halos mabaliw ako kakahanap ng ‘sakto lang’ para sa kanya. At ngayon, isang timpla lang, nagustuhan na niya? “Ah…” sabay ngiti ko, “siguro nagbago na panlasa niyo, Sir.” “Siguro,” sabi niya, pero hindi inaalis ang tingin sa akin. “O baka ikaw ang nagbago.” “Ha?” “Mas kalmado ka na ngayon. Mas confident. Mas maganda rin ‘yong ayos mo ngayon kaysa noong unang araw mo rito.” “Sir!” halos matawa ako. “Nambobola na kayo.” “Hindi ako nambobola,” sagot niya, habang sinasandalan ang upuan. “Observation lang.” Napailing ako, pero hindi ko maitago ang ngiti ko. Lihim kong kinurot ang sarili ko sa ilalim ng mesa. Ang sakit. Hindi ako nananaginip. Buong maghapon, tahimik lang siya pero ramdam ko ‘yong mga tingin niya sa akin paminsan-minsan. ‘Yong tipong kapag nagtataas ako ng ulo, bigla siyang aalis ng tingin, kunyari abala sa laptop. Pero nahuhuli ko. At sa tuwing nahuhuli ko siya, parang gusto kong matunaw sa kinauupuan ko. Mabilis lumipas ang oras. Hindi ko namalayan na uwian na pala. “Sir, aalis na po ako,” sabi ko, maingat habang inaayos ang mga gamit ko. Ngumiti lang siya. “Sabay na tayo.” “Ha?” “Ihahatid kita.” “Sir, hindi na po kailangan! May sasakyan naman papuntang—” “Aira.” Mabilis, pero hindi malakas ang boses niya. “Sinabi ko na kanina, ‘di ba? Ako ang maghahatid sa'yo at susundi sa bahay niyo ” Napasinghap ako. “Pero Sir, baka po—” “Wala nang pero.” Tumayo siya, kinuha ang coat niya at lumapit. “Huwag mo nang sayangin ‘yong dalawang araw mo sa kakadebate sa akin.” Wala na akong nagawa. Sumunod na lang ako. Sa loob ng kotse, tahimik. ‘Yong uri ng katahimikan na hindi nakakailang, pero nakaka-conscious. Ramdam ko ang presensiya niya sa tabi ko, ‘yong amoy ng pabango niyang parang may halong sandalwood at kape. Minsan, sinisilip ko siya sa gilid ng mata ko. Ang seryoso pa rin. Pero ang kamay niya, nakahawak sa manibela nang marahan. Hindi kagaya kanina, medyo relaxed siya ngayon. “Sir,” mahinahon kong tanong, “ganito po ba kayo sa lahat ng empleyado niyo?” “Anong ibig mong sabihin?” “’Yong… nililigawan.” Tumingin siya saglit, tapos bumalik sa kalsada. “Hindi.” “Eh, bakit ako?” Ngumiti siya, ‘yong tipong hindi mo alam kung sagot ba o panibagong tanong. “Kasi kasalanan ng mga magulang mo kung bakit ipinanganak ka nilang maganda." Napakurap ako. “Ha? Ano naman konek doon?" tanong ko habang nakakunot ang noon. Nadamay pa tuloy ang mga magulang ko. “Simula ng una kitang nakita, Aira. Sinabi ko na sa sarili ko na magiging girlfriend kita. At kaya kita ihahatid sa inyo para formal na sabihin sa ama mo na gusto kita maging girlfriend,” sabi niya, diretso pa rin ang tingin sa daan. Ibang klase ang amo ko na ito kung manligaw. Ganito ba talaga manligaw 'to? Kung sabagay sa panahon ngayon wala ng pakipot. Lalo na dito sa Canada. Kapag nagustuhan ka deritsahan sila. Walang paligoy-ligoy. “Simula ng una kitang nakita, Aira. Sinabi ko na sa sarili ko na magiging girlfriend kita. At kaya kita ihahatid sa inyo para formal na sabihin sa ama mo na gusto kita maging girlfriend,” sabi niya, diretso pa rin ang tingin sa daan. Parang may kumalabit sa puso ko. Literal na natigilan ako sa upuan. Tiningnan ko siya, pero hindi siya tumingin pabalik. Seryoso lang siya sa pagmamaneho, pero ‘yong tono ng boses niya buo, totoo, at parang walang espasyo para pagdudahan. “Ha?” halos pabulong kong tanong, pero may halong pagkataranta. “Ano raw? Girlfriend agad? Wala man lang courting stage? Pa-good morning, pa-coffee, pa–” Naputol ako nang bigla siyang ngumiti. ‘Yong ngiting nakakainis kasi parang alam niyang tinamaan ako. “Hindi na uso ang matagalang ligawan, Aira. Baka maunahan pa ako ng ibang lalaki. Ayaw ko namang mangyari ‘yon, kaya dalawang araw lang nga ang binibigay ko sa'yo dahil pagkatapos ng dalawang araw hindi ka na single. Dahil boyfriend mo na ako." “Grabe ka naman, Sir! Ang bilis mo naman manligaw. Tapos ikaw pa talaga ang nagdedesisyon kung kailan kita sagutin?" “So, what?” tanong niya, may bahid ng biro sa boses. “ Gawin ko sanang mabagal, pero nang makita kita na sinundo ng lalaki hindi ko na mapapatagal pa!" Parang pinagpapawisan ako ng malagkit. Ngumiti siya nang mas malalim, tapos sumulyap sa akin sandali, ‘yong tingin na parang gustong basahin ang iniisip ko. “Ang cute mo, Aira. Lalo na kapag naiinis.” “Sir!” halos mapasigaw ako. “Huwag kang ganyan habang nagda-drive!” Tawa siya nang tawa, pero ramdam ko ang init sa mukha ko. Nilingon ko na lang ang labas ng bintana, nagmamasid sa mga ilaw ng kalsada. Maulan pa rin, pero hindi na gano’n kalakas. Sa bawat patak sa windshield, parang lalo lang gumugulo ang utak ko. Tahimik kami sandali, hanggang siya na rin ang bumasag. “Aira,” mahinahon niyang sabi. Napatingin ako sa kaniya. “Bakit?” “Hindi ko sinasabi ‘to para takutin ka o pilitin kang sumagot agad. Gusto ko lang maging totoo. Iba ang dating mo sa akin. Gusto ko man pigilan ang nararamdaman ko para sa'yo, pero hindi ko talaga magawa." Napalunok ako. “Sir, baka napaglaruan ka lang ng utak mo. Alam mo ‘yong—‘yong—infatuation?” “Hindi.” Umiling siya. “Hindi ako gano’n. Kung gusto ko lang ng crush, hindi kita ihahatid sa bahay mo. Hindi ako bibili ng bulaklak. At hindi kita hahayaang magpahatid sa kung sino-sino.” Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Kaya napayuko na lang ako at ngumiti nang mahina. “Baka masabihan kang weird, Sir.” “Okay lang,” sagot niya agad. “Basta sa’yo galing.” Hindi ko napigilan ang mapangiti. “Ang corny mo rin pala minsan.” “Corny?” Napakunot ang noo niya. “Hindi ‘to corny, Aira. Romantic ‘to. Canadian level.” Napatawa ako. “Canadian level ka diyan! Ewan, ko sa’yo.” At doon ko siya nakitang ngumiti ng totoo, ‘yong hindi business smile, hindi poker face. ‘Yong ngiting parang siya ‘yong Rick na hindi boss, kundi isang lalaking marunong ding umibig. Ilang minuto pa, huminto na kami sa tapat ng bahay. Tumigil ang ulan, pero basa pa rin ang paligid. Binuksan niya ang hazard lights at lumingon sa akin. “Safe ka na rito?” tanong niya. Tumango ako. “Oo. Salamat sa hatid.” Ngumiti siya, pero hindi pa rin umaalis ang tingin. “So… wala pa ring chance na sagutin mo ‘yong tanong ko kanina?” Napakunot-noo ako. “Alin? 'Yong gusto mo akong maging girlfriend?” Tumango siya. “Oo. Pero huwag mong isipin na manliligaw pa ako, ha.” Napasimangot ako. “Ha? So anong plano mo? Shortcut?” Bahagya siyang natawa, pero seryoso pa rin ang mga mata. “Hindi shortcut. Diretso lang. Binibigyan kita ng dalawang araw, Aira. Dalawang araw para magdesisyon kung gusto mong manatiling singl, o gusto mong ako na ang maging boyfriend mo.” Halos mapalakas ang tawa ko. “Dalawang araw?! Sir, grabe ka naman! Deadline ba ‘to o job offer?” “Depende,” sagot niya agad. “Kung tatanggapin mo, lifetime contract ‘yon.” Namilog ang mga mata ko. “Ang kapal din ng mukha mo no? Lifetime agad?” “Bakit? Wala naman akong balak umalis kapag sinagot mo ako,” sagot niya, sabay bahagyang ngiti na nakakapanghina ng tuhod. Napatulala ako, hindi ko alam kung matatawa o mahihiya. “Ang bilis mong magplano. Baka nakakalimutan mong may tatay akong mahigpit.” “Alam ko,” sagot niya, sabay tingin sa daan. “Pero sa susunod na lang ako haharap sa ama mo. Gusto kong ako muna ang harapin mo. Dalawang araw, Aira.” Tumingin ako sa kaniya, hindi makapaniwala sa kapal ng loob niya. “At kung hindi kita sagutin?” Sumulyap siya sa akin, bahagyang ngumiti. Hindi ko sinabi na sagutin mo ako basta, pagkatapos ng dalawang araw, tayo na." Parang biglang huminto ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang mas malakas, ‘yong t***k ng puso ko o ‘yong ugong ng makina. Napayuko ako, pilit tinatago ang ngiti. “Grabe ka, Sir. Alam mo bang nakakagulo ka ng sistema?” “Good,” sagot niya, walang kaabog-abog. “At least, alam kong may epekto ako.” Napailing ako, pero hindi mapigilan ang mapangiti. “Ewan ko sa’yo. Mas matindi ka pa sa kape, nakaka-hyper.” Ngumisi siya nang bahagya. “Mas mabuti ‘yon kaysa antukin ka sa tabi ko.” “Mayabang ka rin ano?” “Confident lang,” mabilis niyang sagot, sabay kindat. Sige, na Sir. Umuwi ka na," pagtaboy ko na lang sa kanuga. “Dalawang araw,” ulit niya, mahinahon pero matatag ang boses. “Pagkatapos no’n, Aira… ako na.” Natawa na lang ako sa kaniya at pumasok sa loob ng gate. “Goodnight, Miss Salmonte. Simula ngayon, countdown na.” “Goodnight, Sir Rick. At good luck,” sabi ko sabay ngiti. “Hindi ko kailangan ng luck,” sagot niya. “Ikaw lang.” Pagpasok ko sa gate, ramdam kong bumibilis pa rin ang t***k ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa kapal at tapang ng lalaking ‘yon. Pero ang mas nakakatakot, parang gusto kong tanggapin ang challenge. At baka sa loob ng dalawang araw, hindi na ako single.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD