Episode 7

2386 Words
CHAPTER 7 Aira Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang usapan. Sa totoo lang, gusto kong lamunin na lang ako ng upuan sa sobrang tahimik namin habang kumakain. Sa bawat tunog ng tinidor na tumatama sa plato, parang mas lalo akong naiilang. Minsan, tinitigan ko na lang ‘yung steak sa harap ko na para bang doon ko mahahanap ang sagot kung bakit ganito ako kinakabahan. Pinilit kong magpaka-normal, pero hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kaliksi gumamit ng kubyertos, parang sanay na sanay sa mga sosyal na kainan. Ako naman, todo-ingat sa bawat hiwa ng karne, baka kasi magtalsikan at mapahiya ako. Si Sir Rick, kalmado lang, parang walang iniisip. Samantalang ako, pakiramdam ko, nagre-review ako para sa board exam sa sobrang tense. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan niya akong isama rito at sabayan siya sa pagkain. Part pa ba ito ng pagiging assistant ko? Kung pwedei lang i-takeout ko na lang ‘to at sa pantry ko kainin? Pero heto kami ngayon magkaharap, at ramdam ko ang titig ni Sir Rick kahit abala siya sa paghiwa ng steak niya. Naglalakad ang mga waiter sa paligid, tahimik ang mga tao habang kumakain, pero sa pagitan naming dalawa parang ako lang ‘yong nakakarinig ng sariling t***k ng puso ko. Ilang sandali ang lumipas si Sir Rick ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. “’Yung lalaking sumundo sa’yo kanina—boyfriend mo ba ’yon?” Halos mabilaukan ako sa tubig na iniinom ko. “Ha? Hindi po!” Mabilis kong tanggi, sabay iling. “Manliligaw ko po iyon. Matagal na rin siyang nanliligaw sa akin.” “Manliligaw?” Umangat ang isang kilay niya, parang hindi kumbinsido. “Hmm. Mabuti pang huwag monna siyang sagutin.” Napataas ako ng tingin. “Bakit po?” tanong ko, kahit alam kong baka pagsisihan ko ‘yon. “Wala lang.” Umayos siya ng upo at kinuha ang tissue para punasan ang kamay. “Ayaw ko lang ng empleyadong may boyfriend. Sagabal lang sa trabaho.” Napatigil ako, hawak pa rin ang tinidor ko sa ere. “Sagabal?” ulit ko, hindi sigurado kung narinig ko ba nang tama. “Mm.” Kalmado siyang sumagot, parang simpleng obserbasyon lang iyon. “Kapag may boyfriend, madalas nagiging emosyonal. Naiistorbo sa oras. Nagmamadali umuwi, nagte-text sa gitna ng meeting. Ayaw ko ng gano’n.” Napakurap ako, hindi alam kung maa-offend o matatawa. “Ah, gano’n po ba? So, ibig sabihin, kapag may boyfriend ako, matatanggal ako?” Bahagya siyang ngumiti. ’Yong tipong hindi mo alam kung biro ba o totoo. “Depende. Pero kung matino kang empleyado, bakit ko naman tatanggalin?” Umiling ako, pilit na tinatago ang ngiti. “Grabe naman kayo, Sir. Baka naman maging matandang dalaga ako niyan.” Tumaas ang kilay niya, parang may kung anong na-trigger sa sinabi ko. “Gusto mo na bang mag-asawa?” Halos mabulunan ako sa hangin. “Ha?!” mabilis kong sagot sabay iling. “Hindi pa po! Wala pa po akong balak.” “Sigurado ka?” tanong niya ulit, nakasandal na sa upuan habang hawak pa rin ang tinidor. “Eh ‘yung lalaking ‘yon? May gusto ka ba sa kaniya?” Umiling ako nang mariin. “Wala po. Kaibigan lang ang turing ko sa kaniya. Matagal na rin kaming magkakilala.” “Kung wala kang gusto sa kaniya,” aniya, ngayon ay bahagyang tumalim ang tono ng boses niya, “bakit mo pa hinahayaan na sunduin ka?” Napatigil ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yon. “Eh, kasi po, nag-alok lang naman siya. Tsaka... gusto ko rin siyang makilala pa. Matagal na rin kaming hindi nagkikita.” Tumigil siya sa paggalaw, tapos dahan-dahang ibinaba ang kubyertos niya sa gilid ng plato. “Makilala pa?” ulit niya, mababa at kalmado ang tono pero may halong kung anong pwersang hindi ko maipaliwanag. “Huwag mo na siyang kilalanin, Aira.” Napatingin ako sa kaniya, nagtataka. “Ha? Bakit naman po?” “Dahil simula ngayon,” sabi niya, diretso ang tingin sa akin, “ako na ang maghahatid at susundo sa’yo.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ano po?!” “Malinaw naman siguro ang sinabi ko,” patuloy niya, hindi inaalis ang tingin sa akin. “Ayaw ko ng kung sinu-sinong lalaki ang dumadaan sa opisina para lang sunduin ka. Nakakaistorbo. Tsaka, hindi maganda sa imahe," “Sir, hindi naman po siya—” “Wala nang ‘pero,’ Aira.” May bahid ng awtoridad sa boses niya, ‘yong tipong wala ka na talagang magagawa kundi sumunod. “Kung kailangang ihatid ka, ako na ang bahala. Simple.” Napaawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa narinig ko. “Pero Sir, hindi naman po kailangan—” “Hindi ko tinatanong kung kailangan,” putol niya sa akin. “Sinasabi ko lang kung ano ang gusto kong mangyari.” Tahimik akong napatingin sa kaniya. Sa loob-loob ko, hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa. Bahagya kong nilaro ang tinidor ko sa plato, sinusubukang itago ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko. Parang napakamaawturidad niya. 'Yong hindi ka pwede tumanggi sa mga iuutos niya. “Kung natatakot ka na maging matandang dalaga, huwag ka mag-alala dahil hindi mangyayari iyon,” sabi niya pa sa akin. Napakunot ang noo ko. “Ano pong ibig n’yong sabihin?” Ngumiti siya, pero ‘yung ngiting ‘yon, hindi ordinaryo. May halong kumpiyansa at pang-aasar, parang may tinatagong kalokohan. Inilapag niya nang marahan ang kubyertos sa plato, sabay sumandal sa upuan at tiningnan ako nang diretso. “Simple lang,” aniya, sabay tumiklop ng mga kamay sa ibabaw ng mesa. “Bibigyan kita ng dalawang araw para pag-isipan kung gusto mong maging boyfriend ako.” Napasinghap ako. “Ha?! Ano po?!” Halos mabitawan ko ang tinidor ko. “Sir!” Tumigil ako, napatingin sa paligid. Mabuti na lang at kami lang sa dining area, kundi siguradong napalingon na ang lahat sa akin. “Hindi ka naman kailangang sumigaw,” kalmado niyang sabi, parang sinabi lang niya kung ilang percent ang tax rate ngayong taon. “Hindi ako sumigaw!” depensa ko. “Nagulat lang ako—grabe, Sir! Ano ‘yong sinasabi n’yong dalawang araw?!” Tumaas ang isa niyang kilay. “Hindi naman siguro mahirap intindihin ‘yon, Miss Salmonte. Dalawang araw. Forty-eight hours. Kung gusto mong maging mas eksakto, hanggang alas-dose ng gabi sa pangalawang araw.” Napalunok ako. “Para saan po?” “Para sagutin mo ako,” walang kagatol-gatol niyang sagot. “Kung magiging boyfriend mo ako o hindi.” Muntik na akong mapatayo sa upuan. “Sir Rick! Ano ba? Seryoso ba kayo?!” “Sa tingin mo mukha ba akong nagbibiro?” sagot niya agad, malamig pero may halong ngiti na parang nananadya. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot. Kasi sino bang normal na boss ang bigla na lang magsasabi ng ganito sa empleyado niya habang kumakain ng steak? “Sir, baka naman napagod lang kayo. O baka busog na kayo masyado, kaya—” “Aira,” putol niya, bahagyang nakakunot ang noo. “Hindi ako madaling mapagod. At hindi rin ako nagsasalita nang walang dahilan.” “Pero—” “Walang ‘pero’.” Napasinghap ako. Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat? ‘Yong bilis ng pangyayari o ‘yong confidence ng lalaking ‘to na parang sanay na sanay na siya sa mga ganitong eksena. “Sa loob ng dalawang araw,” patuloy niya, seryoso pa rin, “gusto kong marinig ang sagot mo. Kung oo, then good. Kung hindi…” saglit siyang tumigil, saka ngumiti ng may bahagyang halong pananakot. “pag-isipan mo ulit.” Napakurap ako. “Ha? So kahit sabihin kong hindi, gusto n’yong pag-isipan ko ulit?” “Exactly.” Napalunok ako, tapos napailing. “Sir, hindi ba kayo aware na parang wala kayong sense doon?” Umangat ang isang sulok ng labi niya. “May sense naman kung tutuusin. Gusto lang kitang bigyan ng oras para ma-realize na hindi mo dapat tanggihan ang isang kagaya ko.” “Grabe kayo, Sir!” hindi ko mapigilang mapatawa. “Confidence level: sky-high!” “Hindi confidence, Aira,” sagot niya agad, habang inaayos ang cufflink ng long sleeves niya. “Assurance.” “Wow, iba rin ‘to!” bulong ko. “Ang alin?” tanong niya, nakatingin pa rin sa akin. “Ang pagiging delusional n’yo,” sabay tawa ko, pero agad din akong tumigil nang seryosong tiningnan niya. “Hindi ako delusional. Realist lang,” sagot niya, diretsong tumitig sa akin. “At realist ako sa katotohanang gusto kita.” Napabuka ang bibig ko, pero walang lumabas na salita. Parang biglang tumigil ang lahat. Pati ‘yung kutsarang kanina pa nag-e-echo sa mesa, tahimik na ngayon. “Gusto… niyo ako?” halos pabulong kong tanong. Ngumiti siya nang bahagya. “Magsasabi ba ako ng ganyan kung hindi?” “Hindi ko alam! Baka nag-e-experiment lang kayo o ginagawang social experiment ‘to sa HR!” Napailing siya, halatang natatawa. “Anong klaseng lalaki sa tingin mo ako?” “Ewan ko! ‘Yong tipong bossy, unpredictable, at—” “Gwapo?” singit niya agad. “Arrogant,” mabilis kong sagot, sabay irap. Ngumisi siya, halatang nag-eenjoy sa pang-aasar. “Pero hindi mo dine-deny ‘yong gwapo.” “Sir!” napatakip ako sa mukha. “Pwede bang tapusin na natin ‘tong usapan na ‘to?” “Hindi pa. Wala pa ‘yung sagot mo.” “Wala pa ngang dalawang araw!” “Advance ako mag-isip,” sagot niya, kalmado pa rin. “Malay mo, magbago isip mo bago matapos ang lunch.” “Walang chance,” sagot ko agad, pero sa loob-loob ko, bakit parang kumakabog nang kakaiba ang dibdib ko? Tahimik kaming dalawa ng ilang segundo. Siya, parang walang pakialam, nagpatuloy lang sa pagkain. Ako naman, hindi na alam kung saan ibabaling ang tingin ko. “Sir…” maingat kong simula, “hindi niyo ba naisip na bawal ‘to?” Umangat ang tingin niya. “Ang alin?” “Ang relasyon sa loob ng kompanya!” sabi ko, halos pabulong. “Diba sabi n’yo nga kanina ayaw n’yo ng empleyado na may boyfriend kasi nakakaabala sa trabaho?” Tumango siya. “Tama. Ayaw ko nga ng gano’n.” “Ayan! O 'di ba?!” sabay turo ko sa kanya. “Eh 'di, lalo nang bawal kung kayo ‘yong magiging—” “Hindi kasama doon ang boss,” putol niya, seryoso ang mukha pero halata sa tono niyang nagbibiro. Napanganga ako. “Excuse me?!” “Bawal ang boyfriend, oo. Pero kung ako na ‘yong magiging boyfriend mo, technically, ako pa rin ang boss. So hindi counted.” “Sir, hindi gano’n ang logic niyon!” halos matawa ako. “Logic ko ‘to, hindi sa HR,” kalmado niyang sagot. Napatakip ako sa noo ko. “Grabe kayo. Alam niyo bang ang hirap niyong kausap?” “Sanay na ako na nahihirapan sa’kin ang mga tao,” aniya, tapos ngumiti. “Pero kadalasan, sa huli, sumusuko rin sila.” “Hindi ako susuko,” sabi ko, pilit na matatag. “Dalawang araw pa lang naman ang binigay ko.” “Hindi ko kailangan ng dalawang araw!” “Good,” sabi niya, nakangiti. “Ibig sabihin ba niyan, sasagutin mo na ako ngayon?” “Hindi po!” halos mapatili ako. Ngumiti lang siya, parang lalong naaliw. “Sayang. Sana sinamantala mo na. Baka bukas may expiration na ‘tong offer.” “Offer agad?” sabi ko, napapailing. “Akala ko ba feelings ‘yan, hindi promo?” “Pareho lang ‘yon. May limit, may deadline, at ako ang nagtatakda.” “Sir, seryoso, may tama kayo,” sabi ko, pero hindi ko mapigilan ang ngiti. “Hindi tama, Aira. Ikaw lang talaga ang dahilan.” At doon ako tuluyang natahimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang puso ko parang drum sa sobrang lakas ng t***k. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya, kaba, o ‘yong tipong natatabunan na ng kilig. Sinubukan kong ibaling ang tingin sa labas ng bintana, pero kita ko pa rin ang repleksyon niya roon—nakatingin pa rin sa akin, ‘yong mga mata niya, parang hindi man lang kumukurap. “Sir…” mahina kong sabi. “Alam niyo, hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na may nagsasabi ng mga bagay na nakakabigla.” “Sanayin mo sarili mo,” aniya, mababa ang boses. “Kasi sa dalawang araw na ‘yan, baka mas lalo kang mabigla.” Napasinghap ako. “Bakit?” “Malay mo, hindi lang girlfriend ang gusto ko.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ano ibig n’yong sabihin?” Ngumisi siya, pero hindi na ako tinignan. Tumayo siya, kinuha ang coat niya at tumingin sa relo. “Dalawang araw, Miss Salmonte,” aniya. “Simula ngayon.” At bago pa ako makasagot, tumalikod na siya at naglakad palabas ng restaurant. Naiwan akong nakatulala, hawak pa rin ang tinidor, habang ang utak ko, para bang umikot nang tatlong beses sa paligid ng buwan. “Dalawang araw…” bulong ko sa sarili ko. “Ano ‘to, job offer o proposal?” Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon, may isang bagay akong hindi maitago, ‘yong kakaibang init sa dibdib ko na hindi ko kayang ipaliwanag. At oo, hindi ko alam kung kabog ng kaba ‘yon o simula na ng kung anong mas delikado. Tumayo ako at hinabol siya. "Sir!" Bumaling siya sa akin. "What?" "Paano kung ayaw ko pumayag na maging boyfriend mo?" tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya. "Subukan mo!" Pagkasabi niya agad siyang tumawid sa kalsada at patungo siya sa flowers shop sa harap ng kinainan namin. Bahagya kong kinurot ang aking kamay, baka kasi nananaginip lang ako. Pera na pangiwi na lang ako dahil sa sakit. Ang bilis naman yata ng mga pangyayari. Hindi ko inaasahan ang boss ko gusto ako maging girlfriend? Kinikilig ako dahil noon pinapantasya ko lang siya, pero kanina nagpahayag lang at dalawang araw lang ang ibinigay niya upang makapag-isip ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD