CHAPTER 6
Aira
Nasa kusina ako ng rest house ni Sir Rick. Tinanggal ko ang blazer ko at isinuot apron na hiniram ko sa pantry. Kanina pa kumukulo ang sabaw sa maliit na kalderong inilabas ko sa cabinet. Chicken soup lang sana, pero nilagyan ko ng kaunting luya, bawang, at parsley para hindi gaanong malansa. Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang trabaho ko. Kung tagaluto sa isang amo na may hang over o executive assistant niya? Parang gano'n na nga.
Kung hindi lang gwapo itong CEO ng Ynares Goobal Textile, susuko na sana ako. Pero hindi ako mahinang nilalang. Pangalawang araw ko pa lang naman sa trabaho. Baka sinusubukan niya lang siguro ako, kung hanggang saan ang pasensya ko. Dati naririnig ko na walang nagtatagal sa kaniya na secretary dahil ang sungit nga raw.
Napatigil ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng dining area. Mula sa refleksyon ng salamin, nakita ko siyang nakatayo roon—si Rick Daryl Ynares. Nakasuot na siya ng plain white shirt at gray joggers, mukhang kakaligo lang. Basang-basa pa ang buhok niya, at may patak ng tubig na dumulas mula sa sentido pababa sa leeg niya.
“Amoy sabaw,” mahina niyang sabi, kaya napalingon ako.
Alangan man mag-amoy adobo, eh sabaw ang niluluto ko?
“Ah, oo, sir. Chicken soup po. Pasensya na, ginamit ko ‘yung mga ingredients sa ref. Maganda 'to sa hang over,” paliwanag ko habang pilit pinapakalma ang sarili.
Lumapit siya nang dahan-dahan, parang hindi niya alam kung magagalit ba siya o matatawa. “Wala bang beef?" tanong niya na parang nagdedemand.
“Po? Ayaw niyo po ng chicken? Simple lang naman. Kung ayaw niyo po, pwede kong itapon—”
“Huwag,” mabilis niyang putol. “Let me taste it first. Lagyan mo ako sa mangkok," malamig niyang utos. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ipapatapon niya at pilitin niyang beef ang lulutuin ko.
Umupo siya sa isa sa mga upuan sa tabi ng mesa. Kumuha ako ng bowl at nilagyan ko iyon ng sabawa. Inilapag ko ang bowl sa lamesa sa tapat niya. Halos pigil hininga ako nang hawakan niya ang kutsara. At nang sumubo siya, napansin kong bahagyang kumunot ang noo niya. Napakapit ako sa apron ko, kinakabahan. Pero maya-maya lang, lumambot ang ekspresyon niya.
“This is… good,” mahinang sabi niya. “Comforting.”
Parang biglang may kumalabog sa dibdib ko. Hindi ko inasahan na mapupuri niya. Akala ko matatabangan siya, o hindi kaya magpapaluto na naman siya ng iba.
“Salamat po, sir,” tugon ko, halos pabulong.
Sandaling katahimikan ang sumunod. Ramdam ko ang bigat ng bawat segundo habang humihigop siya ng sabaw. Nang matapos siya, marahan niyang inilapag ang kutsara at tumingin sa akin.
“Uuwi ka na?” tanong niya.
“O-opo. Medyo gabi na rin po.”
Pero bago pa ako makakilos, nagsalita siya ulit. “Sabayan mo muna akong kumain.”
Natigilan ako. “Po?”
Tinitigan niya ako nang diretso, pero hindi na ‘yong malamig na katulad kahapon at kaninang umaga. May kakaibang lambing, o baka iniisip ko lang. “I said, eat with me. I don’t like eating alone.”
Gusto ko sanang tumanggi, pero parang natunaw lahat ng lakas ko sa ilalim ng titig niya. Tumango na lang ako at kinuha ang isa pang mangkok.
Habang kumakain kami, halos wala kaming imikan. Paminsan-minsan lang siya nagsasalita mga simpleng tanong tulad ng “Kumusta ka?” o “Hindi ka ba nilalamig?” Pero sa bawat simpleng tanong na ‘yon, parang mas lalo kong nararamdaman ‘yung init sa dibdib ko.
Pagkatapos naming kumain, umupo siya sa sala habang ako naman ay nagligpit ng mesa.
“Miss Salmonte,” tawag niya mula sa sofa.
“Sir?”
“Tingnan mo ‘tong schedule na ‘to. I-arrange mo lahat ng meeting ko for next week. Lalo na ‘tong kay Mr. Harrison. Priority ‘yan.”
“Okay po,” sagot ko habang tinatanggap ang tablet na inabot niya.
Tahimik ulit. Pero hindi na ‘yung tahimik na nakakailang. Tahimik na parang kalmado, pero sa loob ko, gulo-gulo na naman.
Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ‘to. Kanina lang, halos hindi ako makatingin sa kanya dahil sa lamig ng aura niya. Pero ngayong gabi, parang may ibang Rick Daryl Ynares sa harap ko. Mabait. Tahimik. Hindi mo mababasa.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit, nagpaalam na akong uuwi. " Sir, uuwi na ako. Salamat sa dinner." Pero bago pa ako makalabas ng pinto, bigla siyang nagsalita.
“I’ll walk you outside.”
Napalingon ako. “Sir, hindi na po kailangan. Malapit lang naman po ‘yong kalsada.”
Pero hindi siya nakinig. “I insist.”
Wala na akong nagawa kundi sundin siya.
Paglabas namin, malamig na ang hangin. Mula rito, tanaw ko ang lawa—malawak, tahimik, kumikislap sa ilalim ng buwan. Ang mga alon ay marahang sumasalpok sa pampang, at bawat hampas ay parang tugtog na nakakatanggal ng pagod.
Naglakad kami nang magkatabi, tahimik lang pareho. Paminsan-minsan ay naririnig ko ang tunog ng yabag namin sa graba. Nang malapit na ako sa sakayan, huminto siya.
“Be careful,” mahina niyang sabi. “And… thank you for the soup.”
“W-wala po ‘yon,” sagot ko, pero hindi ko siya matingnan.
Tumango lang siya bago tumalikod pabalik sa resthouse. Naiwan akong nakatingin sa likod niya, habang unti-unti siyang nilalamon ng dilim.
Hindi ko alam kung bakit, pero parang ayaw kong matapos ‘yong gabing ‘yon. Sana gano'n na lang siya kabait.
Umuwi ako na kalmado ang puso at may mga ngiti sa aking labi.
Pagdating ko sa bahay, tahimik din. Agad akong dumiretso sa aking silid. Parang wala pa si Papa.
Hinubad ko ang mga suot ko at nagsuot ng Roba. Gusto ko sana magbabad sa bathub, pero may naririnig akong mga boses mula sa sala. Binuksan ko ng mahina ang pinto ng aking silid at nakinig.
“Hindi na natin siya mapapabagsak, Mr. Salmonte,” boses ng isang lalaki. Malalim, may halong galit. “Masyado na siyang matatag. Pero kung hindi mo gagawan ng paraan ‘to, ikaw ang ipapain namin.”
“Sandali, huwag kayong ganyan—” pabulong pero halatang kabado ang papa ko.
“Wala na tayong oras. Kung hindi mo siya masira, ikaw ang mananagot.”
"Pwede bang tigilan niyo na 'to? Sinira niyo na nga ang ama niya, tapos gusto niyo na naman siya ang isusumod?"
"Sundin mo na lang ang iniuutos namin Mr. Salmonte pareho tayo makikinabang kapag napabagsak natin siya," sabi pa ng isang lalaki.
Sumunod ang mga yabag ng mga paa papunta sa pinto. Narinig kong sumara ‘yon nang malakas.
Nang wala na sila, saka lang ako lumabas.
“Pa?” tawag ko.
Napalingon siya, halatang nagulat. “Aira, nariyan ka na pala?”
“Kararating ko lang. Sino po ‘yong mga kausap niyo?” tanong ko agad.
“Wala ‘yon. Business lang,” mabilis niyang sagot.
Pero halata sa mukha niya ang pagod, at may bakas ng takot sa mga mata niya.
“Sigurado po kayo?”
Tumango siya, pero kita kong pilit lang. “Huwag ka nang mag-alala. Kumusta ang trabaho mo?”
Napabuntong-hininga ako. “Okay lang naman po. Medyo mahirap, first day ko lang kahapon bilang executive Assistant ng CEO, pero nakayanan ko naman.”
“Tinatrato ka ba ng maayos ni Rick Daryl?”
Sa pagbanggit niya ng pangalan ng boss ko, may kung anong init na gumapang sa pisngi ko.
“O-opo. Medyo tahimik lang siya, pero- maayos naman. Kanina nga, kumain pa kami ng sabay,” sabi ko, hindi ko alam kung bakit ko pa kinuwento ‘yon.
Napangiti si Papa, pero halatang pilit din. “Mabuti kung gano’n. Pero Aira, makinig ka sa akin, ha?”
“Opo?”
“Iwasan mong magtiwala agad sa kahit sino. Lalo na kung may lalapit sa’yo na parang mabait. Hindi mo alam kung ano ang totoo sa mundong ‘to.”
Tumango ako, pero sa loob ko, may halong pagkalito.
Ano ba talagang pinapasok ko? At bakit parang may tinatago si Papa? "Sige, pa, Maligo muna ako."
Tumalikod na ako at nagtungo sa banyo.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa office. Ang lamig pa ng umaga, at ang usok ng hininga ko ay halatang-halata sa salamin ng pinto. May sikat pa rin ang araw, kaya’t ginto ang kulay ng paligid.
Binuksan ko ang mga bintana ng opisina, inayos ang mga papeles sa mesa ni sir, at sinimulang i-organize ang schedule na pinagawa niya kagabi.
Habang nagtatype ako, napahinto ako nang marinig kong bumukas ang pinto.
“Good morning,” malamig pero mahinahong boses ang bumati.
Lumingon ako. Si Boss Rick.
Suot niya ang dark blue coat niya, maayos ang buhok, at may hawak na folder.
“G-good morning, sir,” sagot ko agad, pero ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko.
Lumapit siya sa mesa. “You’re early.”
“Ah, gusto ko lang po kasing maaga matapos ‘yong mga papeles.”
Tumango siya, saka naupo sa swivel chair. “Good.”
Tahimik ulit. Pero iba na ‘yong pakiramdam ngayon. Parang may pagitan kaming hindi ko maintindihan.
“Aira,” tawag niya makalipas ang ilang sandali.
“Sir?”
“Can you make me a coffee?”
Parang biglang bumilis ulit ang t***k ng puso ko.
“Y-yes, sir.” Kinakabahan akong tumayo at nagtungo sa pantry.
Habang tinitimpla ko ang kape, napansin kong nakamasid lang siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ramdam ko ‘yung mga mata niya sa likod ko. Baka mamaya hindi na naman niya magustuhan ang timpla ko.
At sa bawat segundo, mas lalo kong nararamdaman na baka delikado na ‘tong nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung bakit. Pero sa gitna ng lamig ng umaga at ng usok ng kape, parang ako ang unti-unting nauupos.”
Inilapag ko nang marahan ang tasa ng kape sa mesa niya. “Sir, eto na po ‘yong coffee,” sabi ko, pilit pinapakalma ang nanginginig kong kamay.
Tumango lang siya, hindi man lang lumingon agad. Kinuha niya ang tasa, sumimsim nang dahan-dahan, at saglit na napapikit. Hindi ko alam kung dahil sa lasa o sa init ng inumin, pero nagpasalamat ako sa isip ko dahil wala siyang sinabi.
Walang reklamo. Wala ring komento.
Ibig sabihin, perfect ang timpla ko ng kape ngayon.
“Perfect,” mahina niyang sabi kaya sikreto akong napangiti. Pagkatapos ng ilang segundo, halos pabulong pero sapat para marinig ko.
Laking pasalamat ko talaga. Parang gumaan ang dibdib ko. Kung tutuusin, simpleng kape lang naman ‘yon, pero kapag si Rick Daryl Ynares ang umiinom, pakiramdam ko parang eksaminasyon ng buhay at kamatayan.
Lumipas ang ilang oras ng tahimik na trabaho. Naririnig ko lang ang tunog ng mga daliri niyang tumatama sa keyboard, at ang mahina kong pag-type sa tabi. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit ordinaryong araw lang, parang laging may kuryenteng dumadaloy sa paligid kapag andiyan siya.
Nang tumingin ako sa orasan, pasado alas-dose na. Lunch break na pala, pero hindi ako pwede magdesisyon kung kailan ako kakain.
Bigla siyang nagsalita. “You can go eat now, Miss Salmonte.”
Para akong bata na pinayagan maglaro. “T-talaga po? Salamat, sir!” Hindi ko maitago ang ngiti.
“Don’t take too long,” dagdag pa niya bago muling tumingin sa laptop.
“Opo,” sagot ko agad, at halos napatalon ako sa tuwa habang inaayos ang mesa ko.
Sakto naman, tumunog ang cellphone ko. Si James Trinidad—ang kababata kong manliligaw na hindi pa rin sumusuko kahit ilang beses ko nang sinabing huwag siyang maghintay.
“Hello, Aira?” boses niyang laging puno ng sigla. “Lunch ka na? Nandito ako sa labas ng building niyo. Tara, sabay na tayo.”
Napalingon ako sa pintuan ng opisina ni Rick, pero mukhang abala pa siya. “Ah… sige, saglit lang, James.”
Pagkababa ng tawag, kinuha ko agad ang bag ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o masaya, pero gusto ko rin namang makalanghap ng hangin sa labas, kahit isang oras lang.
Dumaan ako sa hallway at pinili kong gamitin ang employer elevator. Mas mabilis iyon pababa, at alam kong hindi doon dumadaan ang ibang staff. Habang bumababa, tinitingnan ko ang sarili ko sa repleksyon ng pinto. Medyo maputla, pero okay lang.
Pagbukas ng elevator, agad kong nakita si James. Naka-white polo siya, may dalang maliit na bouquet ng bulaklak, at nakangiti nang parang bata.
“Aira!” tawag niya sabay lapit. “I got this for you. Roses, favorite mo, ‘di ba?”
Hindi ko napigilang ngumiti. “Salamat, James. Ang sweet mo naman.”
“Of course. You look tired, you deserve a break. Tara na,” sabi niya habang binubuksan ang pinto ng kotse niya.
Inabot ko na sana ang handle ng pinto nang biglang may malamig na kamay na humawak sa pulso ko.
Mabilis. Matatag.
Napalingon ako. At halos mahulog ang puso ko sa kaba nang makita kung sino.
“Sir…?” halos pabulong kong sabi, pero halos hindi ko na marinig ang sarili ko.
Si Rick Daryl Ynares. Harris. Nakatayo siya sa tabi ko, matikas, malamig ang tingin, at halatang hindi nagbibiro.
Hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Wala akong narinig na yabag o kahit tunog ng pinto. Para siyang biglang sumulpot mula sa hangin.
“May kailangan akong ipagawa,” mahinahong sabi niya pero matalim ang boses. “Come with me.”
Nagulat si James. “Excuse me, sir—”
Tiningnan lang siya ni Rick, at tila nawalan ng lakas ang boses ni James.
“Sir… magla-lunch lang po sana kami—” mahinang nanginginig ang noses ko, pero hindi niya ako pinakinggan.
Muli niyang hinigpitan ang hawak niya sa pulso ko. Hindi masakit, pero sapat para maramdaman kong wala akong pagpipilian.
“I said,” ulit niya, mababa pero mariin, “come with me.”
Hindi ko magawang sumagot. Parang natulala ako habang hinila niya ako palayo kay James.
“Aira!” tawag ni James mula sa likod, pero hindi na ako nakalingon. Binuksan noya ang pinto ng sasakyan niya at pinapasok ako.
Narinig ko na lang ang malakas na pagbagsak ng pinto ng sasakyan ni Rick, at ang tunog ng makina nang umandar ito.
Tahimik siya habang nagmamaneho. Ako naman, halos hindi makahinga. Ramdam ko pa rin ang init ng kamay niya sa balat ko, kahit binitiwan na niya ‘yon.
“Sir… bakit niyo po ginawa ‘yon?” tanong ko sa wakas, mahina pero puno ng tanong.
Hindi siya sumagot agad. Ang mga mata niya ay nakatutok lang sa daan, pero kita kong kumikibot ang panga niya.
“Hindi ko siya kilala,” malamig niyang sabi kalaunan. “At hindi ko gusto kung sino man ‘yung sumusundo sa empleyado ko sa oras ng trabaho.”
“Pero lunch break ko po ‘yon,” mariin kong sagot, kahit nanginginig ang boses ko.
Lumingon siya saglit, at ‘yung titig niya—Diyos ko—parang apoy at yelo sa parehong oras.
“Lunch break o hindi,” aniya, “kapag kailangan kita, gusto kong nandiyan ka. Naiintindihan mo?”
Hindi ko alam kung anong mas nakakakaba, ‘yong tono niya, o ‘yong bilis ng t***k ng puso ko.
Tumango lang ako. “Opo, sir.”
Hindi ko alam kung dahil sa galit ba siya o sa kung ano, pero sa ilalim ng tensyon, may kakaibang kirot sa dibdib ko. Bakit parang nasaktan ako? Bakit parang may halong selos ‘yong ginawa niya?
Ilang sandali pa, tumigil kami sa isang café malapit sa lawa. Hindi siya nagsalita, pero bumaba siya at binuksan ang pinto sa side ko.
“Come on,” sabi niya. “We’ll eat here.”
At doon ko lang napagtanto, hindi pala meeting ang tinutukoy niyang ipapagawa.
Habang naglalakad kami papasok sa café, naramdaman kong nakahawak pa rin siya sa pulso ko, pero sa pagkakataong ‘to, hindi ko na pinilit bumitaw.
Pag-upo namin sa loob, umorder siya ng steak at para sa akin naman ay salad. Tahimik lang kami habang naghihintay ng pagkain. Pero sa bawat sandaling magtatama ang mga mata namin, parang may kung anong hindi ko kayang ipaliwanag.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot o matuwa.
Siguro, kung ibang babae ako, magagalit ako sa ginawa niya, ‘yong basta na lang niyang hinila ako palayo kay James. Pero ako, hindi ko magawang magalit.
At doon ako lalong natakot. Natakot ako sa sarili kong nararamdaman.
Kasi kung hindi ako mag-iingat, baka sa bandang huli, siya rin ang sumira sa puso ko.