Chapter 46 Rick Isang taon na ang lumipas mula noong araw na hindi ko sinipot ang kasal namin ni Aira. Isang taon mula nang talikuran ko ang altar, ang pangakong minsan ay hindi ko ginawang seryoso. Isang taon ng katahimikan na puno ng ingay sa loob ng ulo ko, mga tanong na hindi ko sinagot, mga alaala na pinili kong ibaon, at mga pangalang pilit kong hindi binibigkas. Oo, hanggang ngayon sumasagi pa rin sa isip ko kung nasaan na siya? Kung ayos lang ba siya? O kung nakalimutan niya na ba ang lahat ng ginawa ko? Ang hirap pala dalhin sa dibdib mo ang kosensya na pilit mong iwinawaksi. Oo, walang araw na hindi ko maalala si Aira. Na hindi ko hanapin ang mga pag-aalaga niya, ang lambing niya. Para akong minumulto ng nakaraan. Hindi ko na rin hinarap si Abraham Salmonte. Hindi dahil sa t

