Chapter 45 Aira Kinabukasan umalis si Yaya Yna. Hindi pa ako pwede makalabas ng hospital. Pero sabi ng doktor ko baka bukas pwede nam pero ang baby ko mananatili pa rin dito hanggang sa dumating ang araw na pwede ko na siya maiuwi. Tahimik ang silid ko. Iyong klaseng katahimikan na hindi nakakapagpahinga, kundi lalong nagpapabigat sa dibdib. Naririnig ko ang mahinang ugong ng aircon, ang kaluskos ng kurtina sa tuwing may dumadaang hangin, at ang sarili kong paghinga na minsan ay hindi ko na alam kung paano ko kinokontrol. Naupo ako sa kama, yakap ang unan. Ilang oras na ang lumipas mula nang huli kong makita si Baby Derick sa NICU. Ilang oras na puno ng tanong, takot, at pangakong paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko na anuman ang mangyari, hinding-hindi ko iiwan ang anak ko. Ila

