Episode 68

2574 Words

Chapter 68 Rick Masakit pa rin ang tainga ko. Parang may pulso ng kirot na paulit-ulit na dumadaloy mula sa tenga pababa sa leeg ko, bakas ng kapipingot ni Mommy Fatima. Kung tutuusin, dapat ay mainis ako. Dapat ay galit Dapat ay mayabang kong ipagkibit-balikat ang sakit na iyon. Pero wala akong pakialam. Dahil mas masakit ang nararamdaman ng puso ko. Parang nadurog ang puso ko nang makita ko ang dugo sa labi ni Aira. “Aira—” Hindi ko na natapos ang pagtawag sa pangalan niya. Sa harap ko, nakita ko siyang biglang napayuko. Akala ko kung ano lang. Akala ko dahil lang sa bigat ng pagtatalo namin. Parang sinaksak ng punyal ang puso ko nang tumulo mula sa bibig niya ang dugo na dumampi pa sa sahig, at doon lang tuluyang huminto ang mundo ko. “Aira!” sigaw ko. Bigla siyang nanghina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD