Chapter 30 Aira Maaga pa lang ay gising na kami ni Rick. Hindi pa sumisikat nang buo ang araw nang ihanda ko ang sarili ko—simple lang ang suot ko, pero ramdam ko ang bigat ng kaba sa dibdib ko. Hindi ito katulad ng kaba sa trabaho o sa mahahalagang meeting. Iba ito. Ito ’yong kaba na parang may nakataya ang buong mundo ko. “Okay ka lang?” tanong ni Rick habang sinasara ang pinto ng sasakyan. Tumango ako, kahit alam kong halata sa mukha ko ang nerbiyos. “Kinakabahan lang ako. Haharap tayo kay Daddy. Paano kung hindi siya pumayag na magsama tayo na hindi kasalita?” Ngumiti siya nang bahagya at inabot ang kamay ko. “Normal lang iyan na kabahan ka, pero nandito lang ako, Aira. Huwag kang mag-alala dahil ako ang bahalang humarap sa ama mo. Hihingiin ko sa kanya ang kamay mo. Seryoso ako

