Chapter 63 Aira Maayos kong nilalagdaa ang huling dokumento sa aking mesa. Bawat isa tinitingnan ko para hindi ako magkamali. Unang araw ko pa lang, pero ang bigat ng presensya ni Rick ang sumalubong sa akin. Pero hindi ako magpapatalo. Kailangan matatag ang tingin ng lahat sa akin. “Okay na po, Ma’am Aira?” tanong ng staff sa kabilang linya ng intercom. Ang mga documents ang tinutukoy niya. “Oo, tapos na. Pwede mo nang i-email sa legal,” sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit ramdam ko na ang pagod na gumagapang sa buong katawan ko. Inayos ko ang mga papel, isinara ang laptop, at sandaling napapikit. Isang araw pa lang ako sa posisyon ko pero parang ilang buwan na ang lumipas. Hindi dahil mahirap ang trabaho dHIL kaya ko. Sanay ako. Pero dahil sa bigat na dala ko araw-ara

