Chapter 33 Aira Nagising ako na wala na akong katabi. Napahimbing ang tulog ko dahil sa nakailang round kami ni Rick kagabi. Hindi ko nga inaasahan ang pagdating niya kagabi. Dapat may pa-party pa kami, pero pinili na lang namin ni Rick na huwag ng magpa-party sa bisperas ng kasal namin. Kahapon buong araw kami nasa galaan ng mga kaibigan ko. Hindi ko agad idinilat ang mga mata. Sanay ang katawan ko na sa bigat ng braso ni Rick sa bewang ko, sa mabagal niyang paghinga na tila nagiging orasan ng umaga ko. Pero ngayon, masyadong tahimik ang loob ng silid ng hotel na ito Dahan-dahan akong dumilat. Ang bahagi ng kama sa tabi ko ay gusot, malamig na, parang matagal na siyang bumangon. Umupo ako at hinaplos ang kumot, para bang umaasang naroon pa rin ang bakas niya, isang patunay na hindi

