Chapter 60 Aira Ilang sandali ang lumipas nang makita ko si Honey sa di-kalayuan, papalapit sa kinauupuan namin sa park. Hawak niya ang maliit na kamay ni Baby Eliana habang tinutulak-tulak ng hangin ang laylayan ng damit nito. Sa likuran nila ay si Dr. Franco, halatang hinatid lang sila bago bumalik sa sasakyan. Agad na tumayo si Derick mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko. “Eliana!” sigaw niya, saka kumawala sa pagkakahawak ko sa kanya at tumakbo sa damuhan. Napatawa na lang si Honey, habang bahagyang yumuyuko para salubungin ang anak ko. “Ay, naku. Parang may concert ah,” biro niya, sabay yakap kay Derick para hindi siya matumba. Tumayo rin ako at sinalubong ang kaibigan. “Hoy,” bati ko, saka kami nag-beso-beso. “Salamat at nakarating kayo.” “Syempre,” sagot niya. “Ayaw naming ma-m

