Chapter 61 Aira Habang papalapit ako sa conference room para sa unang executive meeting, hindi ko maiwasang mapahinto at lingunin ang paligid. Malayo na ang itsura ng kumpanyang minsan ay muntik nang bumagsak. Hindi ko nga akalain na mas malaki ang kumpanyang ito dito sa Holand kaysa Canada. Mas moderno ngayon, mas malaki, at mas makapangyarihan. At sa bawat sulok ng gusaling ito, tila ramdam ko ang presensya niya—ang lalaking minsan kong minahal nang higit pa sa sarili ko. Si Rick Daryl Harris. Ang lalaking nagbago ng lahat ng pananaw ko sa pag-ibig. Ang lalaking sinira ako at iniwan sa altar na parang wala akong halaga. “Miss Aira, this way please.” Nilingon ko ang sekretarya at bahagyang tumango. Inangat ko ang baba ko, pilit na pinatatag ang sarili. Hindi ako ang dating Aira. Hind

