Chapter 53 Aira Nagtilamsik ang tubig sa sahig nang bigla akong agawan ni Derick ng tabo. “Derick!” tawag ko, napatawa pero may halong pagsita. “Sandali lang, anak—dinidiligan ko pa ’tong mga halaman.” "Ako na dilig, Mommy," sabi nito, sabay alok ng tubig sa timba. Apat na taon mahigit na siya. Apat na taon na mula nang isilang ko siya, at sa apat na taon na iyon, natutunan kong ang salitang sandali ay hindi talaga umiiral sa mundo ng isang batang tulad niya. Lalo na kapag may tubig. Kumikislap ang mga mata ni Derick habang hawak ang tabo, parang hawak niya ang pinakamahalagang kayamanan sa mundo. Binuhos niya ang tubig sa isang paso, hindi sa halaman kundi sa sahig. Tawang-tawa siya, sabay tingin sa akin na parang nagyayabang. “Mababasâ ka na naman,” sabi ko, pilit na kalmado. “Ila

