Chapter Thirteen - Tapat?

807 Words
"SIGE na, Mom, kayo na lang," sabi ni Elena, ang boses ay sadyang ginawang mahina at tunog-pagod. "Busog pa ako, kumain ako ng snack sa library kanina habang nag-aaral. At sobrang sakit na ng ulo ko, gusto ko na lang matulog." Lumapit si Elena at humalik sa pisngi ni Clara. Isang matamis at inosenteng anak sa paningin ng kanyang ina, pero bago siya tuluyang bumitaw, sumulyap siya kay Julian. Isang mabilis na tingin na tila nagsasabing, “Panindigan mo ang kasinungalingang ito.” "Goodnight, Julian," makahulugang paalam ni Elena bago dahan-dahang umakyat sa hagdan. Naiwan si Julian sa gitna ng candlelight dinner na inihanda ni Clara. Ang katahimikan sa loob ng bahay ay tila sumisigaw. Umupo siya sa tapat ng asawa, pero ang bawat tunog ng kubyertos at ang masayang kwento ni Clara ay parang torture sa kanyang pandinig. "Julian, uminom ka muna ng wine. Masyado kang tense," sabi ni Clara habang nagsasalin sa baso nito. "Para tayong bumalik sa simula, 'di ba? Kahit anong gulo ng mundo, basta tayo ang magkasama, okay na ako." Pilit na ngumiti si Julian at uminom nang dire-diretso. Ang alak na dapat ay nagpapakalma sa kanya ay tila lalong nagpapainit sa kanyang nararamdamang pagkakasala. Habang tinititigan niya ang apoy ng kandila, hindi niya maiwasang isipin na ilang metro lang ang layo, nasa itaas si Elena—ang babaeng nagmamay-ari na ng kanyang kaluluwa. "I love you, Julian," ulit ni Clara habang hinahawakan ang kamay niya sa ibabaw ng lamesa. "Salamat sa pagiging tapat na asawa at ama." Halos mabitawan ni Julian ang kanyang baso. Ang salitang "tapat" ay tila isang sumpa na bumaon sa kanyang puso. Pagkatapos ng hapunan, nagkunwari si Julian na masama ang pakiramdam para makaiwas sa anumang intimacy kay Clara sa kanilang silid. "Love, parang sobrang bigat ng ulo ko. Baka sa pagod lang kanina sa biyahe. Mauna ka na matulog, iinom lang ako ng gamot at magpapahangin sa veranda," pagsisinungaling niya habang hinahaplos ang noo. Naniwala naman si Clara at hinalikan siya bago ito tuluyang nakatulog dahil sa pagod at alak. Nang masiguro ni Julian na mahimbing na ang tulog ng asawa, dahan-dahan siyang lumabas ng master bedroom. Ang bawat yabag niya sa hallway ay tila tunog ng isang traydor, pero ang pagnanasa niya kay Elena ay mas malakas kaysa sa kanyang takot. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob ng kwarto ni Elena. Hindi ito naka-lock—tila inaasahan talaga ng dalaga ang kanyang pagdating. Sa loob, tanging liwanag ng buwan ang nagmumula sa bintana. Nakaupo si Elena sa gilid ng kama, nakasuot na ng manipis na pantulog, at nakangiti sa kanya nang mapanukso. "I knew you couldn't stay away," bulong nito habang papalapit si Julian. "This is madness, Elena" sabi ni Julian, pero agad niyang sinara ang pinto at ni-lock ito. "Nasa kabilang kwarto lang ang Mommy mo." "That’s what makes it better, Julian," ganti ni Elena habang ipinupulot ang mga kamay nito sa leeg ng lalaki. "The danger. The fact that you’re choosing me over her, right now, in this house." Hindi na nakasagot si Julian. Sa gitna ng dilim, muling sumuko ang stepfather sa tuksong dala ng kanyang stepdaughter, habang sa kabilang kwarto ay mahimbing na nananaginip ang asawang wala pang malay sa nagaganap na pagtataksil sa ilalim ng sarili nilang bubong. Alas-tres na ng madaling araw nang dahan-dahang kumawala si Julian mula sa yakap ni Elena. Ang bawat kilos niya ay maingat, tila isang magnanakaw sa sarili niyang tahanan. Isinuot niya ang kanyang mga damit sa gitna ng dilim, habang pinapanood siya ni Elena na may bakas ng tagumpay sa mga mata. "Umalis ka na bago ka pa hanapin ng 'mahal' mong asawa," bulong ni Elena, ang boses ay puno ng panunukso. Hindi sumagot si Julian. Binuksan niya ang pinto nang walang kaabog-abog at mabilis na tinahak ang hallway. Pagpasok niya sa master bedroom, naririnig pa rin niya ang mahimbing at regular na paghinga ni Clara. Maayos na nakabalik si Julian sa tabi ng kanyang asawa. Dahan-dahan siyang humiga, pilit na pinapakalma ang kanyang nagwawalang puso. Habang nakatitig sa kisame, ramdam niya ang lamig ng aircon, pero ang kanyang katawan ay tila nag-aapoy pa rin sa init ng huling ilang oras kasama si Elena. Naramdaman niya ang paggalaw ni Clara sa kanyang tabi; yumakap ito sa kanyang braso habang tulog pa rin, isang kilos ng buong pagtitiwala na tila sumasaksak sa konsensya ni Julian. Nakaligtas siya sa gabing ito. Walang nakakita, walang nakahalata. Pero alam ni Julian na simula pa lang ito. Ang bawat madaling araw na lilipas ay magiging isang paalala na ang buhay na kinagisnan niya ay isa na lamang malaking palabas. Nang sumikat ang araw, nagising si Clara na may ngiti sa mga labi. "Good morning, Love. Ang himbing ng tulog mo, hindi ka man lang gumalaw," sabi nito habang hinahalikan ang kanyang pisngi. Napilitang ngumiti si Julian. "Morning, Clara."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD