Nagising si Stephanie na nasa loob na ng kanyang kwarto. Agad siyang bumalikwas ng bangon at nang akma na sana siyang bababa ng kama ay siya ring pagbukas ng pinto at iniluwa iyon ni Clinton. "Hey," agad nitong sabi habang nakatingin sa kanya at agad itong lumapit sa kanya saka siya inlalayang makaupo sa gilid ng kama. "Are you okay?" nag-aalala nitong tanong sa kanya habang nakaupo na ito sa kanyang tabi. Dahil sa pag-aalala sa kanya ni Clinton ay hindi muna ito umuwi na siya namang ipinagpasalamat ni Rhodora since nasa trabaho si Alonso. "What happened?" naguguluhan pa rin niyang tanong. "You were unconscious earlier. Hindi mo ba naaalala 'yon?" Pilit niyang inalala ang nangyari sa kanya at naalala niyang bigla na lang siyang may naririnig na boses ng babae at lalaki kanina pero

