Aalis papuntang America para magbakasyon, 'yan ang rason na ibinigay ni Nikki sa kanilang agency sa pag-alis na gagawin ni Georgette. Gusto mang mag-usisa ang agency nila kung bakit bigla-bigla ang naging desisyon ng dalaga, mas pinili pa rin ni Nikki ang manahimik at magsinungaling dahil buo na ang naging desisyon ng kaibigan. Hindi kaagad nila ipinaalam kay Clinton ang napag-usapan nila, ang tungkol sa gagawing pagpapalit ng mukha ni Georgette. Napag-usapan nilang dalawa na saka na lang nila sasabihin kay Clinton kapag nakaalis na si Georgette. Mabilisan ang naging desisyon ng dalaga at walang kaalam-alam si Clinton tungkol sa pag-alis ng nobya. Pagkagaling sa trabaho ay inihatid niya ito sa tinitirhan nito. Ang hindi niya alam na sa gabing din palang 'yon ang alis nito. "Bukas m

