Akala ng lahat, matatapos na ang issue tungkol kay Georgette pero mas lalo pa itong lumala nang may panibagong article na naman ang lumutang na may kalakip na video kung saan muling sinampal ni Georgette si Sophie noong humingi ito ng sorry. "You told me na aayusin niyo ang issue tungkol kay Georgette but until now it's still unsolve tapos ngayon may panibagong issue na naman?!" galit na galit na pahayag ni Mr. Santos kay Nikki. Nang may bagong issue ang siyang kumalat online ay agad siyang ipnatawag ng kanilang agency para tanungin tungkol dito at hinihiling pa nito na kung maari ay isama niya si Georgette at mabuti naman ay sumama naman kaagad ang dalaga. "Regarding the issue, we're so sorry for that, Mr. Santos but we're trying to fix it as soon as possible," litanya ni Nikki. "How

