episode 1
Lulan si Marj ng eroplano pauwi ng pilipinas galing sa new york.
Katatapos lang ng fashion show na kinabibilangan niya ng makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang nakakatandang kapatid na si Simon.
"Yes kuya?" sabi ni Marj ng sagutin niya ang tawag ng kapatid. "Sandali lalabas lang ako."
Maingay sa lugar nya dahil tapos na ang event na sinalihan niya. Model/fashion designer din siya ng isang sikat na clothing brand kaya naimbitahan siya bilang ramp model.
"Bakit ka napatawag kuya? Namiss mo nanaman ako no?"
"Marj ang papa.." sabi ng gumagaralgal na boses ng kapatid na si Simon
"B-bakit kuya anong nangyari sa papa?" Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "Kuya, sagutin mo ako!"
"Ipinabook na kita ng flight, isinend ko na sa email mo ang detalye. Aantayin ka namin dito."
Naibaba na ng kapatid ang tawag pero tulala pa din siya. Huli niyang nakausap ang papa niya may tatlong taon na ang nakakalipas.
Simula ng mag migrate na siya sa new york ay hindi na sila nagkausap pa ng kanyang ama. Kaya naman sa ina nalang nya kinakamusta ito ng malaman na may sakit ito. Ang sabi ng kanyang mama ay hindi na ito kasing lakas ng dati. Nakaramdam siya ng matinding kaba sa kung ano ang nangyari sa ama.
Humahangos na nilapitan siya ni Amy.
"Marj, nagsend ng ticket ang kuya mo. Six hours from now dapat nasa airport ka na." sabi ng secretary niyang si Amy ng makalapit sakanya. "Are you okay?"
Tumango lang si Marj saka kinuha dito ang bag at ang susi ng sasakyan.
"Ako na ang maghahatid sayo sa airport." sabi ni Amy
Nasa OTG bag nya lahat ng gamit niya. Ayaw niya na may nakakalimutan siya kaya lahat ng pangpersonal nyang kailangan ay nandoon. In Case na may emergency kagaya ngayon.
Naka sakay na sila sa kotse niya patungong airport. May apat na oras din ang byahe patungong airport mula sa lugar na pinagdausan ng event nila.
Nasa business class siya kaya komportamble naman. Pero dahil sa pagaalala nya ay hindi nya magawang makomportable.
Bahagya siyang nakaramdam ng ginaw kaya naman nanghingi siya ng blanket sa attendant na dumaan. Para matakpan ang mga binti niya. Hindi na kasi niya nagawa pang magpalit ng komportable niyang damit kakamadali. Kaya ang suot niya sa after party na damit ay iyun din ang suot na pauwi ng pilipinas. Naka silk night gown siya na above the knee ang haba at naka backless din siya hanggang baywan . Kaya litaw na litaw ang maganda at makinis nitong balat. Buti nalang at may blazer siya sa sasakyan para kahit papano ay matakpan ang likurang bahagi niya.
Kahit papaano ay nagawa niyang umidlip sa haba ng byahe niya. Naalimpungatan siya ng mahulog ang blanket na nasa mga binti.
Makalipas nga ang ilang oras na byahe ay nakarating na siya sa Clark international airport.
Palabas ni siya ng departure area at tinatawagan niya ang kapatid.
Wala siyang sasakyan doon kaya malamang na nagpadala ito ng driver na magsusundo sa kanya.
"Kuya nasa airport na ako. Palabas na ako ng terminal 3 papuntahin mo na dito yung driver." sabi ni Marj
"Sige antayin mo nalang tatawagan ko sya."
Makalipas ang limang minuto at may humintong ferrari na pula sa harapan nya at lumabas doon ang isang matipunong lalaki na gwapong gwapo sa suot nitong navy blue polo shirt at faded jeans.
"C-cain?" halos pabulong na sabi ni Marj
Bunuksan nito ang pinto sa gawi ng driver side.
"Sasakay ka ba o hindi?" sabi ni Cain na halos walang emosyon. Nang mapansin na nakatayo pa din si Marj.
Kahit gusto niyang magtaxi nalang kesa ang sumakay sa sasakyan nito ay mas pinili niyang dito na sumakay. Malayo ang zambales para magtaxi. Isa pa ay halos hating gabi na siya nakarating sa pilipinas dahil sa dami ng connecting flight niya.
Pagsakay niya ay agad na isinara ng binata ang pinto sa side nya bago naglakad papunta at naupo sa driverseat.
"Seatbelt." sabi ni Cain ng makasakay.
Bigla naman nataranta si Marj kaya hindi niya mahilahila ang belt ng upuan dahilan para matangal ang blazer niya na nakapatong lang sa balikat niya.
Hindi nakatakas sa paningin ni Cain ang makinis na balat ng dalaga.
Inalis niya ang sariling seatbelt at saka inayos ang seatbelt ng dalaga.
"Sa-salamat." nautal na sabi ni Marj parang bahagyang timigil ang pagtibok ng puso niya ng halos magkalapit sila ng mukha.
Pinasibat na ni Cain ang sasakyan nito. At inayos naman ni Marj ang blazer ng mapansin nito na bahagyang lumamig.
Wala silang imikan habang bumibyahe. Na ipinagpasalamat niya. Matagal na din ang lumipas simula ng nakita niya si Cain.
"Bakit ba hindi nalang ako ang mahalin mo?" sabi ni Marj kay Cain
"Lasing ka lang. Halika na ihahatid na kita."
"Bitawan mo ako! Oo lasing ako pero alam ko kung ano ang sinasabi ko! At alam ko kung ano ang nararamdaman ko sayo!"
"Halika na iuuwi na kita." sabi ni Cain saka binuhat ang babae pasakay sa sasakyan niya.
"Kumain ka na ba?"
"Ha?" sabi ni Marj
"Sabi ko kung kumain ka na?"
"Ah, oo kuma-" hindi na naituloy ni Marj ang sasabihin ng biglang kumalam ang tiyan. "Haha ano busog pa naman ako." pero hindi nakikisama ang gutom niyang tiyan.
Hindi na kumibo si Cain at ipinasok ang sasakyan sa drive tru ng isang fastfood.
Habang inaatay maibigay ang order nila ay isang mahabang katahimikan ulit ang namagitan sa kanila. Iniabot ng binata ang buger, fries at isang drinks sa kanya.
"Pagtyagaan mo muna iyan dahil kung baba pa tayo para makakain ng ayos ay baka pagtinginan pa tayo ng tao sa suot mo." sabi ni Cain.
Hindi alam ni Marj kung maiirita sa sinabi ng binata. Kinahihiya ba siya nito? Pinaandar ulit ni Cain ang sasakyan at nagmamaneho habang kumakain.
"Pwede naman na ihinto mo muna sa tabi para makakain ka ng ayos." sabi ni Marj
"Kaylangan mo na makauwi sa inyo. Iyon ang sabi ni Simon."
Matalik na kaibigan ng kapatid niya si Cain. Magkasama rin ang mga ito sa Med school noong mga nagaaral palang ng medisina.
Mahaba pa ang byahe nila patungo sa kanilang tahanan at bahagya na siyang nakakaramdam ng pagkailang sa katahimikan na namamagitan sa kanila ni Cain.
Pagkailang nga ba ang nararamdaman niya o excitement. Excitement? Saan naman galing iyon.
"Kuya!" sigaw ni Marj ng buksan niya ang pinto ng kwarto ng kapatid.
Napalingon naman si Simon at dalawa pa nitong kasamang lalaki.
"So-sorry kuya." nahihiya siya sa ginawa.
"Haha! namiss mo nanaman ang pinaka gwapo mong kapatid." sabi ni Simon
"Ikaw lang naman ang nagiisa kong kapatid." nahihiyang sabi ni Marj.
"Halika nga doll, parang ang bilis mo naman yatang tumangkad." sabi ni Simon na lumapit na sa kapatid.
"Kuya im turning 18 na bukas, stop calling me doll nakakahiya."
"Kahit pa uugod ugod ka na doll pa din kita." sabi ni Simon. "Pero mukhang mas bagay din sayo yung burdagul." tatawa tawang sabi pa nito.
"Kuya!"
Pero mas lalo pa itong natawa ng makitang napipikon siya.
Inirapan ni Marj ang kapatid bago padabog na lumabas ng kwarto nito. Tinungo nalang niya ang inang nasa kusina, naupo siya sa upuan na nasa harap ng counter top table.
"Nakasimangot ka nanaman, akala ko ba excited ka sa pagdating ng kuya mo?" sabi ng ina na nagpeprepare ng pagkain.
"Si kuya po kasi, nang aasar nanaman."
"Para ka namang hindi nasanay sa kuya mo. Alam mo naman na ikaw lang ang happy pill nya. Namiss ka lang nun."
"Nakakahiya kasi sa mga bisita nya. Ano nalang ang iisipin ng mga iyon. Ang laki ko na pero nagpapababy pa din."
Napangiti naman ang ina sa tunuran ni Marj.
"Dalaga ka na talaga. Marunong ka na ma-conscious."
"So.. Pwede na ba ako magboyfriend ma?" paglalambing nito sa ina.
"Aba! Bakit may manililigaw ka na ba?"
Bago pa siya makasagot ay lumapit sa kanila ang kapatid kasama ng mga kaibigan nito.
"At sinong may sabi na pumapayag ako na magpaligaw ka?"
"Wala ka magagawa kasi hindi ka naman palaging nandito. Kaya hindi mo ako mababanyan."
"Ha! Ha! para sabihin ko sayo binibini sa manila ka na din magaaral."
Biglang nagningning ang mga mata ni Marj sa narinig. Matagal na nyang kinukumbinsi ang ama na payagan siya na sa manila na magaral ng kolehiyo.
"Talaga ba mama? Pumayag na ang papa?"
Tumango naman ang ina.
"Pasalamat ka sa kuya mo." sabi ng ina
Mahigpit naman niyang niyakap ang kapatid.
"Thanks kuya! The best ka talaga. Gwapo na ang bait pa."
"Binola mo pa ako." saka ginulo ang buhok ng kapatid.
"Hindi kaya." saka humiwalay sa kapatid.
"Hep hep. Sandali, san ka pupunta? May narinig ako kanina. Ano yung sinasabi ng mama na may nanliligaw na sayo?"
"Haha! Kuya nagpapaniwala ka sa mama hula lang nya yun wag ka nagpapadala sa emotions mo okay?"
Napatingin si Marj ng ngumiti ang isang kaibigan ng kanyang kapatid na mestizo at matangkad.
"Siguraduhin mo yan ha bardagul." saka ginulo ang buhok ng kapatid.
"Kuya!! Nakakainis naman!"
Tatawa tawa naman si Simon na humarap sa ina.
"By the way ma, this is my friend Cain Montecarlo at Leo Ancheta, Guys my mom and this little bunny is my cutest sister."
"Oh nice to meet you both. Hmm Montecarlo? Are you related to señor Thomas Montecarlo?"
"Yes ma.." sagot ng anak
"Oh! Pasensya ka na sa bahay namin ha at hindi pa gaanong narerenovate." sabi ng ginang.
"Maganda at maaliwalas po ang lugar nyo tita. Nagustohan ko po." sagot ni Cain.
Malaki at malawak ang mansyon nila Marj kaya hindi naman maikakatwa na maaliwalas ang lugar.
"How's your abuelo, Cain?"
"Mabuti naman po."
"Hinahangaan ko sa larangan ng pagnenegosyo ang lolo mo." masayang sabi ng ginang.
"Maraming salamat po."
Mahusay pagdating sa pagnenegosyo ang abuelo ni Cain na si Thomas Montecarlo. Isa ito sa pinaka mayamang negosyante sa pilipinas. Matapang ito sa maraming bagay pero mapagkawanggawa.
Nagpark ng sasakyan si Cain sa isang ospital. Bago bumaba si Marj ay may inabot na jacket si Cain.
"It's okay, I have my blazer naman."
"Maraming tao sa ospital kahit pa gabi na, nakakaiskandalo ang suot mo." giit ni Cain
"It's fashion, mister!"
"I know your fashion pero conservative ang mga taga dito. Hindi pa sila namumulat sa tinutukoy mong fashion. Kaya isuot mo na ito bago ka makalikha ng iskandalo dito."
Inis pero nagawa pa din nyang sundin ang binata. Ngunit mas lalo nyang kinaiinisan ang sarili dahil sa kabila ng pagkaasar nya dito ay hindi nya maikakatwa ang kagwapuhan at kakisigan ng lalaking ito na hind man language kumupas sa mga nadaang taon.
"Can you please stop staring at me?" mataray na sabi ni Marj
"Tinitignan ko lang kung isususot mo." saka inilayo ang tingin.
Hindi na nya sinamahan ang dalaga sa loob dahil sinalubong na din naman ito ni Simon.