A/N: Sorry for the wrong grammar.
Ria Jade
“IF ever I would date Mikael. Payag ka ba?” Simple lang ang tanong niya pero parang may kung anong bumara at nagpabigat sa loob-loob ko. Biglang natahimik ang paligid. Natigilan silang lahat at napatingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin at dahan-dahang umayos ng upo. Pinaglaruan ko ang baso sa harapan ko. Ini-imagine ko palang ang gusto niyang mangyari nakakadurog na. Pero ano bang magagawa ko? Una palang wala naman talaga akong karapatan masaktan.
Walang emosyon akong tumingin sa kanya. “Why are you asking me? Ako ba ang lalandiin mo?” I could not control my emotions. Kusa na lamang lumabas iyon sa bibig ko. Siguro ay epekto na rin ng kalasingan.
She stared at me intently. Her lips curved into a meaningful smile and didn’t budge to answer. Inabot ng kamay niya ang baso sa harapan at tinungga ito.
Umiwas ako ng tingin at nagpakawala ng buntong hininga.
“Oh? Si Mikael ‘to, diba?” Mabilis na naagaw ang atensyon ko nang marinig ang mahinang bulong na iyon. Sapat lang para marinig ng tenga ko. Napalingon ako sa mga kaibigan ni Rianne at nahuling nagkukumpulan ang mga ito habang nakatingin sa isang phone.
Na-curious ako at akmang lalapitan sila pero naunahan ako ni Rianne. Hinablot niya ang phone ng kaibigan at padabog itong inilapag sa table. She glared at them as if they did something they shouldn’t have done.
Napakunot naman ako ng noo. Dahil sa ginawa niya ay mas lalong lumala ang kuryosidad ko. Kaya tumayo ako at naglakad palapit sa kanila. May kakaiba akong naramdaman sa kilos nila kaya kinuha ko ang phone sa mesa. Naka-locked ang phone kaya umangat ang tingin ko sa kanila. Pero umiwas lamang sila ng tingin.
Hindi ko na kailangan pang itanong ang password dahil may face lock. Itinapat ko sa mukha ng may-ari ang phone na siyang narinig kong bumulong kanina at napansin ko ang panlalaki ng mata ni Rianne sa ginawa ko.
“Ria—“ I motioned her to stop. Saktong pagbukas ng phone ay bumungad sa akin ang isang video. IG story to be exact. It was at the bar. Alam ko kung ano ang nagaganap dito sa mga sandaling ito.
Wala naman akong nakitang mali dahil ipinapakita lang sa video ang kasalukuyang nagaganap sa party. Not until something caught my attention. I immediately tapped the screen to pause the video when I saw something familiar to me. That’s when I thought I was wrong. Ang tuluyang nakapagpatigil sa akin ay ang taong aksidenteng nahagip sa video.
It was him.
Having fun with another woman.
And when I meant by having fun. They are literally so close to each other to the point that they are nearly kissing.
Napatitig ako sa hawak na phone. Hindi alam kung ano ang magiging reaksyon.
My fist automatically clenched. I can feel the sudden sting in my chest as if it was clutched so tight. Isa lang ang tanging alam ko. Masakit. Sobrang sakit.
Just why? Why does he have to hurt me this bad?
“Ria..” Napaangat ako ng tingin kay Rianne. Nakatingin siya sa mga kamay ko kaya pati ako ay napasunod ng tingin dito. Doon ko lang namalayan na kanina pa pala nanginginig ang mga ito habang nakahawak sa phone. Ang isa ay mahigpit na nakakuyom.
I closed my eyes as I let out a deep sigh, trying to control the sudden emotion inside of me from bursting. It took a minute before I finally opened my eyes.
“I-I’m sorry,” I whispered. “I think I have to go.”
Mabilis kong ibinaba ang phone sa table at malalaki ang hakbang na naglakad paalis.
“Ria!” Paulit-ulit nilang isinigaw ang pangalan ko pero nagbingi-bingihan ako. Hindi ko na magawang kontrolin sarili ko. Ang tanging nasa isip ko lang sa mga sandaling ito ay ang puntahan siya. Kahit anong pilit ko, mas nanaig ang galit sa loob ko.
Mabilis at malalaki ang mga hakbang ko pero nagawa pa rin akong maabutan ni Rianne. Marahas niyang hinila ang braso ko para mapaharap ako sa kanya. Habol hininga siya habang nakatingin sa akin. Halata ang pag-aalala sa mukha.
“Calm down, okay? Alam ko ang tumatakbo sa isip mo. But this isn’t the right time to do this—“ She tried to stop me.
“Let go of me,” mariin kong utos.
“You can’t just go! You’re drunk for pete’s sake!” she shouted worriedly.
“I said let go of me! I don’t care!” Marahas kong binawi ang kamay ko at nagtatakbo papuntang garage kung saan naroon ang kotse ko. Wala na akong pakielam kung lasing man ako. Walang makakapigil sa akin.
“Ria! Please! It’s dangerous!” She tried to chase me. I can hear her sobs behind me, panicking. Nang marating ang garage ay mabilis kong pinindot ang remote ng kotse at binuksan ang pinto.
“Ria! No! No!” Sa sobrang pagmamadali ay nahirapan ako sa pagsuot ng susi sa makina. Taranta niyang kinalampag ang hood ng kotse ko nang makahabol sa akin.
“Come on!” Nang maisuot ang susi ay agad kong binuksan ang makina. Tinapakan ko ang gas para i-atras ang sasakyan palabas ng gate pero nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng passenger seat at pumasok siya.
My eyes widened. “What do you think you’re doing?!”
“I can’t just leave you alone!” katuwiran niya.
“Get out.” Tiningnan ko siya ng masama pero imbes na sumunod, she ignored me and put her seatbelts on.
“I said get out!” I shouted in extreme anger.
“No!” she shouted back. “If you want to die just because of a fvcking man, then let’s die together!” mariin niyang sigaw habang nakakapit ng mahigpit sa seatbelt na parang doon nakasalalay ang buhay niya.
I shut my eyes firmly. Humigpit ang kapit ko sa manibela at pinaghahampas ito sa galit. Paulit-ulit hanggang sa mamanhid ang mga kamay ko. I was almost catching my breath when I stopped. Tuluyan nang na-blangko ang isip ko.
“Could you please calm down?” Narinig ko ang malalim na paghinga ni Rianne. Naging mahinahon ang boses. “Believe me, I understand how worst you feel but please, you have to listen to me. You’re fvcking drunk. So am I! None of us is in the right mind right now—“
“I am,” I cut her off. Umangat ang ulo ko. Walang pagda-dalawang isip na hinawakan ang gear ng sasakyan at madiing tinapakan ang gas.
“Oh my God!” she gasped.
Nang makalabas ng gate ang kotse ay mabilis ko pinaikot ang steering wheel.
“Hang on,” I whispered bago madiing tinapakan ang gas ng sasakyan at mabilis itong pinatakbo paalis.
“Gosh. Ikaw na bahala, Lord. I don’t wanna die yet..” She closed her eyes as she murmured something.
***
HINDI sinasadyang natapakan ko ng madiin ang brake nang huminto kami sa isang pamilyar na bar. Hindi ko na ako nag-abalang tingnan pa kung nasa tamang linya man lang ang sasakyan sa sobrang pagmamadali ko. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at naglakad papasok ng bar.
Bago makapasok ay pinigilan akong muli ni Rianne.
“A-are you really sure about this?” she asked. Halata ang kaba at pag-aalala sa mukha.
Hindi ko siya sinagot. Binawi ko ang kamay ko at nagpatuloy sa balak na pagpasok sa bar. Nakasunod lang siya sa likod ko. Maingay at nakakabinging tugtog ang sumalubong sa amin. Kilala naman ako ng bouncer kaya hindi na sila nagtangka pang pigilan ako kaya malaya kaming nakapasok.
Umikot agad ang tingin ko sa paligid nang makapasok. Nagbaka sakaling makikita ang taong hinahanap ko pero nabigo rin dahil sa dami ng tao sa paligid. Dire-diretso akong naglakad habang ang tingin ay umiikot sa buong paligid.
“Oh my. Jade? Is that you?!” Napatigil ako sa paglalakad nang biglang humarang sa daraanan ko si Maggie. Napatili siya at dinamba ako ng yakap na agad kong sinuklian habang umiikot pa rin ang tingin sa paligid.
“I’m so glad you came! My gosh. You looked even prettier!” She kissed me in the cheeks pero wala ako sa mood na sabayan ang trip niya.
“Did you see him?” diretsa kong tanong sa kanya, not minding what she said. Desperada na kung desperada pero wala na akong pakielam.
“Him? Who?” Her eyebrows furrowed in confusion.
“You know whom I am talking about.” I looked at her firmly. Napakurap siya ng ilang beses at halatang nagtataka sa ikinikilos ko.
“Are you looking for Mikael?” she asked and I just nodded in response. Umikot ang tingin niya sa buong paligid. Lumipas ang ilang sandali bago huminto ang tingin sa gawing kanan namin.
“There,” she pointed. Lumingon ako sa gawing itinuro niya. Akala ko mahihirapan pa akong hanapin siya but in just one glance, I clearly saw the man I was looking for. Pero mabilis na naglaho ang namumuong emosyon sa loob ko nang masilayan ang hindi dapat makita ng mga mata ko.
I was frozen on the spot when I saw him sitting with a girl, magkalapat ang mga labi habang nakayapos sa isa’t isa. My lips parted in shock as I watched them. Biglang nanikip ang dibdib ko, namuo ang luha sa mga mata at halos manlambot ang mga tuhod. Halos bumigay ang mga tuhod ko kung hindi ko lang naramdaman ang mga brasong umalalay sa akin.
“R-ria..” Rianne started to cry.
My mind suddenly went blank. Pumatak ang ilang butil ng mga luha sa aking pisngi. Sinubukan kong kumalawa sa kanila pero nawalan ako ng sapat na lakas. Biglang nanghina ang buong katawan ko.
Napahawak ako ng mahigpit sa aking dibdib.
“Mas mabuti kung iuwi mo muna siya,” I heard Maggie talking to Rianne. Nang marinig ang sinabi niya ay parang may biglang pumutok sa loob-loob ko. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para bumitaw sa kanila. Tinangka kong maglakad patungo sa direksyon ni Mikael pero tulad ng inaasahan ay pinigilan nila ako.
“Kung ano man ang tumatakbo sa isip mo. H’wag mo nang ituloy,” mariing bulong sa akin ni Rianne habang mahigpit na nakakapit sa braso ko.
Sandali akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Nagtatalo ang isip.
Bumuntong hininga ako at tinapunan ko siya ng isang blankong tingin.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakakapit sa aking braso at hinawakan ito. “Hindi ako nagpunta dito para magpapigil sa’yo,” I murmured, slowly removing her hands away.
Umangat ang tingin ko sa kanya at binigyan siya ng isang tipid na ngiti. “Don’t worry, I can handle it,” I reassured her bago sila tinalikuran at nagsimulang maglakad patungo sa kinaroroonan ni Mikael.
Bawat hakbang palapit sa kinaroroonan nila ay siya ring pagbilis ng t***k ng puso ko. Naghahalo ang kaba, galit, at sakit. Hindi ko alam kung magagawa ko pang kontrolin ang emosyong kanina ko pa pinipigilan sa oras na makaharap ko siya.
Humugot ako ng isang malalim na hininga nang huminto ako sa harapan nila. Pigil ang galit at hindi maiwasang mapakuyom ng kamao.
“Seems like you’re enjoying,” I interrupted.
Napalingon silang dalawa sa akin pati ang iba pa nilang mga kasama sa table. Mabilis na napalitan ng gulat ang mga mukha.
Bigla siyang napatayo nang makita ako. Napsulyap ako sa gilid ng kanyang labi at mas umusbong ang galit nang makitang may bahid pa ito ng lipstick. My jaw clenched. Lumipat ang tingin ko sa babaeng kasama niya. Halos manginig ang kamao ko sa galit. Gusto ko siyang sugurin pero mistulang napako ako sa kinatatayuan.
“What are you doing here?” he asked me.
Bumalik ang tingin ko sa kanya. Mariin ko siyang tinitigan sa mga mata pero wala man lang akong nakitang bahid ng pagsisisi sa kanya. Mapait akong napangisi dahil doon. Gusto kong pakawalan ang mga luha ko. Para na rin akong sinampal ng katotohanang wala siyang pakielam kung masaktan man ako. Kung madurog man ako sa ginawa niya.
Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayang tumayo ng tuwid sa harapan niya sa kabila ng panghihina ko. Gusto ko nalang mapahagulgol at isumbat lahat sa kanya kung gaano na kasakit. Kung paano ko nalang pinipilit ang sarili ko sa kanya kahit sobrang sakit na. Napapagod na rin ako. Pagod na pagod na ‘kong mahalin siya.
Gusto ko nalang sumuko.
I tried everything to hold back my tears. I inhaled a large amount of air and looked at him firmly.
“Wipe it,” I said.
He raised a brow. “What?” he asked in confusion.
“I said, wipe it,” I repeated, firmly. My fist won’t stop trembling in anger. Natatakot akong sumabog ang emosyong kanina ko pa pinipigilan at tuluyang mandilim ang aking paningin.
He pressed his lips together and massaged the bridge of his nose, looking irritated now.
“Just what the fvck do you want, Ria?” mariin niyang tanong sa akin.
And that’s when I lost it.
Without a second thought, I suddenly grab him in the collar.
Put my other hand on the back of his neck and pulled him until our faces were inches apart and our lips landed on each other.
I heard the sudden loud gasps coming from the people watching us but I didn’t budge.
It was his fault. I told him to wipe the stain pero hindi niya ginawa. He’s the one who forced me.