Chapter 11: Drunk Jealousy 1

2335 Words
Ria Jade   ANG sabi ng mga karamihan, maraming pagkakataon ang masasayang kapag hindi mo sinubukang tumaya. Minsan lang ito dumaan sa buhay kaya hangga't may oras, walang rason para palampasin pa.   Pero bakit gan'on?   Hindi ko maiwasang mapaisip sa sarili. Ginawa ko naman lahat, sinubukan kong lumaban sa kahit na anong paraan. Bakit sa huli nauwi rin sa wala? Ano pang kulang? Anong paraan pa ang hindi ko nasusubukan?   Ano pang dapat kong gawin?   I heaved a sigh.   Masyado na ba talaga akong desperada?   "Well, in my opinion, slight lang." Bumalik ako sa katinuan nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Bumungad sa akin si Rina na matamang nakatitig sa akin habang abala sa kinakaing kwek-kwek. Mukhang lumabas sa bibig ko ang tanong na dapat ay sa isip ko lamang.   Umikot ang tingin ko sa paligid.   Sa dami ng tumatakbo sa isip ko, nakalimutan kong nasa park nga pala kami. Park na paborito naming pinupuntahan noon. Kailangan ko kasi ng peace of mind kaya inaya ko siyang magliwaliw ngayon. Bukod sa maglasing at kalimutan ang sakit ng isang pusong sawi, ito ang naisip kong paraan para makalimot kahit papano.   Kaso parang kahit saan ako magpunta, wala talagang balak na lumayas sa punyetang isip ko ang lalakeng 'yon. Nakakainis! Ano bang nagustuhan ko sa lalakeng ‘yon at ganito ang naging epekto niya sa akin? Normal pa ba ‘to?   “Hayy.” Napatingin ako kay Rina nang marinig ang malakas na pagbuntong hininga niya. “Ang pag-ibig nga naman. Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi dinggin ito,” she dramatically said and shook her head in disappointment.   Halos mapairap naman ako. Here she goes again. Hindi ko alam kung pinapagaan lang ba niya ang pakiramdam ko o pinagti-tripan na naman ako. Kapag talaga siya naman ang tinamaan, tingnan lang natin kung sino ang ngangawa.   “Alam mo,” Umayos siya bigla ng upo at humalumbaba sa mesang nakapagitna sa amin. “H’wag mo na isipin ‘yon. Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo sa ginagawa mo e.” Napangiwi siya.   Napataas ako ng kilay. Wow. Kung makapagsalita akala kung sinong eksperto pagdating sa mga ganitong sitwasyon ah.   She bit her lower lip. “Oo, hindi ka niya mahal pero, h’wag mo na isipin. Marami namang iba— hey!” Naputol ang pang-iinsulto niya sa akin nang batuhin ko siya ng popcorn na nakalatag sa table. Foul na ‘yon ah!   Pinanlakihan ko siya ng mata. “Sige, ipamukha mo pa. Mamaya itong sauce naman ang lalanding sa pagmumukha mo,” pagbabanta ko at inirapan siya. Marahas kong kinagatan ang kikiam na kinakain ko at itinuon nalang ang tingin sa mga batang naglalaro sa paligid.   Napanguso naman siya. “Pero seryoso, kung ako lang talaga ang nasa katayuan mo, una palang sumuko na ako. Hindi mo ba napapansin? Iba na ang pakikitungo niya sa’yo. Halos hindi ka na nga niya itinuturing na babae!” biglang tumaas ang boses niya kaya wala sa sariling napatingin siya paligid, pati ako. Natatakot na may ibang makarinig sa usapan namin.   Lumapit siya ng bahagya sa akin at hininaan ng bahagya ang boses. “Kilala kita. Alam ko ‘yang tumatakbo sa kokote mo kung bakit hindi mo siya matigil-tigilan.” Nagulat ako nang dukdukin niya ang noo ko. Halos magsalubong ang kilay ko sa ginawa niya at napahawak sa sariling noo.   Seryoso niya akong tiningnan sa mga mata at nagpatuloy sa pagsasalita. “Buong paniniwala mo, galit lang siya. Iniisip mo, kapag inamo mo siya at nilambing-lambing, bibigay din ang gago at bibigyan ka ng pinaniniwalaan mong second chance,” she sarcastically said and then made a face.   “E, pucha. Sa panahon ngayon, sinong naniniwala sa gano’n?” Sa madaling salita. Para bang ipinapahiwatig niya na walang sense ang mga ginagawa ko. Which is definitely not true! Para na rin niyang sinabi na wala siyang tiwala sa kaibigan niya.   How dare her.   Napabuga ako ng hangin. “You don’t understa—“ I tried to defend myself but she cut me instead.   “Ang hirap sa’yo,” she said. “Kung sino ang unang minahal mo, akala mo siya na rin ang magiging huli kaya hindi mo magawang pakawalan,” aniya habang mariing nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ako lang ba o nagsisimula na talagang tumaas ang tensyon sa pagitan namin. Really. What is wrong with her?   “Pero paano naman siya? Kumbaga sa papalubog na barko nakaahon na siya, ikaw nalang ang hindi. Mas pinili mong malunod kahit may paraan pa para makaahon.”   Nagsalubong ang mga kilay ko. Ano bang nangyayari sa kanya? Parang kanina ang ayos pa niyang kausap tapos bigla nalang nag-iba ang simoy ng hangin. Magsasalita pa sana ako para mangatuwiran pero nagulat ako nang bigla siyang tumayo kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.   I blinked twice. “Where are you going?” I asked. “We’re not yet done—“   “Uuwi. Pati ako nauubusan ng pasensya sa ipinaglalaban mo.” Sinimulan niyang buhatin ang mga dala niya kaya kahit ako ay napatayo sa sinabi niya. “Kausapin mo nalang ulit ako kapag nasa tamang pag-iisip ka na,” walang emosyon niyang sabi.   “H-hoy, teka lang.” I tried to stop her. “Seryoso ka ba—“   “Bye.” My lips parted as she turned her back on me and started to walk away. Naiwan akong halos napako nalang sa kinatatayuan at hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari.   My mouth left hanging. “Seryoso ba talaga siya? Ano bang nagawa ko?” I asked to myself.   Pucha. Ang gusto ko lang naman peace of mind. Bakit biglang umabot sa ganito?   Lintek na peace of mind ‘yan.   ***   KINABUKASAN.   “Happy birthday Rich Anne!” sabay-sabay na sigaw naming lahat with a huge smile plastered on our faces at sinabayan ng malalakas na palakpakan. Rich Anne giggled while looking at us before blowing the candle. Everyone cheered and clapped their hands.   “Happy Birthday to my pretty inaanak!” I greeted and bent to kiss her in the cheeks.   “Hihi! Thank you, Mimmy ninang!” she giggled kaya hindi ko mapigilang pisilin ang pisngi niya. After singing her a birthday song, muling nagpatuloy ang takbo ng party. Everybody was having fun. Maraming bata ang pakalat-kalat sa paligid. Ang iba ay tuwang-tuwa habang pinanonood ang clowns sa harapan.   Mas pinili ni Rianne na ganapin ang birthday ng anak sa backyard ng house nila. Iwas exposure na rin. Hindi pa kasi siya handang ipakita sa public ang anak. Natatakot sa sasabihin ng mga tao at malaman ng totoong ama ni Rich Anne ang tungkol sa kanila. Malaking problema ‘yon kung sakali.   Habang nagkakasiyahan ang lahat, heto ako at mas piniling mag-stay sa isang gilid. Sa lugar kung saan maraming pagkain. Hindi kasi maubos-ubos ang mga bisitang gustong magpa-picture. Hindi ko alam kung celebrant ba talaga ang sadya nila o ako. Nakaka-offend ha.   “Bakit nandito ka?” Biglang sulpot ni Axel sa tabi ko. “Kanina ka pa nila hinahanap.”   Sinubukan kong sumagot pero nahirapan ako dahil puno ng marshmallow ang bibig ko. May pa-chocolate fountain kasi kaya sinulit ko na. Sinenyasan ko siyang maghintay habang inuubos ko ang laman ng bibig ko. Uminom ako ng tubig pagkatapos bago siya hinarap.   “Sino? Bakit ako hinahanap? Ako ba celebrant?” turo ko sa sarili.   He shrugged. “Aba malay. Pati nga ‘yung emcee gusto kang umakyat ng stage,” natatawa niyang sabi. Pati siya nakikuha na rin ng marshmallows at itinapat sa chocolate fountain.   “Oo nga pala. Kanina ko pa napapansin. Anong meron sa inyo ni Rina? Bakit parang—“   “Excuse! Excuse!” Naputol ang sinasabi ni Axel nang lumitaw sa kanyang likuran ang taong binanggit niya. Bahagya siyang itinulak ni Rina para makadaan at kumuha ng ilang mga candy para ilagay sa maliit na basket na hawak niya.   Nang matapos ay nilingon niya si Axel. “Bakit nakatambay ka pa dito? Asikasuhin mo mga bisita!” singhal niya.   “Aba. Bisita rin ako ah!” depensa naman ni Axel.   “Ewan ko sa’yo.” Napairap si Rina bago ako tinapunan ng tingin. Wala siyang sinabi. Kabod na tinalikuran lang ako at naglakad paalis. Napabuga nalang ako ng hangin at ipinagpatuloy ang pagkain.   “See? That’s exactly what I’m talking about,” Axel pointed out.   “Nag-iinarte lang ‘yon,” balewala kong sagot. “Single kase.” Natawa ako.   Mabilis na lumipas ang oras. Sa kalagitnaan ng children’s party, expected na ang marami palaro. Sa mga ganitong sitwasyon lumalabas ang disadvantage ng pagiging ninang at pangalawang ina ko kay Rich Anne. Halos lahat ng games pinasali ako! Jusko. Halos mangalay ang panga ko sa lintek na apple na ‘yon. Matatawag bang challenge ‘yon? Isasabit ang apple at saka kakainin without using hands? It was exhausting!   Kung hindi ba naman kasi isa’t kalahating demonyo ang Axel. Nagtatago na nga ako, napakakapal pa ng mukha na ipagtulakan ako sa stage. Kaya noong magpalaro ng newspaper dance ay nakaisip ako ng isang magandang plano na tiyak na ika-eenjoy ko. Special kong ipina-request sa emcee na paglaruin siya together with Rina.   Pigil na pigil ang kilig ko habang pinanonood silang dalawa. Alam kong magpapatalo sila kaya ipinusta ko kay Axel na sasabihin ko sa kanya ang dahilan ng pinag-awayan namin ni Rina kapag nanalo sila. Buong laro ay masama ang tingin sa akin ng dalawa pero todo thumbs up lang ako to cheer them. Mananalo na sana sila pero sa kabutihang palad ay natalo sa final round.   Sinalubong ko ng mapaglarong ngisi si Axel nang matapos ang game and just he just glared at me in return.   “Magdiwang ka,” he sarcastically said that made me laugh.   ***   KINAGABIHAN.   Ilan na lamang ang natira sa mga bisita. Mostly, mga malalapit na kaibigan nalang ni Rianne at mga kamag-anak. Nagliligpit nalang ang catering habang ang mga kaibigan niya ay naiwan at nag-iinuman. Nakailang shot na ako kanina at wala akong balak na magpakalasing kaya nagkulong nalang ako sa kwarto ni Rich Anne nang makaramdam na ako ng bahagyang pagkahilo.   Natatakot ako kapag nalalasing ako e. Baka maulit na naman ang nangyari noong unang beses akong ni-reject ni Mikael. Nakakahiya! Mabuti nalang at si Dennis lang ang kasama ko noon. Nasa pam-publikong lugar pa man din kami. Gosh.   Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at sumilip si Rina. Tinanaw muna niya ang natutulog na si Rich Anne bago ako sinenyasan na lumabas. Tumayo ako sa kama at naglakad palabas. Pagkasara ko ng pinto ay saka lang siya nagsalita.   “Ihatid mo ‘ko,” aniya.   Tinapunan ko siya ng tingin na may nagtatanong na mga mata. “Wow? Bakit? Hindi ka na galit?” tanong ko. “Sabi ko na di mo ‘ko matitiis e,” pang-aasar ko at pabiro siyang binangga sa balikat.   “Tse! Exempted lang ang araw na ‘to dahil wala akong ibang choice. Bukas galit pa rin ako sa’yo.” Humalukipkip siya.   “Sus. E, bakit hindi ka kay Axel magpahatid?”   “Duh! After what happened earlier? Mas gusto ko pang ibaba ang pride ko sa’yo kesa makasama siya!” She rolled her eyes.   Kunwaring tumango ako pero hindi nawala ang ngisi sa labi. “Oki. Let’s go!” Inaya ko na siya paalis pero mabilis niya akong pinigilan. Nakalimutan ko palang kunin ang gamit ko sa kwarto kaya kinuha muna namin bago bumaba ng hagdan at nagtungo sa likod ng bahay kung saan naroon si Rianne kasama ng mga kaibigan niya.   Naabutan namin silang nagtatawanan nang makalapit kami.   “Rianne.” Kinalabit ko siya.   Lumingon siya sa akin na may mapupungay na mata. “Hey, couuuz!” She stood up and suddenly hugged me habang hawak sa kabilang kamay ang isang baso ng alak.   “You’re drunk.”   She chuckled and shook her head repeatedly. “Nah. Konti lang!” Sumenyas pa siya.   “Uuwi na kami,” paalam ko. “Yung regalo ko sa anak mo iniwan ko sa kwarto niya. Ingatan mo ‘yun dahil mahal ‘yun,” paalala ko bago lumapit sa kanya para bumeso. She giggled and suddenly encircled her arm on the back of my neck which surprised me.   “Mamaya ka na umuwiii. Gusto ka pa nilang makilala e!” turo niya sa mga kaibigan na mabilis nag-kantyawan at sumang-ayon sa kanya.   “Yeah. Later na Jade!”   “Join us! Come on, don’t be a killjoy!”   “Minsan lang ‘to aba.”   “See?” Rianne smirked at me. Hindi ko na nagawa pang makaangal dahil hinila na niya ako paupo sa katabi niyang upuan. Jusme. Napakasarap batukan ng babaeng ‘to kung hindi lang nakakahiya sa harapan ng mga kaibigan niya.   Lumingon ako sa kinaroroonan ni Rina pero hindi ko na siya nakita roon. Saan naman nagpunta ‘yon? Hala. Nagtampo na yata.   “Dahil tumakas ka kanina, babawi ka ngayon.” Inilapag ni Rianne ang isang baso ng alak sa harap ko. Wala naman sanang problema kung iinom ako pero hindi ‘yung ganito! Punong-puno ampota. Ano bang akala nila sa’kin. Lasinggera?   “Shot! Shot!”   “Haha. Come on. Bottoms up!”   Bigla kong naramdaman ang pagv-vibrate ng phone ko sa ilalim ng mesa. Pero bago ko iyon sinilip, inuna ko munang tunggain ang baso sa harapan ko dahil halatang hindi na sila makapaghintay. Ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa lalamunan ko habang tuloy-tuloy ang pagtungga ko sa alak. Hindi ko maiwasang mapapikit nang maubos ito.   Wala silang tigil sa kantyawan. Halatang mga lasing na rin at muling nagsalin sa kanya-kanyang baso. Napaubo muna ako bago nagpasyang bisitahin ang phone ko. Bumungad sa akin ang text message galing sa dalawang tao.   From: Axel Rina’s with me. I’m bringing her home. At ikaw, don’t drink too much. Call me when you need someone to get you home. May bayad kapag nag-alaga ako ng lasing.   I’m glad to know na kasama niya si Rina. Akala ko talaga iniwan nalang ako kabod ng gaga.   Ang isang text message naman natanggap ko ay galing sa co-model kong si Maggie. Nakilala ko siya noong baguhan palang ako at nakasama sa ilang movies bago siya bumalik sa ibang bansa. She’s not permanently staying here. Bukod kasi sa pagiging model, sinubukan ko din ang pag-arte until I got some roles unexpectedly when I auditioned.   From Maggie: The party’s still not over. Didn’t you miss me?   Actually, she messaged me yesterday na kauuwi lang niya at ngayon ang welcome party niya. Sinadya ko lang talaga na hindi pumunta at nag-dahilan nalang na birthday ng inaanak ko. Malaki kasi ang posibilidad na makita ko doon si Mikael.   Mas pinili ko nalang na hindi mag-reply at nakisabay sa mga kaibigan ni Rianne. They asked a lot of questions to me. Kanina ko pa nga nahahalata na parang ako lang ang lagi nilang topic. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang bote na kami.   Pero ang pinaka-importante, bakit umiikot ang paningin ko?   “Jade.” Dumilat ang mga mata ko at lumingon sa babaeng katapat ko na siyang tumawag sa akin. Umiikot na kasi ang paningin ko kaya isinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat ni Rianne.   “Why?” I asked. Ako lang ba o talagang nagbago bigla ang way ng pananalita ko? Tinamaan na yata talaga ako ng alak. Pucha.   “If ever I would date Mikael. Payag ka ba?”   Nagulantang ako sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD