Chapter 10: Too much

1668 Words
A/N: Sorry for the wrong grammar. Hehe. Ria Jade   To Sarah: Make sure he eats the food. Send me a picture.   Pabato kong ibinaba sa kabilang seat ang phone ko bago nagsimulang mag-drive nang makitang umakyat na sa green ang traffic light. Ilang minuto palang ang nakakalipas mula nang manggaling ako kay Mikael. Siguradong sa mga sandaling ito ay nagsisimula nang kumalat ang nangyari kanina.   Hindi ko pa alam kung ano ang magiging outcome ng ginawa ko lalo na’t walang ka-ide-ideya ang manager ko sa mga kagagahang ginagawa ko. Pero bahala na. Para naman ito sa future ko noh. At kung sakaling magka-problema man, madali na lang lusutan dahil hindi naman masasabi agad na may namamagitan sa amin sa simpleng mga litratong lang na ‘yun.   Bigla akong napahawak sa tiyan ko nang maramdaman ko ang pagkalam nito. Doon ko lang naalalang hindi pa pala ako kumakain mula kanina dahil mas inuna kong puntahan ang lalakeng ‘yon.   Tss. Tapos may gana pa siyang balewalain ako kung hindi ko lang idinaan sa dahas?   Kasalukuyan akong nag-iisip kung saang restaurant ako kakain nang bigla namang mag-ring ang phone ko. Inabot ko ito nang hindi inaalis ang tingin sa daan at agad na sinagot ang tawag.   “Hell—“   [Punyemas ka talaga!] Napangiwi agad ako nang marinig ang boses ni Rina sa kabilang linya. Mukhang alam ko na ang dahilan ng biglang pagtawag niya. Akala ko si Dennis ang unang manenermon sa akin.  [Ano ‘tong nakikita kong trending ngayon? ‘Jade Agustin and Mikael Falermo spotted dating’. Kahit saang site laman kayo ng chismis! Magpaliwanag ka!]   I bit my lower lip while my eyes are still on the road. “What do the comments say? Are they getting mad on us?” Hindi ko pinansin ang mga tanong niya.   [At talagang ‘yun pa ang inalala mo?! Tss. Ang sabi dito, karamihan sa comments panay positive at tinatanong kung legit ba. Legit nga ba?!] tanong niya.   “Good to know then.” I sighed in relief, still not minding her questions. “Thank you. I’ll just call you back later.” Siguradong mapapahaba pa ang kwentuhan kapag nagpaliwanag pa ako sa kanya.   [T-teka! Bastos kang—] Hindi ko na siya hinayaang makatapos pa at pinatay na agad ang tawag. Ipinagpatuloy ko ang pagd-drive at maya-maya lang ay dumating na rin ang tawag na kanina ko pa hinihintay at pinaghahandaan.   I cleared my throat before answering the call. “Hello, my dear Dennis!” bungad ko sa kabilang linya.   [Hello to you, Miss Jade] she greeted me sarcastically. [Great job. Nagdala ka na naman ng panibagong sakit sa ulo. Gusto mo ‘yan e, ‘di ba? Tss. Where are you? Let’s meet up. Just text me the address. I’ll be there in a minute.] Hindi na niya ako hinayaang makasagot pa at pintayan na agad ako ng tawag.   Luh. Galit na galit?   ***   NAKA-ORDER na ako bago pa man makarating si Dennis sa restaurant kung saan ako naroon. Napaayos agad ako ng upo nang makita siyang naglalakad palapit sa akin. Halata ang masamang tingin sa mga mata niya hanggang sa makaupo siya sa katapat kong upuan.   Sinalubong ko siya ng matamis na ngiti but she just scoffed at me in return and rolled her eyes. Napanguso naman ako at hindi na nagsalita pa. Siguradong pinipigilan lang niya ang sariling magsalita muna dahil sa oras na bumuka ang bibig niya, sunod-sunod na panenermon na agad ang matatanggap ko bago pa man ako magsimulang kumain.   Walang nagsalita sa pagitan namin hanggang sa dumating ang order ko. Kinuhanan ko muna ito ng litrato at ipinost sa i********: ko bago nagsimulang kumain. Bet ko kasi ang presentation nila. Haha.   Halos nakakailang subo palang yata ako nang biglang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko kung kanino galing ang message sa i********: ko, bigla akong nasamid sa pagkabigla. Pakiramdam ko may biglang bumara sa lalamunan ko pagkakita palang sa pangalan niya. Nag-send siya ng picture na wala nang laman ang lunch box na dinala ko.   Mikael_falermo: sent a photo. Happy?   I let out a soft giggle unconsciously. Nang ma-realize ko ang ginawa ko ay natigilan ako at unti-unting umangat ang tingin kay Dennis na ngayon ay nakataas na ang isang kilay sa akin.   “Still have the guts to smile, huh?” she said sarcastically.   I bit my lower lip in embarrassment. Ibinaba ko sa ilalim ng table ang phone at doon nag-reply.   jadey: this definitely made my day! :)   Buong oras ng pagkain ko ay pinipigilan ko ang sariling mapangiti. Mahinap na. Isang pares ng mata ang kanina pa nagbabantay sa mga kilos ko. Isang maling galaw ko lang, talagang paktay.   Makalipas ang halos kalahating minuto ay natapos rin ako sa pagkain. Sayang. Sinadya ko pa man din na bagalan ang kilos ko. Baka sakaling ma-bored siya at magpasyang iwan nalang ako sa tagal ng paghihintay. Pero mukhang hindi man lang ‘yon sumagi sa isip niya dahil matiyaga pa rin niya akong hinintay kahit gaano man ang itinagal ko sa pagkain.   Mukhang determinado siyang batukan ako sa katangahan ko.   Sana pala hindi na ako pumayag na dito kami magkita. Nakakahiya kung sakaling sabuyan niya ako ng tubig sa baso sa sobrang gigil sa’kin. E, ‘di mas lalong lalaki ang issue? Baka matanggal pa siya sa serbisyo kung saka—   “What am I to you, Jade?” pambabasag niya sa katahimikan. Seryoso ang tingin niya sa akin kaya hindi ko mapigilang mapalunok sa kaba.   Medyo hindi ko nagets ang sinabi niya kaya hindi agad ako nakasagot.   “Do you still consider me as your manager?” she asked. “Oh, no. Let me rephrase that. Do you think you still need a manager?” she asked while looking at me intently. I can feel the sudden tension between us.   Natigilan ako sa huling sinabi niya. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa ilalim ng table. Masyadong malalim ang hugot niya. Meaning, galit na galit nga siya sa ginawa ko. Gustuhin ko man mangatwiran, mas pinili ko nalang na manahimik. Remember, katapat lang niya ang isang baso ng tubig.   She heaved a sigh and massaged her head, pinipigilan ang galit.   “I’m sorry..” I managed to say.   “Alam mo ba ang ibig sabihin ng sorry?” Her eyebrows furrowed. “Apologizing means you didn’t mean the s**t you did. A mistake in particular. In your case, do you think apologizing is not useless?”   “It is,” I said.   She nodded. “As a manager, do you think I should know beforehand the loveshit you're doing or whatever you wanna call it?” she asked as if she’s asking a simple yet stupid question for me that I will never ever understand.   “Yeah. It was all my fault. I have no excuse to say,” I sincerely said.   Matagal siyang tumitig sa akin.   “Can I ask you a question? I want an honest answer,” she said after a moment of silence. Medyo kinabahan pa ako pero mas pinili kong tumango. Hindi naman siguro niya ako tatanungin sa opinyon kong mag-resign. Wala pa akong naiisip na pangarap bukod sa kasalukuyan kong trabaho ngayon.   “Why do you keep doing this?” she asked softly.   “Huh?” I was caught off guard. Madaling intindihin ang sinabi niya pero hindi ako naging handa.   “Why do you keep on chasing him?” she asked, pity is written all over her face. “Alam naming lahat na mahal na mahal mo siya. Nasaksihan namin kung gaano ka ka-determinadong hingin ang kapatawaran niya. Pero alam kong hindi ka tanga,” mariin niyang sabi.   I bit my lower lip and looked away. Natatakot na makita niya sa likod ng mga mata ko ang totoong nararamdaman ko. Natatakot akong magsalita, natatakot akong sabihin kung gaano na ako nahihirapan. Kung gaano na kasakit.   Nahihirapan din akong mangpanggap.   “You won’t understand,” I said without looking at her. “He was my first in everything,” panimula ko.    “To be honest, at first he was the most annoying person I met in my entire life. Until we get along and ended up being friends in his own way.” Bahagya akong napangiti nang bumalik sa isip ko kung paano niya pinilit na maging kaibigan ko.   “Saksi siya sa lahat ng pinagdaanan ko. He managed to break the walls I built to protect myself from getting hurt. And in exchange, he made a stronger one. He became my savior. He saved me and lift me up until I became a better version of myself.”   I breathed heavily. “He was there. He was always there..” My eyes started to water. I swallow the lump on my throat. “B-but in the end, I was the one who breaks us apart. That was the most heavy and regretful decision I have ever made. Imagine? He was willing to sacrifice everything for us, but I, I was willing to sacrifice him instead.”   Napakuyom ako ng kamao habang pilit na pinipigil ang aking mga luha sa pagbagsak.   “I think, he is doing the same too..” aniya na nagpaangat ng tingin ko. Tiningnan niya muna ako na puno ng awa bago inilapag sa harap ko ang hawak na Ipad. Isang twitter post ang agad na bumungad sa akin.   Hindi ko pa man nababasa ang nakasaad ay mabilis ko nang ipinikit ang mga mata ko. Nagtatalo ang isip ko kung babasahin ko ang nakasaad sa post. Alam kong sa oras na imulat ko ang mga mata ko, malaki ang posibilidad na masaktan lang ako.   Pero sa dami ng sakit na naipon sa puso ko, hindi pa ba ako manhid?   I slowly opened my eyes. Huminga muna ako ng malalim bago nagkaroon ng lakas ng loob basahin ang nakasaad sa kanyang post.   Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko kasabay ng pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan habang nakatitig sa bawat letrang nakasaad.   @Mikael_Falermo There is nothing going on between us. Matagal nang tapos ang anumang relasyon namin noon. I don’t even know if you would consider it a relationship. A relationship is when you fought for love, not for damn ego. I hope this answered your question. Hindi lahat ng bagay kaya mong ipilit. Believe me, it will only look like you are desperate.   At that moment, nakatanggap rin ako bigla ng message galing sa kanya na mas lalong nagpadurog sa akin.   Mikaelfalermo: looks like your day is no longer good as you expected.   “Alam mo talaga kung paano ako durugin,” I laughed while tears keep streaming down to my face. It won’t stop. It just fvcking won’t stop. My heart keeps on throbbing. Isa lang ang tanging tumatakbo sa isip ko.   Huli na ba talaga ang lahat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD