Chapter 9: Lunch

2761 Words
Ria Jade   RULE number 2: Avoid texting or calling the guy.   “Wow! Finally!” I blurted out when he finally answered the call after 7 missed calls, I think. Napatayo pa ako ng maayos mula sa pagkakasandal nang sagutin niya ang tawag.   “Hindi mo ako natiis noh?” tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar. Nai-imagine ko kung gaano ka-iritable ang mukha niya sa mga oras na ‘to dahil kanina pa niya binabalewala ang mga tawag ko. “Anyways, do you know that I’m cooking—“   [Ria?] Automatic na natigilan ako nang marinig ang isang hindi pamilyar na boses ng isang babae. Humigpit agad ang hawak ko sa sandok.   “Yeah. Who the fvck is this?” mataray kong tanong sa kabilang linya. H’wag ko lang malalaman na talagang babae niya ang sumagot ng tawag beacuse I swear, magkakasubukan kaming tatlo!   Nakarinig ako ng mahinang pagtawa. [Chill. Si Sarah ‘to.]   Doon lang ako nakahinga ng maluwag. “Bakit naman kasi nasa’yo ang phone ni Mikael? Namura pa tuloy kita ng wala sa oras.” I rolled my eyes. Humarap akong muli sa stove para bisitahin ang niluluto ko pero halos manlaki ang mga mata ko nang makitang malapit na pala itong masunog.                  “s**t,” I murmured at mabilis kong pinatay ang stove. I waved my hands in the air para mawala ang usok bago pa pumalibot sa buong kitchen. Napakatagal naman kasing sagutin ang tawag! Ayan tuloy nawala sa isip ko ang niluluto ko! Ugh.   [What happened?]   Napangiwi ako. “Nothing. I was just cooking.”   She laughed. [Wow! Seriously?]   I rolled my eyes. “Yeah, seriously. You still haven’t answered my question, bakit ikaw ang sumagot ng tawag at hindi si Mikael? Pinagtataguan niya ba ako?!” bahagya pang tumaas ang boses ko dahil sa na-realize.   Hindi agad siya nakasagot. [Uhm, I think so?]   I clenched my jaw. “Talagang gusto niyang makipag-subukan, ha? Akala niya siguro hindi ko tototohanin ang sinabi ko kahapon? Hah.” I scoffed.   [Tss.] Bigla akong natigilan sa narinig. Hindi ko sigurado kung galing kay Sarah ‘yon pero malakas ang kutob kong nasa malapit lang ang lalakeng hinahanap ko. Maaaring naka-loudspeaker ako sa mga sandaling ito kaya hindi imposibleng hindi niya marinig ang mga sinabi ko.   “Hey, Sarah.” I suddenly called her. “Can we talk?”   [Huh? Hindi pa ba pag-uusap ang tawag dito?]   “Privately?” I asked sarcastically.   Ilang segundo ang lumipas before I heard her cleared her throat. [A-all right. Hold on,] she said awkwardly. Nakarinig ako ng mahihinang kaluskos bago siya muling nagsalita. [Sorry about that. He’s just uhm.. kinda busy,] nag-aalangan niyang saad.   I sighed. “Busy sa pag-iwas,” pagtatama ko.   [I’m really sorry. Ewan ko ba naman kasi sa lalakeng ‘yon. Kaya nga kami umuwi para san—] She suddenly stopped, as something slipped on her tongue na hindi naman dapat sabihin. [Shit.] Hindi ko sigurado kung iyon nga ang eksaktong narinig ko sa kabilang linya dahil sa hina ng boses niya.   “What did you say? I didn’t hear you clearly.” My eyebrows furrowed.   [Huh? Did I say something?] She asked, trying to divert the topic.   Naningkit ang mga mata ko. I smell something fishy.   [Oh! I thought you have something to tell me?] She snapped. [Actually, Mikael has a photoshoot right now kaya hindi rin ako pwedeng magtagal sa telepono so..]   “Oh, right. Muntik ko nang makalimutan.” Sinakyan ko nalang ang pag-iiba niya ng usapan. “I’ll go straight to the point na tutal mukhang busy ka naman. Can I have a favor?” I asked politely.   [Yeah, sure. What is it?] mabilis niyang tugon.   Napangiti naman ako. Sinabi ko sa kanya ang hinihingi kong pabor na sa una ay halatang ipinagtaka pa niya. Hindi ko na sinabi ang eksaktong pakay ko dahil baka ipaalam pa niya kay Mikael at masayang ang mga pinaghandaan ko. Wala pa rin akong tiwala sa kanya noh.   After I ended the call, itinuloy ko ang pagluluto kahit na hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Iniisip ko nga kung saan ba ito patungo. Sa sikmura ba ng kakain o sa basurahan.   Sinusundan ko lang kasi ang mga instructions sa cooking book at kamalas-malasan pang nasunog ang pinaghirapan ko. Tss. Maling libro yata ang binili ko.   Napabuga nalang ako ng hangin habang nakatingin sa mga gamit na nagkalat sa buong kusina. Daig pa ang hinagupit ng bagyo amputa.   Hindi ko nalang pinansin ang mga iyon dahil kaunting oras nalang ang natitira bago mag-lunch. Sa tagal ko ba naman kasing magluto inabot na ako ng katanghalian. Itinuloy ko nalang ang kaninang hinihiwa kong carrots na dapat ay pansahog sa menudo na niluluto ko.   Sunod-sunod ang paghiwa ko na may kasamang pag-iingat. Takot ko lang na mahiwa. Madalas na hindi natutugma ang hiwa ko sa carrots kaya kinailangan kong tumingin sa picture ng book upang may batayan. ‘Yun nga lang, hindi ko inaasahang mahihiwa ako sa ginawa ko.   Halos mapasigaw ako sa sakit nang maramdaman ko ang matinding hapdi at dali-daling tumakbo sa gripo para hugasan ang daliri ko.   “s**t. s**t. It hurts!” I screeched. Hindi ko mapigilang mamuo ang luha sa sobrang hapdi. It’s fvcking bleeding! Anong dapat kong gawin? Ibababad lang ba ‘to sa tubig?!   “Can somebody help me?! Huhu.” I panicked.   Kung minamalas ka nga naman kasi oh!   Makalipas ang ilang minutong pagbabad sa tubig ay pinatay ko na ang gripo. Hindi ko mapigilang mapangiwi nang makita kung gaano kalalim ang sugat. Gusto kong mapamura sa katangahan ko. Tumawag agad ako ng maid at nagpakuha ng first aid kit. Sa kanila ko nalang din ipinatapos ang niluluto ko dahil wala naman akong choice.   Baka matuluyan ko pa ang kamay ko sa sobrang katangahan ko.   Nagpasya akong mag-shower muna bago lagyan ng gamot ang sugat sa aking daliri. Todo ingat pa nga ako habang nasa ilalim ng shower at hindi hinayaang malagyan maski sabon ang sugat dahil paniguradong hahapdi na naman.   Medyo nagtagal lang ako ng ilang minuto kumpara sa normal na oras ng ligo ko. Naka-tuwalya pa akong lumabas ng banyo at dumiretso sa kama para pahiran saglit ng gamot ang sugat ko at nilagyan ng band-aid.   Nang matapos ay pumasok ako sa walk-in-closet upang maghanap ng susuotin. Kailangan ko nang bonggang outfit dahil ayokong mapahiya sa harap ng maraming tao kung sakali man na ipinagtabuyan na naman niya ako. Tss.   Sa itinagal ng pamimili ko, halos inabot ako ng ten minutes.   Pumwesto agad ako sa harap ng vanity mirror pagkatapos upang ayusan naman ang sarili ko. Ginawa kong wavy ang buhok ko at naglagay ng make up na hindi gaanong makapal. Sakto lang para mapalingon sa akin lahat ng makakakita sa akin. ‘Yon naman talaga ang balak ko, baka sakaling mahiya rin siyang i-reject ako kung sakali. Hehe.   Halos kalahating oras din ang itinagal ko sa pag-aayos. Nagdalawang isip pa ako kung anong shade ng lipstick ang babagay sa outfit ko. Sa huli ay pinili ko nalang ang isang dark matte red lipstick at sinimulang ipahid sa labi ko.   I made a ‘pop’ sound when I was done applying it. Sinipat ko ang mukha ko sa salamin at napangiti. Tanga nalang siya kung hindi mapapansin ang effort kong magpaganda sa oras na magpakita ako. Naglagay na rin ako ng ilang accessories bago tuluyang natapos sa pag-aayos.   “Gorgeous!” I exclaimed while looking at my entire outcome in front of the full-length mirror. I am wearing a black blazer dress paired with lace-up heels.   Bago lumabas ng kwarto, nag-spray muna ako ng perfume at tiningnan sa huling pagkakataon ang sarili ko sa salamin kung gaano ako kaganda.   Kinuha ko ang black velvet top handlebag ko sa kama at naglakad na palabas ng kwarto.   Saktong pagbaba ko ng kusina ay nakahanda na ang pagkaing ipina-asikaso ko sa mga maids. I made sure na maayos at kumpleto ang laman ng lunch box bago ko ito isinilid sa isang paperbag.   Taray, lunch box lang laman pero akala mo napaka-sosyal dahil sa Gucci na tatak.    “Ria?” Bigla akong napalingon sa aking gilid at nagulat nang makita si Mom. I thought she already left, kapag ganitong oras ay madalas na nasa trabaho na siya.   “Sa’n punta mo? Bakit bihis na bihis ka?” tanong niya habang hinahagod ako ng tingin.   I shrugged. “Just somewhere,” tanging sagot ko. Humalik ako sa pisngi niya at nagpaalam bago nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Pinindot ko ang remote ng kotse ko at automatic naman na tumunog ito bago ko binuksan ang pinto at pumasok.   Binuksan ko ang makina at inayos ang side mirror ng sasakyan. Matapos kong mailabas ang sasakyan sa gate ay nagsimula na akong mag-drive paalis. Nagsuot ako ng sunglasses habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela ng sasakyan.   He must be ready, this will definitely blow the media.   ***   “s**t. I’m late,” I murmured. Dali-dali kong ipinark ang kotse ko sa parking lot, hindi ko na sinigurado pa kung nasa linya ba ang gulong ng kotse dahil sa pagmamadali.   Kamalas-malasan ba naman kasing na-traffic pa ako! Hindi pa man din alam ni Sarah na may plano nga akong pumunta dito. Pero duda ko namang may ideya na rin siya matapos kong kunin sa kanya ang address ng kanilang agency. Hindi lang siya nagtanong.   Pansamantala ko munang inayos ang sarili ko bago taas-noong naglakad papasok ng building habang nakasukbit sa aking braso ang paperbag na naglalaman ng lunch box. Dire-diretso akong naglakad papasok, hindi alintana ang mga taong nagsisimulang mapalingon sa gawi ko.   Despite wearing sunglasses, alam kong madali pa rin akong makikilala.   “Si Miss Jade?”   “Siya ba ‘yan?”   “Oo! Sigurado ako!”   “Anong ginagawa niya rito?”   Huminto ako sa paglalakad nang mamataan ang dalawang babae sa isang gilid na abala sa pagchi-chismisan habang may hawak na kape. Base sa suot nilang id, halatang dito sila nagta-trabaho. Naglakad ako palapit sa kanila.   “Hi!” I greeted and waved at them.   Halata ang gulat sa mga mukha nila nang mapalingon sa akin.   “M-Miss Jade?” tanong ng isa habang ang kasama niya ay napatakip naman ng bibig sa gulat.   Ngumiti ako ng matamis sa kanila. “Sorry to disturb you. Nagmamadali kasi ako,” I apologized. “Dito kayo nagta-trabaho, right? Can I ask for a little favor?” kuwa’y nag-aalangan kong tanong.   Mabilis silang tumango-tango na mas nagpalawak ng ngiti ko. “Actually, I came all the way here just to give this to Mikael,” tukoy ko sa paperbag na nakasukbit sa aking braso. “Namomroblema kasi ako kung paano ko ito ibibigay sa kanya—“   “A-ay! Wala pong problema, Miss Jade! Kami na po ang bahalang magbigay para sa kanya!” putol niya sa sinasabi ko. Akmang aagawin niya ang paperbag pero mabilis akong lumihis at tumawa.   “No. That’s not what I mean,” I laughed a little. “I’m asking if pwede niyo ba siyang tawagin at sabihing nandito ako? I want to surprise him kasi kaya hindi ko siya matawagan,” pagdadahilan ko.   Tumango-tango naman ang babaeng kausap ko. “Sure! No problem po!”   Bago sila umalis ay may pahabol pa ako. “Oh wait!” I stopped them. “If ever man na hindi siya maniwala at ayaw niyang sumunod..” I paused. Bahagya akong yumuko at hininaan ang boses ko. “Tell him, h’wag niyang hintayin na ako pa ang gumawa ng paraan para mapababa siya dahil I’m pretty sure, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko.”   Nagkatinginan sila ng kasama niya bago dahan-dahang tumango, halatang nag-aalangan at nagtataka sa sinabi ko. Hindi ko mapigilang mapangisi nang mawala sila ng tuluyan sa paningin ko. Habang naghihintay, nilibang ko muna ang sarili ko sa pagtingin sa buong paligid.   Kung gugustuhin ko naman ay pwedeng-pwede ko siyang akyatin kung saang parte man ng building siya naroon pero hindi maaari dahil mas malaki ang posibilidad na ipagtabuyan lang niya ako kapag kaming dalawa lang ang magkasama.   Masyadong risky ang gagawin ko at siguradong maya-maya lang ay laman na naman kami ng chismis pero hindi ko na ‘yon inisip pa. Wala nang mas mahalaga pa sa akin bukod sa magkaayos kami, anuman ang maging paraan.   Lumipas ang ilang minuto bago bumalik ang mga babaeng kausap ko kanina na walang kahit na sinong nakasunod sa kanila pagbaba nila. Mabilis na umusbong ang inis sa loob-loob ko pero gano’n nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang isang bulto ng lalake na nakasunod hindi kalayuan sa kanila.   Mabilis akong napaayos ng tayo at hindi mapigilang mapangiti nang masilayan ang pagmumukha niya. Walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanya hanggang sa tuluyan silang makalapit sa kinatatayuan ko.   “Thank you,” nakangiti kong pasasalamat sa mga babaeng tumulong sa akin.   Hinintay muna niyang makaalis ang mga ito bago niya ako tiningnan ng masama. “What the hell are you doing here? Hanggang dito ba naman, Ria?” iritado niyang tanong.   Pasimpleng umikot ang tingin ko sa paligid at nahuling halos karamihan ng tao sa paligid ay nakamasid sa amin. Bumalik ang tingin ko sa kanya at ngumiti ng malawak, not minding what he said. Tinanggal ko ang suot kong shades upang makita ng maayos ang napaka-gwapo niyang mukha.   “E, bakit ka bumaba?” pang-aasar ko na sinuklian lang niya ng irap. Luh. Ang arte!   “I’ve missed you,” I pouted sabay pinisil ang kanyang kaliwang pisngi na halatang ikinabigla niya. Bago pa niya matabig ang kamay ko ay mabilis ko na itong ibinaba.   “Umuwi ka na,” malamig ang boses na pag-uutos niya.   Tinaasan ko siya ng kilay. “Is that your way of admitting you missed me too?”   “Tch.” Umiwas siya ng tingin, halatang naaasar na sa akin.   Mahina naman akong natawa. “Oo na, hindi na. Pikon,” I pouted. “Nagpakahirap pa man din akong mag-ayos para mabighani ka naman kahit papano sa ganda ko at mabingwit ulit kita pero waepek pa ren!” Mahina ko siyang sinuntok sa dibdib, pabebe lang ang peg.   Tiningnan niya naman ako. Mataman akong tinitigan sa mukha at dahan-dahang bumaba ang tingin sa kabuuan ko. “Ayan, nakita ko na. Makakaalis ka na.” Tumalikod siya at akmang maglalakad paalis pero mabilis ko siyang pinigilan sa braso.   Saktong paglingon niya ay siyang pag-abot ko ng paperbag na hawak. “P-para sa’yo,” bigla akong tinablan ng hiya. Langya, ganito pala ang feeling kapag nagbibigay ng isang bagay sa taong mahal mo. Hindi mo malaman kung kinikilig ka o ano!   “Ano naman ‘yan?” His eyebrows furrowed.   I bit my lower lip, trying to stifle my smile. “Special menudo. For you, hehe.”   “Luto mo?” He raised a brow.   Napaiwas naman ako ng tingin. “Well, uhm. Medyo?” hindi sigurado kong sagot.   “Mikael! Ria!” Halos sabay kaming napalingon sa likuran niya kung saan nakita namin si Sarah na kasalukuyang naglalakad palapit sa amin. Pucha. Panira naman oh!   “What are you doing here?” bungad niya nang makalapit. Pinigilan kong mapairap.   I forced a smile. “Nothing important. Gusto ko lang ipatikim sa kanya ang bagong luto ko.”   Her eyes widened. “Oh? So, para sa kanya pala ‘yung niluluto mo kanina?” tanong niya.   Tumango lang ako bilang sagot at muling humarap kay Mikael. “Kunin mo na. Nangangawit na ang kamay ko oh,” pakiusap ko sa kanya.   Tiningnan niya muna ang hawak ko bago umikot ang tingin sa paligid. Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang panga nang makita ang mga taong kanina pa kami kinukunan ng litrato.   “Tanggapin mo na. Maraming nakatingin..” pasimpleng bulong sa kanya ni Sarah.   Nakangusong umiling-iling ako. “Ayoko. Gusto ko kakainin mo din,” pagpupumilit ko habang pinipilit na kunin ang kamay niya para ibigay ang paperbag.   “Wait. What’s that in your hand?” biglang sabat ni Sarah.   Napatingin naman ako sa itinuro niya. Akala ko kung ano na. “Ah, ito ba?” tukoy ko sa band aid na nakalagay sa daliri ko. “Katangahan lang. Hindi naman nawawala ‘yan kapag nagluluto,” natatawa kong sagot.   “Tss.” Nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin kay Mikael.   “Kawawa ka naman pala. Napakawalang awa lang ng taong hindi tatanggapin ‘yan pagkatapos malaman na paghirapan mong paglutuan siya..” parinig ni Sarah habang nakatingin sa mga kamay ko.   Ngumiti ako at sinakyan ang sinabi niya. “As long as mahal mo ang isang tao, ayos lang kahit ilang beses ka pang masaktan.”   “Tch. Sinabi ko ba kasing ipagluto mo ako?” iritadong sabat ni Mikael. “Umuwi ka nalang. Nasasayang ang oras namin sa’yo.”   Natigilan ako sa sinabi niya. Pati si Sarah ay halatang nabigla sa narinig. Hindi ko na siya nagawa pang pigilan nang bigla siyang tumalikod at naglakad paalis pero mabilis din siyang hinarang ni Sarah.   May kung anong sinasabi sa kanya si Sarah pero hindi ko na masyadong maintindihan dahil hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya. Napatingin ako sa hawak ko at napahigpit ang kapit dito.   Tatlong hakbang lang at narating ko na ang kinatatayuan niya. Hinila ko siya sa braso dahilan upang mapaharap siya sa akin ulit.   Pinanlakihan ko siya ng mata. “Para sa’yo ‘yan, kaya kunin mo!” Padabog kong isinaksak sa dibdib niya ang paperbag na halatang ikinagulat niya kaya wala siyang nagawa kundi hagkan ito.   “Goodbye! I love you!” bulyaw ko bago tumalikod at padabog na naglakad paalis. Hindi alintana ang mga taong kanina pa nakikiusyoso sa pangyayari. Hindi talaga nabubuo ang araw niya kapag hindi niya ako nababato ng masasakit na salita! Nakakainis!   Nang makarating ako sa parking lot at makapasok ng sasakyan ay doon ko lang inilabas ang inis na kanina ko pa pinipigilan. Nagtitili ako sa loob ng sasakyan at pinaghahampas ang manibela.   “I hate you! I hate you!” paulit-ulit kong sigaw habang walang tigil sa pagwawala. Paghampas ko sa manibela, nagulat naman ako nang biglang tumunog ang busina kaya automatic na natigilan ako.   I sighed in annoyance.   “Ugh!” I shouted in frustration. “I hate you Mikael!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD