Ria Jade
“NAKITA mo siya?”
Tumigil ako sa pagsipsip sa citrus na hawak ko at nakangiting tumango-tango sa kanya. “Hindi lang nakita. Tinitigan pa niya ako!” pagmamalaki ko.
“Weh?” walang emosyon niyang tanong. “Nakita ka niya?”
“Tch. Oo nga! Ilang sagot pa gusto mo?” inis kong sagot.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa bleachers. Bumalik agad ako dito sa school pagkagaling ko ng mall. Pero nagulat nalang ako dahil pagbalik ko naabutan kong nag-aabang siya sa akin sa likod ng gym. Alam niya kung saan ako dumaan palabas.
"May gagawin ka ba bukas?" paglilihis niya sa usapan.
"Papasok malamang. Bakit?" nagtataka kong tanong. Napatingin ako bigla sa hawak kong citrus nang wala na akong masipsip sa loob. Ubos na pala.
"Aw!" Gulat akong napahawak sa noo nang bigla niya itong pitikin ng malakas.
“Bakit ba?!” singhal ko. Ginantihan ko siya ng suntok sa balikat pero tumawa lang siya.
“Biyernes ngayon, tanga,” he said.
“Huh?” I blinked twice. “Talaga? Seryoso ka?”
“Hmm..” he nodded. Napaiwas ako ng tingin at biglang napatampal sa noo nang may kung anong pumasok sa isip ko at na-realize.
“Oh no..” I murmured.
“Oh, bakit?” naguguluhang tanong niya.
Inis akong nagpakawala ng buntong hininga. “Makikita ko na naman pala ang pagmumukha ng lalakeng ‘yon.” Pucha. Nagsisi talaga akong pumayag ako sa project na ‘yun!
“Sino? Si Daryl ba?” he smirked.
Napairap naman ako. “Tss. Sino pa ba?!”
Napasimangot ako. Napakalandi kasi ng gago! Akala mo lahat ng babae sa mundo pagmamay-ari niya! Tss. Excuse me noh. Hindi ako kailan man nadala sa mga pahawak-hawak niya sa tuwing may photoshoot kami. Mandiri, mana pa!
“Sabi mo mayabang ‘yon, diba?” tanong niya.
Mabilis akong tumango. “Mas malala pa yata siya kay Mikael e! Sakasakan pa ng landi ampota.”
Mahina siyang natawa. “E ‘di ba.. mahilig ka sa mayayabang?” pang-aasar niya.
Tiningnan ko siya ng masama sa gilid ng mata ko. “Excuse me, sa isang mayabang na tao lang ako mafa-fall. Si Mikael lang! Gets mo? Mikael Falermo lang ang malakas sa puso ko!”
“Psh. Ang tanong, mahal ka ba?”
I gritted my teeth. Inis ko siyang hinampas sa braso sa sinabi niya. “Namemersonal ka na ha!” Humalukipkip ako sa tabi niya at pansamantalang tumingin sa malayo. Hindi ko naman talaga dinamdam ang sinabi niya, slight lang.
Pero sa mga sandaling ito, mas mahalaga na makaisip muna ako ng paraan kung paano makakalusot bukas sa lintek na Daryl na ‘yon.
Makalipas ang ilang sandali..
I bit my lower lip at dahan-dahang lumingon sa kanya. And with that, I gave him my cutest smile na ikinataas naman ng kilay niya.
“Ano na naman ‘yan?” giit niya.
Umusog ako palapit sa kanya at umangklas sa braso niya nang hindi nawawala ang ngiti sa labi. “Samahan mo ako bukas?” I sounded like a kid, asking for a permission.
Bahagya naman siyang natawa. “Sus, ‘yun lang naman pala e—“
“At magpanggap na boyfriend ko.” I cut him.
Nagulat siya. “Ano?!”
Humiwalay ako sa kanya at nag-pout. “Parang tanga naman ‘to. Sabi ko magpanggap kang boyfriend ko bukas!”
“Para saan?!” His eyebrows furrowed.
“Para tigilan na ako ng lokong ‘yon!” giit ko. “Nakakadiri amputa. Napakamanyak lagi nalang dumudikit sa akin! Iniisip ko lang ang sarili ko dahil baka—“
“Baka hipuan ka?” putol niya.
“—baka masapak ko.” I added. Napahalakhak naman siya sa narinig. Ipinag-krus ko ang magkabilang braso sa dibdib. “Bakit naman ako magpapamanyak? Kadiri. Sira ang reputasyon pati kinabukasan niya sa’kin kapag nangyari ‘yon.” Makahulugan kong sabi.
“Okay. Okay. Para manahimik ka, sige, payag na ‘ko.” Napangiti ako ng malawak sa sinabi niya at halos mapapalakpak sa tuwa. Buti nalang talaga naging kaibigan ko ang isang ‘to!
“Pero nagtataka lang ako,” dagdag niya at bahagyang natawa. “Paanong natipuhan ka niya? Nakakapagtaka lang tala—“
Nawala ang ngiti sa labi ko at tinaasan siya ng kilay. “Iniinsulto mo ba ako?”
Itinaas niya ang magkabilang kamay sa harap ko habang pinipigil ang tawa. “Chill. Nagtatanong lang. Karamihan kasi sa amin, bumabase sa—“
“Saan?” putol ko. “Sa hinaharap? Ha?” pigil ang inis kong tanong.
“Sa ugali!” diin niya.
Binatukan ko naman siya. “Aray!” daing niya.
“Ugali sa laki ng hinaharap kamo!” giit ko. Kunwari pa, pare-pareho lang naman sila!
***
KINABUKASAN.
Simpleng white shirt at ripped jeans lang ang suot ko habang hinihintay ang pagdating ni Axel. Nagpaalam na rin ako kay Dennis na mauna na sila sa studio dahil kasama ko ang kaibigan ko. Sana lang talaga hindi matapos ang araw na ‘to na walang Daryl na hindi masasaktan.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Mom. “Hey. Nandyan na ang sundo mo sa baba.” Agad din siyang lumabas at ako naman ay kinuha na ang bag ko. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin sa huling pagkakataon bago lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Pagbaba ko sa sala, hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin. “Bakit pati ikaw kasama?” tanong ko kay Rina na prenteng nakaupo sa sofa kasama ni Axel.
She rolled her eyes at me. “Why not? Duh. Bestfriend ako, dapat present din ako noh!”
Napabuga nalang ako ng hangin. “Fine, whatever. Andyan ka na e.” Nagpaalam na kami kay Mom bago sabay-sabay na naglakad palabas ng bahay. Pagtapat namin sa kotse ni Axel, bubuksan ko na sana ang pinto ng backseat pero may kamay na agad pumigil sa akin.
“Sa harap ka, dito ako,” utos ni Rina. Hindi man lang ako hinayaang makasagot at kabod sumakay sa kotse. Pinagsarahan pa ako ng pinto.
Nangingising napailing nalang ako bago lumipat sa harap.
Pagpasok ng sasakyan, doon ko lang tinanong si Rina. “Paano mo nalaman na isasama ko si Axel?” tanong ko sa kanya.
“Sinabi niya sa akin, obvious ba?”
Gulat akong napahawak sa dibdib. “Oh? Talaga? Close na kayo?” may himig na pang-aasar kong sabi na ikinairap naman niya.
“Duh! Of course not. Tumawag sa akin ang loko at ipinagmalaki na isasama mo siya ngayon sa photoshoot!” aniya habang nakatingin ng masama kay Axel na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
Napapangisi nalang ang Axel habang nasa daan ang tingin.
“Yung totoo, ha? Sino bang mas mahal mo sa amin?” angal niya. “Tandaan mo, magli-limang taon na tayong magkaibigan kumpara sa isang ‘yan, tapos masusukat lang sa isang photoshoot? Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon sa part ko? Hindi mo ba naisip ang mara—“
“Ang ingay mo,” biglang sabat ni Axel na muntik nang magpahalakhak sa akin. Dito na magsisimula ang totoong ingay.
“Ano?!” bulyaw nito. “Ikaw ba ang kausap ko?! Payapang lugar naman pala ang gusto mo bakit hindi ka sa bukid dumayo?!”
Napailing nalang ako. Kelan ba magkakasundo ang dalawang ‘to?
***
PAGPASOK palang namin ng studio, sinalubong na agad kami ng ilan sa mga staff at isa-isa akong binati na sinuklian ko lang ng malawak ng ngiti.
“Wah. Ang galing, ngayon lang ako nakapasok sa ganito,” namamanghang bulong ni Rina sa tabi ko habang umiikot ang tingin sa buong paligid.
“Jade!” Sinalubong kami ni Dennis at bumeso sa aking pisngi. “Oh. Himala, kasama mo ang mga kaibigan mo. Hi! Long time no see!” She greeted them at bumeso rin sa kanilang pisngi bago ako muling hinarap.
“Kanina ka pa hinahanap sa akin ni Daryl,” aniya na may naglalarong ngisi sa labi.
Napairap naman ako. “Tch. Aso ba siya?” Daig pa ang aso na laging hinahanap ang amo niya eh. Kairita.
“Sinong Daryl? May boyfriend ka na?!” Nanlalaki ang mga matang bumaling sa akin si Rina. Hindi ko pa nga pala nababanggit sa kanya ang tungkol sa asungot na ‘yon. Hindi ko naman talaga kailangan ikwento dahil isa lang siyang peste para sa’kin.
“Darliiing!” As if on cue, biglang umalingawngaw ang pamilyar na boses na iyon hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Napabuga ako ng hangin sa inis at pandidiri sa nagmamay-ari ng boses na iyon na kasalukuyang naglalakad patungo sa amin dala ang nakakairitang ngiti nito sa labi.
“Yuck! Darling?” Axel reacted beside me. Nakangiwi siyang lumingon sa akin pero hindi ko nalang ‘yon pinansin dahil papalapit na sa amin ang delubyo. Agad akong kumawit sa braso niya na batid kong ikinagulat ng mga kasama namin.
Napansin ko pa kung paano napataas ng kilay si Rina.
“Hoy, anong trip ‘yan?” tanong nito na hindi ko pinansin. Nakatuon ang paningin ko kay Daryl na tuluyan nang huminto sa mismong harap namin.
“Darling. Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang sabik na sabik akong—“ Bigla itong natigilan sa pagsasalita nang bumaba ang tingin sa kamay kong nakakawit sa braso ni Axel.
Nawala ang ngiti sa labi niya at bumalik ang tingin sa mga mata ko. Dumaan ang sakit sa mga mata niya na hindi ko alam kung totoo o nag-iinarte lang ang loko. Ganyan naman ‘yan lagi eh.
“Darling..” his voce trembles. He held his chest dramatically at umarteng naiiyak. “I-I think.. you just broke my heart..”
We were dazed for a while because of what he did.
“Pfft.” Hindi napigilan ng katabi kong si Rina ang pag-impit ng tawa makalipas ang ilang sandali.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Axel at halos sabay na napangiwi.
“Hindi ko alam na ganito kalala ang lalakeng ‘to..” he whispered next to my ear.
“Well, ano pang aasahan mo sa malalandi?”
***
“DARLING. Tell me your kidding. ‘Yung nakita ko kanina, hindi mo naman siya boyfriend, diba? Hindi mo ako magagawang ipagpalit sa asungot na ‘yon. Tama?” sunod-sunod na tanong niya. Kakalapit ko palang sa kanya pero ito na agad sumalubong sa akin. Tss.
Hindi ko siya pinansin. Katatapos ko lang ayusan at ready na kami para isagawa ang shoot, kaso ang isang ‘to napakatigas ng ulo. Hindi kami makapagsimula sa pag-iinarte niya!
“Darling, I’m asking you.”
Inis ko siyang nilingon. “Stop calling me ‘darling’, will you? Talagang hindi kita ipagpapalit dahil wala namang tayo! Okay?” iritado kong sabi.
“Oras ng trabaho ngayon Mr. Daryl. Kung hindi mo kayang magpaka-professional, mas mabuti kung i-cancel nalang natin ito. Hindi mo alam kung ilang oras ko ang sinasayang mo sa walang kwentang mga tanong mo,” walang preno kong sabi. Nauubusan na kasi ako ng pasensya sa kanya. Bwisit.
Napanguso siya. Hindi na nagawa pang sumagot dahil nahalata niya sigurong seryoso ako sa mga sinabi ko. Pagkatapos noon, naging smooth na ang daloy ng photoshoot hanggang sa dumaan ang ilang oras. Nakailang palit pa kami ng outfit bago tuluyang matapos ang shoot.
“Shet. Feeling ko yata naging crush kita kanina,” natatawang bungad sa akin ni Rina nang makalapit ako sa kanila.
Napangisi naman ako bago inabot ang bottled water na inalok sa akin ni Axel. “Bilib na bilib ka na naman sa’kin,” ani ko at umupo sa gitna nilang dalawa. Nagpahinga pa kami ng mga ilang minuto bago ko napagpasyahang magpalit ng damit sa dressing room.
“Are you done?” Saktong paglabas ko ng banyo ay bumungad sa akin si Dennis.
“Yeah.” Humarap ako sa salamin upang ayusin ang nagulong buhok.
“I have something to tell you,” sabi niya dahilan upang matigilan ako.
Tiningnan ko siya mula sa repleksyon ng salamin. “What is it?”
“Hindi ko alam kung magugustuhan mo ito, pero sa tingin ko naman—“ her words was interrupted by the sudden knock on the door. Lumapit siya sa pinto at siya na mismo ang nagbukas habang ako ay nagpatuloy sa ginagawa.
“Hey.” Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa likod ko.
Tumigil ako sa ginagawa at hinarap si Daryl na kasalukuyang naglalakad palapit sa akin.
“Ano na naman?” hindi ko maitago ang pagka-irita sa boses ko.
He chuckled. “Chill. Beastmode agad eh.”
Napairap ako. “Ano bang kailangan mo? Bilisan mo dahil may lakad pa ako,” pagsusungit ko at pinag-krus ang magkabilang braso sa dibdib. Lumabas muna ng pinto si Dennis upang bigyan kami ng privacy.
Sus, kunwari pa. Alam ko namang nakiki-chismis pa rin ‘yan mula sa labas.
He pursed his lips. Umiwas ng tingin at napahimas sa likod ng batok. “Uhm.. First of all, I just want to apologize for my behavior earlier. I know medyo napasobra ako kanina.. and..”
“And?” nagtataka kong tanong, waiting for him to continue.
He cleared his throat. “Uhh. Nothing haha. Nevermind, ‘yun lang.” Kunwari siyang napakamot ng ulo at halatang nag-aalangan. “I guess this will be the last time na magkikita tayo?”
I nodded. “Mabuti kung ganon.”
Bahagya siyang natawa sa sinabi ko. “Goodbye then. It was nice teasing you.” He winked at me bago mabilis na naglakad palabas ng kwarto. Naiwan akong napaawang ng labi sa sinabi niya.
Okay? What did he mean by that?!
Saktong paglabas niya ay pumasok naman ang mga kaibigan ko kasama si Dennis. Mabilis nila akong nilapitan at ininspeksyunan ang buong katawan ko na labis kong ipinagtaka.
“Huy. Anong ginagawa niyo?”
“Wala ba siyang ginawang kakaiba sa’yo?” Rina asked worriedly. “Ang sabi nila sa’kin manyak daw ang isang ‘yon! I can’t believe na iniwan ka dito ng manager mo ng mag-isa!”
“Hey, I am eavesdropping outside!” depensa nito.
“Tama na nga ‘yan, umuwi na tayo,” pag-aaya ko sa kanila. Napagod ako sa ginawa namin kanina kaya gusto ko na agad makauwi at magpahinga.
“Teka, may sasabihin pa ako.” Pigil sa akin ni Dennis.
“I-text mo nalang mamaya. I’m tired,” tanging sagot ko bago inayang umalis ang mga kaibigan ko. Nagpaalam muna ako sa lahat ng staff bago kami tuluyang makalabas ng studio.
Para akong nabunutan ng tinik. Sa wakas! Mawawala na ang isa sa mga peste sa buhay ko!
***
PAG-UWI ng bahay, inaasahan kong tahimik ang bubungad sa akin pero nagulat nalang ako nang bigla akong makarinig ng isang malakas na tili. Halos nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang umalingawngaw iyon sa buong kabahayan kaya mabilis pa sa alas kuatrong nanakbo ako pababa.
“Oh my God! Oh my God!” Papunta na sana ako sa dining kung saan nanggaling ang sigaw pero natigilan ako sa pagtakbo nang makasalubong ko ang nanay ko na nagha-hysterikal.
“Mom! What’s the matter? May masakit ba sa’yo? Ano?!” pati ako ay nataranta din.
“Oh my God! You’re here!” Bigla niya akong dinamba ng yakap at nagtatalon.
“Aw! Bakit ba?!” Pilit akong humiwalay sa mga bisig niya at hinarap siya. “Can you please calm down?! Hindi ko alam kung inaatake ba kayo o kinikilig eh!”
Napahalakhak siya at muling tumili bago inabot sa akin ang phone na hawak niya. “Look! Panoorin mo!”
“Ano namang meron dito?” nagtataka kong tanong.
“Just watch it!” she urged. Siya pa mismo ang nag-play ng video habang nasa kalagitnaan ito ng pagp-play.
Bumungad sa akin ang pagmumukha ni Mikael na ikinalaki ng mga mata ko.
“Marami ang kumakalat na rumor tungkol sa inyo ng ex-girlfriend mong si Ria Jade. Is it true that you will be part of the cover of a certain magazine along with her?”
“I believe, yes. That’s true.”
“Now that you officially confirmed it. Ano ang iyong unang naging reaksyon matapos malaman ang tungkol dito?”
“Uhm.. At first, I was shocked and at the same time, masaya. I think it’s been one year since the last time we talk to each other and I’m looking forward to seeing her again.”
“Kyaaaah! Kinikilig ako anak!” Hindi ko pinansin ang sunod-sunod na hampas sa akin ng nanay ko dahil hindi pa rin nags-sink in sa isip ko ang napanood ko.
What the fvck..
“Huy! Wala ka man lang reaksyon? Matagal mong hinintay ang pagkakataong ito!” Hinampas niya akong muli.
“Oh my God.. Am I dreaming?” bulong ko sa sarili. Bago pa siya makasagot ay mabilis kong dinukot sa bulsa ang phone ko para kumpirmahin kay Dennis ang nalaman ko. Medyo nanginginig pa nga ang kamay ko habang binubuksan ang lock ng phone ko.
Saktong pagbukas ko ng phone, bumungad sa akin ang isang text na mukhang kanina pa niya sinend ngunit hindi ko lang napansin.
Mas inuna ko itong basahin dahil sa tingin ko may kinalaman ito sa nalaman ko.
From Dennis:
I think this is good news for you. Don’t panic, k?
You will be having a photoshoot with Mikael. NEXT WEEK.
Napasinghap ako. “Putangina..”