Ria Jade
KINABUKASAN.
“Wazzup Mom. Morning,” bati ko sa kanya nang abutan ko siya sa dining na naghahanda ng hapag kainan. Sinalubong ko siya ng halik sa pisngi at umupo sa dining table. Matapos mailapag lahat ng pagkain ay umupo siya sa katapat kong upuan at nagsimula na kaming kumain.
“How are you doing?” tanong niya makalipas ang ilang sandali. Lately, masyado na siyang nagiging busy sa company kaya hindi na kami masyadong nagkikita kahit nasa iisang bubong lang kami. Marami nang nagbago sa nakalipas na taon.
“Okay naman. Maganda pa rin,” balewala kong sagot.
“Tss. Whatever. How about school? Himalang hindi na tumatawag sa akin si Olivia ha. Ipagpatuloy mo ‘yan.” She smirked at me and winked. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero medyo nagtino na rin ako mula nang makatuntong ako ng senior high.
Ikaw ba naman ang tambakan ng activities, tingin mo magkakaroon pa ako ng oras makipag-subukan sa mga estudyante?
“Gusto mo ba? Madali naman akong kausap,” pagbibiro ko kaya nakatanggap ako ng bonggang irap mula sa kanya.
“Mag-boyfriend ka nalang ulit. Baka sakaling matuwa pa ako.”
Bigla akong natigilan sa pagkain. Napabuga ako ng hangin. “Ayan na naman tayo eh. Kelan niyo ba ako hahayaan sa bagay na ‘yan?”
She pouted. “Naiinip na kasi ako. Ang tagal dumating ng right man para sa’yo.” Sus. Right man? Dumating na kaya, lumiko lang kaya sa ibang daan napunta.
“Imbes na ako ang isipin niyo, bakit hindi lovelife niyo ang atupagin niyo?” I suggested. As if on cue, may biglang pumasok sa isip ko. “Ah! Marami akong kilalang gurang sa mga teachers ko! Alam mo ba kung ano ang kasabihan ng mga teacher pagdating sa love?” kinikilig kong tanong.
“What?” tanong niya.
“Deadline nga nae-extend nila, relasyon niyo pa kaya?” I smirked. “Saan ka pa?!”
Natatawang napailing naman siya. “Saan mo naman nalaman ang bagay na ‘yan?”
“Natural sa teacher ko! Gurang man sa iyong paningin, may asim pa rin!” biglang banat ko na nagpahalakhak sa kanya. Napuno tuloy ng malalakas halakhakan ang buong dining dahil sa amin.
Nakakamiss ang ganitong bonding namin.
***
THE bell rang.
“That’s all for today. Dismissed.” Kanya-kanyang tayo ang mga kaklase ko matapos magpaalam ang teacher namin. Mabilis na umingay ang paligid nang magkumpulan ang mga kaklase ko habang ang iba naman ay naglabasan. Tumayo ako sa kinauupuan at nagpasyang lumabas din ng room.
“Hey model.” Awtomatikong napatigil ako sa paglalakad nang saktong paglabas ko ng pinto ay siya ang bumungad sa akin. Sanay na akong tinatawag ako ni Axel ng ganun. Hindi kasi talaga siya makapaniwala na pumasa ako noon bilang model. Tss.
“Kanina ka pa?” tanong ko.
Umiling siya bilang sagot. “Tara na. Kanina pa ako nagugutom,” pag-aaya niya at saka ako hinila patungong canteen. Sa nakalipas na isa’t kalahating taon ay mas lalo kaming napalapit sa isa’t isa. Duh. Wala naman akong choice dahil siya lang ang nag-iisang kaibigan ko dito.
Tumanggi na nga rin pala siyang tumakbo bilang presidente ngayong year dahil masyado daw mabigat ang obligasyon. Tss. Patakbo-takbo pa kasi e, weak naman pala. If I know, nasiyahan na rin siyang mag-cutting kaya nagsawa na siya sa pagsunod sa patakaran.
Mana sa’kin eh.
“What do you want to eat?” tanong niya pagpasok namin sa canteen.
“Yung dati,” tanging sagot ko bago humiwalay sa kanya upang maghanap ng vacant table.
Parehas kami ni Axel na dito ipinagpatuloy ang pag-aaral ng Senior High. Hindi ko nga lang inaasahan na mags-stay siya dito. Kahit na parehas kami ng strand, magkaiba pa rin kami ng room dahil siyempre maraming nag-aaral dito.
Matapos niyang maka-order, inilapag niya ang dalawang tray sa table namin at nagsimulang kumain. Gaya ng dati, samu’t saring tingin na naman ang natatanggap namin mula sa mga estudyante. Nasanay nalang kami sa mga ginagawa nila kaya hindi nalang namin pinansin.
"Hindi ko inakalang sila pala ang magkakatuluyan sa dulo."
"Akala ko magtatagal sila ni Mikael. Malandi pala talaga. Kainis."
"Paasa naman pala siya eh."
Parang gusto kong mawalan ng gana sa mga naririnig. Lalo na nang marinig ko ang pangalang ‘yon.
Napabuntong hininga nalang ako. Isang taon na ang nakalipas. Hindi pa rin mawala-wala ang lecheng isyu na ‘yan. Nakakarindi na sa pandinig. Oo na, ako na ang masama. Ako na ang may kasalanan. Ulet-ulet? Kainis!
Axel cleared his throat, trying to divert my attention. “Nagpunta nga pala ako sa show kahapon.”
Agad na nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. “Bakit hindi mo sinabi? Sana nagpakita ka man lang sa akin!”
“Ang dami mo kayang fans. Hindi ako makasingit, hindi mo rin naman sila pinapansin,” ngisi niya.
“Ulul! Anong hindi? Dapat ba ihagis ko ang sarili ko papunta sa kanila para lang maipakita ang gratitude ko? Sana kasi tinawagan mo ako!” reklamo ko at padabog na sumubo ng pagkain.
Natawa naman siya. “Alam ko kasing hindi mo ako papayagang manood.”
Napanguso ako sa sinabi niya. Tama ang sinabi niya, ni minsan hindi ko sila pinayagang manood sa akin sa mismong event. Sa kadahilanang, wala lang nahihiya lang ako hehe.
Pagkatapos kumain, napagpasyahan naming doon nalang tumambay sa classroom nila. Masyadong tahimik sa section nila kumpara sa amin na akala mo laging may giyera sa lakas ng mga sigawan. Palibhasa star section kaya matitino lahat ng kaklase niya.
“Buong oras lang ba kitang panonoorin magsulat?” naiinip kong tanong. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na akong nakaupo lang sa tapat ng arm chair niya at nakapihit ang katawan palikod upang magkaharap kami. Nakasandal ang chin ko sa likod ng aking palad habang nakapalumbaba sa sandalan ng arm chair ko.
Saglit na umangat ang tingin niya sa akin at saka ipinagpatuloy ang kung anong sinusulat niya. Napataas ako ng kilay sa ginawa niyang pag-deadma sa akin kaya inis kong sinipa ang binti ng inuupuan niya. Pinigilan ko ang tawa ko nang biglang magulo ang sulat niya sa ginawa ko.
“Tss. Ano ba?!” singhal niya.
“Bakit kasi ayaw mo akong pansinin?” salubong ang kilay kong tanong.
“Tch.” he hissed at nagpatuloy sa ginagawa na siyang nagpanguso sa akin. Biglang nag-vibrate ng sunod-sunod ang phone ko kaya sinilip ko ito at bumungad sa akin ang isang alarm.
“Oh s**t. Oo nga pala.” Nakalimutan kong may kailangan nga pala akong bilhin na materials! Tumingin akong muli sa kanya at balak sanang pilitin na samahan ako sa mall pero dahil ayaw niyang magpa-istorbo, bahala siya sa buhay niya.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad paalis nang hindi niya napapansin. Bwisit kasing teacher ‘yun, magpapadala ng materials kung kailan nasa eskwelahan kami at hindi pwedeng makalabas. Lakas ng tama.
Lihim akong napangiti habang naglalakad patungo sa likod ng gym. Ito kasi ang unang beses na naisipan kong tumakas ulit. Grabe, nakakamiss!
***
PAGPASOK ko palang sa entrance ng mall ay kapansin-pansin na agad ang dami ng bilang ng tao sa paligid. Hindi naman kasi ganito karami ang dumadagsa sa mall kapag ganitong normal na araw lang. Pwera nalang kung may malaking event.
Meron nga ba?
Hindi ko nalang iyon pinansin at itinuloy ang balak na pagpasok sa National Bookstore. Sinadya kong magsuot ng mask upang hindi pagkaguluhan ng mga tao. Mahirap na, baka hindi na ako makauwi.
Halos magtagal yata ako ng 20 minutes sa paghahanap ng mga kailangan bago napagpasyahang magbayad sa cashier. Kasalukuyan na akong nag-aabot ng bayad sa babae nang bigla naming marinig ang naglalakasang tili mula sa labas.
Biglang dinapuan ng kaba ang dibdib ko.
“M-may sunog ba?”
Natawa ang babaeng kaharap ko sabay kuha sa perang kanina ko pa hawak. “Wala po. May mall show kasi kaya marami ang nagdagsaang tao.”
Napatango ako. Kaya naman pala.
“Heto na po.” Nakangiti niyang inabot sa akin ang dalawang plastik ng National Bookstore na naglalaman ng mga pinamili ko.
“Salamat.” Bitbit ang mga pinamili, nagsimula akong maglakad palabas ng National Bookstore hawak ang phone dahil kanina pa pala tumatawag ang magaling na si Axel.
“Oh?” sagot ko sa kabilang linya.
“San ka?”
“Tch. Tapos ngayon hahanap-hanapin mo ‘ko?” nang-iinis kong tanong. “Pabalik na ako. May binili lang ako saglit sa mal— Ouch!”
Bigla akong napadaing nang may isang babae ang nakabunggo sa akin sa pagmamadali nitong maglakad. “Hala. Sorry po ate!” Sinimulan nitong pulutin ang ilang mga gamit na nahulog mula sa plastik.
“Sorry po talaga!” Tinulungan ko na rin siyang magpulot.
“Nagmamdali po ako kasi. Pasensya na.” Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid matapos niyang iabot sa akin ang ilang mga gamit na nahulog sa plastik. Ang tanga ko lang sa part na ‘yon dahil nakalimutan kong naka-mask nga pala ako.
“Ayos lang. Salamat.” Tatayo na sana ako upang magpaalam sa kanya pero nagulat ako nang pigilan niya ako bigla sa braso.
“Ate, parang may kamukha kayo.” Pinakatitigan niya ako sa mukha kaya ako naman ay automatic na napaiwas ng tingin at pekeng tumawa.
“Haha. Talaga? Ang ganda ko naman pala kung ganon.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo at humarap sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang kakaibang titig niya sa’kin kaya sinikap kong huwag tumingin sa mga mata niya.
“Sige, una na ‘ko—“
“Hindi ba ikaw po si Jade?” biglang tanong niya na nagpatigil sa akin.
Ngumiti siya ng malawak. “Sabi na eh!”
Kunwari akong natawa. “Ha-ha. Hello.”
“Waaaah! Pwede ba akong magpa-picture Jade?!”
Napaawang ako bigla ng labi sa ginawa niya. Sige ate isigaw mo pa! Salamat sa’yo!
“Narinig mo ‘yun? Jade daw.”
“Si Jade ‘yan?!”
“There's only one way to find out. Lapitan natin!”
I think this is the right time para tumakas na ako hehe.
“S-sa susunod nalang ha? Nagmamadali kasi ako.” Hindi ko na hinintay pa ang magiging sagot nito at nagmadali na agad akong maglakad paalis nang hindi ipinapahalata sa mga taong kasalukuyang pinagtitinginan ako.
“Jade!”
“Aish,” inis kong bulong. Mas binilisan ko ang lakad ko hanggang sa hindi ko namamalayang nagsisimula na pala akong manakbo habang ang iba sa mga tao ay panay pa rin ang sunod sa akin.
Hindi ba nila ma-gets na I need privacy?!
Baka hindi na ako makauwi nito sa dami ng tao!
“Harangin niyo!”
Grabe naman! Wala akong ibang naging choice kundi akyatin ang second floor para doon magtago pansamantala dahil baka malabong makarating pa ako sa exit ng mall. Nagmadali akong umakyat ng hagdan at inikot ang tingin sa buong paligid upang maghanap ng matataguan.
Nang makita ko ang isang department store ay agad akong pumasok roon at nagkunwaring namimili ng mga damit. Pumunta ako sa pinaka sulok kung saan puro pambata ang mga damit at walang gaanong tao.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at muling tinawagan si Axel habang ang tingin ko ay walang tigil sa pag-ikot sa paligid upang siguruhing walang makakakita sa akin.
“Sagutin mo,” hindi mapalagay kong bulong. Ngayon nagsisisi na talaga akong pumunta ako dito mag-isa!
“He—“
“Huhu. Tulungan mo ako. Hinahabol nila ‘ko!” pagsusumbong ko.
“Who? Ano na namang g**o an—“
“Ako! Ako ang pinagkakaguluhan, tanga! Puntahan mo ako dito sa mall!”
“H-huh? Paano?”
Bigla akong napatampal ng noo. Hindi nga pala siya makakalabas ng ganun kadali! Baka tapos na ang klase namin na siyang dahilan kung bakit ako nagpunta rito hindi pa rin siya nakakarating!
“Nevermind. Ako nalang ang bahala.” May kung ano pa siyang sinabi sa kabilang linya pero hindi na natuloy nang bigla kong patayin ang tawag. Dinig na dinig ko ang naglalakasang tili mula sa labas kaya nasisiguro kong mas dumami ang tao ngayon ‘pag lumabas ako.
Pero bahala na. Para sa grades!
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at nagsimulang maglakad palabas ng department store na parang walang nangyari. Palihim na gumagala ang tingin ko sa buong paligid habang naglalakad ako.
“Wow.” Napamangha ako paglabas ko nang bumungad sa paningin ko ang napakaraming tao na nagkukumpulan sa isang stage. Todo ang tili ng lahat habang pinapanood ang isang lalakeng kumakanta sa stage at may hawak na gitara.
Pero bakit parang..
‘Di inaasahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap
Napatulala ako sa kanya.
Alam kong nasaktan na naman kita
Ngunit ‘di ko naman sinasadya
Hinding-hindi na mauulit sinta
Makalipas ang isang taon. Hindi ko akalain na sa ganitong araw pa kami magkikita..
Hindi ko namalayang unti-unti na pala akong napapahakbang palapit nang hindi inaalis ang titig sa kanya.
Sana’y maniwala ka
Gusto kong magtatakbo palapit sa kanya. Gusto kong salubungin siya ng mahigpit na yakap. Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na ito sa buhay ko. Biglang namuo ang luha sa mga mata ko habang nakatitig sa mukha ng lalakeng matagal kong hinintay.
Sabihin mo na
Kung anong gusto mo
Kahit ano’y gagawin para sa’yo
Bigla akong natigilan sa paghakbang nang mapansin ko ang mga mata niyang umikot sa buong paligid hanggang sa huminto ang tingin niya sa gawi ko. Ramdam ko ang biglang pagbilis ng t***k ng puso ko sa kaba at tuwa.
Nakilala niya kaya ako?
Sa dami ng tao dito?
Sabihin mo na
Kung papano mo
Mapapatawad
Halos magtatalon ang puso ko nang magtama ang mga tingin namin. Wala akong makitang emosyon sa klase ng tingin niya habang patuloy siya sa pagkanta pero sapat na ito para pabilisin ng labis ang t***k ng puso ko.
Siya lang tanging nakakagawa nito..
“SI JADE!”
Naputol ang titigan namin nang marinig ko ang malakas na sigaw na iyon. Bigla akong humakbang paatras nang mapansin ang biglang pagtingin sa akin ng mga tao. Sinubukan kong tumalikod at tumakbo paalis. Pero mistulang may sariling isip ang mga paa ko.
Hindi ako makagalaw.
Gustong-gusto kong tumakbo.. palapit sa kanya.
Pero bago ko pa iyon magawa, mabilis na akong pinaligiran ng mga guards upang pigilan ang mga tao sa pagtatangkang lumapit sa akin.
Sa kabila noon, hindi nawala ang tingin ko sa lalakeng nasa taas ng stage. Ganun rin siya, sinimulan akong alalayan ng mga guards paalis pero hindi ko pa rin magawang ibaling ang tingin sa iba.
Hanggang sa unti-unti na siyang nawala sa paningin ko..
Bumalik na siya.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwa.