Ria Jade
“WAAAH! Jade!”
“Jade! Notice me please!”
“We love you!”
“Kyaaah!”
Kahit masyadong masakit sa tenga ang tilian ng lahat, malawak pa rin ang ngiti ko habang kumakaway sa kanila. Gusto ko lang ipakita na sobra kong na-appreciate ang ginawa nilang pag-suporta sa akin sa buong fashion show. Hindi ko akalaing ganito karami ang mga taong handang sumuporta sa akin.
“Jade. Get in the car,” tawag sa akin ni Dennis, my manager. Sa huling pagkakataon ay kumaway ako sa kanilang lahat upang magpaalam bago sumakay sa van. Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagtahimik ng paligid sa loob ng sasakyan. Marami pa rin ang nagkakagulo sa labas pero hindi na rinig mula dito ang naglalakasan nilang tili.
Wala sa sariling napangiti ako habang pinagmamasdan silang lahat sa labas. Alam kong nakakapagtaka kung bakit mas pinili kong maging model sa kabila ng naging desisyon ko noon. Nakakatawang pakinggan na halos ayawan ko ito noon, pero heto ako ngayon at nakangiti sa mga fans.
The truth is, gusto ko lang talagang ma-experience. Hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko kaya sinubukan ko nalang na mag-model. Pero hindi ko sinabing gagawin ko itong career. Mahirap makipag-plastikan sa iba noh. Nakakaloka.
At isa pa, noong una nagbaka sakali talaga ako na makikita ko siya kung sakaling ito ang piliin ko..
“Why are you smiling?” Napabaling ang tingin ko kay Dennis.
“I’m happy, obviously,” pambabara ko ng pabiro. Inilingan lang niya ako biglang sagot at inutusan ang driver na mag-drive na paalis. Sa huling pagkakataon ay tinanaw ko ang mga taong nagkakagulo sa labas habang papaalis ang sasakyan namin.
Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang mga mata. Masyadong nakakapagod ang araw na ‘to.
Narinig kong parang may sinasabi si Dennis about sa schedule ko pero wala akong kahit na anong maintindihan dahil unti-unti na akong hinahatak ng antok. Wala talaga ‘tong paawat. Katatapos lang ng mahabang araw namin pero ang bukas agad ang iniisip.
“Nakikinig ka ba?”
“Hmm..” I hummed. Nanatiling nakapikit ang mga mata.
I heard her ‘tsked’. “I heard he’s dating someone,” she said.
“Hmm? Who?” inaantok kong tanong. Bakit ba ayaw akong patulugin nito?
“Mikael.” Biglang nahulog ang ulo ko mula sa pagkakasandal at napamulat ng mga mata sa narinig.
“What?!” I exclaimed. “Sino? Tell me!”
She chuckled. “Char lang. See? Buhay bigla ang dugo mo,” pang-aasar niya.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Saya ka?”
Kinuha ko ang phone ko sa bag at nagmamadaling binista ang twitter account niya. Doon lang ako laging nakakakuha ng information sa kanya eh. Halos araw-araw siyang may bagong tweet.
“Sige, asa pa.” Hindi ko siya pinansin. Matapos kong bisitahin ang account niya ay nakahinga ako ng maluwag nang masiguro kong hindi nga totoo ang sinabi ni Dennis. Pabato kong itinapon ang phone sa kabilang side ko.
“Hayaan mo muna akong matulog. I’m tired,” sabi ko bago muling ipinikit ang mga mata. Hindi ko na narinig pang sumagot siya kaya hinayaan ko na ang sarili kong lamunin ng antok.
***
Pag-uwi ko ng bahay, wala akong naabutang tao kaya nagdire-diretso nalang ako paakyat ng kwarto. Gaya ng nakagawian, kabod kong hinubad ang pares ng heels na suot ko at basta nalang iniwan roon. Masyado akong pagod para isipin pa ‘yun kaya dumiretso nalang ako paakyat.
Habang naglalakad ay napahikab ako.
“Ugh. Bakit ba kasi ang layo ng kwarto ko?” Napainat ako ng katawan nang makarating sa harap ng hagdan. Saktong pagtapak ko sa unang baitang, bigla akong natigilan nang may marinig akong kakaibang tunog.
Parang umiiyak.
Parang iyak ng.. bata.
Lumingon ako sa likuran ko at biglang nanlaki ang mga mata sa bumungad sa akin.
“Waaaah! Ang anak ko!” Pakiramdam ko biglang nawala ang antok ko nang masilayasan ang mukha niya. Nagtatakbo ako papunta sa kinaroroonan niya at agad siyang kinarga.
“Mimmy!” Mabilis na napalitan ng tuwa ang mukha niya nang makita ako.
Pasayaw-sayaw kami habang karga ko siya. “Kumusta na ang baby ko, ha? Inaalagaan ka ba nilang mabuti?” tanong ko sabay halik sa pisngi niya. “Don’t worry, nandito na siya Mommy. Ako na ang mag-aalaga sa’yo!”
“Mimmy!” natutuwa niyang tili sabay sampal sa mukha ko na ikinatawa ko naman. Dalawang taon na ito at kasing ganda rin gaya ko! Sarap kainin ng pisngi!
“Tch. Call her Mommy ninang not Mimmy, baby.” Biglang sulpot ng magaling kong pinsan kung saan dala ang isang bote ng gatas. Napanguso naman ako sa sinabi niya. Epal talaga kahit kelan.
“Akin na nga ang anak ko. Feelingera ka talaga kahit kelan.” Inagaw niya sa’kin si Rich Anne pero sa halip na ibigay sa kanya ay mabilis akong umiwas.
“Mamaya na! Ito naman ngayon ko na nga lang ulit nakita ang inaanak ko ipagdadamot mo pa,” reklamo ko.
Alam kong nagtataka kayo. Matagal na kaming nagkaayos ni Rianne. Matagal na naming kinalimutan ang mga nangyari noon at talagang todo ang pagsisisi niya na hindi niya agad sinabi sa akin ang totoo.
Natakpan ng labis na pagmamahal ang lahat..
*Flashback*
Isang linggo.
Halos isang linggo akong nagkulong sa kwarto. Walang iniisip kundi siya. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Gusto kong tumakbo pabalik sa kanya. Gusto kong bumalik sa gabing iyon at sabunutan ang babaeng nagtulak sa akin para gawin ang bagay na ‘yun.
Pero pinigilan ko. Pinigilan ko ang sarili ko sa tuwing naririnig ko ang walang tigil na pagtunog ng phone ko. Gusto kong mairita sa tunog nito pero nagmistulan itong musika sa aking pandinig sa tuwing iniisip kong hindi niya ako gustong sukuan.
Sa kabila ng mga sinabi ko ay nandyan pa rin siya. Naghihintay..
Ang kaso.. masyado akong nakampante.
Nagsimula akong makaramdam ng pagsisi mula nang hindi na muling tumunog ang phone ko. Sa loob ng isang linggo ay noon ko lang napagpasyahang bisitahin ang phone ko.
At doon kusang tumulo ang mga luha ko matapos mabasa lahat ng messages niya.
282 unread messages.
Nagdadalawang isip man, mas pinili kong tumakbo pabalik sa kanya. Ilang beses ko man itanggi sa sarili, alam kong hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko kayang ipaubaya siya sa iba nang walang laban. Ayokong makita siyang masaya sa iba kung alam ko sa sarili ko na ako lang ang babaeng kayang gumawa no’n sa kanya.
Pero bakit.. parang huli na?
“I’m sorry if I was too late..” she uttered. Hindi magawang tumingin sa mga mata ko sa sobrang hiya.
Hindi ako sumagot.
Gusto kong magalit. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong magwala. Gusto kong bumalik nalang sa dati ang lahat. Gusto kong ibalik ang halik na ipinagdamot ko sa kanya ng gabing ‘yon..
But it was too late for me to go back.. Mahirap nang bumalik kung wala ka na palang aasahan pang babalikan.
“He left..” Halos manlambot ang mga tuhod ko noong malaman ko ang totoo. I was hurt. I was devastated. Hindi alam kung anong dapat gawin. Kusang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha kong hindi maubos-ubos.
Iniisip kong babalik siya, umasa ako. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Dahil mahal niya ako. Nangako kami na kami hanggang dulo..
Pero masyado ko lang pinaniwala ang sarili ko. Bakit pa babalik ang taong sumuko na, diba? Kaya nga umalis dahil napagod na eh. Bakit umaasa pa rin ako sa wala?
“She’s Rich Anne, my daughter.” Ngumiti siya ng tipid habang karga ang isang sanggol na babae.
Hindi ako sumagot, at alam niya kung bakit. Nakatitig lang ako sa batang karga niya. Mahimbing ang tulog, napaka inosente.
“She was the reason why we broke up..” Umangat ang tingin ko sa kanya nang marinig ang sinabi niya. She looked at her child lovingly. Wala akong makitang pagsisisi sa mga mata niya.
“Malaki ang agency na pinapasukan ko,” panimula niya. Halata sa kanyang boses na nag-aalangan siya sa mga sasabihin.
Humugot siya ng isang malalim na hininga. “Pumayag ako na may mangyari sa amin ng boss ko, kapalit ng trabaho ko,” She looked at me. “Kapalit ng pagiging sikat.” She smiled bitterly.
Napaawang ako ng labi. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. I mean, akala ko kilala ko na siya dahil halos sabay kaming lumaki..
“Nalaman ni Mikael ang lahat kaya walang pagdadalawang isip na nakipag-hiwalay siya sa akin. Sa isang iglap, nagbago ang tingin niya sa akin. Para sa kanya, isa nalang akong maruming babae na nagpagamit kapalit ng luho nito.” Mahina siyang natawa pero halata ang pagdaan ng sakit sa mga mata.
“Pero mahal ko siya eh,” she stopped. “Mahal ko siya kaya ginawa ko ang lahat para bumalik siya. Nagpaka-selfish ako kahit na alam kong walang sense at marami akong masasaktan.” Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
“You can hate me,” her voice broke. “I deserve that. Kulang pa nga eh. Sa lahat ng masasakit na sinabi ko sa’yo noon, alam kong hindi mo ako mapapatawad. And I’m sincerely sorry—“
“Tama na,” putol ko. Napaiwas siya ng tingin sa hiya. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila at umupo sa tabi niya. Umangat sa ere ang kamay ko upang haplusin ang buhok niya.
Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko.
“Hindi mo kasalanan..” I whispered. “You were just controlled by your feelings. Hinayaan mong lamunin nito ang konsensya mo kaya nawalan ka ng control sa sarili. Katulad ko.”
Halatang naguluhan siya sa sinabi ko kaya nagpatuloy ako. “Someone said to me, I was blinded by my feelings kaya hindi ko makita ang mga taong nasasaktan sa pagiging selfish ko.”
“But she was wrong,” I paused. “Nagbulag-bulagan ako. Mas pinili kong iiwas ang tingin sa taong nasasaktan sa ginawa ko pero sa tuwing magkasama kami ni Mikael, siya ang laging laman ng isip ko.”
“Ria..” she sobbed.
“Hindi ko man makita, pero ramdam na ramdam ko. Kaya nga mas pinili kong pakawalan siya dahil ‘yun ang alam kong makakapagpa-tahimik sa isipan ko.”
“Paano ang puso mo?” she retorted. “Sa tingin mo matatahimik rin ‘yan kung wala ang kabiyak nito?”
Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Unti-unting bumalik sa alaala ko lahat ng pinagsamahan namin, mula noong una hanggang sa huling araw na nakita ko ang kakaibang titig niya sa akin, titig na parang nagsasabing ako lang ang pinaka magandang babae sa paningin niya.
At hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
“Kailangan..” bulong ko.
*End of flashblack*
Pinilit kong maging masaya mula nang mawala siya. Pinilit kong ibalik ang dating ako, noong wala pang Mikael at hindi ko pa alam ang totoong pakiramdam ng magmahal. Pinilit kong maging kuntento.
Pero hanggang ngayon.. pinipilit ko pa rin.