Chapter 7: Napkin

1785 Words
Ria Jade   “SHOULD I?” Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang paulit-ulit tumatakbo sa utak ko ang tanong na ‘yan. Hindi ko talaga alam kung anong meron sa sinabi ng babaeng ‘yon at ayaw mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi niya.   Huminto ako sa pagpapabalik-balik. “Why would I?” nagtatakang tanong ko sa sarili. At bakit ba ako nakikipagtalo sa sarili ko?   Kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng kwarto dahil pinag-iisipan kong mabuti ang aking gagawin. Siguradong sa oras na makapag-desisyon ako, wala na ‘yong atrasan.   “Ugh! Ang g**o g**o!” Napasabunot ako sa sariling buhok sa frustration at padabog na umupo sa gilid ng kama. Napabuga ako ng hangin sa inis at napatingin sa phone na hawak. Napaisip ako ng malalim kung ano ang magandang paraan na dapat kong gawin.   Kanino ako dapat na humingi ng tulong?   “E, kung ipa-kidnap ko nalang kaya siya ulit?” I asked to myself.   Napailing ako. “That’s unnecessary. Parang masyadong mabilis.”   Napapikit ako ng mariin. Pabalibag kong ibinato ang phone sa aking gilid at ibinagsak ang sarili sa kama. “Lintek ka talagang lalake ka! Bakit kasi ayaw mong lubayan ang isip ko?!” Napapadyak ako sa inis.   I sighed in defeat. Natulala nalang ako sa kisame.   “Madaling magmahal, pero bakit ang hirap pigilan?” I whispered, holding my head. I couldn’t stop myself from rolling in the bed. Akala mo pasan ko ang buong mundo sa sobrang pagka-oa ko.   I was busy thinking about my plan nang biglang mag-ring ang phone ko. Napaupo agad ako at hinanap sa kama kung saan nakarating ang phone ko.   It’s Rianne.   [WE HAVE A LOT TO DISCUSS!] Halos mailayo ko sa tenga ang phone sa bungad na sigaw sa akin ng pinsan ko. [Literally, a lot!] aniya sa kabilang linya.   Napangiwi ako. “Hello to you too.”   She giggled. [Let’s hang out! You have a lot of chika to spill!]   Mukhang alam ko na ang ibig sabihin ng sinabi niya. Siguradong nabigla din siya sa balita tungkol sa amin ni Mikael. Sa huli ay pumayag din ako. I badly need a peace of mind right now.   ***   “OMG. Look, this is so cute!” Lumapit siya kung saan nakasabit ang isang cute na pink dress at saka itinapat sa katawan ni Rich Anne na kasalukuyang nasa loob ng stroller nito. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang pinapanood kung paano niya tingnan ang anak niya.   Masasabi kong sa kabila ng pinagdaanan niya sa nakaraan niya, pinagkalooban pa rin siya ng isang munting anghel na siyang magtatama sa pagkakamali niya. Tinanggap niya ang bata sa kabila ng mapait na nakaraan niya sa kamay ng walang kwentang lalake.   “Bakit nakatayo ka lang dyan? Nabo-bored ka na ba?” tanong niya nang mapatingin siya sa akin.   I smiled and shook my head kahit hindi niya makikita dahil sa nakatakip na mask at cap sa mukha ko. We’re currently at the mall. Malapit na kasi ang birthday ng inaanak ko kaya ginamit na rin niya ang pagkakataong ito para makapamili ng ilan sa mga kailangan ni Rich Anne.   “Sure ka hindi ka naiinitan sa suot mo? Ang init mong tingnan e,” natatawang napangiwi siya habang nakatingin sa akin.   I chuckled. “As if I have a choice. Huling punta ko dito muntik na akong hindi makauwi.”   Inilagay niya sa hawak kong basket ang dress na napili niya. “Buti nakatakas ka.”   Itinulak niyang muli ang stroller at nagsimulang maglakad habang ako ay nakasunod sa kanila. “Yeah. May mall show kasi noon si Mikael kaya nakalimutan nilang hinahabol nila ako,” pagbibiro ko.   Huminto kami sa tapat ng mga sapatos na pambata. “Dito mo siya muling nakita?” tanong niya habang ang tingin ay nakatuon sa mga sapatos na naka-display.   I nodded. “Parang ganun na nga.”   She bit her lower lip at saglit akong nilingon, nagda-dalawang isip sa susunod na sasabihin. "I saw your newly released magazine with him. Did you guys.. made up already?” nag-aalangan niyang tanong.   Nagkunwari akong hindi apektado. “Nope. As expected, kahit anong ikinaganda ko. Sawi pa rin sa huli,” kunwa’y pagbibiro ko pero hindi siya sumagot. Batid kong natigilan siya.   “I’m sorry..” she whispered.   I sighed. Ito ang dahilan kaya ayoko rin na ikwento sa kanya eh.   “Hindi mo naman masisisi ang isang tao sa naging desisyon niya. Everything fades, as well as love. Lahat naman nangyayari dahil may dahilan. It was never your fault, you know that,” I sincerely said to comfort her.   Ngumiti lang siya sa akin ng tipid at tumango bilang sagot.   Pagkatapos namin makapamili para kay Rich Anne, nag-ikot naman kami sa Department store para pumili ng para sa amin.   “Oh. I like it. Bagay ba sa akin?” Hinagod niya ako ng tingin habang nakatapat sa aking katawan ang isang off shoulder dress. Nakasanayan ko na rin na magsuot ng ganito mula nang maging isa akong model.   She pouted. “Bagay naman sa’yo lahat e,” may halong pagseselos ang boses niya.   “I’m somewhat jealous. Tumaba ako mula nang lumabas si Rich Anne kaya nahihirapan na akong pumili ng damit na babagay sa akin. Sign na siguro ‘to para bumalik sa pagw-work out.” Hindi nawala ang pagnguso niya.   Natawa naman ako. “Bakit hindi ka nalang bumalik sa modelling industry? Hindi ba pangarap mo ‘yon?”   Napabuga siya ng hangin. “I bet, hindi mo maiintindihan hangga’t hindi ka nagiging isang ina. Gusto kong lumaki ang anak ko na puno ng pagmamahal upang hindi niya maisip na bunga lang siya ng pagkakamali. Sa ganung paraan man lang maibsan ang pangungulila niya sa ama niya..” mahabang paliwanag niya habang nakatitig sa anak na mahimbing na natutulog sa loob ng stroller.   Malaki talaga ang naging role ng anak niya sa buhay niya..   “Ang drama,” I jokingly said to ease the atmosphere.   She glared at me in return. “Hintayin mong magkaanak ka,” pang-aasar niya.   “Wala akong balak,” walang gana kong sagot.   “What?!” she exclaimed. “Maraming lahi ang masasayang!” she protested.   I chuckled. “Choosy ako. I prefer Falermo’s generation.”   “Sus! Baka tumanda ka lang dalaga!” pang-aasar niya na hindi ko nalang pinansin. Hindi ko na mabilang kung ilang oras ang inabot namin sa pag-iikot sa Department Store bago napagpasyahang magtungo sa grocery. Nauubusan na daw sila ng stocks sa bahay. May dala naman akong sasakyan kaya walang problema kung maraming bitbitin.   Madali kaming natapos sa pamimili dahil nakalista na lahat sa kanya ang dapat bilhin. Talagang nakikisama ang anak niya ngayon dahil himalang kanina pa ito natutulog at kung magigising man, malamang na gutom lang kaya hindi siya naging pabigat.   Habang patungong cashier at tulak ko ang cart, naramdaman ko ang biglang pagdikit niya sa akin.   “May nahagip ang mga mata ko. Matangkad na gwapo, pasok na pasok sa taste mo,” bulong niya sa tabi ko habang palinga-linga ang tingin.   “Baka taste mo,” walang gana kong sagot. Hindi niya madedemonyo ang utak ko. Loyal ‘to sa sa isa noh. Mikael pa ren malakas.   Hanggang sa makarating kami sa cashier ay hindi mapirmi ang tingin niya, parang may hinahanap. Hindi ko nalang siya pinansin dahil busy ako sa paglilipat ng mga pinamili namin sa cashier.   “Oh. There he is!” Hinila niya ako sa braso at pilit pinaharap sa gawi na itinuro niya. “Ang sweet! Mukhang ibibili niya ng napkin ang girlfriend niya!”   “Ang yummy diba?” Tiningnan ko ng maigi ang lalakeng tinutukoy niya. Madali ko lang naman itong nakita kahit nakatalikod dahil sa sinabi niyang matangkad ito. Nakatalikod palang pero halata na ang pagka-masculine nito.   “Oh, tapos?”   Bahagya niya akong itinulak sa inis. “Dakilang kill joy ka talaga! Hindi nakakabuti sa katawan ang pagiging tanga, yah know. Minsan lang dumating ang mga pagkakataong ganito, sasayangin mo pa ba?”   Wow. Look who’s talking. Parang hindi rin nagpakatanga noon sa iisang lalake.   “Ayokong naghihintay, mas prefer ko ang mang-agaw,” sagot ko. Agad akong napadaing nang makatanggap ako ng batok mula sa kanya.   “Anong problema mo?!”   “Umayos ka,” pagbabanta niya. Pinanlakihan pa ako ng mata. “Dumaan na ako dyan. May napala ba ako? Wala!” Iritado niya akong inirapan.   Wala ka talagang mapapala dahil may Ria na noong maghabol ka.   Balak ko sanang isagot ‘yan pero mas pinili ko nalang na manahimik. Saktong tapos na ang pagbabalot ng mga pinamili namin kaya inabot na ni Rianne ang credit card niya.   Habang naghihintay na mabayaran ang pinamili namin, hindi ko napansin na kabod nalang pala siyang nawala sa tabi ko kaya nang aayain ko na siyang umalis ay nagulat nalang ako na mag-isa nalang ako sa kinatatayuan.   Saan naman nagpunta ‘yon?   Inilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa mahuli ko siya only to find out na kasalukuyan na niyang kausap ang lalakeng tinutukoy niya!   Hinintay ko munang mailipat sa cart ang mga plastic na naglalaman ng mga pinamili namin bago ako naglakad palapit sa kinaroroonan nila. Lagot ka sa’king babae ka. Iwan ba naman ako para sa lalake?!   “She wants a napkin with wings,” dinig kong sabi ng lalake nang makalapit ako.   Sinadya kong banggain ng cart ang pwetan ni Rianne na ikinalingon naman niya. Sinamaan niya ako ng tingin bago muling hinarap ang lalake.   “Para ba sa girlfriend mo?” she said with a cute voice na halos ikangiwi ko.   “Uh, no. It’s for my sister.”   Lumingon sa akin ang gaga na may makahulugang tingin at ngumisi. Inirapan ko lang siya bilang tugon. Sinabi ko nang hindi ako interesado. Tigas ng bungo.   “Ang sweet mo naman palang kapatid. Hihi.” The heck?   The way she talks makes me want to vomit. Damn.   Napatikhim ang lalake. “Uh.. I’ve been thinking about it since earlier. Why does it have wings? Do napkins fly?” inosenteng tanong nito na parang kanina pa bumabagabag sa isip niya ang bagay na ‘yon.   Hindi napigilan ni Rianne ang mapatawa.   Pucha. Pati ako muntik nang matawa. Anong klaseng tanong ‘yan?   “Why would they fly? Are they stupid like you?” sabat ko. Dahil sa sinabi ko ay nakuha ko ang atensyon nila. Agad akong nakatanggap ng mahinang kurot mula kay Rianne na ikinagulat ko.   “Ah!” daing ko.   Habang ang lalake naman ay parang namangha pa sa sinabi ko.   May sayad yata ang isang ‘to.   Pinanlakihan ako ng mata ni Rianne bago humarap sa lalake. Siya pa mismo ang kumuha ng isang pack ng napkin sa mga naka-display at inilahad sa lalake. “Heto, with wings ‘yan hehe. Pasensya ka na sa kamasa ko ha. May dalaw din kasi.”   Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Rianne. Kahit gaano ko siya kagustong batukan sa harap ng marami ay hindi ko magawa. Mas pinili ko nalang na isantabi ang inis ko at nanahimik.   “Thank you.” Ngumiti ng matamis sa kanya ang lalake. Bago pa lumipat ang tingin nito sa akin ay mabilis na akong tumalikod.   “Let’s go Rianne,” walang lingon kong tawag sa kanya bago itinulak ang cart paalis.   “We have to go, David. Nice meeting you!” she said with a high pitch voice and waved at him.   Nang makalayo, tsaka lang niya ako binungangaan.   “You’re so rude! Ikaw na nga lang ang hinahanapan ng lalake tapos.. naku!” Batid kong gustong-gusto na niya akong tirisin sa mga sandaling ito.   Napairap ako. “Sorry. Sa isang Mikael Falermo lang ako interesado.”   “Interesado ba sa’yo?” pambabara niya. Tiningnan ko naman siya ng masama sa sinabi niya.   “Isa ka pang walang konsiderasyon.” I rolled my eyes heavenwards.   Kapag talaga kami nagbalikan, who u ka sa’king babae ka.   And I will make sure of that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD