Ria Jade
MATAGAL na namayani ang katahimikan sa pagitan namin.
Nakatitig lang kami sa isa’t isa habang tumatakbo ang oras. Hinihintay ang magiging sagot niya. Gustong-gusto kong marinig ang bawat salitang bibitawan niya pero hindi ko maalis sa sarili ko ang matakot.
Lalo na sa ginagawa niyang pananahimik ngayon..
Bumuka ang bibig ko para magsalita pero walang kahit na anong lumalabas sa bibig ko. Hindi niya alam kung gaano ako kinakain ng takot sa simpleng pananahimik lang niya.
Unti-unting bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.
“Do you really wanna know?” he asked after a moment of silence.
Bago pa man ako makasagot, nagulat nalang ako sa bilis ng pangyayari. Hindi ko na nagawa pang makapag-react nang mabilis niyang pinagpalit ang pwesto naming dalawa at ang sumunod niyang ginawa ang labis na nagpalaki ng mga mata ko.
Without a blink, I felt his lips suddenly landed on mine.
Halos mapigil ko ang hininga sa pagkabigla. Nakapikit ang mga mata niya pero heto ako’t hindi makapaniwala habang nanlalaki ang mga mata.
Humigpit ang kapit ko sa sleeve ng polo niya kasabay ng unti-unting paghihiwalay ng mga labi namin. Hindi pa rin nawawala ang pagkabigla sa mukha ko habang nakatitig siya sa mga mata ko.
Gusto kong magsalita pero masyado pang okupado ang isip ko sa pagkabigla. Hindi ako makapaniwalang sa isang iglap ay magagawa niya akong halikan ng ganun kabilis. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon sa bilis ng pangyayari.
“W-why.. why did you do that?” I almost whispered.
Seryoso siyang tumitig sa mga mata ko. “I needed to confirm something. Gusto mong malaman kung mahal pa kita ‘di ba? Pinagbigyan lang kita.”
Hindi ako nakasagot.
“Sasagutin kita,” Matigas niyang sinalubong ang mga tingin ko. “Wala nang ibig sabihin para sa akin ang halik na ‘yun. Ginawa ko ‘yun para magising ka sa kahibangan mo. H'wag ka nang umasang babalik pa sa dati ang meron tayo noon.”
Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig ang sinabi niya.
“P-pero—“ nagtangka akong umangal pero mabilis din niyang pinutol ang sasabihin ko.
“Matagal ko nang kinalumutan lahat, Ria. Matagal na kitang kinamutan,” may halong diin ang huling katagang sinabi niya. “Kaya wala nang saysay kahit malaman ko pa ang totoo. Dahil noon pa man, matagal ko nang kinalimutan na minahal kita.”
Unti-unting lumuwag ang kapit ko matapos marinig ang mga sinabi niya. Para akong sinaksak ng ilang beses sa bawat masasakit na salitang binitawan niya. Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha sa aking pisngi habang nakakatitig sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit matapos noon ay umaasa pa rin ako na babawiin niya ang mga sinabi niya sa oras na makita niya akong nasasaktan. Ngunit ang mas masakit, taliwas sa inaakala ko ang nangyari.
Kabod siyang tumalikod at nagsimulang maglakad paalis. Bawat hakbang niya palayo ay binibilang ko, umaasang hihinto siya at babalikan ako.
Pero tuluyang naglaho ang pag-asa ko nang walang lingon siyang lumabas ng pinto hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Doon ko lang pinakawalan ang mahihina kong hikbi kasabay ng panghihina ng mga tuhod ko.
Unti-unti akong napaupo sa sahig kasabay ng pagpasok si Dennis na halata ang pag-aalala sa mukha at agad akong dinaluhan.
Walang imik niya akong niyakap at sumubsob naman ako sa kanyang balikat habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Alam ko na malaki ang posibilidad na iyon ang maging sagot niya kaya inihanda ko na ang sarili ko, pero hindi ko inakalang ganito pala katindi ang sakit na mararamdaman ko sa oras na marinig ko mismo sa kanya ang sagot.
Gusto kong sisihin ang sarili ko..
Bakit ganun nalang kabilis?
Sa tagal na panahon na naghintay ako, sa huli wala rin palang saysay kung ang taong hinihintay ko ay wala nang pakielam.
“Hush..” Dennis murmured on my ear habang hinahagod ang aking buhok. Hindi ko magawang sumagot dahil sunod-sunod ang aking paghikbi.
Sana nga sa isang buhos lang ng luha ay kaya na rin nitong padaluyin ang sakit paalis..
***
WALA akong kinakausap kahit na sino hanggang sa matapos ang photoshoot. Hindi ko na rin nakita si Mikael pagkatapos ng naging pag-uusap namin at ayon sa ibang mga staff, maaga daw siyang umalis.
Hindi naman ako tanga para isiping wala na talaga siyang balak bigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon na makausap siya. Slight lang.
Gusto kong maiyak. Nasayang ang halos dalawang taon kong paghihintay, ‘yun pala wala nang Mikael na babalik sa akin. Alam kong sa paningin halos ng iba, napakatanga kong babae. Hinayaan kong umasa ang sarili ko kahit mas malaki ang chance na mabigo ako. Pero choice ko naman ‘yun. Walang mali sa magmahal.
Ang mali, ‘yung hindi mo sinubukan kahit may katiting na pag-asa pang natitira.
Nagpakawala akong muli ng isang malalim na hininga habang binabagtas namin ang daan pauwi. Batid kong kanina pa pasulyap-sulyap sa akin si Dennis sa tuwing mapapabuntong hininga ako pero nirerespeto niya ang pananahimik ko. Alam niyang wala ako sa mood na magpaliwanag sa mga oras na ‘to.
Naisipan ko nalang na buksan ang twitter account ko upang may mapaglabasan ng sama ng loob. Pagbukas ko ng app, hindi ko inaasahan ang tweet na unang bubungad sa akin.
Galing ito sa kanya.
@Mikael_Falermo
I hate people especially the selfish one.
Napakagat ako ng ibabang labi. Hindi sa nag-aassume ako pero halata namang ako ang tinutukoy niya sa recent tweet niya. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman sa nabasa ko pero makalipas ang ilang segundong pagtitig ko dito, mas pinili ko nalang na hindi pansinin.
Nag-tweet ako.
@itsmejade
It’s really hard to expect something that is impossible to happen. Stupid me.
Pagkatapos noon, wala pang dalawang segundo ay naramdaman ko na ang sunod-sunod na pagv-vibrate ng phone ko dahil sa notifications galing sa aking tweet. Hindi ko nalang pinansin at mas piniling ituon ang atensyon sa labas ng bintana.
Iniisip ko kung ano ang magandang ideya para mawala ang sakit na nararamdaman ko habang nakatitig sa daang binabagtas namin nang maramdaman ko ang mahinang pagkalabit sa akin ni Dennis.
Marahan akong lumingon sa kanya.
“Why?” walang gana kong tanong.
Tumitig siya akin na parang awang-awa siya sa kalagayan ko bago pairap na nag-iwas ng tingin makalipas ang ilang sandali. Ano bang problema nito? Kitang nagmumukmok ‘yung tao tapos ‘yung mga tingin pa niya parang ipinapamukha pa sa akin kung gaano ako kabobong babae.
Napabuga siya ng hangin bago muling bumaling sa akin.
“Wanna grab some drinks?”
Natigilan ako at napaisip.
Mukhang iyon nga lang sa ngayon ang tanging makakatulong sa mga taong katulad kong sawi sa pag-ibig.
***
NAKAKABINGING tugtog ang bumungad sa amin pagpasok palang namin sa bar kaya hindi ko mapigilang mapatakip ng tenga at mapangiwi. Ito ang unang beses na nakapasok ako sa ganitong klaseng lugar kaya naninibago ako sa mga taong nakakasalamuha namin.
Napapailing na tinawanan naman ako ni Dennis bago hinila papuntang counter. Naupo kami sa stool at siya ang hinayaan kong umorder ng maiinom habang ang paningin ko ay umiikot sa buong paligid. Gusto kong mapangiwi sa klase ng kasuotan ng bawat babaeng makikita ko sa loob ng bar.
Langya. Mukhang outfit pa mismo ang mahihiya sa sobrang iikli ng suot nila e.
“Here.” Napalingon ako sa kanya nang iabot niya sa’kin ang isang baso ng alak.
“Hindi gaanong kalakasan ‘yan pero magiging tipsy ka kaya hinay-hinay. Baka mapatay ako ng nanay mo kapag inuwi kitang dalawa ang paningin.” Natawa ako ng mahina sa sinabi niya bago tumingin sa hawak na shot glass.
Inamoy ko pa ito bago nilagok ng diretso.
Ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa lalamunan ko pagkatapos ng isang shot. Nakangiti niya akong pinanood bago nilagok ang kanya at nagsalin muli ng panibago sa mga baso namin.
Pagkatapos noon, hindi ko na mabilang kung ilang beses ng gumuguhit sa lalamunan ko ang sakit dahil sa sunod-sunod na paglagok ko ng alak. Pero hindi ko na ‘yun pinagtuunan pa ng pansin dahil kumpara sa sakit ng isang pusong sawi, walang-wala ito.
Sa huling paglapag ng mga baso namin, doon siya tumigil at nilingon ako.
“Tumingin ka sa paligid mo.” Hinawakan pa niya ang chin ko at sapilitang ibinaling sa gawi ng dancefloor kung saan makikita ang mga taong hayok na hayok sa pagsayaw habang sinasabayan ang nakakabinging tugtog.
Binitawan niya ang chin ko at muling lumagok sa basong hawak. “Hindi ba mas mabuting maging tulad nila kesa magmukmok?” aniya nang hindi lumilingon sa’kin.
“Kung uubusin mo ang luha mo sa isang lalake, ikaw lang din ang kawawa.” She shifted her glace at me while holding the glass on her hand. “Alam mo kung bakit?”
Mabagal akong tumango. “Alam ko na lahat ‘yan. Matagal ko nang naranasan sa pamilya..” natatawa kong sagot. Pero mas malaki ang naging pinsala mula nang tumibok ang lecheng puso ko.
“Hindi ko lang talaga mapigilan..” nasambit ko habang ang tingin ay nakatuon sa hawak na baso.
“Bakit?” she asked.
Mapait akong ngumisi at nagkibit-balikat. “Karma? I don’t know. Hindi naman ako ganito dati. Sa pagkakaalam ko likas kong kinamumuhian ang mga lalake noon.” Natawa ako nang bumalik sa isipan ko ang mga pinagsasabi ko noon. Ngayon ko masasabing nabudol nga ako ng lalake.
Sakit men.
Nagsalin siya ulit ng alak sa mga baso namin at sabay kaming tumungga. Unti-unti na akong nakakaramdam ng pagkahilo pero pinilit kong gawing normal ang kilos ko para hindi siya makahalata.
“Bakit hindi mo nalang ibalik ang dating Ria na sinasabi mo?” Hinagod niya ako sa buhok. “Bata ka pa, marami ka pang makilala. Hindi lang naman sa isang lalake umiikot ang mundo mo.”
Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sinabi niya at kung bakit ako napatawa. Inalis ko ang kamay niya sa buhok ko. “Hindi ganun kadali ‘yon. Lalo na kapag alam mong saksi ang isang tao sa mga pinagdaanan mo sa buhay..”
Bigla tuloy bumalik sa alaala ko ang mga panahong iyon. Kung paano niya ako niyakap sa gilid ng kalsada habang walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Kung paano siya nakinig sa mga hinaing ko sa buhay. Kung paano niya ako tinanggap kahit alam niya sa sariling imposibleng mapalambot niya ang isang pusong bato.
Lahat ‘yun ay mananatili nalang sa alaalala ko..
Bigla akong napahikbi ng sunod-sunod sa isiping iyon. Kasunod noon ay ang sunod-sunod na pagkawala ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
“H-huy. Ano ‘yan? Ba’t ang bilis?” Batid kong nataranta siya.
Hindi ko na mapigilan ang mapahagulgol.
Hindi ko na alintana ang mga taong maaaring makakita sa’kin dahil may sarili kaming mundo dito sa isang gilid. Mabuti nalang at malakas ang tugtog sa paligid kaya natatabunan nito ang malakas kong pagngawa. Ang kaharap ko namang si Dennis ay hindi malaman ang gagawin kung paano ako pakakalmahin.
“Bakit kasi ang tanga-tanga ko?!” Napahikbi ako.
“Tingnan mo! Mukhang nagsasaya pa sila habang ako nasa isang gilid at nagmumukmok!” turo ko sa dancefloor habang walang tigil sa paghagulgol. “Pare-pareho silang walang pakielam sa nararamdaman ko! Uwaaa!”
Napatakip ako ng mukha kasabay ng pahagod niya sa buhok ko. Halatang nag-aalangan pa siya habang ang mga mata ay umiikot sa paligid, takot na may makakita sa amin.
“MIKAEEEL! Huhuhu.” Mas lumakas ang hagulgol ko habang isinisigaw ang pangalan niya.
“Aish.”
“Ikaw pa riiin. Ang hanap ng pusong ligaaaw!” Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nilamon na yata ng kalasingan ang utak ko kaya nagawa ko pang kumanta habang nakahawak sa bandang dibdib at patuloy sa paghikbi.
“Ngayon ako nagsising dinala kita dito. Nakakaloka ka!”
Umangat ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong sumapi sa’kin at tinampal ko ng malakas ng kamay niyang humahagod sa buhok ko na halatang ikinagulat niya. Tumayo ako at masama siyang tiningnan.
“Isa ka pa!” I pointed her. Pinanlakihan ko siya ng mata. “Wala kang konsiderasyon! Magsama-sama kayo! MAPANAKIT!” bulyaw ko bago siya nilampasan ng lakad. Hindi ko sigurado kung tinawag pa niya ang pangalan ko habang naglalakad ako paalis dahil sa lakas ng tugtog sa paligid.
Umiikot man ang paningin, pinilit kong makarating sa banyo. Nung una ay nahirapan pa ako sa paghahanap dahil medyo may kadiliman ang dinadaanan ko pero kalaunan ay natanaw ko rin ang hinahanap ko.
Pagpasok ko ng banyo, may ilang babae sa loob ang nagkalat sa paligid. Mayroong nasa harap ng salamin habang ‘yung iba ay may inaayos na kung ano sa kasingit-singitan.
Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok sa isang cubicle para gawin ang dapat kong gawin.
“Hindi ako lasing..” bulong ko sa sarili at mahinang natawa.
Matapos mag-flash, saktong tumahimik ang paligid kaya inaasahan kong wala nang tao sa loob ng banyo. Lumabas ako ng cubicle at tiningnan ang sarili sa harap ng salamin. Namumula na ang mga pisngi ko at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako lasing.
Binuksan ko ang gripo at nag-ipon ng tubig sa aking mga palad bago ipinanghilamos sa mukha. Dalawang beses ko iyong ginawa bago muling humarap sa salamin. Doon ko lang napansin na hindi lang mukha ko ang namumula kundi pati ang mga mata ko. Siguro ay dahil sa kakaiyak ko.
I sighed.
“Hindi na kita kilala..” I uttered to myself.
Bahagya akong napatalon sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at pumasok ang isang babae. Saglit kaming nagkatinginan, tipid siyang ngumiti sa akin at tumabi sa akin sa harap ng salamin. Hindi gaya ng mga babaeng nakita ko kanina, mukhang mas disente naman ng bahagya ang suot niya kumpara sa kanila.
Naglabas siya ng lipstick at nagretouch sa harap ng salamin.
Ako naman ay kumuha ng tissue at sinimulang punasan ang mukha ko.
Napasinghot ako.
“Heartbroken?” Bigla akong napatingin sa kanya nang magsalita siya.
“H-huh?” I asked cluelessly. Alam kong ako ang kausap niya dahil sa akin nakatuon ang tingin niya sa repleksyon ng salamin.
Humarap siya sa akin. Maarte akong hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa at saka napangiwi. “You remind me of someone. Ganyan din ang naging dulot sa kanya ng pagpapakatanga,” naiiling niyang sabi.
“S-sino?” nagtataka kong tanong.
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin. “Ako.”
Natigilan ako.
Muli siyang humarap sa salamin at inayos ang nakalugay at kulot niyang buhok. “Kasal na ba?”
“Huh?” wala sa ulirat kong tanong.
“Is he married?” she repeated.
Nag-aalangan akong umiling, nagtataka pa rin kung bakit niya ako kinakausap.
She smirked. “Then, anong ipinagmumukmok mo?”
Napataas ako ng kilay. “Huh?” Hindi ko alam kung ilang beses ko nang binanggit ang salitang iyon.
Napabuga siya ng hangin at nilingon ako. She raised a brow. “Hihintayin mo pa bang matali siya sa iba bago ka matauhan?”
Napanguso ako. “Matagal na akong natauhan. Mahirap naman kung ipagsisiksikan mo pa ang sarili mo sa taong hindi ka naman mahal..” Pinigilan ko ang muling pamumuo ng luha ko. Nakakahiya kung pati sa harap ng hindi ko kilalang tao ay makikita kung gaano ako ka-miserable.
Napairap siya sa hangin. “Kung mahal mo, ipaglalaban mo. Kung ayaw sa’yo, e ‘di pilitin mo. Ganun lang ‘yan kadali!”
My eyebrows furrowed. “Paano ka naman nakasiguro?” nagtataka kong tanong.
Nangingiting kinagat niya ang ibabang labi bago itinaas ang isang kamay. Nung una ay hindi ko pa maintindihan ang ibig sabihin ng ginawa niya pero nang mapatingin ako sa singsing na nakasuot sa kanyang daliri..
“Been there, done that,” she smirked.
“Kaya kung ako sa’yo. Imbes na sayangin ang luha sa walang kwentang bagay, gumalaw ka na dahil maaaring mamaya o bukas, hindi lang ikaw ang naghahabol sa kanya.” Iyon ang huling katagang sinabi niya bago naglakad palabas nang hindi nag-abala pang magpaalam.
I was left dumbfounded after she left.
Paulit-ulit na rumehistro sa isip ko ang mga sinabi niya.
Pagkatapos ng naging ganap sa banyo, bumalik ako sa kinaroroonan kanina ni Dennis at inaya na siyang umuwi. Paulit-ulit niya akong tinanong kung ayos lang ba ako at iisa lang ang lagi kong sagot. Hanggang sa makauwi ako ng bahay gumugulo pa rin sa isip ko ang mga salitang iniwan sa akin nung babae.
Hanggang sa pagtulog nga ay nakatingin lang ako sa kisame ng aking kwarto at hindi mapigilang mapatanong sa sarili.
“Should I do it?” I murmured.