Chapter 15: Grateful

2281 Words
A/N: Don't expect na may next update ako agad. Enjoy reading! Sorry for the wrong grammar. Ria Jade   Who would’ve thought that in just a snap, everything can be this messed up. All because of me, because of this stupid fvcking feelings. What will happen now? I don’t know anymore. I just fvcking messed up everything. Idinamay ko pa ang nananahimik nilang buhay.   Ngayon, siguradong nagsisimula nang matakot ang pinsan ko dahil marami na ang nakakaalam tungkol kay Rich Anne. Maybe sooner or later, ang maabutan ko nalang ay ang nagmamakaawang si Rianne na ‘wag kunin sa kanya ang anak niya. I don’t know everything about her past. Pero hindi naman niya siguro itatago ang anak niya nang walang sapat na dahilan, ‘di ba?   At dahil lang sa  lecheng katangahan ko, mawawala ang pinaka-importanteng tao sa buhay niya.   Ang balak kong pagdiretso kanina sa bahay nila ay hindi na natuloy. Hindi ko rin alam. Siguro ay dahil natatakot din akong magpakita sa kanya. Ano pang mukha ang maihaharap ko matapos ang nagawa ko? Kung sana hindi ko ipinagsawalang bahala lang ang lintek na issue ‘yon at mas piniling ‘wag magtago sa isang sulok, wala siguro kami sa ganitong siwasyon.   “Jade! Anong masasabi mo sa issue?”   “Totoo bang nagbalikan na kayo ni Mikael? Anong ibig sabihin ng tweeter post niya?”   “Totoo bang kaya umalis sa modelling si Rianne ay dahil nabutis siya?”   Bigla akong napatigil sa paglabas ng gate dahil sa narinig.   “Sino ang ama ng dinadala niya? Si Mikael Falermo nga ba?”   Sinikap kong gawing blangko ang tingin ko at tsaka tinapunan ng tingin ang isang reporter na nagtanong. Wala pa ring tigil sa pagkuha ng litrato ang iba habang pinapalibutan ako at tanging guards lang ang pumipigil sa kanila.   “If I were you, I would try my best to act professionally because it is my job to do so. Kung mahal mo pa ang trabaho mo, make sure you do it properly,” madiin kong sabi na bahagyang nagpatahimik sa kanila.   Hindi na rin ako bumalik sa school after n’on. Nanatili lang ako sa loob ng kwarto maghapon, mas piniling magtago na naman. I’m so sick of this. Kahit gustuhin kong lumabas ay wala rin naman akong magagawa. Everything was out of control now.   Hanggang sa sumapit ang gabi ay paulit-ulit lang ang ginagawa ko. Umupo sa isang gilid, tumulala, mag-alala sa kalagayan nila, sisihin ang sarili ko at umiyak. Ngayon ay kasalukuyan na akong nakaupo sa ibabaw ng kama ko habang nakadukdok sa ibabaw ng mga tuhod ko nang maramdaman ko na naman ang pagkalam ng tiyan ko. Alam kong sinadya ni Mom na ‘wag akong padalhan ng pagkain para mapilitan akong lumabas ng kwarto pero nagmatigas ako.   Napangiwi ako at napahawak na naman sa tiyan ko nang maramdaman ko na naman ang pagkalam nito. Bwisit. Mataas ang pride ko pero nag-aalala din naman ako sa kalusugan ko. Kaya kahit labag sa loob ko ay lumabas ako ng kwarto at naisipang pumuslit sa kusina. Balak ko lang naman kumuha ng kahit na anong pantawid gutom pero habang pababa ako ng hagdan ay bigla akong napatigil nang marinig ko ang dalawang pamilyar na boses.   “Kanina pa nga nagmumukmok sa kwarto ang batang ‘yon! Ayaw kumain. Jusko. Mas nai-stress pa ‘ko sa kanya kesa sa tambak na gawain ko.”   “Aakyatin ko nalang Tita.”   Bahagyang nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Rianne. Anong ginagawa niya dito?   “Mabuti pa nga. Para gumaan naman kahit papano ang pakiramdam n’on. Siguradong sarili na naman niya ang sinisisi niya.”   Bigla kong narinig ang papalapit nilang yabag kaya naman nagmadali agad akong umakyat at bumalik ulit sa kwarto ko. Mabilis kong ini-lock ang pinto pagpasok ko at hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang boses ni Rianne mula sa labas.   “Ria?” Kumatok siya ng tatlong beses pero hindi ako sumagot at humigpit lang ang hawak ko sa doorknob. Naiinis ako pero hindi ko rin maiwasang maging emosyonal. Bakit kasi kailangan pa niya akong puntahan? Magalit siya! Magalit siya dahil ‘yon ang dapat! Mas matatanggap ko pang sisihin niya ako kesa sa ganitong pakikitungo niya. Hindi niya alam kung gaano niya ako pinapahirapan sa ginagawa niya!   “Ria. Open the door, alam kong nandyan ka. Talk to me, please?”   Hindi ko mapigilang mapakagat sa ibabang labi ko nang magsimula na namang magtubig ang mga mata ko. Gusto ko siyang bulyawan at ipagtabuyan paalis pero hindi ko magawa dahil wala naman siyang kasalanan. Sobrang nagu-guilty lang talaga ako. I don’t fvcking deserve this kind of treatment from her.   Kumatok siya ulit. “Bibilang ako ng tatlo. Kapag hindi mo ‘to binuksan talagang magagalit na ‘ko. Isa.” Nawawalan na siya ng pasensya pero mas pinili kong hindi sumagot. Right, mas mabuti ‘to. Mas mabuting magalit siya. That way, mas madali kong matatanggap ang kamalian ko. She has the right to hate me.   “Dalawa!” asik niya. Buti I know deep inside me, may nagtutulak pa rin sa’kin na buksan ang pinto at salubungin siya ng mahigpit na yakap at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya. I don’t know. Gulong-g**o na ‘ko..   “Ria, ano ba!” Malakas niyang kinalabog ang pinto kaya hindi na ako nakatiis.   “Just leave! I don’t need your fvcking sympathy!” pagalit kong sigaw.   “You think I’m doing this just because naaawa ako sa’yo? Baka nakakalimutan mong may kasalanan ka sa’kin? Ano, sa tingin mo may magagawa ba ‘yang pagmumukmok mo? Kapag hindi mo pa ‘to binuksan this instant, hindi na talaga kita mapapatawad!” buong lakas niyang sigaw at hindi ko naman maiwasang kabahan sa huli niyang sinabi.   Alam kong seryoso siya sa sinabi niya kaya naman kahit nag-aalangan ay wala akong nagawa. Makalipas ang ilang segundong katahimikan ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nang makita niyang umawang na ito ay hindi na siya nag-aksaya pa ng pagkakataon at mabilis niyang itinulak ang pinto para makapasok siya. Natakot sigurong baka isara ko ulit.   Dire-diretso siyang naglakad papasok at umupo agad sa sahig habang nakasandal sa dulo ng kama habang ako ay hindi umalis sa kinatatayuan. Nang mapansin niyang hindi man lang ako gumalaw ay nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.   “Ano? D’yan ka nalang ba?” pagtataray niya. Huminga ako ng malaim at walang nagawa kundi umupo sa tapat niya. Doon ko lang napansin ang mga plastik niyang dala, halatang mga pagkain. Inilabas niya lahat ng laman n’on at nagtaka ako ng makitang may kasama pa itong beer.   “Anong—“   “Shut up.” Magtatanong palang sana ako pero pinutol na niya agad ako. Hindi nalang ako nakipagtalo pa at pinanood nalang siyang ilapag sa harap namin ang mga dala niyang pagkain at beer. Hindi ko mapigilang mapalunok habang nakatingin sa mga pagkain. Ngayon ko lang napagtanto kung ako kagutom. Dapat siguro magpalagay na rin ako kahit mini fridge sa kwarto ko para in case na nagmukmok na naman ako ay hindi na ako mamomroblema kapag inabot ako ng gutom. Panira lagi ng moment ang gutom e.   Siya na rin ang nagbukas sa takip ng mga pagkain. Iba’t ibang putahe pa ito ay may kasama pang kanin. Mukhang pinaghandaan talaga.   “Eat,” maiksing utos niya. Wala talaga akong gana pero ayoko namang magalit siya kaya pinilit ko nalang ang sarili kong kumain. Nakakabinging katahimikan ang namagitan samin habang kumakain ako. Pinanonood pa niya ako kaya hindi ko maiwasang ma-conscious. Mabagal ang pagsubo ko at nang nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ay inabutan naman niya ako ng beer.   Walang imik ko itong tinanggap at nilagok na parang tubig. Nagbukas din siya ng kanya at uminom habang malayo ang tingin. Gusto kong magtanong kung bakit siya nandito. After what I have done, why does she still care about me? But I still choose not to, not because I don’t want to, gusto ko lang na siya ang kusang magsabi.   Ilang minutong katahimikan pa ang lumipas bago ako napahinga ng malalim at nagpasyang basagin ang katahimikan pero naunahan niya ako.   “Thank you..” wala sa sarili niyang sabi.   Napakunot naman ako ng noo at nilingon siya. “Huh?” Teka. Tenga ko ba ‘yung may problema o mali lang ‘yung pagkakasabi niya? Why the heck is she thankful?   Tumingin siya sa’kin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti, as if she was grateful or something. “Hindi ako galit. After what happened, instead of getting mad, I finally felt relieved,” aniya at huminga ng malalim pero naguguluhan pa rin ako. “Let’s just say that karma is really a b***h. Pakiramdam ko napagbayaran ko na rin sa wakas ‘yung kasalanan ko sa inyo ni Mikael kaya hindi ko nagawa pang magtanim ng galit.”   She smiled genuinely. “At last, nawala na rin ‘yung tinik sa dibdib ko kaya makakahinga na ako ulit ng maluwag.”   Napatulala ako sa sinabi niya. I wasn’t really expecting this kaya hindi ako makahanap ng tamang isasagot sa kanya.   “B-but how about.. Rich Anne?” halos pabulong kong nasabi.   Napangisi siya ng mapait at tumungga sa beer. “Hindi ko naman siya pwedeng itago nalang habang buhay. Sooner or later, lalaki na siya at magkaka-isip na.” Napayuko siya at saglit na nanahimik. “Lately, napapaisip na rin ako. Na-realize ko na masyado akong naging selfish.”   “What do you mean?”   She let out a deep sigh at hindi nakaligtas sa’kin ang panunubig ng mga mata niya. “Nalaman kong ilang gabi na niyang nananaginipan at hinahanap ang Daddy niya.” Tuluyan na siyang napahikbi kaya mabilis ko siyang inalo. “Noon, alam kong kaya namin na wala siya sa buhay namin. Pero hindi ko naisip kung kaya ba ng anak ko na lumaking walang kinikilalang ama. Kinain na ako ng galit ko, Ria. Hindi ko naisip ang mararamdaman ng anak ko.”   “Shh..” Napapikit ako habang patuloy sa pag-alo sa kanya at hinahagod ang buhok niya.   “She never asked about him..” she sobs. “But then I remembered one time, the first time she asked where her father is, I got mad. Kaya mula noon hindi na niya ulit hinanap sa’kin ang Daddy niya. Pero.. pero nung nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya nangungulila, sobrang sakit.”   “And it was all my fault!” she cried more at kahit ako ay hindi rin maiwasang maluha sa mga sinabi niya. Kilala ko si Rich Anne. Masayahin siyang bata at ayaw niyang nakikitang nasasaktan ang mommy niya. Kaya siguro hindi niya magawang maghangad ng ama kahit na gusto at nangungulila siya.   Iyak lang siya ng iyak sa bisig ko hanggang sa kumalma siya ng kusa. Pinahid niya ang mga luha sa mukha niya at ngumiti ng pilit bago tumingin ulit sa’kin. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabila kong kamay kaya bumaba ang tingin ko roon.   “I came here because I want to thank you.” Pinahid niya ang ilang butil ng luha sa pisngi ko at mataman akong tiningnan. “Finally, kaya na ulit kitang tingnan ng diretso sa mga mata na walang halong guilt at pagsisisi sa loob ko. And also, I want to thank you for helping me realize things. Magmula ngayon, haharapin ko na kung anuman ang pagsubok na haharapin namin ng anak ko. I won’t mind sharing her with her father because she has the right to know him.”   “And I hope ikaw rin.” Itinuro niya ang dibdib ko kung saan katapat ng puso. “Alam kong gulong-g**o ka pa rin sa nararamdaman mo. Mahal mo siya. Pero dalawa lang ang kailangan mong pagpilian. Either ipagpapatuloy mo kahit walang kasiguraduhan, or you choose to let him go and move forward. Start a new life and be happy.. again.”   “Whatever choice it is, I am always here to support you.” Hinagod niya ang likod ko at ngumiti sa’kin kaya hindi ko mapigilang mapayakap sa kanya. I just badly need it right now. Kasabay din noon ang sunod-sunod na pagdaloy ng luha ko habang nagpapaulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya.   Start a new life and be happy again. Even if it means losing him, everything about him including the memories we shared, forever.   The next day. I woke up and I felt my head throbbing as soon as I got up from the bed. Hinilot-hilot ko ang sintido ko at unti-unti kong naalala ang mga nangyari kagabi. Rianne was here. We talked and eventually got drunk in the end.   Wala na siya noong magising ako kaya dumiretso na ako sa banyo para maligo dahil amoy na amoy ko ang beer sa katawan ko. While under the shower, muling bumalik sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Rianne kagabi. Ano nga bang dapat kong piliin? Ang makakapagpasaya sa’kin o ang makakabuti para sa iba?   Parang kahit ano namang piliin ko, sa huli, ako pa rin ang talo.   So why not choose both?   ***   NANG makalabas ako ng banyo ay nakatuwalya lang ako habang may isa pa sa ulo ko. Dumiretso ako sa closet at naghanap ng simpleng pares ng damit pagkatapos ay umupo ako sa vanity mirror para mag-ayos ng sarili. Magsusuklay sana ako ng buhok pero hindi ko makita ang brush kaya umikot ang tingin ko upang hanapin ito hanggang sa namataan ko ito sa study table. Naalala kong doon ko nga pala ibinaba bago ako pumasok ng banyo.   Tumayo ako at inabot ito pero natigilan ako nang may mahagip ang mga mata ko. Lumipat ang tingin ko sa gilid ng study table at inabot ang isang pamilyar na picture frame. Doon sabay-sabay na tumulo ang mga luha ko nang makita ang una at nag-iisa naming picture noong highschool. Nakasandal kami sa hood ng kotse niya habang nakangiti ako sa camera pero ang tingin niya ay sa akin nakatutok. Napangiti ako habang walang habas sa pagtulo ang aking luha.   I really miss him.   Itinaob ko ito at muling bumalik sa harap ng vanity mirror upang ayusin ang sarili ko. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas ako ng kwarto at dire-diretsong naglakad pababa ng hagdan pero hindi ko inaasahan ang bubungad sa’kin. I wasn’t expecting Dennis would be here.   “Mabuti naman at lumabas ka na.” She glared at me.   Gumanti naman ako ng ngiti. “Great timing, you’re here. Arrange an exclusive interview for me today.”   Bakas ang gulat sa mukha niya sa narinig. “What for?”   Mas lumaki ang ngiti ko. “Duh. Saan pa? It’s time to fvcking fix this mess.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD