Ria Jade
“TALAGANG may gana pa siyang pumasok.”
“Iba din ang kakapalan ng mukha.”
“Gosh. Look at her. Parang wala lang sa kanya ang ginawa niya. Palibhasa, sanay masabihang malandi.”
Yeah. Say whatever the fvck you want. Pasasalamatan ko pa kayong pinaglalaanan niyo ng oras ang pagkatao ko kesa sa pag-aaral niyo. Mabuti nalang at sa anim na taon kong pag-aaral dito ay immune na ako sa panlalait ng mga estudyante dito. Nakakawalang gana, paulit-ulit lang naman ang mga sinasabi nila. Akala mo kung sinong mga santo. Tss.
Bakit hindi nalang nila ipagdasal ang kaluluwa ko para naman kahit papano may pakinabang ang mga bunganga nila?
Actually, pinagbawalan talaga muna ako ni Mom na pumasok hanggang hindi nawawala ang issue. Like duh. As if namang papayag ako. Bukod sa kailangan kong humabol sa lessons, gusto kong makita ang reaksyon ng mga estudyante sa oras na makita ako at kung paano sila maasar na hindi ako apektado sa mga ipinuputak nila.
Ang saya kaya. Para silang mga manok.
Hanggang sa makarating ako sa tapat ng aming classroom ay hindi nawala ang masasamang tinging nakasunod sa akin. Bago pumasok ng classroom ay lumingon ako sa gawi nila. Hindi natinag ang masamang tingin na ipinupukol nila sa akin kaya binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti bago pinihit ang doorknob ng pinto at pumasok sa loob. Nakita ko pa kung paano sila napairap sa ginawa ko.
Pero mabilis na nawala ang ngiting ‘yon nang saktong pagpasok ko ay may tumamang balukos na papel sa mukha ko. I was shocked for a few seconds. Hindi ko nalang sana papansin dahil akala ko ay hindi sinasadya pero nakarinig ako ng mahihinang pagtawa na ikinatigil ko.
Lumingon ako sa pinanggalingan n’on at nahuli ang ilan sa mga kaklase kong nagpipigil ng tawa habang patingin-tingin sa gawi ko. From somewhat reason, bigla akong nakaramdam ng matinding inis. Ang kaninang magandang mood ko ay naglaho na parang bula. I almost forgot. Hindi lang pala sila sa pagputak lang magagaling, mahilig rin silang manira ng araw.
Nagsimula akong maglakad palapit sa kanila. Biglang tumahimik ang buong silid habang sinusundan ako ng tingin ng iba pa. Marahil ay naramdaman din nila ang pagbabago ng mood ko at ang mabibigat kong hakbang sa silid.
Tumigil ako sa tapat ng desk ng isang babae. Malakas ang kutob kong siya ang walang hiyang bumato ng papel sa mukha ko. Bakit? Siya lang ang nag-iisa sa gawi nila na may nakalagay na papel sa desk. Umangat ang tingin niya sa’kin saktong paghinto ko sa tapat niya at agad akong tinaasan ng kilay.
“What?” she asked casually.
Hindi ako sumagot. Matagal ko siyang tinitigan sa mga mata bago bumaba ang tingin ko sa desk niya at sinilip ang papel sa ibabaw nito. Palihim akong napangisi ng makita ang nilalaman n’on. Ramdam ko ang tingin niya nang abutin ko ang marker sa desk niya hanggang sa pagbukas ko sa takip nito.
“b***h. What are you trying to— oh my gosh!” she gasped as I swiftly slide the marker on her paper. Hindi pa ako nakuntento. Pinaikot-ikot ko pa sa buong papel ang marker hanggang sa mapatayo siya bigla sa kinauupuan dahilan ng pagkatumba ng upuan niya.
“What the fvck?!” Her eyes widened as she looked at her own paper, ang kaninang mukhang perfect na project niya ay mukha nang basura ngayon. Tiningnan niya ako ng masama at marahas akong hinila sa braso pero mabilis akong pumiksi.
I can’t help but smirked while looking at her being pissed. Itinaas ko sa ere ang kamay kong may hawak na marker at nang-aasar na tumingin sa kanya. “Opps. I’m sorry. Umiral kasi ‘yung kademonyohan ng kamay ko. Nangangati kasi sa t’wing nakakaramdam ng mga peste e,” I sarcastically said.
Halos manlaki naman ang butas ng ilong niya sa galit dahil sa sinabi ko at mabilis na umangat ang kamay sa ere para sampalin ako.
“Ms. Castro! Ms. Agustin! Anong kaguluhan ang nangyayari dito?!” Nabitin sa ere ang kamay niya nang marinig namin ang malakas na sigaw na ‘yon mula sa pinto ng classroom. Sabay pa kaming napalingon sa teacher na ngayon ay nanggagalaiti habang nakatingin sa amin.
Badtrip. Wrong timing pa.
***
MABILIS na kumalat sa campus ang kaganapan kanina sa room. Mas dumami ang mga matang halos patayin ako sa tingin habang kasalukuyan akong naglalakad patungong canteen, but who cares. Hindi nila ako mabubusog sa simpleng mga tingin nila.
Mabuti na nga lang at hindi na kami dinala ng teacher sa Guidance at kinausap nalang kami dahil wala naman daw nasaktan isa man sa amin. Aside from that girl. Napangisi nalang ako nang maalala ko ang ginawa ko sa oh-so-precious niyang project. Sayang, ang ganda pa man din ng drawing. Nainggit yata ako ng husto kaya it ended up like a piece of trash, like her.
Pagpasok ko sa loob ng canteen ay agad kong inilibot ang tingin ko hanggang sa tuluyang mahagip ng mata ko ang taong hinahanap ko. Agad akong naglakad palapit sa lalakeng kasalukuyang nasa counter at patalon na umakbay sa leeg niya na halos ikagulat niya.
“The heck, Ria!” he hissed and I just chuckled in response.
Hawak na niya ang isang tray nang bumaling siya sa’kin at sinalubong ako ng masamang tingin. “Yan. D’yan ka magaling. Naaalala mo lang ako kapag broken ka,” nakasimangot niyang sabi na naging dahilan ng pagka-wala ng ngiti ko. Bigla niya akong nilampasan ng lakad at umupo sa isang vacant table kaya mabilis ko naman siyang sinundan habang nagpipigil ng ngiti.
Tampururut na naman siya ih!
Umupo kaagad ako sa tapat niya at nakangiting pinagdikit ang mga palad ko. “Sus. Kunwari pa siya oh. Oo na, I missed you too,” nang-aasar kong saad at kinindatan siya na sinagot lamang niya ng sarkasmo at pilit na ngiti.
“Alam mo, pag-aaral na mismo ‘yung nahiya sa lovelife mo. Masyadong nakakasagabal sa pagpapakatanga mo e,” he sarcastically said that made me grinned. Hindi nalang ako sumagot dahil ayoko nang pag-usapan pa ang tungkol doon na sa tingin ko naman ay mabilis niyang naintindihan kaya iniba niya ang usapan.
“I heard what happened earlier,” aniya at saka mabilis na tinapunan ako ng matulis na tingin. “Alam mong kapapasok mo palang tapos ang lakas pa ng loob mong mag-eskandalo?”
“Duh! Kasalanan ko ba?” I defended immediately and rolled my eyes. “Ibinalik ko lang naman sa kanya ‘yung ginawa niya ‘no. Kapal ng mukha. Anong akala niya sa mukha ko trash bin?” Biglang bumalik ang inis ko nang maalala ang nangyari kanina.
“Alam mong may iniingatan kang pangalan.” Napabuga nalang ako ng hangin nang magsimula na siyang pangaralan ako. This was the reason why I hate being what I am today. Nakaka—ugh! Hindi naman porket may pangalan at career akong iniingatan wala na akong kaparatang ipagtanggol ang sarili ko, ‘di ba? Tss.
“Oo na. Oo na. Dami mong kuda. Kumain ka nalang d’yan,” sabi ko sa kanya. Inubos ko ang oras ko sa paghihintay sa kanya na matapos kumain. Hindi na ako nag-abala pang umorder ng pagkain dahil wala naman akong gana at hindi ako gutom. Panay lang ang tawanan namin sa table at walang pakielam sa masasamang tingin na ipinupukol sa amin ng iba.
Pagkatapos kumain ay sabay kaming naglakad pabalik sa aming classroom. Inihatid niya muna ako sa classroom namin bago siya umalis. Pagpasok ko ng silid ay dire-diretso akong naglakad patungo sa upuan ko ngunit agad din akong natigilan nang may mapansin ako. Huminto ako sa gilid ng upuan ko at mariing napatitig sa aking desk.
‘MALANDI AKO, WAG TULARAN’
Napakuyom ako ng kamao kasabay ng pag-usbong ng galit sa loob ko. Marami pang nakasulat sa desk ko at halos mapuno na ito pero mas maliit na ang sulat ng mga iyon kumpara sa unang umagaw ng atensyon ko. Umikot ang tingin ko sa paligid at napansing halos lahat ng kaklase ko ay kanina pa pala nakatingin sa gawi ko pero mabilis silang nagsipag-iwas ng tingin nang lumingon ako.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at saka kinuha ang bag sa upuan ko. Mabilis akong tumalikod para umalis pero nagulat ako nang bumungad sa harapan ko ang tatlong babae. Isa na roon ang nakaaway ko kanina.
Napangisi siya at bumaba ang tingin sa hawak ko.
“You’re leaving na agad? But it’s too early,” she pouted. Naglakad siya palapit sa akin hanggang sa ilang dangkal nalang ang layo ng mukha namin. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko dahil ayokong ipakitang natatakot ako sa kanya.
“Akala mo makakaalis ka ng ganun lang kadali?” bulong niya at bigla akong itinulak sa balikat dahilan upang mapasaldak ako sa upuan ko. Umangat ang tingin ko sa kanya nang yumuko siya at itinukod ang mga kamay sa desk ko pero hindi ako nagpakita ng anumang emosyon.
“Aalis ako kung gugustuhin ko,” walang emosyon kong sagot na sinagot lamang niya ng isang matamis na ngiti na parang nanghahamon.
“Try then.” Napaikot ako ng mata bago tinangkang tumayo pero mabilis rin niya akong hinawakan sa balikat at pwersahang pinaupo. Napatiim bagang nalang ako habang nagpipigil ng inis habang siya naman ay halatang tuwang-tuwa sa reaksyon ko. Sa totoo lang pwedeng-pwede ko naman siyang sipain kung gugustuhin ko para makaalis ako pero hindi ko magawa dahil paniguradong mas lalaki lang ang g**o at magkakaroon na naman ako ng panibagong record.
Punyeta kasing mga estudyante ‘to. Hindi naman itinuturo sa eskwelahan na mangielam sa buhay ng iba pero ang hilig makisawsaw.
“Easy, Ria. May itatanong lang naman ako. There’s nothing to be afraid of,” she smirked.
I scoffed. Diyos ba siya para katakutan ko?
“Spill it,” sagot ko nalang.
Mas lumawak ang ngiti sa labi niya at saka umupo sa desk ko habang magka-krus ang mga braso sa kanyang dibdib. Ang dalawang kasama niya ay nanatili lang sa kinatatayuan nila at kapwa naghihintay rin sa sasabihin ng babaeng ‘to.
“Your cousin—what does her name again? Rianne, right?” Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya at hindi maiwasang magtaka.
“Why do you give a fvck about her?” Rinig ko ang pag-ngisi niya sa sinabi ko at lumingon sa akin saka tinaasan ako ng isang kilay.
“About her child. I want to know who the father is.”
Pakiramdam ko bigla akong nabingi sa sobrang pagkabigla sa salitang lumabas mula sa mga labi niya. Nagsalubong ang mga kilay ko at nagtatanong ang mga matang tumingin kanya. P-paano niya nalaman ang tungkol doon?!
Natawa siya sa naging reaksyon ko. “Looks like her cousin doesn’t have any idea,” naiiling niyang sabi. “Everyone’s curious about it, Ria. And based on that reaction of yours, mukhang tama nga ang hinala ng lahat. Nakakapagtakang bigla nalang siyang nawala na parang bula, ‘di ba? At ang mas nakakagulat pa, naging ex niya si Mikael bago naging kayo! Well, ano pa nga bang aasahan sa pamilyang malalan—“
Bigla akong tumayo sa kinauupuan na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Sobrang daming tanong ang pumapasok sa isip ko tulad ng paano nila nalaman ang tungkol sa bagay na ‘yon? Bakit kailangang madamay ni Rianne? Fvck! I want to curse myself. This is my fvcking entire fault!
Mabilis akong naglakad palabas ng classroom, leaving them dumfounded. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Mabilis ang mga lakad ko pero hindi ko alam kung saan ako patungo. Dinukot ko ang phone ko at sinilip ang comments ng article ng scandal upang malaman kung totoo ang sinasabi ng babaeng ‘yon.
Bakas pa ang panginginig ng kamay ko habang nags-scroll.
‘Di ba pinsan niya si Rianne?’
‘Yeah. I heard bigla nalang siyang nawala after malaman na buntis siya’
‘May anak siya?!’
‘Dunno. Nabasa ko lang dati pero di ko na makita’
‘Ghorl! Siya ‘yung mistery ex-gf dati ni Mikael! Baka kaya itinago kasi nabuntis’
‘Tapos pumasok ‘yung magaling na pinsan kaya naghiwalay. Eww.’
‘Kaya naman pala sukdulan ang kalandian. May pinagmanahan HAHA’
Napatigil ako sa paglalakad at napatakip nalang ng bibig kasabay ng pamumuo ng aking mga luha.
Shit. Bakit kailangan umabot sa ganito?