Chapter 20 Mahal na mahal Paulit-ulit kong tinatawagan ang telepono ni Irwin, ngunit, walang sumasagot. Halos mangatog na ang tuhod ko sa kabang nadarama ko. Sa kada ala-alang pumapasok sa aking isip ay siyang mabilis na pagkahulog ng sugatan kong puso. Nang malaman ko mula sa hayop na si Gary ang ginawa niya sa akin, na si Gretchen ang may kakagawan ng lahat ng ito at nalaman kong naroon pa si Irwin nang maganap ang panghahayop na ginawa sa akin ni Gary, hindi na ako halos makatulog at tanging si Irwin lang ang laman ng isip ko. Tila isa iyong bangungot sa akin na hindi na makakawala sa buong pagkatao ko. How world could be so cruel to us? Why He let this happening to me? Hindi ito tama! Ngayon pa kung kailan na sasagutin ko na si Irwin! No, please. A thought of me and Irwin torning a

